You are on page 1of 36

Kabanata 11

PANITIKANG
KONTEMPORARYO
Napalitan ang lider ng bansa matapos patalsikin si
Pangulong Marcos sa pamamagitan ng People
power pagkaraang Tarmac ang pangunahing
kaaway ni Marcos, si Senador Benigno “Ninoy”
Aquino noong Agosto 21, 1983. Nailuklok na
pangulo ng bansa si Corazon Conjuangco
Aquino. Pagkaraan ng ilang taon ay nagbago na
naman ng administrasyon sa pamumuno ng mga
nahalal na pangulo ng bansa - Pangulong Fidel
V. Ramos. Pangulong Joseph Ejercito Estrada at
Pangulong Gloria Macapagal- Arroy.
Pagkaraan ng maraming taon ng panunupil sa
pamamahayag ay nagbagong- bihis ang panitikang
Filipino. Sumiglang muli ang panitik ng mga
makata, mananaysay, manunulat, nobelista at
mandudula. Sumigla ang teatro at pelikulang
Filipino. Dumami ang mga palabas sa telebisyon
at dumagsa ang mga magasin at pahayagang
Filipino, kabilang ang mga tabloid.
• Napasimulan ang mga independent film at pink
films.
• Naragdagan ang mga patimpalak sa pagsulat na
nilikha ng iba’t-ibang institusyon pribado’t
publiko.
Nanguguna pa rin ang Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature sa pagbibigay ng di-
matatawarang natatanging gantimpala sa mga
sumusulat sa Filipino. Sumilang ang maraming
kabataang makata at manunulat bunga ng
maraming palihan sa iba’t-ibang paaralan,
kolehiyo at pamantasan.
Maging ang internet ay naging midyum ng
pagpapahayag ng panitik ng maraming
kabataan. Nauso ang pagpo-post ng blogs sa
internet na kinapapalooban ng journal o
reaksyon hinggil sa kung ano-anong paksa.
Ilan sa mga akdang naglalarawan ng
kontemporaryong panahon at sumasalamin.

 Kaisipan
 Damdamin
 Mithiin
 Sentimyento
 Bungang isip
Taguan
ni Rolando A. Bernales

Ang kwentong Taguan ay tungkol sa karanasan ng dalawang


magkapatid na
sina Openg at Kristal. Sa simula ng kwento, naglalaro ng taguan ang
dalawang magkapatid na sina Openg at Kristal. Sa mga panaginip ni
Openg
inilahad ang mga karanasan nilang magkapatid sa buhay. Sa unang
bahagi
ng kwento ipinahayag ang karanasan ni Openg sa kanyang ama, ina
at
kapatid habang sa banding katapusan ng kwento naman inilahad ang
kwento
ng karanasan ni Kristal. Sa katapusan ng kwento muli naglaro ng
taguan ang magkapatid.
Huling Hiling, Hinaing at
Halinghing
ni Pat Villafuerte
 Huling Hiling: Iskuwala
• Umikot ang unang kabanata ng storya sa pagkamatay ng
ama ni Hermano Huseng. Buhat ng mamatay ang
kanilang ama ay pinaghati-hatian nila ang mga gamit ni
to sa paga-anluwage. Ang martilyo ang piniling
panganay, lagare ang sa pangalawa, katam naman ang sa
pangatlo atiskuwala ang tanging hiniling ni Hermano
Huseng. Ang iskuwala umano ay hindi gaanong
nagagamit ng ama di tulad ngibang mga gamit na nasa
mga kapatid na nito noong ito ay nabubuhay pa.Kagaya
na lamang niya na hindi nakatulong sa ama noong
panahon nitong paga-anluwage dahil nga sa tinanggihan
nito na sundin ang kanilangtradisyon. Ito umano ang
kaniyang huling hiling.
Huling Hinaing: Kalatas
• kung susurii man din, mapapansin naman sa isa pang pangunahing
konteksto ng mga pangyayari sa kuwento, kung pag-uusapan ang
estruktura at kalamnan ng gitnang bahagi nito, ay tumatalakay sa
Huling Hinaing: Kalatas ng pangunahing tauhan .
• Kabababakasan sa bahaging ito ng kuwento ang ilang mahahalagang
pangyayaring nagsasalaysay ng tunay na kinasapitan ng tirahan ng
pamilya ni Hermano Huseng, sa tulong ng matanglawing
pagkukuwento ng tagapagsalaysay.
• Ang sumusunod ay ang ilang bahagi ng kalagitaang mga
pangyayaring nasasaad sa pangalawang kahilingan ng pangunahing
tauhan ng kuwento:
• Paglabas ko ng bahay, sinundan ko ang mga yapak sa putikang lupa
hanggang sa gilid ng aming bahay, katapat ng aking hinihigaan.
Isang nakarolyong papel ang nakita kong nakaipit sa kapirasong
butas ng dingding:
Binasa ko ang nakalahad:
i. Sama-samang pagsigaw
Sa langit nakatunghay,
Sama-samang pagkilos
Sa lupa nakalaan.
ii. Dugo ang itinitik
Sa telang inuusig,
Silakbo yaong himig
Ng pusong humihibik.
iii. Bawat awit at tula
May tarak ng pagpuksa
Bawat ningas ay siga
Sa pugon ng pagluksa.
Kayat ngayon na ang panahon para hubdan ang nakamaskarang mukha ng
lipunang pag-aari ng mapagbalat-kayong mga dayuhan! Ipagtanggol ang
karapatan ng mga aping manggagawa! Isulong ang demokrasyang pipigil sa
mapagsamantala’t mapanlait na naghaharing uri! Mabuhay ang tunay na
kasarinlang makapipigil sa karukhaan ng sambayanang Pilipino! Isulong ang
pambansang pakikibaka!

