You are on page 1of 6

Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya pagkat naubos nang hititin ng kura

Tula ni Hermenegildo Flores sa pamamagitan ng piyesta't iba pa.

Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, Sa limit ng mga piyesta't mga kasayahan


nasaan ang iyong pagtingin sa anak? ay walang ginhawang napala ang bayan
akong iyong bunsong abang Pilipinas kundi ang maubos ang pinagsikapang
tingni't sa dalita’y di na makaiwas. sa buhay ng tao'y lalong kailangan.

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, Ang kapalaluang paggugol ng pilak
sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; nang dahil sa pyesta ay di nag-aakyat
ngayo’y inuusig at di pagitawin sa langit, kundi ang santong pagliyag
ng mga prayleng kaaway mong lihim. ng puso ang siya lamang hinahanap.

Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, Niyong ang ating Amang hindi madadaya
ayaw ng prayleng ako’y makinabang, sa inam ng pyesta at lagi ang ganda,
sa mga anak ko’y ang ibig lamang sapagkat ang ating gawang masasama
isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. ay di mangyayaring bayaran ng tuwa.

Nang di maisigaw ang santong matuwid Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat
na laban sa madla nilang ninanais at ito ang siyang lalong nararapat
palibhasa'y wala silang iniisip ngunit ang prayle'y walang hinahangad
kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. kungdi magpalalo't ang baya'y maghirap.

Sa pagpapalago ng kanilang yaman Ang pangako nila sa mga anak ko


bendita't bendisyon lamang ang puhunan, ay magbigay lamang sa mga kumbento
induluhensiya't iba't ibang bahay ng kuwalta'y sa langit naman patutungo
ng mga sagrado naman ang kalakal. at ligtas sa madlang panganib sa mundo.

Sapagkat anumang bilhin sa kanila, Saka sasabihing ang kanilang aral


kaya namamahal, dahil sa bendita, ay utos ni Kristong dapat na igalang
kahit anong gawin pag may halong kanta bago hindi'y gayo't kauna-unahang
ay higit sa pagod ang hininging upa. lumalabag sila sa Poong Maykapal.

Ibig ng simbaha't kumbentong marikit Ang mga anak ko'y turuan nga lamang
organo't kampana aranyang nagsabit; ng bala-balaking dapat matutuhan
damasko't iba pa, datapwa't pawis kahima't maubos ang lahat ng yaman
ng bayan kukunin, mahirap mang kahit. kikilanlin ko pang darakilang utang.

Ani sa asyenda't kita sa simbahan Dapwa'y sa akin daya at pag-api


sa minsang mapasok sa mga sisidlan ang siyang nakayang pawang iginanti,
ng mga kumbento'y di na malilitaw kaya hanggang ngayon sa ikabubuti
kaya naghihirap, balang masakupan. ng kalagayan ko'y wala pang masabi.

