Professional Documents
Culture Documents
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon
lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang
tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si
Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya
tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong.
Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin.
Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong
katalinuhan ni Pepe.
Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw
siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng
Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay
hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang
saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.
Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang
sinabi, "Mr. President, the prest is here."
Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang
panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na
pumunta sa impyerno."
Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo
at narinig ang pahayag na yaon.
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag
walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila
umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming
gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan
upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda ngunit sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa
paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o
ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong
tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang
bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang
aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong
itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas? tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin
ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya
ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
4. Sa Mundo ng Kalituhan
Ang inaasahan natin ay kadalasang hindi nangyayari...at ang hindi inaasahan ang madalas
na mangyari...
Ang mundo ay puno ng hiwaga. Maaaring ika'y magtanong kung bakit madalas nila
itong sabihin.Puno ng kababalaghan..puno ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari...puno ng
kung ano ano pa...
Minsan ay nagkwento ako ng isang anekdota sa aking mga estudyante...tungkol sa isang
pamilyang pinaglalayo ng hindi maayos na komunikasyon. Tinanong nila ako ng hindi ko
inaasahan. "Ma'm..ano po ba ang anekdota?" Akala ko pa naman ay itatanong nila kung paano
ang gagawin upang magka-ayos ang mga pamilyang nagkakasiraan dahil sa hindi mabuting pag-
uusap. Hanggang sa napunta ang usapan sa kung ano ang halimbawa ng mga anekdota..kung
saan makakabasa ng maraming anekdota...kung saan ito ginagamit....kung ano ang mga aral na
hatid nito...kung paano sumulat ng isang anekdota....kung ano ang paborito kong anekdota...kung
sino ang nagturo sa akin upang gamitin ang anekdota sa pagtuturo....at lahat ay tungkol sa
anekdota.
At tuluyan ng nalayo ang leksyon tungkol sa komunikasyon sa mga pinag-usapan sa
klase.Ganyan nga ang buhay sa mundo. Sa dami ng mga pwedeng mangyari, maaaring mawala
tayo sa pokus. At kung mawala tayo sa pokus, nangyayari ang hindi dapat asahan.At saka natin
sabihin..na ang buhay ay puno ng kababalaghan..puno ng hindi maipaliwanag na pangyayari.
Hindi kaya nawala lang tayo sa pokus kung kaya nangyayari ang mga bagay sa buhay natin. ...
ang mga hindi natin inaasahan?
Alamat Ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-
kanyang kagandahang taglay.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa
kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga
gulay at kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na
kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila
ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang
kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila
ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya.
Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga
kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay
nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng
di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging
madilim.
Ang Alamat Ng Olongapo
Noon ay may isang binata na solong namumuhay. Mayroon siyang malawak na lupain na
kaniyang sinasaka. Marami ang tumu-tulong sa kanya tulad din ng pagtulong niya sa kanyang
kapwa. Kinagigiliwan siya at iginagalang ng mga kabataan. Katunayan ay tinawag siyang Apo
ng mga ito. Ang tunay niyang pangalan ay Dodong.
Sa di kalayuan ay may isang dalagang mayumi at maganda. Isa siyang tunay na Pilipina.
Mahaba at mabango ang kaniyang buhok. Marami rin ang nabibighani sa kagandahan ni Nene.
Sila ni Dodong ay matagal na ring kilala ang isa't isa ngunit walang puwang sa puso ng binata si
Nene dahil sa agwat ng kanilang edad.
Nalipat ng tirahan sina Nene at ng kaniyang mga magulang. Hindi narin sila nagkikita pa
ni Dodong. Isang hapon ay di sinasadyang nagkasalubong ng landas sina. Dodong at Nene.
Dalagang-dalaga na si Nene at noon lang napansin ni Dodong ang iwing kagandahan nito, Binati
ni Dodong si Nene at inalok na ihahatid niya ang dalaga. Siya naman ay pinaunlakan ni Nene.
