You are on page 1of 68

DOBLE KARIT: Sampung taon ng pagsingil ng hustisya para kay Eden Marcellana at Eddie Gumanoy Abril 2013 Inilathala

ng Kilometer 64 Poetry Collective sa pakikipagtulungan ng College Editors Guild of the PhilippinesSouthern Tagalog Para sa mga katanungan, suhestyon at kopya, maaaring mag-email sa kilometer64@gmail.com Reserbado ang lahat ng karapatan.
Disensyo sa pabalat ni Syeril Garcia Likhang Sining sa likurang pabalat ni JL Burgos Inilapat ni Stum Casia

Maraming maaaring mangyari sa loob ng sampung taon. Dalawang presidente. Ilang ulit na pagbalasa sa gabinete, militar, at pulisya. Kabi-kabilang pananakot, torture, at summary execution. Taon-taon, nadaragdagan ang listahan ng desaparecidos. Sampung taong mahigit, nagkalat ng lagim si Gen. Jovito Palparan sa bawat lugar kung saan siya madestino na siyang dahilan kung paano niya nakuha ang bansag na Berdugo. Walang pagkakamali, ang mamang naka-fatigue ay utak-pulbura. Nagdeklara siya ng giyera hindi lang sa New Peoples Army kundi pati sa mga aktibistang legal na kumikilos sa lungsod man o kanayunan. Hindi nakaligtas ang Timog Katagalugan sa sindak na inihasik ng Berdugo. Noong Abril 22, 2003, sampung taon na ang nakararaan, lumitaw ang mga bangkay nina Eden Marcellana, isang human rights activist, at ng lider-magsasakang si Eddie Gumanoy sa Oriental Mindoro. Sa kasalukuyan, nagtatago ang Berdugo para takasan ang pang-uusig ng katotohanan at katarungan. Makakamit lang nina Ka Eden at Ka Eddie ang katahimikan kung mapapanagot si Palparan sa lahat ng mga kaso ng tortyur at pagpatay na siya ang itinuturong mastermind. Hayaang maging mga sulo ng liwanag ang mga tula sa kalipunang ito para gunitain ang pakikibaka nina Ka Eden at Ka Eddie para sa tunay na repormang agraryo. Hayaang sambitin ng mga tula sa kalipunang ito ang kanilang tapang at paninidigang bungguin at gibain ang tanggulan ng Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo, at Pyudalismo sa ating bayan. Buhay sina Ka Eden at Ka Eddie hindi lang sa mga kumikilos sa Timog Katagalugan kundi sa ating lahat na nagnanasa ng paglaya. Buhay sina Ka Eden at Ka Eddie at winawasiwas pa rin sa mga kaaway ang kanilang doble karit.

Mga Tula

PAHIMAKAS NG MGA MARTIR NG SAMBAYANAN -gilyer Kami Mga martir ng sambayanang Pilipino Ay nagpapahayag ng ganito: Hindi Hindi mapatatahimik ang aming kalooban kailanman Ng mga papuri't parangal Hangga't naririyan ang kawalang katarungan! Kami'y paulit-ulit na ibabangon at itutulak Ng sakdal buting lupa na yumakap sa amin Patungo saanman, kailanman Umiiral at naghahari ang mga tampalasan! Kami ang kapeng mainit ng mga manggagawa sa pabrika at piketlayn Kami ang balabal ng maralita sa mga barikada Kami ang kadenang bisig sa welgang bayan Kami ang bandila't islogan sa bawat kilos-protesta Kami sa misang bayan ang tinapay na pinagsasaluhan Kami sa dulang mapanghimagsik Ang gitara, ang sayaw, ang awit Kami sa eskwela't kalsada ang sariwang dugo ng kabataan Kami ang diwa, ang pana at palaso ng bawat katutubo Kami ang tinik at putik sa mga palayan Kami ang apoy sa kaingin, ang asin sa palaisdaan Kami ang bala sa armalayt at masinggan Kami ang daliri sa gatilyo, ang hukbo sa labanan Kami ang turban at belo sa ulo ng bawat Arabo Kami ang hapag kainan ng bawat Asyano Ang dula, ang tula sa Timog Amerika Ang ritmo sa tambol saanman sa Aprika!

Sapagkat kami'y hindi patay Sapagkat kayo'y hindi namin iniwan Sapagkat ang taksil na kaaway Ay `di nagtagumpay kailanman! Sapagkat kami ang sambayanan Makauri, lumalakas, lumalawak, lumalalim, lumalaban. Lumalaban! Pamatay na bigwas sa rehimeng tirano! Sumpa at salot sa mga asendero! Litid at laman na wawasak sa monopolyo, Ang sigwa, ang daluyong, Ang lindol sa mundong nagbabago! Magiging tinik ang mga damuhang tatalim ng mga balang amorseko na kakapitan ang dilim ng mga uniporme, lilitanya ng garalgal ng panawagan ang lalim ng dinadaluyan ng batis patungong ilog hanggang karagatan na isisigaw ang panawagang kapareho ng prinotesta sa mga kampo at ahensiya. Kukuyom na kamao ang mga bato na ihahalimbawa ang inyong hindi pagsuko, uugat bilang mga talata ang paanan ng mga puno at muling iaalingawngaw ang inyong mga balintataw sa balat ng pakikiisa sa mga programa at kandili ng mga kulisap sa di matahimik na parangal. Hanggang ang mga punongkahoy ay magbabanggit ng katotohanan ng inyong iniwang bakas ng alamat sa bawat batang naghahanap ng silong, nakikiusap ng espasyo ng kaginhawaan mula sa nagugulumihanang panaginip na aalayan ng mga prutas ng sustansya

ng inyong inambag na mga aral sa lahat ng inosenteng bibig at kay liit na mga palad. Kung mabubuhay at makapagsasalita ang lupaing siyang testigo sa inyong pagkabuwal: Dadagundong sa galit ang lindol ng mga kalooban, titinding at mamartsa nang hindi nagpapahinga hanggang magiba ang kahariang kinatatayuan ng mga kinatawan ng mga angkan, at magsisilbing aming palatandaan ang inyong mga ngiti sa nauuhaw na damdamin ng hustisyang ipinagkait ng mga hinibang na awitin ng bayarang salarin. At tulad ng lupaing siyang may nuot na magbibigay buhay sa bagong mga halaman, ang inyong mga dugong idinilig sa tagtuyot na mga parang ang magsisilang ng panibagong mga rebolusyonaryong higit sa higanti ang ihahatid sa lupaing hindi na muli dadanakan ng karanasan ng karahasan, kundi katiwasayan. Katiwasayan tulad ng lupang siya ring pagmumulan ng walang kamatayang epiko ng gintong palayang alay ay walang hanggang kasaganaan mula sa mga munting pulang butil

na itinanim nang humandusay ang mga katawan niyo, sumibol sa balita ng inyong pagkawala at ganap na namukadkad sa malusog na alaala ng mainit niyong pakikisalamuha sa aming mga pusong patuloy na nakikibaka.

