You are on page 1of 20

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.

Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng
pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita
siya ni Tipaklong.“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong.

“Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng
pagkain?”“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni
Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon
tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”“Ikaw na lang, kaibigang
Tipaklong”, sagot ni Langgam.

“Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain.
Ito’y aking iipunin para ako ay may makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang
kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang kaibigang si Langgam.Paglipas ng bagyo,
pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na
ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka.
Halika at maupo.”Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na
naghanda siya ng pagkain.Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang
magkaibigan.“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo.
Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating
ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag-
impok.
Aral:

Ugaliing mag-impok upang kapag may pangangailangang dumating ay may madudukot.

Hindi masama ang magsaya paminsan-minsan. Ngunit palaging pakatandaan na hindi sa lahat ng
pagkakataon ay kailangan mo itong gawin. Magbanat ka ng buto at paghandaan ang hinaharap.

Maging masipag. Huwag tatamad-tamad. Mas mabuti sa tao ang nagtatatrabaho kaysa tumambay
at maging pasanin sa iba.
Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas.
Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang
kagubatan. Dumating siyang pagod na pagod. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong
Narra. Dumating si Daga.

Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa
mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong
paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si
Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa, kakainin
sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at
sinabi pang baka siya’y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at
pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad


ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan.
Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop.
Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad niya
ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya.
Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting magkaibigan si
Haring Tamaraw at si Daga.ng Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay
malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Aral:

Huwag gumanti o humatol ng mabilis sa kapwa. Matutong magpatawad. Hindi mo hawak ang
panahon. Malay mo, ang taong itinuturing mong kaaway ay siya palang magliligtas sa iyo sa
kapahamakan balang araw.
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang
mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy, Iput-
Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa mga
lamok.”“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na
sagot ng alitaptap.“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-
aasar ni Amomongo.

“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila
kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput.Tumawa
nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa lahat ng
kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na
kumalat sa buong bayan ang balita.Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali
siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit
itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising.“Hoy, gorilya, bakit
ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong hindi ako duwag, hinahamon
kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon.”Pupunga-pungas
na nagtanong ang gorilya.“Mayroon ka bang mga kasama?”“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput

. “Pupunta akong mag-isa.”Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na


insekto ang humahamon sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap.“Hihintayin kita sa plasa sa
susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!” “Magsama ka ng mga kakampi mo dahil
magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa akin

.”Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng
ulo.Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!
Paalam!”Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa
mga ito ang nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang pamalo
na may habang tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na
Linggo. Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang kanilang
pinuno kaya ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar

.Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga
dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.
Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o
pagdarasal.

Iminungkahi ng alitaptap sa mga gorilya na magdasal muna sila. Pagkatapos magdasal, agad
sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang mga kasama na
humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.

Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na
gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni
Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya.
Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang nahampas
niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito.

Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si
Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng
pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari
hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay
dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin.

Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking
takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Aral:

Huwag mong husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng pangangatawan.
Kadalasan kasi ay may mas nagagawa ang mga maliliit na hindi kayang gawin ng malalaki.

Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita upang siraan ang kapwa.


Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw. Maganda na ang panahon.
Namasyal ang mga anak ni Inang Palaka sa tabi ng sapa. Nakita nila ang isang kalabaw na
nanginginain ng sariwang damo. Sa tingin ng mumunting palaka ay napakalaking palaka ang
kalabaw. Dali-dali silang umuwi at ibinalita ito sa kanilang ina.

“Ina, nakakita kami ng napakalaking palaka!” sabay-sabay na sabi ng mga anak ng


palaka.“Totoo? Malaki pa sa akin?” wika ng Inang Palaka. “Ako na ang pinakamalaki sa lahat ng
palaka.”“Talaga pong napakalaki”, patotoong muli ng mga anak na palaka. “Sumama po kayo sa
amin nang inyong makita.”“Hala, tayo na”, wika ng Inang Palaka. “Hindi ako naniniwala na
mayroon pang palaka na mahigit ang laki kaysa sa akin.”At sabay-sabay na pumunta ang mag-
iinang palaka sa tabi ng sapa.

