You are on page 1of 9

“Ang Ningning at ang Liwanag”

mula sa Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto


Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin.
Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa
kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang
naugalian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y
magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwat marahil naman ay isang
magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan? Tayo’y mapapangiti at isasaloob:
Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang
katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.
Ay! Sa ating pag-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.
Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at
dalita.
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay
nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong lalo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwalaan
ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan
sukdulang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng
ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang
asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang
mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga
matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,
mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin.
Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
“Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa”
Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
sa pagkadalisay at pagkadakila ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? sa inis na puso na sisinghap-singhap,
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


at isa-isahing talastasing pilit ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
ang salita’t buhay na limbag at titik mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
ng isang katauhan ito’y namamasid. hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal Ang nangakaraang panahon ng aliw,
sa tapat na puso ng sino’t alinman, ang inaasahang araw na darating
imbit taong gubat, maralita’t mangmang ng pagka-timawa ng mga alipin,
nagiging dakila at iginagalang. liban pa ba sa bayan tatanghalin?

Pagpupuring lubos ang nagiging hangad At ang balang kahoy at ang balang sanga
sa bayan ng taong may dangal na ingat, na parang niya’t gubat na kaaya-aya
umawit, tumula, kumatha’t sumulat, sukat ang makita’t sa ala-ala
kalakhan din nila’y isinisiwalat. ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Walang mahalagang hindi inihandog Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog


ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, bukal sa batisang nagkalat sa bundok
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, malambot na huni ng matuling agos
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. na nakaka aliw sa pusong may lungkot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
na hinahandugan ng buong pag kasi gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
na sa lalong mahal kapangyayari walang ala-ala’t inaasam-asam
at ginugugulan ng buhay na iwi. kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
siya’y ina’t tangi na kinamulatan wari ay masarap kung dahil sa Bayan
ng kawili-wiling liwanag ng araw at lalong maghirap. O! himalang bagay,
na nagbibigay init sa lunong katawan. lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
at siya ay dapat na ipagtangkilik nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
ang anak, asawa, magulang, kapatid bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
isang tawag niya’y tatalikdang pilit. at natitilihang ito’y mapanuod.

Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-Tagalogan Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
ay nilalapastangan at niyuyurakan sa pag-asang lubos na kaginhawahan
katwiran, puri niya’t kamahalan at walang tinamo kundi kapaitan,
ng sama ng lilong ibang bayan. kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis Kayong antayan na sa kapapasakit


ng pusong Tagalog sa puring nalait ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
at aling kaluoban na lalong tahimik muling pabalungit tunay na pag-ibig
ang di pupukawin sa paghihimagsik? kusang ibulalas sa bayang piniit.

Saan magbubuhat ang paghihinay Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


sa paghihiganti’t gumugol ng buhay kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
kung wala ring ibang kasasadlakan ng bala-balakit makapal na hirap
kundi ang lugami sa kaalipinan? muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos Kayong mga pusong kusang inuusal
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop ng daya at bagsik ng ganid na asal,
supil ng pang-hampas tanikalang gapos ngayon magbangon’t baya’y itanghal
at luha na lamang ang pinaa-agos agawin sa kuko ng mga sukaban.

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay Kayong mga dukhang walang tanging sikap
na di-aakayin sa gawang magdamdam kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
pusong naglilipak sa pagka-sukaban ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
na hindi gumugol ng dugo at buhay. sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Mangyari kayang ito’y masulyap Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


ng mga Tagalog at hindi lumingap hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
sa naghihingalong Inang nasa yapak kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak. ito’y kapalaran at tunay na langit.
“Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”
Hermenegildo Flores

Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, Ani sa asyenda't kita sa simbahan


nasaan ang iyong pagtingin sa anak? sa minsang mapasok sa mga sisidlan
akong iyong bunsong abang Pilipinas ng mga kumbento'y di na malilitaw
tingni't sa dalita’y di na makaiwas. kaya naghihirap, balang masakupan.