Sa Bayan Ni Juan -Rogelio Ordoez sa bayan ni juan mortal na kasalanan ang maging makabayan baka pulutin ka sa kangkungan o saanmang basurahan lasug-lasog ang katawan utak at mukhay pinagpipistahan ng mga langaw at langgam baka di ka na rin makita kailanman kapag isinilid sa dram sementuhan at ipalamon sa pusod ng karagatan. sa bayan ni juan pakatandaan huwag kang magsasabi ng katotohanan basta paniwalaang umuunlad ang kabuhayan kahit lugaw at asin ang nagliliwaliw sa bituka ng maraming mamamayan dumarami man nagkakalkal ng basura para magkalaman ang tiyan milyun-milyon man damit ay basahan bata-batalyon man palaboy sa lansangan mga parket damuhan man ang himlayan o nagtitiis paalipin sa banyagang bayan basta isiping mahalimuyak ang buhay sa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juan ugaliing itaas ang mga kamay maghosana sa kaitaasan maghaleluya sa mga diyus-diyosan laging may glorya daw sa bayan ni juan. sa bayan ni juan huwag mong isasaysay sa sambayanan hokus pokus at kahiwagaan ng kung anu-anong pandarambong sa pondo ng bayan huwag palalabasin sa lalamunan inhustisyat kasuwapangan

ng iilang hari-harian sa lipunan baka dila moy hiwain mga ngipiy lagariin pati mata ay dukitin iturnilyo mga labit pasabugin. sa bayan ni juan huwag na huwag makipagkaisa sa mapagpalayang adhikain ng manggagawat magsasaka huwag makipagtaling-pusod sa masa sa uring alipin at ibinartolina ng balintunang sistema huwag kang sasama sa kanilang sagad-langit na protesta laban sa uring mapagsamantala babansagan kang subersibot terorista banta sa seguridad ng republika. sa bayan ni juan malupit mga senturyon ng unano kaya huwag matigas ang ulo kapag dinampot kat pinalad na ikalaboso at hindi naging desaparecido bababuyin ka ng mga utak-kurtado paaaminin kang rebelde laban sa estado ingungudngod ang mukha mo sa mataeng inodoro hubot hubad kang pahihigain sa bloke ng yelo pipilitin kang uminom nang uminom ng tubig na naninilaw sa mikrobyo hanggang pumintog nang pumintog ang tiyan mo saka biglang tatadyakan ng demonyo di ka titigilan kapag di umaamin sa nilubid na mga kasalanan bayag moy kukuryentihin isasaksak sa titi mo

10

bagong sinding palito ng posporo o bibigtihin ng kuwerdas ng gitara lupaypay na ulo nito o diyos ni abraham malilibog ang senturyon ng unano kung babae kang isinalampak sa kalaboso lalaruin ang susot kiki mo saka kakabayuhin ka nang husto matapos laspagin ang puri mo at hingal-aso ang berdugo iiwan pang nakapasak sa ari mo anumang boteng nakatuwaan nito. talagang ganyan sa bayan ni juan dinuduhagit sinisikil ang mga makabayan ipinagkakait ang demokratikong proseso mapapalad lamang ang basalyos ng unano at kauri nilang salabusab at tuso mga payasot sirkero mga batikang salamangkero nilalaklak nila ang dugo ng bayan nilalamon ang laman ng mamamayan sa paulit-ulit na pagtatanghal sa karnabal ng kasinungalingan isasakay sa ruweda ng panlilinlang hinihilong masang sambayanan iduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaran at doble-karang katarungan talagang ganyan sa bayan ni juan ang taksil sa pambansang kapakanan at interes ng kumain-diling mamamayan silang mga tulisan sa kalunsuran silang nagpipista sa mesa ng kawalang-hiyaan may lakas ng loob pang mangalandakan na silay lantay na makabayan. sa bayan ni juan talagang ganyan mortal na kasalanan ng masang sambayanan ang maging makabayan at maghayag ng sagradong katotohanan

pero di habang panahong laging ganyan sa bayan ni juan naglalagablab na ang liwanag sa silangan bumabangon na sa dilim ng nagdaang gabi ang mga alipin upang sa wakas mga sariliy palayain!

12

Sampung taon na ang nakalilipas -Cristina Guevarra Sampung taon na ang nakalilipas, Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden. Ilang araw matapos silang paslangin, Sa labas ng bilog na simbahan sa Diliman, Kung saan itinanghal ang mga bangkay Ni Ka Eden at Ka Eddie Nilapitan ako ng isang grupo ng kababaihan Nasaan ang ate mo? Hinahanap nila si Ka Eden Para parangalan. Ilang araw bago ito Hinanap din siya ng mga berdugo Pero ang ginawad nila kay Ka Eden at Ka Eddie Ay bala sa katawan at lamat sa bungo. Sampung taon na ang nakalilipas, Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden. Hindi ko itinanggi Ang tanong ng babae. Dahil sino ba naman Ang hindi ikararangal Na mapagkamalang kapatid Ng isang martir at bayani? Hindi rin itinanggi ni Ka Eden noon Na siya si Eden Marcellana Siya ang kaaway na hanap nila. Kaya hindi sila nabigo sa pagkitil sa buhay Na sanlibong beses mas matimbang Kaysa kanilang hukbo ng mga gahaman. Sampung taon na ang nakalilipas, Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden.

Kamakailan, kahit nahihiya Ikinuwento ko ang tanging alaala ko Tungkol ka Ka Eden sa kanyang mga anak. Bahagyang ngumiti ang magkapatid Sa biro kong baka hindi sila pumayag. Pero hindi nila itinanggi Dahil may konti naman daw hawig Ang kanyang bilugang mukha Ang tsokolateng balat O kahit ang maiksing buhok Ng mahal nilang Nanay. Sampung taon na ang nakalilipas, Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden. Pero ngayon, alam kong kailangan ko nang tumanggi. Dahil si Ka Eden ay si Ka Eden. Ang mapagmahal nilang ina At magiting na asawa ni Ka Orly. Siyay nagtanggol sa magsasaka at katutubo At humamon sa berdugo ng Mindoro Siyay isa lang sa utang na dugo ni Jovito Palparan. Ngunit gaya ng marami, Maraming beses na itinangging Ang militar ang may utak at may kasalanan. Sampung taon na ang nakalipas, Hindi na ako napagkakamalang kapatid ni Ka Eden. Pero hanggang nandito tayo Huwag kailanman itanggi Huwag kailanman bitawan

14

Dahil gaano man katagal Dapat silang parangalan At bigyang katarungan.

Kayong mga walang alam sa kasaysayan -Mac Ramirez Mangmang sa kasaysayan ang sinumang maniwalang mapipigilan ang pagdaluyong, ang pananagumpay, ng paglaban ng aping mamamayan Ang mga estrelya sa balikat ng mga nagtataasang Heneral, ang mga armas pandigma ng pasistang militar, ay yuyuko sa kayang itumbas ng taumbayang hindi na nakadarama ng takot, ng taumbayang hindi na alam kung ano ang ibig sabihin ng hirap at pasakit sa pakikihamok; dahil inari na nilang kataas-taasang tungkulin ang pagtatanggol sa laya nilang malaon nang ginupo Anong panama ng pasistang may baril sa magsasakang karit lamang ang bitbit? Kung ang karit namang ito ay mabisang ginagamit hindi lamang sa panamin, lalot higit, sa paggapas sa ulo ng mga palalong magkakait sa kanila ng katarungan, kung kinakailangan Anong saysay ng bullet proof vest kung hindi mo man lang makita,