Itinuro ng mga anak na palaka ang nakitang kalabaw na patuloy na nanginginain ng


damo.“Tingnan ninyo ako”, wika ng Inang Palaka sa mga anak. Huminga siya nang huminga
upang palakihin ang kanyang sarili.“Sino ngayon ang higit na malaki sa aming dalawa?” “Malaki
po ang aming nakitang palaka”, wika ng maliit na palaka.

“Higit po siyang malaki kaysa sa inyo.”Muling huminga nang huminga ang Inang Palaka upang
madagdagan ang kanyang laki. At kanyang muling tinanong ang maliliit na palaka.“Malaki na
ako ngayon kaysa sa kanya, hindi ba?”“Hindi po, Ina”, sabay-sabay na namang sagot ng mga
anak na palaka. “Ang laki po niya kaysa sa inyo.”

“A, hindi! Ako ang pinakamalaking palaka. Tingnan ninyo ako”, wika ng Inang Palaka at ubos-
lakas siyang huminga nang huminga.Bog! narinig na putok ng mga anak ng palaka. At nakita
nilang pumutok ang tiyan ng mahal nilang ina.

“Kaawa-awa naman si Inang Palaka!” wika ng mga anak na palaka. “Ayaw niyang mahigitan ng
iba kaya siya nagdusa.”
Aral:

Nakamamatay ang kayabangan. Mas marami ang nalulugod sa taong mapagpakumbaba kaysa
taong ubod ng yabang at puro salita.

Walang masama kung may taong nakahigit sa kakayahan mo. Maluwag na tanggapin ang
pagkatalo at iwasan ang sama ng loob.
Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-
asawa na. Pasigaw niyang sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa kanyang
harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang
makiring pabo, at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya.

Naku! Kung mapapasaakin lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging
pinakamasayang asawa sa buong mundo.”Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang
buwaya. Sinabing muli ng pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong
pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang diyamante at ang
magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay hindi daw
madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng mangmang na ibon ang
kahilingan ng buwaya.Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng
sakim na buwaya ang kanyang bagong asawa.

Aral:

Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang lason sa katawan
na nakamamatay.

Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman na huwad ang kalooban.

Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring
aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw ay babalik rin sa iyo ang pangit na
itinanim mo.
Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti at ng makailang
ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan sa bandang huli.

Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning maigi ang taong nais
pakasalan.
Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya’y hinarang ng limang batang lalaki.
Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo.

Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talaga kang matapang ay lumaban
ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo,” ang hamon.

Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman
tayo nagkagalit!”

“Umiiwas ang Boy Scout sa away.”

“Lumaban ka!” at dinuraan ang mukha ni Danilo. Ang lumait na bata ay maliit kaysa kay Danilo.
Siya’y mayabang at nagmamagaling. Muling hinamon si Danilo, “Ikaw ay isang duwag!”

“Kaibigan ako ng sinuman. Ang sabi ng titser ay dapat akong magpaumanhin sa umaaglahi sa
akin!”“Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung lalaban. Isa kang duwag!” at sinipa si
Danilo.

Nakiusap si Danilo, “Ako’y aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw niyang ako’y gabihin sa
pag-uwi!”Lumakad nang paunti-unti si Danilo. Siya’y sinundan ng mga batang mapanudyo.
Sila’y nakarating sa puno ng tulay.

Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik, “Sag… gi… pin… ninyo ako! Tulong!” Isang
bata ang nalulunod!

Walang kumilos sa mga batang nagmamatapang. Mabilis na lumusong si Danilo sa pampang ng


ilog. Ibinaba niya ang mga aklat at naghubad na dali-dali. Lumukso at nilangoy ang batang
sisingab-singab.Nang mga unang sandali’y nahirapan si Danilo sa pagkawit at pagsakbibi sa bata
ng kanyang kaliwang kamay. Ikinaway niya ang kanan sa paglangoy. Ang dalawa’y dinala ng
mabilis na agos. Malayo sila sa pampang subalit sa katagala’y nakaahon.
Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita ng pinakalider ng gang na ang bata palang
sinagip ni Danilo ay kanyang kapatid. Siya’y nagpasalamat kay Danilo at humingi ng tawad,
“Maraming salamat sa iyo. Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina. Ngayon ko nabatid na ang
katapangan ay hindi nasusukat sa salita kundi sa gawa at tibay ng loob!”

Aral:

Ang pambu-bully ay hindi magandang pag-uugali. Iwasan ito sapagkat wala itong mabuting
maidudulot sa iyo lalo na sa taong binu-bully.