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, Ang dulo'y marami sa mga anak ko
sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; ang di makabayad sa mga impuwesto
ngayo’y inuusig at di pagitawin sa gayong katataas ng mga rekargo
ng mga prayleng kaaway mong lihim. pagka't kailangan naman ng estado.

Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, Sa bagay na iyan, ang mga mahirap


ayaw ng prayleng ako’y makinabang, na walang pagkunan ng dapat ibayad,
sa mga anak ko’y ang ibig lamang sa takot sa Sibil, aalis ngang agad,
isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. iiwan ang baya't tutunguhi'y gubat.

Nang di maisigaw ang santong matuwid Dito pipigain naman ang maiiwan,
na laban sa madla nilang ninanais na di makalayo sa loob ng bayan,
palibhasa'y wala silang iniisip siyang pipiliting magbayad ng utang
kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. kahima't wala ng sukat na pagkunan.

Sa pagpapalago ng kanilang yaman Maghanapbuhay ma'y anong makikita


bendita't bendisyon lamang ang puhunan, wala nang salapi, ibayad ang iba
induluhensiya't iba't ibang bahay pagkat naubos nang hititin ng kura
ng mga sagrado naman ang kalakal. sa pamamagitan ng piyesta't iba pa.

Sapagkat anumang bilhin sa kanila, Sa limit ng mga piyesta't mga kasayahan


kaya namamahal, dahil sa bendita, ay walang ginhawang napala ang bayan
kahit anong gawin pag may halong kanta kundi ang maubos ang pinagsikapang
ay higit sa pagod ang hininging upa. sa buhay ng tao'y lalong kailangan.

Ibig ng simbaha't kumbentong marikit Ang kapalaluang paggugol ng pilak


organo't kampana aranyang nagsabit; nang dahil sa pyesta ay di nag-aakyat
damasko't iba pa, datapwa't pawis sa langit, kundi ang santong pagliyag
ng bayan kukunin, mahirap mang kahit. ng puso ang siya lamang hinahanap.
Niyong ang ating Amang hindi madadaya Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat
sa inam ng pyesta at lagi ang ganda, at ito ang siyang lalong nararapat
sapagkat ang ating gawang masasama ngunit ang prayle'y walang hinahangad
ay di mangyayaring bayaran ng tuwa. kungdi magpalalo't ang baya'y maghirap

Ang pangako nila sa mga anak ko Gayunmay'y ako pa ang siyang masama
ay magbigay lamang sa mga kumbento kung aking idaing yaring pagkaaba,
ng kuwalta'y sa langit naman patutungo sarisaring dusa nama'y nagbabala
at ligtas sa madlang panganib sa mundo. sa balang dumamay sa aking pagluha.

Saka sasabihing ang kanilang aral Yamang may hustisyang hindi humihibik
ay utos ni Kristong dapat na igalang kung dili sa balang ayon sa matuwid
bago hindi'y gayo't kauna-unahang sa di natutulog na awa ng langit
lumalabag sila sa Poong Maykapal. ipauubaya yaring pagkaamis.

Ang mga anak ko'y turuan nga lamang Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula
ng bala-balaking dapat matutuhan ng ibang potensya sa balat ng lupa
kahima't maubos ang lahat ng yaman ang kamahalan mo kung mapag-unawang
kikilanlin ko pang darakilang utang. sa anak ay inang tunay ang dumusta?

Dapwa'y sa akin daya at pag-api Hanggang dito ina't ang bahala'y ikaw
ang siyang nakayang pawang iginanti, dangal mo'y tanghalin ng sansinukuban
kaya hanggang ngayon sa ikabubuti ang pagkakasundo ng lahat mong kawal
ng kalagayan ko'y wala pang masabi. ay lumagi nawa sa kapayapaan.
“Sa Aking mga Kababata”
Jose P. Rizal

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagkat ang salita'y isang kahatulan


sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
at ang isang tao'y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa isang tunay na nagpala.

Ang wikang tagalog tulad din sa latin,


sa ingles, kastila at salitang anghel
sapagka't ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba


na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
Sipi mula sa “Dasalan at Tocsohan”
Marcelo H. Del Pilar

Ang Tanda

Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming Fraile, sa manga
bangkay namin, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya
naua.