16

ni mamalayan ang dahilan kung bakit mo ito suot? dahil ang tunay na hukbo ng mamamayan ay parang mga hunyangong humahalo sa paligid ng kaparangan, sa sukal ng mga kagubatan, maging sa mga larangan ng labanan, dahil wala nang mas mabisang bullet proof vest kundi ang wagas na pagmamahal ng masang pinagsisilbihan Kayat kayong mga mangmang sa kasaysayan nararapat lamang na matuto sa mga maningning na aral ni Bonifacio, ni Ho Chi Minh, ni Mao Ze Dong kakapit-bisig ang mga mamamayan silay nagpaluhod, nagpalayas, sa naglalakihang mga pasistang hukbot mga emperyo Ano pat ampaw ang ipinagmamalaki ninyong mga kontra-insurhensyang operasyon. Nagawa ba nitong maampat man lamang ang paglagablab ng deka-dekada nang makatwirang digmang mapagpalaya? Sa tuwing mangdudukot o papatay kayo ng inosenteng walang kalaban-laban, nadadagdagan ba ang inyong kapangyarihan, o mas lalo lang humuhulas ang katangian ninyong mga nag-komoplaheng halimaw? Nanininiwala pa rin ba kayong kayang ikubli sa ngalang bayanihan ang inyong terorismo? Kung gayon, mamangha kayo sa di mapigil-pigilang agos ng mga bagong dugo sa rebolusyon! Mangatal kayo sa pagpula ng mga nayon! At bago kayo matauhan sa kasaysayang matagal na ninyong kinukutyat dinuduraan, tapos nang likhain ng mga mamamayan ang sarili nilang kasaysayan!

UNTITLED -matic Pagka-gradweyt ko sa hayskul, gusto ko nang maging tibak. Di ko alam kung bakit, marahil puro Rage Against the Machine pinapakinggan ko noon. At cool na cool para sa akin ang itsura ni Che Guevara, mababaw diba? Taong 2003, unang sabak sa isang kolehiyo sa Morayta, sabi ko sa sarili ko, eto na, game na to. Kalsada kung kalsada, bundok kung bundok. Iba pa nga nasalihan ko noon, mga taga-RJ. Di ko sila trip, mejo iba tabas ng dila nila, di ok pakinggan. Pag nagyoyosi ako noon sa Morayta, abang ako nang abang. Hindi chiks, pero rally inaabangan ko. Astig daw kasi yung grupong Anakbayan at LFS, pula ang bandila nila, katulad ng paborito kong kulay. Pati mga kaklase ko noon, pinaabangan ko itong org na to, nakikihingi ako ng reg form, kasi kating-kati na akong sumali. Ayun na nga, sakto may rally. Human rights ang dalang issue, para sakin pag human rights ang pag-uusapan, naku po, eh absolute yan, di yan dapat mababali, rights yan eh. Nakakapanginit nga naman ng dugo di ba? Tsaka ko nalaman ang issue na nangyayari sa Timog Katagalugan. Doon ako mas nahikayat na sumali at maging aktibista. Lalong lalo na noon, may bago kami na galing mismo ng ST, itago ko nalang sa pangalang "Cards". Sa mga kwento niya, at sa first hand experience niya, grabe, grabe pala doon, grabe pala maging aktibista, mainit sa lespu. Mas exciting! Pero sa kabilang banda, delikado, mukhang ako rin kelangan na magdala ng baril ko. Pinanood pa sa akin yung Alingawngaw ng mga Punglo. Dito ko nalaman ang mga pangalang Eden Marcellana at Eddie Gumanoy. Grabe ang ginawa sa kanila, sarap gumanti. Mula noon, nagpatuloy-tuloy ang aking tinahak na landas sa pagiging tibak.

18

Napunta dito, napunta roon, madami akong natutunan. Natutunan ko na tulad ni Eden at Eddie, at tulad ng pinaglalaban nila, may mga karapatan ako na nasisikil ng gubyerno. Ngayon, aminado ako, laylow ako. Hirap balansehin ang trabaho, pamilya at aktibismo. Pero pag maalala ko silang dalawa, alam ko na sa malapit na hinaharap, babalik ang "aktib" sa aktibismo ko. Hustisya para kay Ka Eden Marcellana at Ka Eddie Gumanoy!

Alay -Glen Sales Isang dekadang sugat, Pilat ng lamat sa hinagap. Sa mga tulad nating Nagmamahal sa kalayaan at karapatan, Hinding hindi natin hahayaang Tubuan ng lumot ng paglimot Ang lupang pinagtapunan Ng kanilang katawan. Hindi nito mapatatahimik Ang mga handang magsiwalat, Marami man ang magkapangalan Sa mahabang kasaysayan ng dahas. Ang mapait na sinapit Nina Ka Eddie at Ka Eden Ay hindi, hindi lamang sugat Na madaling maghihilom-Ang gamot na pang-ampat Ay pagkilos at pagtanaw Upang makamit Ang makatarungang lipunan.

20

Eden -MJ Rafal nasaan ka ba ngayon? literal naman na wala ka na sa piling namin, sampung taon na. at wala ka na rin sa piling ni Ka Orly at ng dalawa ninyong anak. hindi ka na matatagpuan sa balakang ng bundok, sa Timog Katagalugan o kahit saan na mayroong paglabag at pagyurak sa dangal at karapatan. binabansagan ka nilang rebeldeng walang baril, rebeldeng rebelde na walang baril. literal silang mag-isip. ang alam nila'y alam lamang nila. katulad ng panggagahasa sa karapatan, at pagsusulsi ng katahimikan at takot sa mga namumulat at nabuklat. nasaan ka ba ngayon? literal naman na wala ka na sa piling ng lupa, sampung taon na. o kung nasa langit ka man, o kahit saan, batid mong hindi napigtal at napipigtal ang mga simulain mong sinimulan rin ng iba pang katulad mo'y ninakaw sa amin. matagal pa raw ang tagumpay, at inaakusahan tayong hibang at nahihibang ng mga "been there

done that". kailangan ba nating mainis? magalit? gantihan, abutan na lamang natin sila ng ngiti habang abala't matapat tayong tumutugpa sa landas ng pagwawagi; pulang petalya ang iyong mga labi.

22

Eddie at/sa Eden ni Mark Angeles Sambitin mo, Genesis, ikaw na burdado ng alamat ng mundo Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon din si Eddie, nakatindig sa dugsungan ng mga talampas. May karit ang Berdugo itinulos niya sa langit at kumalat ang anino sa bukiring umiindak sa hangin. Inakala niyang tutumba isa-isa ang mga magbubukid sa armas niyang mas ganid pa sa ganid, mas marahas pa sa lintik. Ngunit hindi sila natinag. Ibang kuwento na ito. Wala na sa hinagap ng mga eskriba. Ngunit banal. Ano pat dalisay.