Hindi nasusukat ang katapangan sa salita kundi sa gawa.

Ang kayabangan ay maaring maghatid sa iyo sa kapahamakan kaya ito ay iwasan.

Maging palakaibigan sa lahat ng pagkakataon. Mas mainam ang nag-iipon ng kaibigan kaysa
kaaway.
Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bata ay tumutulong nang kusa sa bahay,
di lamang para sa sarili kundi pati sa mga magulang at mga kapatid.

Para sa aking sarili, ay inilalagay ko sa kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng aking gamit sa
paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito, ay hindi ako maghahanap at mag-aaksaya ng panahon
lalo na kung nagmamadali ako.

Hindi na rin ako makagagalitan. Laging nasa lugar ang mga libro, notebook, lapis, pentelpen,
pad paper, school bag, payong, sapatos, at lahat-lahat na. Walang kakalat-kalat.

Sa Kuya at Ate ay tumutulong din ako lalo na kung sila ay abalang-abala sa ibang gawain.
Pagdating nila mula sa paaralan ay sasalubong na ako sa hagdan pa lamang, upang kunin ang
kanilang gamit at ilalagay ko na sa kani-kanilang lalagyan.

Kapag nagpuputol ng panggatong ang Kuya ko ay iniaakyat ko na ang maliliit na piraso. Sa Ate
naman, kapag nagwawalis, ay kukunin ko ang basahan at ako na ang magpupunas sa mga mesa
at upuan.

Si Tatay at Nanay ay wala; sila ang gumagawa para sa amin. Ay, mayroon pala. Sabi ng Nanay
na malaking tulong daw sa kanila ni Tatay kung ako, kaming magkakapatid, ay masunurin,
masipag, magalang at malinis.

Natutuwa daw sila at hindi raw nila nararamdaman ang pagod, at nagpapasalamat pa sa
Panginoon.

Kaya naman maingat kami sa damit upang di sobrang marumi ang lalabhan. Takbo ako agad sa
pagtulong kung kaya ko rin lamang gaya ng paghahanda sa hapag-kainan, pag-urong ng mga ito
pagkatapos, paghugas at pagligpit.

Ang dami, ano? Pagnakagawian na ay walang mahirap. At napakasarap pang pakiramdaman at


pakinggan ang, “Ay salamat! Mabait at matulungin ang aking anak!”
Aral:

Ang taong matulungin ay nakakapag-papagaan sa mga gawain. Ugaliing tumulong ng walang


hinihinging kapalit.

Maraming nalulugod sa taong matulungin ngunit sa taong tamad marami ang naiinis.

Laging ilagay sa tamang lalagyan ang iyong mga gamit upang madali mo itong mahagilap kung
kinakailangan ng gamitin.
Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga bata
ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa’t isa. Lagi rin silang magkasama sa
bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang mag-binatilyo na sila. Naging bahagi na
ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat
ay lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa
kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang
kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin
niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.

Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya.
Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito. Lagi
iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay
sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita
niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag
nang kawag ang buntot.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natutulog ito sa paanan niya at pag-
gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay
nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

Aral:

Ang mabuting kaibigan ay kayamanan. Pahalagahan natin sila at paka-mahalin sapagkat


mahirap makahanap ng tunay na kaibigan.
Noong unang panahon may isang prinsesang may napaka-gandang buhok na iba’t iba ang kulay.
Siya’y nagngangalang Prinsesa Buna na umiibig ng palihim sa kanilang hardinero na si Lakal.

Araw-araw ay pumupunta ang prinsesa sa hardin. Iniisip ng kanyang ama na mahilig lamang
talaga ang prinsesa sa mga bulaklak kaya ito ay laging naroroon. Ngunit lingid sa kaalaman ng
ama ay hindi iyon ang pinupunta ng kanyang anak sa hardin.

Pinupuntahan ng prinsesa si Lakal na laging gumagawa ng sari-saring pabango na gustong-gusto


niyang amuyin at gamitin dahil sa kakaibang amoy ng pabangong gawa nito.

Ngunit isang araw, nahuli ng hari ang dalawa na naglalakad sa hardin ng magkahawak ang
kamay. Agad na nagalit ang hari dahil ang isang prinsesa ay umiibig sa isang hardinero kaya
isinikreto niya sa kanyang anak ang plano niyang pamamaslang kay Lakal.