Pagsisisi

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalacay sa akin:
pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko.
Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na matibay na
dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla
nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica
naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang
sa mahal na pasyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.

Ang Amain Namin

Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning
iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung kami
nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama
mong dila. Amen.

Ang Aba Guinoong Baria


Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bukod ka niyang
pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nang
Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.

Ang Aba Po Santa Baria

Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang
aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang
ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba
pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo
man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong
kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin
mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.

Ang Manga Utos Nang Fraile (Ang Sampung Utos ng Prayle)


Sa makabagong pagbabaybay

Ang mga utos nang Prayle ay sampu:


Ang nauna: Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.
Ang ikalaua: Huwag kang magpapahamak o manumba ng ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Manalangin ka sa Prayle Linggo man at piyesta.
Ang ikapat: Isanla mo ang katauhan mo sa pagpapalibing sa ama't ina,
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panlibing.
Ang ikanim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
Anh ikaualo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
Ang ikapulo: Huwag mong itangi ang iyong ari.
Itong sampong utos ng Prayle'y dalawa ang kinauuwian.
Ang isa: Sambahin mo ang Prayle lalo sa lahat.
Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya nawa.
Ang mga kabuhungang asal, ang pangala'y tontogales ay tatlo.
Igalang mo ...
Katakutan mo... Ang Prayle
At pagmanuhan mo …
“Katuiran din Naman”
Pio Valenzuela

Narito’t aming ibabalita ang isang nangyaring dapat na isiping mahinahon ng lahat ng
tagalog. Ito’y isang bagay na nakamamangha’t nakapupoot, at gayon ma’y siyang nangyayari sa
araw-araw.
Sa kagabihan ng ikadalawangpuo’t apat na araw ng Diciembreng nagdaan, ang teniente del
barrio sa S. Francisco del Monte ay nasasabahay niya’t humahatul sa hablahang nangyari sa dalawang
babai. Anopa’t niyang kasalukuyang gumaganap ng kaniyang katungkulan, dadating ang kura’t
siya’y tinapatan sa bintana at sabay na tinungayaw ng katakut-takut, na sa kapangitang lubha ng mga
sinabi ay di namin maitala.
Datapua’t di nagkasiya ito sa galit o lupit niya, marahil, kaya’t sunod-sunod na pinutukan
ang teniente del barrio ng isang revolver na dala sa kamay. Niyang makita nito, na siya’y talagang
papatayin, at naramdaman niyang sumayad sa noo niya ang ikatlong putok, kaniyang sinibasib [?]
ang inagaw ang revolver at katulong ng mga anak niya’t asawa kanilang ginapus, sapagka’t sa paraang
ito lamang kanilang mapipigilan ang sa among na kabangisan.
Sa ganitong anyo, sila’y inabutan ng mga hukom na galing sa Maynila, at agad agad na dinakip
ang buong kamaganakan at mga kaibigan ng teniente del barrio, sampung bata’t matanda, babai’t
lalaki. Ang cura’y tahimik na umui sa convento ng kaniyang mga kasamahan sa Maynila.
Sa mga tanungan at usisaang nangyari ay lumitaw na ang isang babai ang lumalabas na may
sala sa hatulan ay kalunya ng among (¡!)
Tignan ngayon ng bayan ang kabaitan, kalinisan at kapakumbabaan ng mga pinupoon niyang
kahalili ng Dios.
At tignan din naman ang gawa ng nagaakay sa kaniya sa landas ng katuiran, na ang
maglilingko’y ipinagtatangol at pinapagdurusa ang nilulupig nito. At salamat kung ito’y sukat na;
malapit na mangyari, ayon sa mga alingawngaw at dating ugali, na ang teniente del barrio at ang anak
na babaing nito, na nag ngangalan ng Pia, ay itapun ang isa sa ibang pulo, at ang isa sa iba; sapagka’t
ito’y siyang kinakailangan sa mga ayaw papatay sa ama ng kalulua.

You might also like