Pagbabalik -Teryana Malicot April 2013 April 2003 Tumatakbo ang kamay ng orasan nilalampasan lamang ang mga numero't guhit kada todos los santos dumadalaw ang naiwanan sampung taon na kitang inaalala wala pa rin akong dalang magandang balita dumadagdag ang araw gayon din ang inip Pagsampa ng unang paa sa bukana ng pintuan ng atin bahay estranghero ang sakin ay sumaklob Kahapon, kiniskis ko ang kaldero't kawali pinilit kong inalis ang uling dumikit pinataob ko't pinagtabi-tabi ganito mo inaayos ang kusina ibinalik ko ayon sa kinagawian pagkakasalansan kahit sana sa ganitong pagkakataon mabigyan ka ng kaayusan Pinunasan ko ang electric fan halos di ko na maaninag ang mukha ng basahan sa kapal ng alikabok na nahagip Nang ikaw natagpuan, Hindi kita nakilala sa tinamong sugat at pasa Sinunod ko ang pagwawalis sumiksik ang dumi sa bawat singit ng sulok

24

mga nalagas na hibla ng buhok nakakaladkad ng mga ipis kung nalalaman lamang nila ang iyong hirap at pinaglaban di sana'y nirespekto kahit paano, ang bahagi mo na sa amin ay iniwan Bukas makalawa babalik sila sa gulo mababahiran uli ng dumi mapababayaan dahil nasa kalsada ako't naglalakad nagkukumahod makamit ang katarungan pinupukaw ang hustisyang natutulog sa kankungan Nakadagan sa'kin ang lungkot sa pag-alis ng bahay kalahati ng pagkatao ko ay kakambal nitong atin tahanan naging kanlungan ng patuloy na pagbabakasali mga pangarap na tinuring kapansanan na pilit winawakasan mamaalam ako't dadating pagsusumikapan kong buuin ang nasira Bukas, kukumpuniin ko ang upuan kung saan lagi kitang naabutan nakaupo papantayin ko ang baliko sasabayan ko ang takbo ng oras Bukas, matatapos rin itong kaguluhan sasapitin din natin ang inaasam na kaginhawaan

Isang Dekada -Marko Vicencio Isang Dekada Nang umalingaw-ngaw ang balita May dumanak na dugo May buhay na kinitil Sing-dilim ng gabi Ang lungkot Pighati Hapis Na nagpabuwal Kina Si Ka Eden Si Ka Eddie Mga bayani Nag-alay ng buhay Isang Dekada Na ang bawat sugat na tinamo Katumbas ng nagngangalit Na hiyaw sa kalsada Hustisya! Hustisya! Bawat latay, pasakit, hagupit Dalit! Bawat patak ng luha Danak ng dugo Ungol Galit! Katumbas ng pusposang pagbabaka Ng Huwad na katarungan Tungo sa tunay na paglaya Isang Dekadang pananatili Ng apoy na iniwan Ng Martir ng uring api Dahil kung sino mang mag-alay ng dugo

26

Sa ngalan ng aba Hindi kailanman mawawala Mananatili Magiging binhi Sisibol sa napakarami pang kamalayan Na tulad ng Doble-karit Susuong sa init ng lansangan Sasabak sa panganib Pipiliin ang pagtahak Sa dakilang larangan ng pakikibaka Upang sa pagputok ng pagkakapatas-patas Lulan Bala ng hustisya At pagkakapantay-pantay Isang Dekada ng pagpanaw Pagpupunyagi Pag-uusig Paniningil Hindi titigil Antipara ng hustisyay Nag-aabang Sa bandang huli Pag-ibig, malasakit Kamalayan, katotohanan,kasarimlan Kalayaan.

HULING LIHAM PARA KAY BERDUGO* -Lorena Castro Jovito, nakalulungkot isiping nagmaliw na ang iyong pagtingin, dahil ba sa kagandahang kumupas o sa aking pagkabirheng dinahas? Bakit ka tumatakbo Berdugo? natatakot ka ba sa anyo ko? Wag kang mag-alala, matatakpan naman ng "make-up" ang mga pasa at sugat sa balat. Pagkatao kong dinungisa't ginahasa, matatakpan din ng trahe de boda; ternuhan pa ng gwantes na malinis upang kulang na daliri't kuko'y di mapansin; Ipinatahi na rin yaring sugat sa ulo upang bumagay sa ipapatong na belo. Palparan, maaari mo silang takbuhan ngunit ang nalalapit nating pag-iisa ay di mo matatakasan. Dahil matapos ang sumpaan at matagal na takbuhan, ay mag-iisa rin ang ating buhay at magsasama panghabambuhay sa hukay! *Sa punto de bista ng mga kasamang pinaslang ni Palparan. PAIGTINGIN ANG MANHUNT KAY BERGAGONG PALPARAN!

28

Terorista -Faye Sagun Wala kang baril, Ka Eden ngunit tinugis ka nila, tinawag kang terorista at salot sa masa, Marahas kang pinatay, parang baboy ka nilang kinatay. Paano ka naging terorista tulad ng iginigiit nila? Dahil ba sa iyong paninindigan? Sa iyong tapang na di mapasusubalian? Dahil kritiko ka ng pamahalaan? O dahil sa iyong pakikipaglaban para sa ating mga karapatan? Teka, lapatan natin ng lohika--Dinukot kayo ng mga armadong lalaki dala nila'y mga baril na de-kalibre; Kayo ni Ka Eddie ay kargado lamang ng paninindigan at mataas na kamulatan. Walang baril. Walang ginawang krimen. Ngunit tinugis kayo, tinawag na terorista, marahas na pinatay, parang baboy na kinatay.

Ngayon, Sino ang terorista? Sino ang salot sa masa? 04/05/2013

30

Ka Eden -Oliver S. Carlos Ka Eden, kasama ka naming naghahanap ng patay, naghuhukay ng bangkay. Ngayon, ikaw naman ang pinatay nila ~ Irein Cuasay, secretary general of Karapatan-Mindoro Oriental~ Sabihin mo, Ka Eden, na huwag kaming masuklam tumambad man sa amin ang basag mong bungo ang dalawang tila-tarak ng icepick sa iyong batok at ang di mo makilalang larawan; Sabihin mong itoy walang anuman,at huwag kaming magdamdam sa kanila na di man namin matukoy at mapangalanan sa tinakluban nilang mukha ng kalapastangan. Sa kanilang sa inyoy humarang, nagtanong sa iyong pangalan, at tinugon mo ng ako po iyon, kasabay ng dalanging huwag na silang mandamay, ikaw na lang ikaw na lang. Isatinig mong kamatayan ngay isang pagpapahingalay at walang-anumang ituturing na isa ka, isa ka lang sa maraming bilang ng maaamong tupang walang kalabanlabang kinaladkad sa bitayan. Ibulong mo sa amin, ngayon, ikaw nga mismoy walang pagdaramdam at magaan sa loob mong tinatanggap ang kinasapitan upang masambit naming siya nga poy payapa na sa bisig ng maykapal kasama nang iba pang mga pinaslang na hindi pa namin nahuhukay Sabihin mo, Ka Eden, upang harinaway hindi na pagdimlan pa ng isip Yaring bayang wala nang masulingan. Walang mapagsumbungan.

Sabihin mo ito, Ka Eden, Sa bayan kong daluyong na humuhugos ngayon sa mga lansangan. Sa mamamayang tumutugon sa anyaya ng kabundukan. *** April 6, 2013 Oran, Algeria