Sa likod ng kalatas ay nakasaad ang ganito: Nasa kalatas na ito ang aking
hinaing. Pag-aralan mo ang isinasaad ng kalatas at ipaliwanag ang kahulugan
sa ating mga kanayon. Nasa loob ng munting baul ang mga polyeto, kasama
ang mga kalatas na katulad nito. Ipamudmod mo sa ating mga kanayon. Ito
lang ang huling hiling ko, masaya na ako para sa bayan.
Sa ganitong pagwawakas, isang kamalayan ang tunay na ipinaglalabang
prinsipyo at paniniwala ng pangunahing tauhan. Dito napapaloob ang
pagkasangkot ng isang kalatas na kinapapalooban ng mga hinaing sa buhay-
lipunan ni Hermano Huseng.
Huling Halinghing: Kasal
• Sa bahaging ito ng kuwento napapaloob ang mga matitinding
pangyayaring bumalikwas sa harang ng maskara, pagkukubli o
kasinungalingan, o ika nga ay dekahong ideolohiya sa buhay, sa panig ng
tagapagsalaysay at ilang tauhan sa kuwento. Laman din nito ang hindi
matatawarang labanan sa panig ng katotohanan at kasinungalingan;
maging sa katahimikan at pagbabagong pansarili sa likod ng karahasan,
bali-baling pagkamit ng hustisiya sa lipunan at pagkagising mula sa hindi
mulat na katotohanan.
• Ang mabigat pa, ang bahaging ito ng kuwento ang nagbunsod kay Ka
Hermana na magpaalam sa taong kanyang lihim na minamahal. Subalit ito
ang sa wari ay magdudulot ng tunay at hindi matatawarang kalayaan.
• Nagising ako sa katotohanang hindi nga pala maaaring mangyari ang lahat.
Salamat sa iyo na nagpatibok ng aking puso. Salamat sa alaala. Maramng
salamat sa isang napapanahong pagpapamulat. Paalam.
Sumabay ang pagpatak ng aking mga luha sa walang lingon at
salit-salitan kong paghakbang. Kayhaba na ng aking nalakbay.
Habang daan, pumapalaot sa diwa ko ang huling saknong ng
tulang sinulat ni Hermano Huseng na ipinabasa niya sa akin
kamakalawa ng gabi:
Kaysarap sanang maging malaya kung ang laya’y
Di malalambungan ng pagsisisi o pag-aalipusta.
Bawat makata’y isang laya sa diwa at dugo.
Bawat diwa’y isang bala ng poot,
Bawat patak ng dugo’y isang punlo ng dangal.
Ngunit,
Hindi sa pamumundok,
Hindi sa paghawak ng armas
Nasusukat ang ang lakas at giting,
Hindi sa lawakang paglusob at pananakop
Nakakamit ang laurel at kamanyang,
Kundi sa loob ng ating sarili.
Laban sa gutom.
Laban sa hirap.
Laban sa ligalig.
Laban sa daigdig.
Sa daigdig ng napasukong daigdig.
Sa ibang banda, sa pagwawakas ng kuwento, hindi man hayagang sinabi, ang may-
akda ay nagpa-iral ng kaniyang kalayaang buhayin ang pangunahing tauhang si
Hermano Huseng. Gayunpaman, sa kaniyang kapangyarihan ng panulat, kinitil niya
ang tauhang pinakamamahal ng pangunahing tauhang nabanggit---na siyang
nagbigay pag-asa kay Ka Hermana na ipaglaban ang kaniyang matagal nang
natatagong lihim na damdamin.
Si Intoy Siyokoy Ng Kalye Marino
• Si Intoy ang bihasa sa lahat ng mga magtatahong sa Kalye
Marino sa lungsodng Cavite. Tinatawag siya ng“Intoy Syokoy” ng
mga tao dahilpara nga raw itong isang syokoy na nakakataglal sa
Ilalim ng dagat na parang may hasangito tulad sa isda. Atkahit
bagong ligo pa siya ng tabang na tubig , huwag langpagpawisan
ng kaunti ay amoy dagat agad siya.Pinaglilingkuran niya
angkaniyang amo na si Mang Amor.Isang araw ay tinamaan ng
mga alig ang mgatahungan ng mga tao sakanilang lugar. Bilang
magaling na manininisid at bihasang magtatahong, siIntoy
anginaasahan ng mga taong maglilinis at magsasalba sa
kanilangtanging kabuhayan mula sa pesteng alig nadumadalas
na ang dalaw bitongmga nakaraang taon.
• Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng
alig, tiyak bukas athanggat sa mga susunod naaraw
ay maraming may tahungang magpapalinissa kaniya.
Kikita siya ng malaki. Ngunit malungkot siya,
dahilbukas o sa mgasusunod na araw pa siya
kikita...ngayon niya kailangan ng pera! At ngayonsana
niya aanihin ang sarili niyang tanim na tahong na
pasikreto niyangginawa. Matatapos nasana
angkaniyang paghihintay at magkakaayosnasanasila
ni Doray. Kursunada ni Intoy si Doray kahit noong
mga batapa lamang silakahit alam niya at ng buong
Kalye Marino ang trabahong paglalako ng “tilapya o
katawan ni‟Doray sa mga parukyano at maging sa
mgamangingisda.
• Nagustuhan niya ito dahil mabait si Doray sa kaniyadahil
malibankay Berto ay ito lang ang nagtitiyagang makinig sa
kaniyang mga kwento atpantasya.Kaya siyanamomroblema
ngayon kung saan kukuha ng pera ay dahil mayusapan sila ni
Doray.Gusto niyang dalihin ang „tilapya ni Doray. Hindi niya alam
kung gusto ba niyang mahalin o anuhin‟lang ang babae. O baka
namanmahalin at aanuhin din pagkatapos. Isang gabi ay nakita
niya si Doray nanilalako ang kaniyang „tilapya sa mga parukyano.
Gusto ng sumabay ni Doraysa kaniyang pag-uwi at‟pinagbigyan
naman niya ito.Nagulat si Intoy sa tinuran ng dalaga, marahil ay
nasabi na ni Berto ditoangtungkol sa kaniyang balak kay Doray.
Hindi niya alam kung matutuwa siya omagagalit sa
kaibigangwasher. Hindi rin niya alam kung nakikipag-syota na ba
sa kaniya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang siyang „tilapiya
nito.Hindi nakatulog si Intoy sa gabing iyon nang sabihin ni Doray
na pupuntahan siya nitosa‟bahay niya. Marami sana siyang
• Bibili sana siya ng makakain ataayusin ang sarili upang sa
ganoon ayhindi nakakahiya kay Doray. Ngunitngayon ay
pinatay nag mga alig ang sagot sa mahabang pag-hihintay
naiyonni Intoy. Wala siyang pera. Wala siyang ibabayad kay
Doray. Ngunit paano kung gusto pala siya ng babaeat hindi ito
nagpapabayad?Gabi, salamat sa paunang bayad na
isangdaang piso sa kaniya ng amo,nakabili siya ng pandesal
atmantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy. Hindi pasiya