"Tatang, nandito po si Apo. Dadalaw po siya sa inyo ni Nanang, ang masayang bungad ni
Nene pagsapit sa kanilang tahanan.
"Aba, Dodong! Mabuti naman at napasyal ka rito sa amin," ang masayang bati ng ama ni
Nene.
"Naku, huwag mong alalahanin iyon, alam ko naman na solo ka lang namumuhay at ang
iyong panahon ay naiuukol mo na lang sa iyong bukid. Pasabihan mo lang kami kung
kakailanganin mo naman ang tulong sa iyong bukid," ang amuki ng tatang ni Nene.
"Marami pong salamat inyo! Hayaan po ninyo at tuwing Sabado ay dadalaw ako sa inyo
para kahit kaunti ay makatulong din ako inyo," ang sagot ng binata.
Simula noon ay madalas nang magkita sina Dodong at Nene. Naging daan iyon upang
magkalapit ang kani-kanilang damdamin. Hindi naman ito pinigilan ng mga magulang ni Nene
dahil sa sila naman ay boto kay Dodong para sa kanilang dalaga.
Isang umaga, isang malaking bangka ang dumaong sa may baybay dagat. Ang sakay nito
ay mga Kastilang lasing. Nakita nila si Nene at pormal na tinanong ang dalaga. Hindi
naintindihan ni Nene ang sinasabi ng mga lasing na Kastilang mandirigma kung
kaya't ngumiti na lamang siya akala ng Kastila ay payag si Nene kaya niyapos niya ng yakap at
halik ang dalaga. Sumigaw si Nene at humingi ng saklolo.
Agad namang tinawag ng mga tao si Apo upang ibalita ang pambabastos ng mga Kastila
kay Nene. Nagdilim ang paningin ni Dodong. Sinugod niya ang mga Kastila at walang
patumanggang lumaban siya. Sa kasamaang palad ay napatay si Dodong at upang huwag
pamarisan ay pinugutan nila ng ulo si Dodong. Isinabit nila ang pugot na ulo ni Dodong sa isang
tulos ng kawayan.
"Ulo ng Apo! Ulo ng Apo!" sigawan ng mga bata. Akala ng mga Kastila ay Ulo ng Apo
ang pangalan ng pook na iyon. Sa kauulit ng salitang ulo ng Apo, naging Olongapo ito. Magmula
noon ang pook na iyon ay tinatawag na Olongapo, ang pinakapusod at pinakamakulay na bahagi
ng lalawigan ng Zambales.
Ang Alamat Ng Bigas
Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nabubuhay lamang sa pagkain ng prutas,
gulay, ibon, at hayop-gubat na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Ang pagbubungkal ng lupa ay
wala pa sa isip nila. Ang pagmamanukan at pag-aalaga ng iba pang hayop ay hindi nila alam.
Umaasa lamang sila sa mga pagkaing dulot ng kalikasan.
Sa ganitong paniniwala, hindi sila nagtatagal sa isang lugar; Lumilipat sila ng tirahan sa
oras na wala nang makuhang pagkain sa isang lugar. Pumupunta sila sa lugar namayroong
makakain at pag wala na ay lilipat silang muli.
Ang mga kalalakihan ay nanghuhuli ng hayop sa gubat samantalang ang mga kababaihan
at mga bata ay nanghuhuli ng isda, namimitas ng prutas at gulay. Ang lahat ng kanilang mahuhuli
at maaani ay kanilang pinagsasama-sama at pinaghahatian. Pantay-pantay ang kanilang
paghahati sa buong barangay.
Natuwa sa kanila ang mga "bathala." Inanyayahan sila upang dumalo sa kanilang
pagtitipon. Tumulong ang mga kalalakihan sa paghahanda ng mga pagkain. Kinatay nila ang
mga hayop at inihaw. Maya-maya'y may inilabas na bumbong ng kawayan ang alipin ng mga
"Bathala." Ang laman ng kawayang ito ay mapuputing butil. Pagkaluto nito ay isinaiin ang
lutong puting butil sa dahon ng saging na nakalatag sa hapagkainan. Ang hapag ay
napapalamutian na ng mga prutas, lutong karne ng hayop, gulay at mga inumin.