32

SA TUWING NAAALALA KITA -Aris Remollino Sa tuwing naaalala kita hindi lamang simpleng saya ng ating pagsasama ang aking naaalala. Naaalala ko rin ang ating saya kapiling ang mga katukayo sa paninindigang nagtatanim ng punla ng makabagong umaga. (Isang makabagong umagang pinanday ng tagumpay ng bawat bisig na kaugnay ng mga bisig na nagpapanday sa mga pabrika at bukirin.) Sa tuwing naaalala kita hindi lamang pagpaslang sa iyo ang aking naaalala. Naaalala ko rin sina Eddie Gumanoy, Beng Hernandez, Willem Geertman at marami pang katulad nyong kinitil ang karapatang tumindig at ipaglaban ang katwiran ng mga inaapi. At sa tuwing naaalala kita hindi lamang kirot ng pangungulila ang aking nararamdaman. Nararamdaman ko rin ang paghataw ng ngitngit, kasama ang ngitngit ng iba pang katulad kong pinutulan at pinuputulan ng aming mga katali-sa-kaluluwa. Sa tuwing naalala kita, Ka Eden Marcellana: kaibigan, kapatid, ina, asawa, kasama. Natitiyak kong hinding hindi magkakamali ang sulong ng aking mga yabag dito sa pinili kong landas. 2013, Abril 7

ayaw kong iyong makita ang aking pamamaalam -Lenkurt Lopez sabi mo, bawat pangambay panganib na nakaabang ngunit hindi natin alam kung kailan magpapasya. sa mga panahong inaalipin ng dilim ang katahimikan. at ang katahimikan ay para lamang sa atin. wariy nais mong iparating: na lagi akong mag-iingat. dahil batid mong ang katahimikan ay maaaring maging ingay sa panahong tayo naman ang aalipin sa dilim. hahanapin mo marahil kung saan nanggaling ang mga salitang iniluwal ng ating bibig noong huli tayongmagkita. kayat ayaw kong iyong makita ang aking pamamaalam. ayaw kong isipin mo na isang kasinungalingan ang pagnanais kang makita. kahit walang katiyakan kung muli ka pang mapagmamasdan.

34

Eden* -Rogene Gonzales Kinilala mo ang bawat pinatay, higit pa sa kanilang bangkay, hinanap ang hinablot na mga kaluluwa sa pagitan ng tabing ng mga talahiban, yumuko at binusisi ang bakanteng lote nang matiyak na hindi sila maiwanan sa ilalim ng mga nag-umpugang bato o anurin sa pagkaagnas ng batas ng dumadaloy na ilog ng kawalan. Niyakap mo ang humagulgol na mga kapamilya nang ipabalita ang turok na bumuo ng maliit na butas, bumitak saka dumurog sa damdamin sa pagkarinig ng trahediya ng bawat isa, inalayan sila ng puting luha ng hindi nagmamaliw na kandila kahit hindi mo sila kaano-ano, kahit hindi mo sila nakilala o nakadaupang palad ng kamao sa iyong mahabang krusada. Nagalit ka sa mga salarin na nagkubli sa kanilang krimen, sinabay mo ang ngitngit sa martsa, sinabuyan ng kulay dugo ang kampo ng mga berdugo, pinagliyab ang papel ng huwad at pangako ng kasinungalingang nagkatawang tao sa palasyo. Hanggang sa huling sandali, nanatili kang naninindigan nang ikaw ay nabuwal: Binigyan ng dahilan kung paano

maunawaan ang hakbang-hakbang na paraan ng pagsabuhay ng natutunan para sa bayang hinarang ng hinagpis, piniringan sa paghirang ng puntod, hinubaran ang tapis sa gahasa ng mga gahaman, at kinitil sa kamandag ng kalayaang kinanti sa pagpilas ng mga punglong nagpakilalang laso. Maraming salamat, dahil hanggang sa huling tigmak nang inalay ang kariktang nagpuyos sa mga ugat ng paghihirap, tinuruan mo kami kung paano ipaglaban ang aming karapatan sa unang pagtapak man sa lansangan o sa pinigang hiningang kumalinga sa naghihingalong masa sa nayon na dapat lamang higitan ang paraan ng pagpaslang sa iyo sa hustisyang makakamit lamang sa nag-aalab na higpit ng mga gatilyo: Gatilyo na siyang iaasinta sa mga walang pusong dibdib ng mga nag-utos na mapagsamantala, gatilyong magsisilbing gabay sa hinahangad naming katiwasayan sa mundong ibabaw, gatilyong siyang magiging tulay na mag-uugnay sa kinabukasan nang marating ng taumbayan, ang paraisong siya ring iyong tanging ngalan.

36

KAY EDEN -Jun Panganiban Austria Bawat aktibistang nabaon sa hukay Sa bangis-militar ng Palparang kamay Ay mitsang kandila ng pakikiramay Sa hustisyat layang malamig na bangkay. Subalit pag-asa ay di mamamatay Ang pakikibaka ay di mananamlay Bawat aktibistang tinortyur, pinatay Kapalit ay dugot buhay ng kaaway! Sinulat ng may-akda noong 2003 pagkamatay ni Eden Marcellana, isa sa mga prominenteng biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa Oriental Mindoro noong nakatalaga roon si Maj. Gen. Jovito Palparan, Jr at unang nalathala sa Bulatlat.com KAY EDDIE -Jun Panganiban Austria Nanabog sa lupa ang utak at dugo Na mula sa lupit at dahas ng punglo Ngumisi, tumango itong naka-fatigue Hindi nakonsensiya, hindi natigatig Subalit kahit ang hiningay napatid Ay hindi nalimot silang nangabulid May bukangliwayway itong paniningil Bangungot sa idlip nitong mapaniil

tatlong talim (3den) -Orly Lato Oboza post-mortem tinali ka na parang baboy kasama si eddie gumanoy maraming marka sa buong katawan nagpapakita ng labis na pagpapahirap bago ang paghinga mo'y pinanawan may saksak ang iyong mukha ka eden habang ang iyong leeg ay may gilit pagkasahol ay dumaig sa pagkatay ng biik ang totoo hindi lang ganoon ang iyong sinapit noong gabi na ginawa sa iyo ang krimen tadtad ng pasa ang iyong katawan dahil sa bugbog mula sa mga duwag na dinaig pa ang mga hayop ka eden, ganoon karuwag ang estadong ito nakaasa sa mga naka-uniporme't bayarang berdugo upang ang tulad mong malaking tinik sa kanilang lalamunang napakaganid maglaho na't maibsan ang nadarama nilang sakit ka eden... ang hindi nila alam at di kailanman nila mauunawaan pinag-alab lamang nila ang ating galit at nag-anak lamang ito ng libong ka eden dinagdagan lamang nila ang sakit ngunit ang lalatay sa kanilang mga lintik

38

sa sandaling maramdaman nila ang bagsik kapag ang ganti ng paghihimagsik ay sa katawan na nila humalik anino lang nila ang di makakaramdam ng sakit! anino lang nila ang walang latay! at magsusumamo na silang dagling mamatay kaysa unti-unting naghihirap sa sandaling kanilang malasap ang ganting dapat nilang matanggap! 2013_11_03 hindi ka lamang ina dalawang supling ang iyong iniluwal inaruga ng mga kamay mong mapagmahal subalit hindi ka lamang ina, ka eden ipinaglaban mo din ang laganap na krimen sa karapatan ng mga anak dito sa atin kung paanong sa araw-araw pinagkakaitan nitong mga dayo't nasa estado-kapangyarihan ang kalakhan ng mamamayan na dapat makatamasa ng mga karapatan marami ang naghihirap at palaging kumakalam ang tiyan marami ang napapagkaitang makapag-aral pero sa maliit mong tinig itinindig mo sila upang madinig hindi ka lamang ina dakila ka! 2013_12_03

bayani ka na ka eden, hindi ka lamang nanay bayani ka na bago ka pa man nila pinatay dahil sa paglaban para sa karapatan 2013_13_03 *Alay para kay kina ka EDEN MARCELLANA, mother of two, a human rights worker, murdered April 21, 2003. Siya ang butihing asawa ni ka Orly Marcellana at kay ka Eddie Gumanoy. Alay para sa patuloy na paghahanap natin ng hustisya sa mga biktima ng extra-judicial killings.