naliligo dahil sa mag-hapon na paglilinis sa tahungan.Nakaupo
siya atmakikita ang mahapding sugat sa kamay. Naramdaman
niya bigla anglangitngit ng tulay nakawayan. Nakita ni Intoy si
Doray na iniluwa ng dilim nabagong paligo. Naikwento niya
dito ang nangyari satahungan at ang pestengmga alig. Nagulat
na lamang siya at hinawakan ni Doray ang kaniyang kamayat
sinuriang sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay siya paloob
sa bahay.
Manipesto ng Isang Dayo
ni Pat V. Villafuerte
Nakahihirin ang bawat paglunok ng laway
na sinaid ng mga pagbilin at pagpapaalala
habang ang bawat bisig at mga labi
ay nag-iiwan ng bakas ng pangungulila.
di mahawan ang sapot ng pagluha
na binikig ng putul-putol na pangangaral at paninisi,
ng pangangatuwiran at pagtanggap,
ng pagbabalik-loob at pagpapatawad.
sa nalalapit kong paglisan,
kayraming nag-ugat na samu’t saring alalahanin
na parang asidong tumutunaw sa aking puso at kaluluwa:
doon, sa establisyementong ang naghahari’y kapangyariha’t dolyar
ay naroon sila’t tila mga rebultong di mapagtanungan,
walang tamis ng pagtanggap,silang nangabulag sa aking papel,
silang nangapipi sa aking dokumento,
silang mga umalipusta sa aking diploma,
silang mga nangiligkig sa aking serbisyo,
mula ulo hanggang paa,
ang pagkakatitig nila’y sumusunog sa aking puso’t utak.
hinalay ako ng kanilang maaanghang na salita
niluray ako ng kanilang matatalim na tanong
dinurog ako ng kanilang di-masikmurang pamumuna.
habang doon, sa dako pa roon sa lugar naming tanging sikat ng
araw
ang nabubuhay ay limang bibig ang sa aki’y naghihintay at
umaasam.
ay, wala na.
wala nang bisa ang pakiramdaman
wala nang ritmo ang awit ng aking pagsusumamo.
sa gabi, at bukas ng gabi, at sa susunod pang mga gabi . . .
habang binabagabag ako
ng pudpod na puwit ng saingan at atungal ng aking bunso –
ang binabanig ko’y lungkot,
ang inuunan ko’y hapis,
ang kinukumot ko’y luha habang sa aking tabi,
ang aking asawa’y nangingiki sa lagnat at pagkalam ng
sikmura.
ay, ano’t di ko mayakap ang buwan gayong nakamatyag sa
akin sa buong magdamag?
ay, ano’t di ko mahagkan ang hangin gayong idinuduyan akong may
pagsuyong ganap?
kayat nagpasya ako –nasa paglisan ang ulap,
nasa pagtakas ang langit,
nasa pagpapaampon ang kaluwalhatian.
2.kayrami naming tumawid-dagat sa silong ng mga bituin
bawat buntung-hininga’y isang usal na dalangin,
bawat ubo-dahak-dura’y isang awit ng paghiling,
bawat araw ay isang siklo ng pakikipagtunggali,
bawat oras-minuto-segundo’y isang sipol ng pag-asam.
at isang bagong daigdig ang kumupkop sa akin –
binago ako ng kanyang kultura’t sibilisasyon,
ng kanyang saloobin at mithiin.
binuhay ako ng munting negosyong pausad-usad matapos
makipagkalakalan,
habang sa nilisang bayan ay naibubulong sa akin ng hangin –
ang maraming pagsabog, ang lantarang katiwalian,
ang dayaan sa eleksyon, ang pagmamaltrato sa mga bata, babae,
matanda’t kasambahay;
ang abot-langit na pamumulitika, ang labanang muslim at militar,
ang pagbagsak ng ekonomiya’t ang pagkalagas ng mga militanteng
bayani ng lansangan.
paulit-ulit.paulit-ulit.paulit-ulit.
ay, salamat sa pagkupkop
sa walang kaseguruhang pag-ampon na hininog ng maraming pag-
aalinlangan.
dito, ang dayuhang tulad ko’y iginagalangdito,
ang dayuhang tulad ko’y may laya’t karapatan dito,
ang dayuhang tulad ko’y pinahahalagahan.
ay, salamat sa pagkupkop
salamat sa mayroon nang kaseguruhang pag-ampon
na hininog ng maraming pangako.
3.isang pahina ang idinagdag sa kasaysayan ng pandarayuhan.
maghahatinggabi, malalaking yabag
ang tila bumiyak sa namamahingang lupasaliw ng mga iyak,
hikbi, atungal, ungol, sigaw, panangis at panaghoy.
isang grupong unipormado ang sumuyod sa aming komunidad –
hinahanap ang isang kapirasong papel
itinatanong ang legalidad ng aming panananahan.
ginagalugad ang aming mga ari-arian.
para kaming mga bubuwit na naghahanap ng mapaglulunggaan
alumpihit, nagsusumiksik sa isang sulok upang makaiwas sa maraming paghataw
tulak dito, tulak doon . . . hataw dito, hataw doon . . .
kayrami naming hinubdan ng laya’t karapatan –
lalaki’t babae,kahit matanda na’y may iisang kahatulan:
lpiit ang mga ilegal na naninirahan! ito ang dikreto.
ito ang kapasyahan.
ito ang kahatulan.
4.isang manipesto ang aking inihanda na isinulat ko sa dugo at luha,
ngalan ng dalawang daan at labing anim na kaluluwang ligaw ang nakatala –
hinihingi nami’y kalayaan at katarungan, katarungan at kalayaan.
ngunit . . . may lambong ang ulap na hatid ng langit,
may takip na anino ang mukha ng buwan,
parang kamatayang di napaghahandaan ang aking naranasan.
mangyari, lupig ako ng isang sistema,
supil ako ng isang ideolohiya,
kontrolado ako ng politika.
bansa sa bansa, asyano sa asyano,
tao sa tao.bansa, asyano, tao.
isang dilema ang pagpili: rehas na bakal o bansang nilisan . . .
piitan o balik-bayan?
may pagkakataon palang kailangang kainin ang suka’t
inumin ang laway
at ipagpikit-mata ang isang pagpapasya.
ngayo’y babalikan ko ang nilisang bayan na humalay sa akin,
lumuray sa akin, dumurog sa akin.
ay, isang pagpapatiwakal ang gagawin kong pagbabalik.
ang pagbabalik ay isang pagpapatiwakal.
huwag naman sanang sa pagbabalik ko,
ang sumalubong sa akin ay ang maraming pagsabog,
ang lantarang katiwalian,
ang dayaan sa eleksyon,
ang pagmamaltrato sa mga bata, matanda’t kasambahay,
ang abot-langit na pamumulitika, ang labanang muslim at militar,
ang pagbagsak ng ekonomiya’t ang pagkalagas ng mga militanteng
bayani ng lansangan.
dahil kapag ito ang naganap,
kapag ito ang aking nasaksihan,
isang bagong manipesto ang maidaragdag sa kasaysayan.
 
