You are on page 1of 12

Katarungan

ni: Nene Cristobal


Magagasgas lamang – mga lalamunan,
Nitong mga lobong lipad sa ulapan,
Marami man itong kanilang mga bilang,
Hinding-hindi naman tiyak pakikinggan.
Kahit na sa buwan itong hinanakit,
Ilipad ang daing, hinagpis at sakit,
Papuputukin lang ang pintog na ganid,
Matulis ang kuko ng hayok sa langit .
Sa paghahanap ko nitong katarungan,
Baka makarating sa kinabibilangan,
Nitong mga pigtas ang hingang nilalang,
Na naghihintay doon sa krus na daan.
Kung sa lupa’y kinang ay sadyang mailap,
Nitong katarungang ibig na malasap,
Hayaang lumuha’t dugo ay pumatak,
Pagkat nasa langit ang tunay na galak.
Mabuti-buti pa na ipasaitaas,
Ang ibig makamit na ngiti at gilas,
Ang katarungang libing na at agnas
Makakatalik kung dating na ang wakas!
Lupang Sinilangan (Dapat Mahalin)

Kayong Kabataan, dapat magkaisip


At nang kaunlaran ay ating makamit;
Mahalin ang bayan nang higit at higit
Pagkat may kaloob ay Diyos sa langit.

Nagkabuhay tayo at nagkatahanan


Sa isang lupaing ating sinilangan;
Ngala'y Pilipinas nitong ating bayan
Na sadyang nilikha ng Poong Maykapal.

Nagkalahi tayo sapagkat may bansa


Na mayamang tunay ang dagat at lupa;
Nagkapalad tayo sa mga biyaya
Na likas na yamang dulot ni Bathala.

Kaya kabataan, kusang pabukalin


Sa liblib ng puso wagas na paggiliw -
Pag-ibig na tunay sa ating lupain,
Lupang Pilipinas, lupa ng magiting.
MARUPOK

Kalapating puti sa gitna ng hardin,


Iginawa kita ng bahay na siím;
May dalawang latang palay at inumin,
Saka walong pinto sa apat na dingding.

Minsan kang nagutom at ako’y nalingat,


Oh, kalapati ko, bigla kang lumipad.
Sa nagdaang kawan sumama ka agad,
Ayaw mong mabasa ng luha ang pakpak.

Ikaw naman rosas, na mahal kong mahal,


Dinilig kita kung hapong malamlam;
Sa bawat umaga’y pinaaasuhan,
At inaalsan ko ng kusim sa tangkay.

Minsan lang, Nobyembre, nang di ka mamasid,


Nakaligtaan kong diligin kang saglit;
Aba, nang Disyembre, sa gitna ng lamig,
Sa mga tangkay mo’y nag-usli ang tinik.

Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita,


Walang kalapati’t rosas man ay wala;
May basag na paso’t may bahay na sira,
At ang hardinero’y ang puso kong luksa.

Babae, hindi ka marapat lumiyag,


Napakarupok mo, maselan at duwag.
Sa Tabor ay walang tuhod na di gasgas,
Sa Glorya, anghel ma’y may sira ring pakpak.
Pilipinas kong mahal
Ang bayan ko’y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang

Bayan sa silanga’y hiyas


Pilipinas kong mahal
Kami’y iyo hanggang wakas
Pilipinas kong mahal
Mga ninuno naming lahat
Sa iyo’y naglingkod ng tapat
Ligaya mo’y aming hangad
Pilipinas kong mahal
Ang bayan kong Pilipinas
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Ang Alamat ng Pinya
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong
pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal
ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa
layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit
laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga
itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at


makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng
lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa
kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na
lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang


gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang
beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang
nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang
ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: "
Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita
mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang.


Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala
si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak
ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng
pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap


niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang
kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita
ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran.


Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang
mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa
ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y
magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap.
Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang
kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at
tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay
naging pinya.
Ang Alamat ng Kasoy
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito.
Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng
kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang
handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng
Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng


mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay
sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho
ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang
Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang
Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang


kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng


awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”

Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”

“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko.


Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may
handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila
naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal
na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa
pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito.”

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang


nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na
kulungan ang Buto.”

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan,


kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay
sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-
kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway
na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-
bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang


makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng
mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot


at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na
nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit
ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at


kinakaliglig sa lamig ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw.


Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat.
A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang


panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas
ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.


Ang Alamat ng Pilipinas
Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang Pilipinas.
Mayroon lamang na maliliit na pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng
mundo, may nakatira ritong isang higante. Ang kuweba niya ay nasa
kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang
tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.

Isang araw kinakailangang umalis ang amang higante upang mangaso


sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid, kaya
pinagsabihan niya ang tatlo.

"Huwag kayong lalabas ng ating kuweba, ang bilin ng ama. Diyan


lamang kayo sa loob dahil may mga panganib sa paligid. Hintayin ninyo
ako sa loob ng kuweba."

"Opo, Ama", sagot ng tatlong dalagita.

Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kanilang kuweba ang


magkakapatid. Inayos nila itong mabuti upang masiyahan ang kanilang
ama. Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi masunurin
ito sa ama. Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man
lamang nagsabi sa mga kapatid.

Tuwang-tuwa si Mindang naglalaro ng mga along nanggagaling sa gitna


ng dagat. Namasyal siya at hindi niya napansin na malayo na pala siya
sa tabi ng dagat. Habang siya ay naglalakad, isang malaking malaking
alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda. Nagsisisigaw
siya habang tinatangay ng alon sa gitna ng dagat.Tulungan ninyo ako!
sigaw ni Minda.

Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa
kuweba. Tumigil ang paggawa ng dalawa.

"Si Minda, humihingi ng tulong!" sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata
sa pagkagulat.

"Oo nga. Halika na!" yaya ni Bisaya. "Bakit kaya?"


Mabilis na tumakbo sila sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita
nilang sisinghap-singhap sa tubig ang kapatid.

"Hayun sa malayo!" sigaw sabay turo ni Lus.

"Hindi marunong lumangoy si Minda, ah", sabi ni Bisaya. At tumakbo na


naman ang dalawa. Umiyak na si Lus.

"Bahala na!" sagot ni Bisaya.

Mabilis nilang nilusong si Minda. Malalim pala doon. Inabot nila ang
kamay nila sa kapatid. Naku, pati sila ay nadala ng dambuhalang alon.
Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak, sigaw at walang tigil na kawag. At sa
kasamaang palad ang tatlong anak na babae ng higante ay hindi na
nakaahon. Nang dumating ang higante nagtataka siya kung bakit
walang sumalubong sa kanya. Dati-rati ay nakasigaw sa tuwa ang tatlo
niyang anak kung dumating siya. Wala ang tatlo sa kuweba. Ni isa ay
wala roon. Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak? tanong niya sa
sarili. Saan kaya? Lus, Bisaya, Minda!

Walang sagot! Hinanap niya sa paligid. Wala roon. Pinuntahan niya ang
ilang malapit na pulo. Ni anino, wala. Baka kaya may pumuntang ibang
tao at dinala silang pilit? sabi ng higante sa sarili.Biglang umalon ulit
nang malakas at dumagundong. Napalingon ang ama. At nabuo sa isip
niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa siya sa malayo. At hindi
nagkamali ang ama. Nakita niya ang labi ng ilang piraso ng damit na
nakasabit sa isang bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na
nakataas at humihingi ng saklolo. Naalala niyang bigla na hindi niya
pinayagang lumabas ang mga ito. Ni hindi sila natutong lumangoy.
Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang larawan ng
tatlong kamay na nakataas. Nawalan siya ng lakas. Mga anak! Ano pa?
Wala na! himutok ng ama. Nawalan na ng ganang kumain. Tumayo.
Umupo. Tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat
munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa
isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng
kawawang higante.

Nang magising ang higante kinusot ang mata. May nakita siyang wala
doon dati. Tumayong bigla at tiningnang mabuti.Ano ito? saan galing
ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito? tanong sa sarili. Lalong
lungkot ang naramdaman ng amang ulila. Ang tatlong pulong ito! Sina
Lus, Bisaya at Minda ito! ang sabi niyang malakas. At buhat noon
tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula
ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog sa Asya. Bahagi ito ng
Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.

You might also like