Ang dulo'y marami sa mga anak ko Gayunmay'y ako pa ang siyang masama
ang di makabayad sa mga impuwesto kung aking idaing yaring pagkaaba,
sa gayong katataas ng mga rekargo sarisaring dusa nama'y nagbabala
pagka't kailangan naman ng estado. sa balang dumamay sa aking pagluha.
Sa bagay na iyan, ang mga mahirap
na walang pagkunan ng dapat ibayad, Yamang may hustisyang hindi humihibik
sa takot sa Sibil, aalis ngang agad, kung dili sa balang ayon sa matuwid
iiwan ang baya't tutunguhi'y gubat. sa di natutulog na awa ng langit
ipauubaya yaring pagkaamis.
Dito pipigain naman ang maiiwan,
na di makalayo sa loob ng bayan, Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula
siyang pipiliting magbayad ng utang ng ibang potensya sa balat ng lupa
kahima't wala ng sukat na pagkunan. ang kamahalan mo kung mapag-unawang
sa anak ay inang tunay ang dumusta?
Maghanapbuhay ma'y anong makikita
wala nang salapi, ibayad ang iba
Hanggang dito ina't ang bahala'y ikaw ng mga tadhana ng Poong Maykapal,
dangal mo'y tanghalin ng sansinukuban ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang
ang pagkakasundo ng lahat mong kawal musmos na isip mo’y sakiting aralan.
ay lumagi nawa sa kapayapaan.
Ituro sa iyo ang utang na loob
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas sa nagkakandiling maawaing Diyos;
Tula ni Marcelo H. Del Pilar matuto ka namang sumamba’t umirog,
puso mo sa kanya’y huwag makalimot.
Puso ko’y nahambal ng aking marinig
bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik, At para mo na ngang pasalamat bilang,
wala ka, anak kong, sariling hinagpis makapagtanggol ka sa kapanahunan
na hindi karamay ang in among ibig. ng aring tinamo’t maapamahalaan
tapat na paggamit ng santong katwiran.
Wala kang dalita, walang sa kahirapan
na tinitiis kang di ko dinaramdam: Ang tagapagturo’y pinakapili ko,
ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal, hinirang sa lalong mabait na tao;
ang kadustaan mo’y aking kadustaan. ako’y nabighani’t umaasang totoo
sa may sinumpaang mahigpit na boto.
Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag
nang panahong ako’y di pa nagsasalat Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan
walang inadhika ang in among liyag sa harap ng Diyos, na anaki’y tunay,
kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak. na ito raw mundo’y kusang tatalikdan,
kusang tumatangi sa lahat ng yaman.
Sa awa ng langit ikaw ay sagana
ng sukat iyamang malalagong lupa, Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;
lahat ng pananim wala mang alaga prayle ang siyang aking hihirangin
sa kaparangan mo’y tumutubong kusa. na tagapag-iwi blang taga-tingin
sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin.
Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulak
abaka at tubo’y kailangang lahat, Mahigit na ngayon tatlong daan taon
sa mga lupa mo’y tantong naggugubat na iniiwi kang prayle ang may kandong;
itong sa sangmundo’y hirap mahagilap. katiwala akong sa gayong panahon
ang isip mo’t yaman nama’y yumayabong.
Sarisaring kalap na sakdal ng tibay
sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal; Katiwala akong nagpapanuto ka
hindi makikita sa sangdaigdigan, sa landas ng iyong sukat iginhawa;
ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang. katiwala akong dangal mo’t ligaya
ngayo’y tinatanghal na walang balisa.
Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakal
ang ginto at pilak ay nangahuhukay Tatlong sacerdote ang ipinabitay,
sa mga lupa mo’t sa dagatan nama’y bukod sa maraming pinahihirapan,
sarisaring perlas ang matatagpuan. at dili umano’y nakapipigil daw
ng iyong ligaya, bunsong minamahal.
Tantong naliligid ang mga lupa mo
ng dagat ng China’t dagat Pacifico Hindi ko inino’t ang buo kong asa
balang mangangalakal sa buong sangmundo ay pagmamasakit ang ginawa nila,
pawang naakit dumalaw sa iyo. sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunang
magdarayang udyok ng masamang pita.
Talaga nga manding ikaw ang hantungan
ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan; Sa abang-aba ko’t laking kamalian!
ikaw nga’t di iba dapat makinabang laking pagkasawi! laking kadustahan!
nang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal. ng ipagpabaya sa kapahamakan,
ang dapat mahaling usbong niring buhay.
Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulat
isip ay gisingi’t nang makatalastas Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas
ng sukat asaliing ipagkakapalad na ang nangaaba at kinulang palad
sa buhay na ito’t nang di ka maghirap. ay pawing mabait, pawing nagsisikap
dangal ta’t katwira’y igalang ng lahat.
Akong iyong ina’y taga-tupad bilang
Prayle’y napoot sa magandang nais
ng sa ati’y tapat kung magmalasakit Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya
ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid at iba pang nasyon ditto sa Europa
ang kandili niya’y bagkus panggagahis, ay nangaghirap din sa prayle ng una
pawang nangday, pawa ring ginaga.
Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsam
ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan Kanilang nasayod lahat ng hinagpis
at dinadaya kang di mo raw kakamtam sa paniniwala’t maling pananalig,
ang langit kung hindi sila ang bayaran. sa prayleng nagpanggap ng taong malinis
na nagpakadukaha’t nag-anyong mabait.
Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen
kung di ka bumili ng sintas at kalmen; Bayan, palibhsang marunong mahabag,
pag hindi mainam ang pagpapalibing ay nahambal ngani sa nakitang hirap,
ang harap ng Diyos, hindi sasapitin. ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap,
ang mga kumbento’y sumaganang lahat.
Sa paniniwala ng mga anak mo,
maraming naghirap, at nasa kombento Prayle’y hindi naman nagpapahalata
ang kanilang yama’t sila’y ingkilino daddaga’t dagdagan pag-aanyong aba,
na namumuwisan sa paring natuto. hindi napapansin lihim nilang banta
na ang namamaya’y kanilang mapiga.
Ang lupang nilawag at pinaghirapan
ng magulang nila’t mga kanunuan Sapagkat ang prayle’y hindi kaparis
ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamay nitong mga Paring itim kung manumit,
ng hindi nagpagod at di namuhunan. ang prayle ay anak sa bundok at yungib
ng mga magulang na napakagipit.
Ang laki at higpit sa pana-panahon
ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong, Anak sa dalagita’y buong pagsasalat
makasingil lamang ay di nililingon walang nalalamang gawaing paghahanap
hirap ng magsaka;t pawis na ginugol. kaya kailangang tuyuin ang lahat
upang manariwa ang sariling balat.
Salapi at pagod ng nagsisibuwis
ay walang katumbas kung di ang maghapis, Pag may mamatay na tila mayaman
tanghaling sagana ang hindi nagpawis, prayle ang aagap magpapakumpisal,
maibaon sa utang at tumangis-tangis. at inuukilkil na ang pamanahan
ng aring inumpok ay kumbento lamang.
Ang lahat ng ito’y ninanais sana
ng malagyang lunas ng sinta mong ina, Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin
ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na, sa oras na iyon, siyang sasabihin,
hapo na sa hirap ako’t walang kaya. kalulwa’t yaman dapat na ihain
sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin.
Ang mga balitang Legazpi’t Salcedo
at iba’t iba pang inaasahan ko Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pa
sa pagkakalinga ng tapat sa iyo, ng bala-balaking panilo ng kuarta
ngayon ay wala na’t inulila tayo. kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,
ay pawing pandukot sa maraming bulsa.
Sa nangangatirang ngao’y nabubuhay
oo’t may mabait, bayani at paham; Sa gayon nang gayo’y lumaki nga naman
ngunit sia-sila’y nangag-iiringan ang ari ng prayle’t naghirap ang bayan;
di magkasundo sa anumang pakay. mahalinhang bigla ng kapalaluan
ang binalatkayong kababaang asal.
Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba,
sa balang kuruin ay di magkaisa Diyan na naninghal, diyan na nang-api
walang mangyayari tungol may halaga buong kataksilan ang pangyayari,
sa gayo’y paanong aasahan sila! ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampi
baya’y namighati sa pagkaduhagi.
Kaya kailangan bunsong iniirog,
matutong magtiis iayon ang loob, Ganda ng babae, ang dunong ang yaman
sa madlang dalita, kung ayaw kumilos ay nagiging sanhi ng kapahamakan,
ang mga anak mo sa pagkakatulog. walang sumaklolong may kapangyarihan
sa kualita’t nayuko baras ng katwiran. Ang nangaulila’y magpapatiwakal;
Niloob ng langit, nanangagsangguinian
at nangagkaisang sila’y magdamayan.
Ang balang magsabi, ang balang mag-isip Diyata nga kaya, ang winika nila,
ng magpaaninaw ng santong matuwid, at wala nang lunas sa ganitong dusa?
walang nararating kungdi ang maamis diyata nga baga’t itong binabata
luha’y patuluin hanggang sa mainis. sa inaanak nati’y ipapamana pa?
Huwag magkagayo’t yayamang namalas,
Sapagka’t ang balang mapaghinalaan na sa daang ito’y nasubyang ang landas,
na sa hangad nila’y di maaasahan ay hawanin nating, sakitin ng lahat,
ay ipapahuli at pararatangan ilayo ang madla sa pagkapahamak.
ng salang dakila’t madlang kataksilan.
Lalaki’t, babae, matanda at bata,
At sa bilanggua’y agad kukulungin ngayo’y manalangin, sa langit paawa,
sa gutom at uhaw ay papipitiin, ang santong matwid sa kusang dinusta
ang lamig ng lupa’y siyang babanigin ay ibangon nati’t Diyos ang bahala.
ng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw.
Hindi tutulutang magtamong liwanag Kanilang nilusob ang mga kombento,
sa araw at gabi ay kahabag-habag prayle’y inusig pinutlan ng ulo,
kung hapong-hapo na sa gayong paghirap ang balang makitang prayleng nakatakbo
ay paaamining siya nga’y nagsukab. kung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya’y kakila-kilabot