Maligayang kaarawan sa’yo, Sir. 🙂
Magkano ang Inyong Boto?
Ni Rolando A. Bernales
Magkano ang inyong boto, Mang Juan?Sapat na ba ang
isang kilong bigas at isang maliit na lata ng sardinas?Aling
Maria, inyo rin bang ipinagbibili,ang inyong pangarap at
maging inyong bukas?Ano o magkano ang dagdag na
bayadna inyong hinihingi kung pati kinabukasannina Boy
at Nene ay kasamang babayaran?Sapat na marahil ang
ilang dadaaninpambili ninyo ng asin, kamatis at daing…
Hindi n’yo ba naiisip, Aling Maria at Mang Juan: Kapag
naluklok, mga bu!ayang kandidatolalo nilang
padudukhain, abang buhay ninyo?Sapagkat, kung uunlad
ang lahat ng mahihirapbaka ni isang boto, !ala na silang
matanggapdahil !ala na ring sa patalim nila ay yayakap
Ang pagiging bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng
Kalbaryo
Ni Rolando A. Bernales
Ang pagiging bakla ay habambuhay
Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.
Papasanin mo ang krus sa iyong balikat
Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan.
Di laging sementado o aspaltado ang daan,
Madalas ay mabato, maputik o masukal.
Mapalad kung walang magpupukol ng bato o
Mangangahas na bumulalas ng pangungutya.
Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap
O bulung- bulungan at matutunog na halakhak.
Di kaialangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin
Sapagkat sila'y iba't ibang mukha: bata, matanda
Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap,
kilala o di kilala.
Sinong pipigil sa kanila? hindi ikaw
Anong lakas meron ka upang tumutol?
Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad
At ang iyong paa'y ipinako na ng lipunan
Sa likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwalang
Nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan
Na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo
Kahit na ika'y magpumilit na magpakarangal?!
Liham ni Pinay Mula sa Brunei
ni Elynia Ruth S. Mabanglo
Ako’y guro, asawa at ina.
Isang babae--pupol ng pabango, pulbos at seda,
Kaulayaw ng batya, kaldero at kama.
Napagod yata ako’t nanghinawa,
Nagsikap mangibang-lupa.
 
Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera,
Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.
Naghihintay siya ng kape
At naninigarilyo,
Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro,
Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo.
Hindi siya nag-aangat ng mukha
Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata.
Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo,
Inaaliw kung mainit ang ulo.
Wala siyang paliwanag
Kung bakit hindi siya umuwi magdamag,
Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo
Kapag umaalis ako ng Linggo.
Ayaw niya ng galunggong at saluyot
Kahit pipis ang sobreng inabot,
Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam
Kahit ang pangrenta’y laging kulang.
Ako’y guro, asawa at ina.
Isang babae-- napapagal sa pagiging babae.
Itinakda ng kabahaging
Masumpa sa walis, labada’t oyayi
Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi.
Iyo’t iyon din ang ruta ng araw-araw--
Kabagutang nakalatag sa kahabaan
Ng bahay at paaralan,
Ng kusina’higaan.
May karapatan ba akong magmukmok?
Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot?
May beerhouse at massage parlor na tambayan
Ang kabiyak kong nag-aasam,
Nasa bintana ako’t maghihintay.
Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap,
May krus ang dila ko’t di makapangusap.
Humihingi ng tinapay ang mga anak ko,
Itinotodo ko ang bolyum ng radyo.
Napagod yata ako’t nanghinawa,
Nagsikap mangibang-lupa.
Noon ako nanaginip na nakapantalon,
Nagpapadala ng dolyar at pasalubong.
Nakakahinga na ako ngayon nang maluwag,
Walang susi ang bibig, ang isip ay bukas.
Aaminin kong ako’y nangungulila
Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla.
Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto,
Sa telepono’y nabubusog ang puso.
Umiiyak ako noong una,
Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.
 
