You are on page 1of 3

COLEGIO DE SAN PASCUAL BAYLON

Pag-asa, Obando, Bulacan

Pangalan:Dorothy Jean D.Cruz Petsa: March, 22 2022

Kurso: 1st year BSED-( Major in Filipino)

GAWAIN 1

Panuto: Ihanay ang Balangkas ng wika batay sa napag-aralannapag-aralan

Ponema:

- Tumutukoy ito sa makabuluhang tunog. Ang bawat ponema ay maaaring makapagpabago ng


kahulugan ng isang salita.

Ponolohiya:

- O mas kilala bilang palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema(tunog) at pinag-aaralin diin ang
wastong bigkas ng mga tunog.

Morpema:

- Ang maliit na yunit na bumubuo sa salita na may kahulugan na nagpapahayag kahit ang ilan sa
kanila ay pangkayarian.

Morpolohiya:

- Isang pag-aaral o pagsusuri sa morpema ang isang wika ay pagsasamahin nito upang makabuo
ng mga salita.

Sintaks:

- Ito ay ang pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap at pagsama-sama ng mga parirala at mga
pangungusap.

Semantiks:

- Ito ay ang karaniwang nag-uugnay sa kahulugan ng mga salita na madalas ay hinahanap sa


diksyunaryo.

GAWAIN 2

Panuto: Gamit ang “Graphic Organizer” ipakita o ilarawan ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa.”

• Sinaunang Panahon
- Ang mga magulang ang siyang naging guro sa panahong ito. Tinuruan ng ama ang anak na lalaki
sa mga paraan ng paghahanapbuhay at ang ina naman ang nagturo sa anak na babae ng mga
gawaing pambahay.

• Panahon ng mga Amerikano

- Tinawag na Thomasites ang mga unang gurong nagturo sa mga Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano. Sa panahong ito nagtayo ng mga mataas na paaralan, paaralan para sa sining,
komersiyo, at pagsasaka. Noong 1908, itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas na siyang naging
pambansang pamantasan ng Pilipinas. Ginamit ang wikang English sa mga paaralan at sapilitan
ang pagpasok sa paaralan. Maraming Pilipinong natutong bumasa at sumulat.

•Panahon ng Ingles/ Espanyol

- Itinatag ng mga prayle ang mga unang paaralan sa bansa. Itinuro nila ang Kristiyanismo, wikang
Espanyol, at para sa mga babae.

•Panahon ng Hapon

- Sa ilalim ng mga Hapon, nakasentro ang pag-aaral sa kulturang Pilipino, wikang Nippongo,
kultura ng Japan, at ang kahalagahan ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binigyang-diin
din ang kahalagahan ng paggawa at edukasyong pangbokasyonal.

•Kasalukuyang Panahon

- Ipinatupad ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang isang bagong sistema ng edukasyon, ang
programang K to 12 Basic Education Program. Ang pag-aaral ay binubuo ng isang taong
kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon
sa senior high school. Sa bagong programa, ang mag-aaral ay may sapat na panahong mapag-
aralan ang mga konsepto at kasanayang kakailanganin para sa kolehiyo, paghahanapbuhay, o sa
pagtatayo ng sariling negosyo.

Paalala:
Tiyakin na may buong pangalan ang bawat gawain

Lagyan ng bilang ng gawain tulad ng GAWAIN 1

Ang pasahan ng gawain o pag upload sa google drive na inilaan ng tagapagturo ay sa Marso 22, 2022,
araw ng Martes.

You might also like