May ipinapangaw ang dalawang paa walang pagsiyahan ang kanilang poot,
kamay at katawa’y gagapusin muna, ang mga kombento’y kanilang sinunog
saka tatapatan ang sakong ng baga inuring pugad ng masamang hayop.
hanggang di umamin sa paratang nila.
Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kaya
At kung masunod na ang kanilang nasa sa galit ng bayan ang magiging kuta!
umamin sa sala ang lipos-dalita ang payapang dagat, pasiyang nagbala
tali nang kasunod, parusa’y ilalagda ay walang bayaning makasasansala
sa martir ng prayle’t mapapanganyaya.
Yaong bayang supil, dating mahinahon,
Ang parusa noo’y samsamin ang yaman dating mapagtiis, at mapagpasahol,
Saka unti-unting alisan ng buhay; inunos ng dusa’t malalaking alon
Idaraan muna sa isang simbahan ng paghihiganti noo’y luminggatong.
Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.
Walang nakapigil, walang nakasangga,
Sa gitna ng plasa ay may nakahanda palibhasa’y bayan ang magpaparusa
na naglalalagablab na malaking siga, ang mga pinuno’y nawalan ng kaya,
diyan igagatong sa harap ng madla umayon sa baya’t nang di mapag-isa.
ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga.
Taghoy ng sinigan at madlang kaharap Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayon
luha ng magulang, hinlog, kamag-anak ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,
pagtangis ng madla ay walang katapat kahit na bata ay nagsisipukol
kundi ang sa prayleng tawa at halakhak. inu-using nilang parang asong ulol.

