You are on page 1of 2

Escobar, Dinah Ruth G.

BSBAMM-2A

Sir John Leihmar Toledo

"Ang Burges sa Kanyang Almusal" ni Rolando Tinio

Hindi lingid sa ating isipan at kaalaman na ang ibang taong nakaaangat sa buhay ay
nababalewala na ang kanilang kapwa lalo na ang mga kapos-palad. Hindi ko nilalahat,
pero bakit may iilan parin na nakararanas nito?

Base sa aking pagkakaintindi, ang mga kaganapan na inilahad sa tula ay tungkol sa


mga taong may kaya, o nakaaangat sa buhay, at kung paano nila tratuhin ang mas
nakabababa sa kanila. Ang nag sasalita sa tulang ito ay ang pangatlong panauhan na
pananaw, at nais niyang ipakita at ipaintindi ito sa mga mambabasa. Ang ating role
bilang takapakinig sa nabasang tula ay, maging bukas ang pang-unawa at mata sa
tunay na nangyayari sa reyalidad ng buhay. Ang Burges na nasa kanyang almusal ay
nagpapakita na siya bilang isang burges ay may pribilehiyong gawin ang mga bagay na
nais niyang gawin, salungat sa mga kapos palad na dahil sa kawalan ng kapangyarihan
ay mas naaabuso pa.

Maganda ang nais ipahayag ng tulang ito, kaya’t masasabi kong ang tulang ito ay isang
napakahusay na likha galing sa isip ng isang makatang si Rolando Tinio. Bagama't ako’y
nalilito sa mga salitang ginamit, pumasok naman sa aking puso’t-isipan ang nais
ipahayag ng tula.
Escobar, Dinah Ruth G.

BSBAMM-2A

Sir John Leihmar Toledo

"Un Potok"

Maraming paraan para ipahayag ang iyong damdamin, maaaring sa tula, pag likha ng
isang larawan, awit, etc. Ang Ung Potok ay isang tula na isinalin din bilang isang awitin.
Ngunit, ano nga ba ang nais iparating ng awiting ito? May malaking epekto ba ito sa
paligid natin?

Napaka ganda ng awiting ito, mula sa tunog ng awitin, lyriko, at maging sa mga
instrumento. Labis akong na mangha sa Gitara (Lead Guitar) dahil sa napahusay ng
pagkakalaro rito. Nakamamangha rin ang mga iba’t-ibang uri ng tambol na ginamit sa
awiting ito. Napaka maaliwalas ng dating ngkanta, napakahusay din ng umawit. Ngunit
sa napaka gandang awiting ito, makikita mo ang dismaya at kalungkutan sa awit, tagos
sa puso ang mga liriko ng kanta talagang inilabas ang saloobin at kanilang dismaya. At
talagang may kinalaman ang Cultural Genocide dito dahil nais lamang protektahan ng
mga tao sa kanilang tribo ang kanilang bayan, ngunit ito’y nabulabog dahil sa
modersasyon.

Ang kantang ito ang nagpapatunay ng tunay na kahalagahan ng lupa para sa mga tribo,
nakita natin ang kanilang pakikipgbaka para sa kapayapaan at yaman ng kanilang tribo.
Para sa akin, napaka halaga nito sa kanila dahil ito ang kanilang yaman. Napaka husay
ng mga ganitong uri ng awitin, bukod sa napaka sarap sa tenga, may bagong kultura at
dayalogo ka pang matututuhan.

You might also like