40

NILILIKHA SA BAYANG ITO ANG SEMENTERYO NG KATOTOHANAN -Alexander Martin Remollino (Handog kina Sulficio Tagud, Jr., Beng Hernandez, Crispin Beltran, Acsa Ramirez, Satur Ocampo, Eden Marcellana, Antonio Trillanes IV, Tina Panganiban-Perez, Bernadette Sembrano, Panfilo Villaruel, at iba pang nagsikap na magbunyag ng katotohanan subalit ginipit o pinarusahan ng rehimeng ito) Huwag mo nang hanapin sa mga lantad na lugar ng bayang ito ang katotohanan. Magsasayang ka lamang ng panahon. Matutulad ang gayong paghahanap sa walang hanggang pakikinig sa mga kantang karaniwang tinutugtog ngayon: mga kantang kayhahaba ng saknong sualit ni isang salita ay wala. Ang katotohanan sa bayang ito ay tila kriminal na tinutugis ngayon ng mga posas at punlo. Gamit ang mga kasangkapan mula sa Malacaang, nililikha sa ating hayan ngayon ang isang sementeryo ng katotohanan. Kasabay nito'y umuupa ng mga manikin ang Palasyo upang magtanghal ng isang komedya ng kabulaanan. Kinakailangang hilahin ang halimaw pababa ng trono.

Ganito kami ngayon sa Bondoc Peninsula, Sana hindi na ito maranasan sa buong Filipinas (Siyam na taon pagkaraan ng marahas na pagdukot at pagpaslang kay Ka Eden ay Ka Eddie at sa iba pang biktima ng militarisasyon sa Timog Katagulagan o sa buong kapuluan.) -Hermano Pulibok I. Nagkumoplaheng dagim sa lapulap-talukap ng Bondoc Peninsula, Ang laksa-laksang batalyon ng AFP-PNP tangan ang "Oplan Bayanihan" Na mapanlinlang sa masa't mamamayan dito sa aming probinsiya ng Quezon. Tila mga asong bangag silang inaamoy ng inip-na-inip na M-14 at M-16; Ang mga mangingisda, magsasaka at manggagawa sa pamilihang bayan. At isa-isang inuusisa ang mga mamamayan ng Quezon, saan man sulok Na pinaghihinalaan nilang balwarte ng mga subersibo't rebolusyonaryo. Niyayanig nila ng halakhak-ratrat ng armalayt at granada ang mga kabundukan, Gulod o burol, ang mga sakahan at kabayanan sa mga araw at gabing pagkaburyong Sa de-kadinang utos at batas ng kanilang mga heneral-opisyal na may dilang-diyablo. Gamit ang dahas-interogasyon; Paulit-ulit at uulit-ulitin nilang tinutortyur-pinaaamin Kahit ang mga batong-dalig, batumbuhay at mga abot buhangin sa mga baybayin o daungan. Maging ang mga buho't kawayan sa bingit ng mga talampas, at ang mga bakawan sa pagitan

42

Ng tubig alat at tubig tabang ay marahas nilang tinatabas, pinipilipit-pinapaawit na kilala nila Ang mga NPA, at sa sumusuporta at yumayakap sa prinsipyoideolohiya ng Partido Komunista. Hala sige mangagtawanan kayo mga sunod-sunurang-asosundalong mga hayok sa laman. Hala sige magpakasaya kayo mga opisyal, Chief of Staff na gahaman sa salapi't promosyon. Hala sige mangagkuyakoy ka lang sa Malacaang, commanderin-chief Benigno S. Aquino III. Habang pinaluluha ninyo ng pinakamalapot na dugo ang aming inang lalawigan-Bondoc Peninsula. Isang umaga, Mamumulias rin ang pulang arawmagigising at mamumulat ang buong sambayanan Upang lumahok sa pakikibakaang mga anak, apo-at-kaapuapohan ni Hermano Pule. II. Sa mga ditatsment-kampo ng Infantry Battalion ng Philippine Army, Nakabayubay ang duguang mapa ng buong lalawigan ng Quezon. Ipinako wari ang kamay at paa nila ng dilaw na corkpin sa blakbord Hinatulan ng Order of Battle ng mga pasistang heneral at Pangulo. Agdangan Buenavista Catanauan General Luna Macalelon Mulanay Padre Burgos

Pitogo San Andres San Francisco San Narciso Unisan Masinsing inaaral; Ang likaw at tibay ng bituka at ugat ng dalawamput-dalawang Kaligiran ng bayan, na umano'y kanlungan ng mga kaaway nitong estadot gobyerno. Nakalatag na parang mga rebulto ang sinasamba nilang mga bala, armalayt, granada, Amunisyon, at ang "Oplan Bayanihan" na may basbas-atas ng kanilang Panginoon. Alabat Atimonan Calauag Guinayangan Gumaca Lopez Tagkawayan Plaridel Perez Quezon Dito sa dibdib ng Gumaca, San Diego de Alcala araw-gabing nananaghoy ang batingaw ng katedral. Kaalinsabay ang walang habas na pagdukot at turtyor; At pananakotpagpapaputok ng mga riple't granada ang militar. Manalig, may resureksiyon ang rebolusyon ng sambayanang ipinagpakasakit ng pasistat naghaharing-uri.

44

KUNG ANO ANG KATUTURAN NG KAGITINGAN -Alexander Martin Remollino Dati nang nasabitan ng Medalya ng Kagitingan si Jovito Palparan, Jr. Hindi raw magiging heneral si Palparan kung hindi isang "tunay na lalaki," ayon sa dating heneral na si Eduardo Ermita -na ang pagpapakahulugan sa pagiging isang "tunay na lalaki" ay pagiging isang huwaran ng katapangan. Ano ang katuturan ng kagitingan? Itanong natin sa mga paslit na Tausug na pinagpapatay ng mga sundalo sa Sulu upang, diumano, huwag nang makasapi pa sa "rebeldeng" mga Moro. Itanong natin kay Marcelo Fakila, ulama sa isang baryo sa Sagada -dinukot at pinahirapan ng mga sundalo. Itanong natin sa lilimahing taong gulang na batang pinaslang sa Laguna; at kay Nia Angela Apolinar, walong taong gulang, na ginapos sa mga kamay bago kinitlan ng buhay sa Oriental Mindoro. Itanong natin kay Marvin Montabon, binaril at sinilaban isang madaling-araw sa sariling tahanan. Itanong natin kina Karen Empeo at Sherlyn Cadapan: sinugod sa dampang tinuluyan habang natutulog, binati sa paggising ng nakatutok na mga baril, piniringan -- at sariling kamisetang hinubad kay Karen ang ipinampiring sa kanya -binitbit at hindi ilitaw ng mga sundalo.

Itanong natin sa mga Expedito at Manuela Albarillo, sa mga Choy Napoles, Eden Marcellana, Eddie Gumanoy, Felidito Dacut, at Orlando Rivera -mga walang sandata, pawang pinagbabaril hanggang mamatay. Sila ang makapagsasabi kung kagitingan nga bang maituturing ang manakit ng mga di-makalaban, ang pumatay ng mga di-makapagtanggol ng sariling buhay laban sa mga baril.