Yutang-yutang tao ang nanguuyam


ng panahong yaon sa gayong paraan, Sa paraang ito, bunsong minamahal,
ang payapa’t aliw noon ay pumanaw ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw;
nalipos ng luksa libo-libong bayan. ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan
at muling naghari ang kapayapaan.
ang yaman nasamsam, buhay na nakitil Ngunit hindi naman ako nagpapayo
ay di babahagya’t noo’y walng tigil, ang ganoong paraan baga’y asalin mo,
ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil. ako’y walang sukat na maisaklolo,
magsabog ng dusa, gutom at hilahil. kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,


Ano pa nga’t noon ay kulang na lamang na di namumuhunan ng pamamayani;
kung hindi mo kayang prayle’y iwaksi Katapusang Hibik ng Pilipinas
magtiis ka, irog, sa palad mong imbi. Tula ni Andres Bonifacio

Ang mga anak mo’y nangagugupiling, Sumikat na, Ina sa sinisilangan


sa dusting lagay mo’y di nahihilahil, Ang araw ng poot ng Katagalugan,
magdarayang hibo ng kaaway na lihim Tatlong daang taong aming iningatan
siiyang diniringig, luha mo’y di pansin. sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Diyata ay sino ang dapat mag-adya Walang isinuway kaming iyong anak
sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila? sa bagyong masasal ng dalita't hirap,
kung sa mga anak mo’y di makaaasa, Iisa ang puso nitong Pilipinas
walang daan, irog, kundi ang magbata. at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Ang araw na sila’y magka-isang loob Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis
at mangagkagising sa pagkakatulog; Ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
ang araw na iyan, ang araw ng Diyos pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot? lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Kailangan bunsong, sila’y mahirati Gapusing mahigpit ang mga Tagalog;


sa pagmamasakit sa bayang sarili: hinain sa sikad, kulata at suntok
Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . . makinahi't ibiting parang isang hayop
huwag lilimuting ganito ang sabi: ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

“Panaho’y matamis sa tinubuan bayan Ipabilanggo mo't sa dagat itapon


“at pawang panglugod ang balang matanaw, barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
“ang simoy sa bukid ay panghatid buhay, sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
“tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.” Inang mahabagin, sa lahat ng kampon.

Alinsunod dito’y aling hirap kaya Aming tinitiis hanggang sa mamatay


ang sukat indahin sa pagka-kalinga, bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
sa sariling baya’t upang matimawa, kaya kung ihulog sa mga libingan,
sa madlang pahirap at sumapayapa? linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man, Wala nang namamana itong Pilipinas
maging taga bukid, maging taga bayan, na layaw sa Ina kundi pawang hirap
lalaki’t babae, pantas man at mangmang, tiis ay pasulong, patente'y nagkalat
santong matwid mo’y dapat ipatanghal. recargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Walang iba, bunso, na dapat hiliin Sari-saring silo sa ami'y inisip


sila ng sa iyo’y tapat na pagtingin: kasabay ng utos na tutuparing pilit
ang pagpapabaya’y pananagutan din, may sa alumbrado bayad kami'y tikis
sa harap ng Diyos sila’y sisisihin. kahit isang ilaw ay walang masilip.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal, Ang lupa at buhay na tinatahanan


sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay bukid at tubigang kalawak-lawakan
“kayong nagpabaya sa sariling bayan, at gayon din pati ng mga halamanan
“anya’y dapat naming Aking pabayaan!” sa paring Kastila ay binubuwisan.

Ilayo ng langit sa ganitong sumpa Bukod pa sa rito'y ang iba't-iba pa


ang mga anak mo, bunsong minumutya: huwag nang saysayin, O Inang Espanya
sa iyo’y matuto ng pagkakalinga sunod kaming lahat hanggang may hininga
matutong umampat ng iyong pagluha. Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ito na nga lamang ang maisasagot Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban
ng salantang ina sa hibik mo, irog; kami'y di na iyo saan man humanggan
sasakyan mo’y gipo, huwag matutulog ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
ang mga anak mo’t masigwa sa laot. sa mawawakawak na maraming bangkay.
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa Espanya ang awa


ng mga Tagalog, O Inang kuhila
paraiso namin ang kami't mapuksa
langit mo naman kung kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,


paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.

You might also like