You are on page 1of 13

Arellano University

Jose Abad Santos


School of Education

Koleksyon ng Alamat, Parabula, at Pabula

Ipinasa ni:
Rogeline Eliza M. Ricasata

1 st Year
- Bachelor in Elementary Education

Ipinasa Kay:
Ms. Emily H. Escobido, M.A.E.

Pebrero 2, 2023
ALAMAT
Alamat ng Ilang-Ilang

Sa bayan ng Tayabas ang pinakamagandang dalaga ay nagngangalang Ilang. Maraming


mayayamang binata ang nanliligaw sa kanya. Ngunit ang kaniyang nagugustuhan ay si Edo.
Isang mahirap na magsasaka.

Nagalit ang magulang ni Ilang. Ang gusto nilang mapangasawa ni Ilang ay isang
mayamang lalaki. Pinagbawalan nila si Ilang na makipagkitang muli kay Edo. Ngunit lihim
pa rin nagtatagpo sina Edo at Ilang. Nagkikita sila sa tabing ilog sa tuwing naglalaba ng mga
damit si Ilang. At laging nagsusumpaan na magmamahalan habang buhay kahit ano pa ang
mangyari.

Lahat ng mayayamang manliligaw ay hindi pinapansin ni Ilang kung kaya’t


naghihinagpis ang kaniyang mga magulang. Minsan ay sinubukan siya ng kanyang ama at
nahuli niya itong nakikipagkita kay Edo sa tabing ilog. Iyon na ang huling pagkikita nina
Ilang at Edo. Simula noon ay hindi na nila pinalabas ng bahay si Ilang. Binabantayan upang
hindi na makipagkita kay Edo.

Nalungkot nang labis si Ilang. Hindi na din siya lumalabas sa kanyang silid, hindi na
kumakain at hindi na rin nakikipag-usap kahit kanino. Unti-unting nanghina si Ilang
hanggang magkasakit at tuluyang namatay. Bago namatay ay hiniling ni Ilang na doon siya
ilibing sa tabing ilog, ang lugar na pinagtatagpuan nila ni Edo.

Labis din ang lungkot ni Edo. Hindi na siya nag-asawa at sa araw-araw ay binabantayan
niya ang libingan ni Ilang. Isang araw ay may tumubong isang puno sa puntod ni Ilang.
Inalagaan ito ni Edo hanggang sa mamulaklak. Naakit ang lahat sa halimuyak ng bango ng
mga bulaklak ng puno. Simula noon ay lagi na lamang umiiyak si Edo habang nakabantay sa
puno at sinasambit ang pangalang… Ilang, Ilang, Ilang. Simula noon tinawag ang bulaklak
na Ilang Ilang.

Pinagmulan:
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-ang-alamat-ng-ilang-ilang_234.html
Alamat ng Makahiya

Noong araw, may isang punong ligaw na tumutubo sa gubat. Ito ay napakaganda. Ang dahon
nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin.
Dahil dito, naging mapagmalaki ang punong ligaw.

Minsan, umulan nang malakas. Ang masipag na si Langgam na naghahakot ng inipong


pagkain ay inabot ng ulan sa daan. Lumaki ang tubig kaya umakyat si Langgam sa
pinakamalapit na halaman. Nagkataong ito pala ang punong ligaw.

Nagalit ang punong ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Langgam Inuga niya ang
kanyang mga tangkay kaya nahulog sa tubig ang kaawa-awang si Langgam. Naawa si
Alitaptap kay Langgam. Pumitas siya ng dahon at inianod sa tubig. Kumapit dito si
Langgam at siya ay nasabit sa Punong Tubo. Pinatuloy siya ni Tubo at binigyan pa siya ng
pagkain.

Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng hayop at halaman.
Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Tubo at si Alitaptap. Binigyan ni Diwata
ng ilaw si Alitaptap at ginawa niyang matamis ang Punong Tubo. Samantala pinarusahan ni
Diwata ang palalo at mapagmalaking damong ligaw. Nawala ang taglay nitong bango at
siniputan ng mga tinik ang kanyang katawan. Nahiya ang damong ligaw kaya itinitikom niya
ang kanyang mga dahon tuwing ito'y masasaling. Mula noon, nakilala ang punong ligaw sa
tawag na Makahiya.

Pinagmulan:
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-ang-alamat-ng-makahiya_577.html
PABULA
Kung Bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at
Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin
bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita


nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang
inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na
mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw ng
magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang nangyayari.
Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw po
kami, paliwanang ni Roy.

“Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok?” tanong ni
Lorna.

May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon,
sagot ni Lolo Andres.

Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig
kayong mabuti. Ganito ang kuwento.

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing


si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si
Tandang at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang
singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.
“Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa
iyan sa akin ng aking ina.”

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya
ito.

“Salamat, Lawin”, wika ni Inahing Manok. “Asahan mong iingatan ko ang iyong
singsing.”

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang


hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at
nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing
Manok ay kaagad niyang sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni
Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang


hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang
hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni
Inahing Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at sinabi
na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang
magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba


pang inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin
ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin
at si Inahing Manok.

Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang
humaliling mga inahing manok at Lawin. Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa
nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.
Aral:
● Pag-ingatan ang mga bagay na hindi mo pag-aari. Kung marunong manghiram ay dapat
marunong din magsauli.
● Hindi sa ganda o gara ng isinusuot makikita ang halaga ng isang tao kundi sa kung paano
siya kahusay makisama sa iba.

Pinagmulan: https://pinoycollection.com/kung-bakit-dinadagit-ng-lawin-ang-mga-sisiw/
Si Langgam at si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng
pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita
siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba
wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon
tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang
maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may
makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang
kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.


“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga
pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang
mag-impok.

Aral:

● Ugaliing mag-impok upang kapag may pangangailangang dumating ay may


madudukot.
● Hindi masama ang magsaya paminsan-minsan. Ngunit palaging pakatandaan na hindi
sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo itong gawin. Magbanat ka ng buto at
paghandaan ang hinaharap.
● Maging masipag. Huwag tatamad-tamad. Mas mabuti sa tao ang nagtatatrabaho kaysa
tumambay at maging pasanin sa iba.

Pinagmulan: https://pinoycollection.com/si-langgam-at-si-tipaklong/
PARABOLA
Ang talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang
humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang
salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan.

Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo
lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at
bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang
mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya.
Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring
ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” “Kasi
po’y walang magbigay sa aminng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon,
pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga
manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga
nagsimula nang mag-ika-lima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.

Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat
isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng
ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-
pareho ninyo ang aming upa?” Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi
kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at
umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?
Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil
ako’y nagmagandang-loob sa iba?”

Pinagmulan: https://aralinph.com/ang-talinghaga-tungkol-sa-may-ari-ng-ubasan/
Ang Parabula ng Banga

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang
BAnga sa kanyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” “Bakit madalas mong inuulit
ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak na banga na may pagtataka.

“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating


mga kauring banga.” Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang
isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga.
Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, sa isang makintab na bangang metal, at maging
ang iba pang babasaging banga.Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos
na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila
mula sa iba’t ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay
tsokolate, at may dilaw. Sila ay may kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang
pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekarasyon.

Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa.
Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng
banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng
magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palauting gintong dahon ang
gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig.

“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman
kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at
sinabing, “Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na
mapreskuhan.”

“Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at
nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang
araw na iyon. Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga
ay tinangay papalapit sa kanya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas.
Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.

Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa
sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya’y nabibitak at unti-unting
lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

Pinagmulan: https://aralinph.com/parabula-ng-banga/

You might also like