46

Sa alaala nina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy -usman abdurajak sali Hindi ninyo alintana ang hirap at panganib, sa landas ng mapagpalayang paglilingkod. At sa araw ng inyong pagpanaw naging ganap ang inyong pag-aalay. Ngunit hindi nagtatapos sa kamatayan ang inyong kasaysayan. Ang inyong pag-aambag ay panandang bato na mananatili sa puso ng masang api, na pinili ninyong paglingkuran. Magiging tuntungan ito ng bawat masang susunod sa inyong mga yapak sa ibat ibang larangan ng paglaban. Magbabanyuhay ito sa bawat tinig ng himagsik na maniningil sa utang na dugo ng mga naghaharing ganid at sakim ang puso. Mabubuhay ito sa bawat bisig na nagbabalikwas na magpapasyang humawak ng armas, susulong pinakamataas na antas ng pakikibaka. Muli itong isisilang sa bawat damdaming naglalagablab sa wagas na mithiing lumaya, sa dalisay na layon ng paglaya! Ka Eddie, magbabanyuhay ka sa bawat magsasakang titindig upang ipaglaban ang kapakanan ng masang api! Ka Eden, mabubuhay ka sa bawat inang tutuligsa, at uusig sa mga berdugong maiitim ang budhi! Sa araw ng inyong pagkabuwal, nagsimula ang inyong pagiging imortal; Dahil ang inyong kamatayan ay simula ng inyong kawalang kamatayan. Kasamang Eddie at Kasamang Eden, nagpupugay kami sa inyo!

LARAWAN NI EDEN (tulang alay kay Eden Marcellana at iba pangbiktima ng pagsasamatala ng militar) -Joel CostaMalabanan (Abril 20, 2004) Binilang, inilista, ni Eden Marcellana ang mga larawang ipinahiram sa akin Larawang ang lamay pagsasamantalat mga pamamaslang Sa mga biktima ng mga militar Sa Mindoro, Quezon, Laguna, Cavite at iba pang lugar Ang mga larawan ang siyang nagbubunyag Na di pa payapa ang bayan kong liyag Maraming paglabag sa karapatang pantao Ang di nalalahad, o nalalathala sa alin mang diyaryo! Nang ipakita ko, sa estudyante ko, ang mga larawan Sila ay nasindak, ang ibay nanlumo at nahintakutan Ang ibay namulat, sa katotohanan na sa karangyaan silay nagtatampisaw Habang sa Mindoro, lupain ng Mangyan palay inaagaw Nasaan ang hustisya? ang isinisigaw Ngunit isang araw sa buwan ng Abril, pumutok ang baril Di ko akalain na madadagdagan itong paniniil Ngayoy kasama na, ang mukha ni Eden sa mga larawan Bangkay ng hustisya waring nanunumbat sa aking kamalayan At parang ang sabi: Ipagpatuloy mo ang pagmumulat sa mga kabataan !

48

MAGANDA KA PA RIN, KASAMA -Stum Casia Maganda ka pa rin. Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin at pilas ang maganda mong pisngi. Maganda ka pa rin. Kahit hirap na kitang makilala. Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin. Maganda ka pa rin, aking asawa. Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin, mahal kong asawa. Bigla ko tuloy naaalala, noong hindi pa tayo magkakilala. Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo. Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner. Parang stalker. Tinitignan kita. Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime. Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig, At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA. Pero, mahal na kasama, ngayong gabi, ibig sana kitang sarilinin. Tayo lang sana ng mga anak natin. Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin? Pwede bang dito ka muna sa amin? Oo, alam ko, di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado. Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama.

Kaya't kasama nila, bubuhayin ko ang iyong alaala. Bubuhayin namin ang iyong mga alaala. Ang huling araw na ikaw ay nakasama. Ang huling text message na iyong pinadala. Ang iyong mga aral at mga hamon. At batid naming lahat saan ka man naroroon. Tiyak namin san ka man naroroon. Tumatawa ka nang malakas, tinatawanan mo ang mga ungas. Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila. Nabigo silang ika'y patahimikin. Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain. Akala nila nagwakas, Pero tumutupok pa rin ang sinindihan mong ningas. At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas. I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.

50

Mahal Kong Orly -Axel Pinpin `Wag kang masyadong mag-alala mahal kong asawa, kung inakala mong naging mahirap ang aking pagpanaw. Katunayan halos hindi ko naramdaman ang mga paso ng sigarilyo sa aking hita. Higit akong naluha, nang sumagi sa aking isip ang mga tahanang sinunog ng militar. Kahit ang dalawang tusok ng icepick sa aking batok, ay naging madali dahil inagaw ang kirot ng alaala ng mga matang dinukot at tinapyas na leeg, ang hapdi nito. Hindi ko na rin pinansin ang matigas na bagay na ibinagsak sa aking mukha. Kahit pa nga ikinadurog ito ng lahat ng aking ngipin. Kahit halos magtalita ang aking mga panga at lumuwa ang aking mga mata.

Paano, higit na mas masaklap ang mga di-nabalitang masaker, straffing, pamumugot ng ulo, ang mga di na natagpuang bangkay ang mga inulilang anak at nilisang tahanan ng kapwa mo rin magsasaka. Mahal kong asawa, kung maari, `wag mo nang ipatak ang iyong luha. Ngayong gabi, tiyak magtitipon kayo sa isang parangal, mag-aawitan, magtatalambuhayan, aalalahanin ang aking mga ambag. Sa huling pagkakataon magdudulot ng kilabot ang aking kabaong sa inyong harapan. Ngunit may hamon ang pagkahapis, kukuyom ang inyong kamao sa iisang nais, sa pag-awit ng Internasyunale maaring hindi nyo mapipigilan, papatak ang inyong luha, hahalo sa lupa, sa lupang pinatakan ng aking dugo. Kung magkaganito, maari ba mahal kong asawa, tipunin mo ang kanilang mga luha.

52

Sa anumang paraang kinakailangan, ihulma mo sa hugis ng punglong itinubog sa kumukulong asero. At sa dulo ng aking libing ay ang sigaw ng makauring paghihiganti tungo sa kalayaan.

Ang na-ipinid na kahapon -Orly Marcellana Ayaw ko nang gunitain ang mapait na nakaraan Ayaw ko nang isalaysay ang buong kaganapan Nais ko nang ipinid ang madilim na karanasan Na nagdulot sa akin ng ibayong kapighatian Sa bawat salaysay na aking binibitiwan Punyal na tumatarak sa aking dibdib Patuloy na nagdurugo ang pusong sugatan Isang bangungot na nangyari na ayaw ng balikan Kamakailan lamang ako ang naglalahad Nang kaganapan ng anakpawis na mahihirap Kapos palad na kalagayan na sa kanilay nagsadlak Ngunit kwento nila ito ang sa akiy naganap Nais ko nang itago dito sa aking puso Ang ligaya at lungkot na aking nadarama Sa mga pumanaw at nawawalang kasama Dito sa aking puso nakatayo ang bantayog nila Pilitin ko mang baybayin ang nakaraan Kahulugan nito ay luha ng pagkalumbay Di maarok ang mga naging kaganapan Sa makahayop na ginawa nilang pamamaslang Nanatili silang bayani sa puso kot isipan Tataglayin ko ito habang akoy nabubuhay Inspirasyon ko sa gawain ang naging buhay nila Inialay sa bayan para sa ganap na paglaya Ititiklop kuna ang aklat na ito Hayaan ko nalang na iba na ang mag kwento Nariyan si anak at mga kasamahan Buhay na halimbawa ng aking buhay

54

December 14, 2008

Kambal -Pia Montalban Iniire ng pagsasamantala ang pakikibabaka, Kakambal nito ang pagtataya. Iniire ng pagtataya ang pagtindig, Kakambal nito ang banta ng mga sinasadyang sakuna. Iniire ng mga banta ng mga sinasadyang sakuna ang tapang, Kakambal nito ang pagsulong. Iniire ng pagsulong ang pagtaas ng antas ng pakikibaka, Kakambal nito ang pagtangan ng karit at maso. Iniire ng pagtangan ng karit at maso ang latigo ng estado, Kakambal nito ang dahan-dahan at yugto-yugtong paglaya. Iniire ng dahan-dahan at yugto-yugtong paglaya Ang mga Eddie at Eden ng bayang ito, Mga Juan dela Cruz na iniluwal ng pagsasamantala, At natutong makibaka, magtaya, tumindig, Magpakita ng tapang sa gitna ng mga banta Ng mga sinasadyang sakuna at tumikim ng latigo ng estado, Sa pagtangan ng karit at maso-May kakambal ang bawat pangyayarit kalagayan. Iniire ng takot ang tapang, Kakambal nito ang pagdoblet triple ng ating bilang.

