You are on page 1of 3

ODA SA WALA

NILALAMAN NG PAGSUSURI

I. PANIMULA

Ang pelikulang ito ay sinulat at direktor nito ay si Dwein Ruedas Baltazar, Nagsimula
ang "Oda sa Wala" sa isang musika na tune ng Chinese na tumutugtog sa isang imahe ng nag-iisang
puting bumbilya, na pinag iikutan ng mga maliliit na mga langaw. Tulad ng naunang pelikula ng
writer-director na si Dwein Baltazar, Gusto Kita with All My Hypothalamus, itong pambungad na
kumbinasyon ng imahe at musika ay isang iconic na pagpapahayag ng mga tema ng pelikula. (Ang
pambungad na kuha ni Oda ay nasa salamin sa huling eksena, ngunit ang bumbilya ay pinalitan ng
buwan, ang mga langaw ay may mas nakakabagabag. Ang kantang Chinese na "Mò Lì Huā", ibig
sabihin ay bulaklak ng jasmine, at tulad ng paksa ng kantang iyon ang pelikulang ito ay puno ng
kaputian, isang oda sa wala na ibinigay sa kulay ng kadalisayan at kawalan ng laman, isang ganap na
liwanag na kasing kulay ng kamatayan gaya ng itim.
Lokasyon ng pelikula : Lumang bahay na may kasamang lumang funeraria.
Direktor: Dwein Baltazar
Tagasulat ng iskrip: Dwein Baltazar
Inedit: Dwein Baltazar
Producer by: Bianca Balbuena-Liew, Kriz Gazmen, Iana Bernardez at si Marizel Samson.
Executive Producers: Eduardo Lejano Jr. at Manet Dayrit.

MGA PANGUNAHING TAUHAN (BIDA)


Marietta Subong (Pokwang) - bilang si "Sonya"
Joonee Gambao - bilang tatay ni Sonya
Angelita Loresco - Bangkay na matandang babae
Dido Dela paz - bilang si Theodore
Anthony Falcon - bilang si "elmer"
Iana Bernardez - bilang asawa ni elmer

II. BUOD

Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang babae na nangangalang Sonya, isang matandang
dalagang nagtatago sa isang maliit na bayan. Walang nakakakilala sa kanya kundi ang mga bangkay
na dinadala sa kanyang punerarya. Isang umaga, nagbago ang takbo ng kanyang buhay nang dalhin sa
kanya ang isang misteryosong bangkay na naging susi sa panibagong kabanata hindi lamang ng
kanyang buhay, kundi maging ang buhay ng kanyang ama. Ngunit hindi habambuhay ang swerteng
kanyang natamo, dahilan upang magbalik siya sa dati niyang buhay. Hinarap niya ang katotohanang
ang bangkay na kanyang naging kaibigan at ang kanyang sarili ay walang pinagkaiba.

You might also like