Professional Documents
Culture Documents
Sa Kabataang Filipino
-isa sa pinakamagaling na
obrang likha, 1879, UST
-18 years old
Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang
mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong
Mutya!
Makapangyarihang waniy
lumilipad,
At binibigyang ka ng muning
mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang
paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang
hangad.
Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong
iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning
kinagisnan.
Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang
pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa ambrosia at nectar na
awagas
Ng mga bulaklak.
Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na
hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong
sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng
tigas
Sa lakas ng iyong diway
nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong
masikap
Ng buhay na walang masasabing
wakes.
At ikaw, na siyang
Sa may ibat ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng
katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong
tangay
Nakapaglilipat sa kayong alinman;
Hayo nay tumakbo! Sapagkat ang
banal
Na ningas ng waniy nais
maputungan
Kayong naglalamay,
At maipamansag ng tambuling
tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di
matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikhay dapat na
pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikawy pahatdan.
Dahil sa Karunungay
Nagkaroon ng Kinang ang
Bayan
Karunungang pantas ay sigla ng
buhay,
Na sa atiy galling ang ibinibigay,
Siyang naggagawad sa sariling
bayan
Ng walang paglipas na mga
tagumpay,
At katulad pa rin ng hanging
mahinay,
Nagpapasariwa sa kabulaklakan,
Gayon din ang dulot niyong
karunungan
Na nagpapayabong sa
sangkatauhan.
Dahilan sa kanyay nagpapakasakit
Ang tao pati na ng pananahimik,
Dahilan sa kanyay nanasnaw na
pilit
Ang sining at agham na kaakit-akit,
Na siyang sa taoy nagbibigay-dikit,
langit.
Sa dibdib ng taong kapuskapalaray
Siyang nagbibigay ng kaliwanagan;
Siyang gumagapos sa salarin
namat
Sa iba ay aliw ang iniaalay,
Kung ang buti niyay siyang
pinapakay
At sa kanyang dibdib ang butiy
may tanglaw;
At ang karunungan ay lubhang
marangal,
Na siyang pabangong tiyak na sa
buhay.
Katulad ng isang kabatuhang
lantad,
Sa gitna ng alon na lubhang
marahas,
Pag-angil ng bagyo na
napakalakas,
Ay dinudusta lang kung
pinagmamalas,
Na kapag napagod sa unang
paghampas,
Ay umuurong nat takot na aalpas;
Gayundin angh dunong na siyang
may hawak
Ng sa bayan natiy pamitik sa
lakad.
Sa batong sapiro niyayaring sadya,
Pinapupurihan ang lupaing mutya;
Sapagkat sa dibdib ng anak
napunla
Ang halamang ang iyong bulaklak
ay diwa
At sa pag-ibig ding laging nasisiray
Mamamasdan niyong
nangamamahala
Sa bayang marangal na tapat sa
tuwa,
Kabihasnay siyang inaalagata.
Tinulad sa umagang waring
ginintuang
Ginto rin ang buhos ng bukang
liwayway,
Awit sa Paggawa
KORO
Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan,
Dahil sa Bayan din sa kapayapaan,
Itong Pilipino ay maasahang
Marunong mabuhay o kayay
mamatay.
(Mga Lalaki)
Nakukulayan na ang dakong
Silangan,
Tayo na sa bukid, paggaway
simulan,
Pagkat ang paggaway siyang
sumusuhay
Sa bayan, sa angkan, sa ating
tahanan.