Ito lamang ang sagot,
Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.
Philippines 2000
Komposisyon ni gary granada
Gutom ay huwag intindihin, sakit ay huwag indahin
Manalig ka sa gobyerno
Brown out, demolition, basura at inflation
Tiyaga at konti pang sakripisyo
Magtiis sa sahod, ilang taon na lang
Eto na ang nichood, isang igkas na lang
Welcome to the future: Philippines 2000

Kailangang makautang, kailangan ng kuryente


Kailangan ng emergency powers
Outward-looking na agribusiness
World-class quality toys, handicrafts at cutflowers
Yes to land conversion, yes to strike ban
Yes to crop conversion, dollar earning yan
Pagod na pagod na ang bayan
Hingal na hingal na ang bayan
Palaklakin ng lipovitan

Sundin natin ang utos ng dayo


Itaas na ang presyo ng krudo't langis
Kung ayaw ng tao, bawasan ang serbisyo
At dagdagan pa ang buwis
Industrialization ang pupuntahan
Militarization ang tanging daan
Welcome to the future: Philippines 2000

Hilunghilo na ang bayan


Litunglito na ang bayan
Kamusta kaya ang kilusan
Businesspeople, overseas workers
Media at entertainers, ngo at Simbahan
Peace talks, coop, nata de condom
Levy, lotto, remittance, basta pagkakitaan
Salubungin natin ang kaunlaran
Kahit buhay natin ang kabayaran
Welcome to the future: Philippines 2000!
Ang Pinoy….Sulong sa Globalisasyon
ni Cinio Villa

You might also like