Inutusan ng hari ang isang kawal na pagdating ng gabi ay dapat ipatapon si Lakal sa kagubatan at
iwanan doon hanggang mamatay. Ginawa ng kawal ang utos ng hari at agad na iniwan si Lakal
sa gitna ng gubat.

Si Lakal ay namatay at ang prinsesa ay inintay ang pagdating ni Lakal sa hardin ngunit hindi
niya nakita ang binata hanggang magdilim.

Ilang araw na nag-intay si Buna at hindi siya kumain o naligo. Ni hindi rin siya natulog at
kinaumagahan ay inaantay pa rin nya si Lakal.

Isang araw ay naisipan ng prinsesa na umalis sa palasyo at hanapin si Lakal. Ngunit siya’y nang
hihina na.

Paglipas ng ilang araw ay hinanap ng hari ang kanyang anak na si Buna. Pumunta siya sa hardin
kung saan nagpupunta si Buna upang intayin si Lakal. Ngunit ang nasilayan niya lamang ay ang
isang malagong halaman na may iba-t ibang kulay at iba’t ibang uri.

Napansin din niyang ito ay kakulay ng buhok ng kanyang anak.


Kasing bango rin ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga halaman. Nasa huli plagi ang
pagsisisi. Nalungkot ang hari at walang nagawa kundi alagaan ang natitirang bunga na naiwan
bilang alaala sa anak. Pinangalanan niya ang halaman na Bunalak at kalaunan ay tinawag na
Bulaklak.

Aral:

Kausapin ang anak kung hindi sang-ayon sa taong iniibig nito. Bago gumawa ng aksyon ay pag-
isipan muna ito ng maka-ilang ulit kung ito ba ay makakabuti o makasasama sa sitwasyon.

Huwag maglihim sa magulang, ito man ay tungkol sa taong nagpapatibok ng iyong puso o iba
pang mga bagay. Hingin ang kanilang payo kung tama pa ba ang iyong ginagawa upang hindi
mapariwar
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si
Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng
pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.

“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.

“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang
pagkain,” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling
Muning,” sabi ni Pagong.

“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni
Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na
lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko
itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito,” masayang sabi ni
Pagong.

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing.

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?”
nakangising sabi ni Matsing.

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?” tanong ni Pagong.

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas
na parte,” sabi ni Matsing.
Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang
si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta
ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo
nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo,”
sabi ni Matsing.

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang
bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat,” paliwanag ni Pagong.

“Hmp! Kaya pala nalanta ang aking tanim,” nanggigil na sambit ni Matsing.

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin,” anyaya nito.

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin,” sabi ni
Pagong.

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t
bigyan mo lang ako ng konti para sa aking miryenda,” sabi ni Matsing.

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno.
Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!”
tuwang-tuwang sabi ni Matsing.

Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik
sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng
tulong kay Pagong.

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang
uulan ng malakas,” pagmamakaawa ni Matsing.

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. Mukhang
malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” Sabi ni Pagong sabay
alis papunta sa bahay ni Aling Muning.
Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si
Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong


matsing.

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin,” bulong nito sa sarili.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing ay hinanap niya si Pagong. Nakita
niya itong naglalakad sa may kakahuyan.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino,” sabi ni Matsing.

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagputul-putullin nang sa gayon ako ay dadami at
susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha,” sabi ni Pagong.

Nag-isip ng malalin si Matsing.

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka,” sabi ni Matsing.

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at
matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito,” pagyayabang ni
Pagong.

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa


dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa
malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong
lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya


itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang
bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa ay parang ang gaan ng
katawan nito sa tubig.
“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa
dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!!” natutuwang sabi ni Pagong.

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan.
Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Aral:

Hindi porke’t mukhang mahina ang isang tao ay maari mo na itong isahan. Darating ang araw na
ang masamang ginawa mo sa iba ay pagbabayaran mo rin.

Huwag maging tuso.

Iwasan ang pagiging madamot.

Ang pagkakaibigan ay higit na mahalaga kaysa ibang bagay. Kaya pahalagahan sila dahil
mahirap makahanap ng isang tunay na kaibigan.

You might also like