Magpatuloy Sa Pakikibaka -g.magdiwang Oo mga Kasama, sadyang nakapanghihinayang ang kanilang pagkawala. Nilagot ng mga pasistang punglo ang kadakilaan ng kanilang hininga. Subalit sa kabila ng panghihinayang, huwag nating tulutang mapariwara sa kawalan ang kanilang ipinaglaban. Huwag nating hayaang mawalan ng saysay ang inialay nilang buhay. Sana'y hindi pighati ang ating masumpungan sa kanilang kamatayan kundi kaluwalhatian. Sana'y hindi lungkot ang maglambong kasabay ng pamamaalam kundi panibagong lakas at tapang. Sana'y kapalit ng kanilang buhay ay ibayong pagsisikhay, pakikibakang mas maalab, poot natin sana'y maglagablab at tupukin hanggang kahulihulihang himaymay nagi-itimang buto ng mga kaaway. Oo mga Kasama, Ang kanilang kamatayan ay isang kabayanihan. Subalit makakamit lamang nila ang kaluwalhatian kasabay ng pagkamit natin ng tagumpay. Mawawalan ng saysay ang inialay nilang buhay kung hindi tayo magtatagumpay. Walang saysay ang mga parangal. Walang saysay ang mga inuusal na dasal. Walang saysay ang mga gabi ng paglalamay.

56

Maging ang tulang ito ay walang halaga kung isusuko natin ang laban nila. Oo mga Kasama, tayo'y tatangis, magluluksa, at malulumbay pansamantala. Subalit kasabay ng pagpahid sa ating mga luha Pawiin natin ang mga agam-agam At magpatuloy sa pakikibaka!

Tanggapan -Ipe Soco Ka Eden*, umiiksi na ang pila-balde sa lasog-lasog na katawang pinagsasahuran ng dugo ng mga berdugo 1,206** ang inabot na Gloria ng Oplan Bantay Laya Pero umiiksi na ang pila-balde 137*** pa lang ang napagbabayanihan ng mga berdugo ng hasyenderong pangulo Subalit umiiksi na ang pila-balde ng mga pinapaslang na kriminal Oo, Ka Eden kriminal ang mga pinatay at mga iwinala at mga ipiniit na reklamo nang reklamo sa batas ng diyos-diyosang nagtatakda ng wasto sa altar ng kasalukuyang sistema: wasto ang baluktot at krimen ang maghanap ng katarungan Kayat umiiksi na ang pila-balde ng mga duguang katawan Subalit, Ka Eden umiiksi na maging ang pila ng mga dumudulog sa iniwan mong tanggapan Ngunit hindi nangangahulugang

58

wala nang paglabag sa karapatan Ka Eden, batid na ng karamihan na mailap ang katarungan sa mga hungkag na hukuman mas pinipili na nilang dumulog sa mga kampo at himpilan doon sa ilang ng Merardo Arce Command at ng Pulang Bagani Command at ng Melito Glor Command at ng iba pang yunit ng Bagong Hukbong Bayan Ka Eden, nag-aarmas na ang sambayanan para wakasan ang pila ng kawalang katarungan *Eden Marcellana Kasalukuyang pangkalahatang kalihim ng Karapatan nang paslangin noong Abril 22, 2003 **Bilang ng biktima ng pampulitikang pamamaslang na naitala ng Karapatan sa buong panahon ng panunungkulan ni Gloria Arroyo ***Bilang ng biktima ng pampulitikang pamamaslang na naitala ng Karapatan mula Hulyo 2010 hanggang Disyembre 2012

ISANG DEKADA -Orly Marcellana Isang dekada nang kawalan ng hustisya Isang dekada ng hindi napaparusahan si Palparan at Gloria Sa pagkakapaslang ng dalawang lider aktibista Inutil si Noynoy na usigin ang may mga pagkakasala Hindi lamang sila ka Eden at Ka Eddie ang nagging biktima Hindi lang kami ang pinagkaitan ng hustisya Libong pamilya ang patuloy na nakikibaka Para usigin ang mga berdugo at pasista Tila kalian lang, ngayon at isang dekada na! Dati hinagpis ang aking nadarama Nagkasakit din ako at nagkaroon ng troma Ngaunit ngayon ay malilintikan sila Maraming salamat sa lahat ng masa, kasama at kaibigan Maraming salamat at akoy inyong sinamahan Mula noon hanggang ngayon akoy ginabayan Pinatatag at pinatibay ang paninindigan Buhay na kanilang inutang ay buhay rin ang kabayaran Walang kapatawaran ang kanilang kasalanan Naghahanda ang masa at bagong hukbong bayan Mga salarin ay lilitisin sa hukumang bayan Ka Eden Marcellana at Ka Eddie Gumanoy Lalagi kayong nasa puso ng hukbo at masa Paalam mahal na kabiyak at kasama Kamatayan kay Palparan at Gloria Marso 28, 2013 Bacoor City, Cavite

60

Sulyap ng Kadakilaan -Orly Marcellana Silay mga kasamang dakila at bayani Sa pakikibaka inialay ang buhay Sa Oriental Mindoro sila ay pinaslang Sa pamumuno ni Jovito Palparan Abril 21, 2003 sila ay dinukot Labing isang myembro ng fact finding team Lima ang dinala ay anim ay iniwan sa ban Ang tatlo ay hinihulog sa mga sasakyan Abril 22, 2003 natagpuan ang kanilang bangkay Sa tabi ng kalsada sa taniman ng palay May tama ng baril ang kanilang katawan Si Ka Eden at Ka Eddie malamig ng bangkay Timog Katagalugan nagluksa at nagalit Bangkay nila ay dinala sa UP Diliman Sa Mendiola at DND, SOLCOM na kampo militar Ipinadarada para ipakita ang kanilang kabuktutan Bigo ang estado na kilusang masa ay takutin Pagkat ang masa ay lalong nagising Mga instromento ng estado ay dinagsa Nang kilos protestang katarungan ang nais Kasamang Eden Marcellana at Ka Eddie Gumanoy Ang naiwang gawain nyo ay aming ipinagpapatuloy Ang berdugong estado ay aming sisingilin Sa kamatayan ninyo at marami pang kasamahan Sulyap sa kadakilaan ng mga marter ng bayan Sila ay ating tala sa gabi ng paglalamay Silay huwaran ng masang nakikipaglaban Para sa kalayaan ng mahal na bayan Enero 7, 2011

64

You might also like