Noong una ay ayaw kumain ng mga puting butil ang mga bisita. Akala nila ay mga bulati
ang mga puting butil. "Hindi ka mi kumakain ng mga uod, sag sabi ng mga bisita.
Ang mga puting butil na iyan ay hindi uod. Iyan ay mga nalutongbigas.Ang tawag namin
diyan ay kanin. Galing sila sa aming pananim na aming inaalagaan at pinalalaki. Hali kayo,
tikman ninyo ito. Pagkatapos ninyong kumain ay maaari ninyo kaming patayin kung may
maramdaman kayong kakaiba sa inyong katawan, ang sabi ng isa sa mga "Bathala."
Pagkatapos kumain ay nakaramdam ng panibagong Iakas ang mga bisita, hindi dahil sa
sila ay nabusog kungdi dahil sa kinain nilang mga puting butil. Nagpaalam silang lahat sa mga
"Bathala."
Bago lumisan ang mga bisita, bawa't isa sa kanila ay pinabaunan ng mga "Bathala" ng
isang sakong palay.
"ito ang palay," paliwanag ng isang "bathala," "bayunin ninyo ito upang maalis ang balat
nito. Linisin ninyo at hugasang mabuti, Ilagay ito sa loob ng bumbong ng kawayan. Lagyan ng
kaunting tubig. Ilagay ninyd ito sa ibabaw ng apoy hanggang sa maluto. Ito ay magiging kanin.
Ang pagkaing ito ay nakapagpapalakas ng katawan. Ang ibang palay ay pagyamanin ninyo
upang maging binhi. Itanim ninyo ito pagsapit ng tag-ulan. Pag sapit naman ng tag-araw ay
maaari na ninyo itong anihin. Humayo kayo at ipamalita ito at ituro sa inyong mga kasamahan.
Turuan ninyo silang magbungkal ng lupa. Makikita ninyo at kayo ay uunlad at hindi na kayo
magpapalipat-lipat pa ng tirahan.."
Magmula noon ang pagbubungkal ng lupa ay naging isang hanapbuhay na ng mga tao at
ang bigas o kanin ang naging pangunahing pagkain natin.
Alamat Ng Unang Butiki
Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng bagay.
Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng ama't ina.
Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang
galang sa mattanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Palibhasa'y
walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang libangan nito. Ang maaamong hayop ay
nagiging mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim
nitong sinisira.
Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa punso at
walang sabi-sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak.. Pagkatapos ay abut-abot ang
kanyang paghingi ng paumanhin sa mga duwende.
"Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking anak. Hinding-hindi napo siya uulit. Mag-
babait na po siya. Pangako po."
Pinangaralang mabuti ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang paglapastangan nito
sa punso dahil masamang magalit ang mga lamang-lupa.
Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman ang napagtuunan ng
pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot sa nakausling ugat ng puno.
Hawak ang tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.
Laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na
tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang duwende.
"Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks man."
Palibhasa'y "BUTIKI" ang huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na rin ang
itinawag niya rito. Bagama't mabait ay mailap ang hayop na ito dahil sa hiya.
Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon. Panahon na lang ang
hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti
nang manatili itong butiki sa habang panahon. (HOY! BATA, GUSTO MO MAGING BUTIKI?)
Alamat Ng Mangga
Noong araw ang mga punong manggang tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang
ang bunga. Ito'y maliliit at ang tawag dito ay "pahutan". Matamis kapag hinog, kaya gustong-
gusto ng mga bata ang pahutan.
Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga, dahil ang matandang may-ari ay
hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang sa manggahan ni Tandang Isko ay dumaan.
Kusang loob na inalok ito ng mga hinog na mangga ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay
itinanim nito ang mga buto ng pahutan sa bukid at sa paanan ng bundok.
Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang ng ilang araw ay ganap na itong isang
puno. Labis na nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng punong mangga sa hangganan ng
bukid at sa ibaba ng batuhang bundok. Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno,
subalit sa tuwing siya ay lumalapit, wari'y may bumubulong ng...
Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan na lang nitong lumaki at lalong lumago ang
dalawang puno ng mangga. Malaking pakinabang tuloy ito sa mga magsasaka at kalabaw na
roon ay sumisilong.
"SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA PRUTAS", ngumiti ang dilag at biglang
nawala.
Ang sinabi ng diwata ay paulit-ulit ding ikinukuwento ni Tandang Isko sa mga namimili
ng mangga. Datapuwa't hindi na mahalaga iyon kahit pahutan, manggang kalabaw o manggang
piko basta ag mga ito ay pare-parehong mangga:
BASURA
ni: Julyhet Roque
Kahit saan makikita , sa daan maging sa mga eskinita,,
Lalo na sa mga kanal at estero
Kung baga sa artista sikat na sikat ito
Lalot binabaha ang paligid ninyo.
Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.
Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.
Ipagmamalaki ko sa kanya
Na ang mga punong matatayog,
Na pinutol at nililok
Ay naging santong bantayog!
Ni Benigno Zamora
Madalas marinig
Sa maraming bibig:
Dumalaw ka naman
Malimit na sagot:
Ay ang sumusunod:
Di ko tinitingnan
MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag
maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating
kapwa.
Mga Halimbawa ng Kwentong Bayan
Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo
Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin
bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.
Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang
lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing
manok na anyong lalaban sa lawin.
Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na mabilis na
lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw ng
magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang nangyayari.
Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw po
kami, paliwanang ni Roy.
Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok? tanong ni Lorna.
May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon, sagot ni
Lolo Andres.
Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig kayong
mabuti. Ganito ang kuwento.
Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa
iyan sa akin ng aking ina.
Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya ito.
Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang hiniram na
singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan na sila
nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang
sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang
sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.
Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang hiniram
niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram
niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing
Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at sinabi na kapag
hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak
na sisiw ni Inahing Manok.
Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba pang
inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang
kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at
si Inahing Manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang
humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa
nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.
Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag
pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig
sa mga dalaga.
Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate.
Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga
salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon.
Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga
nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang
pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.
Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at
palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang
siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng
pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan ang
pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya
at sinagot-sagot niya ito.
Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod
na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito.
Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya
sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.
Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong
Salamangkero.
Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.
Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At
nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.
Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang
pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na
akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang
pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong
Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.
Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga
Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring
mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang
babae at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi
siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay
pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya
ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil
sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi
lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.
Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya
pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit
maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
santol, mayabong ang mangga, mabulaklak ang kabalyero, tuwid at mabunga ang niyog. Ngunit
sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na kawayan.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming
ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo,
ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog.
Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo.
Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang
kanyang paghilip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang
mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-
loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di
nasalanta.
5. Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag
na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si
Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-
aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa
hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang
pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming
itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.
At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob
ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang
dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat
ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang
paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya
umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang
itlog na kanyang sunung-sunong.
BUGTONG
Ang Bugtong ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan. Ang bugtong ay
isang pangungusap na patanong na humihingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol
Halimbawa ng Kasabihan
Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
Ang batang iyakin, nagiging mutain.
Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.
Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.
Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
Ang malinis at maayos, malapit sa Diyos.
Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan.
Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan
Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Sundin mo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.
Ang batas ay hindi na kailangan, sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan.
Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.
Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
Kung may tiyaga, may nilaga.
Kung gusto mong buhay na sagana, laging isaisip ang salitang tiyaga.
Ang sipag at tiyaga kapag nagsama-sama, asahan mong bukas ay sagana.
Walang lihin na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
Ang katotohanan ang magpapalaya sa kasalanan.
Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, walang tayong maaasahan.
Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
Ang tunay na karangalan, ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.
Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
Ang totoong kaibigan ay hindi ka uutangan.
Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan