Professional Documents
Culture Documents
Aral ng Pabula
Hindi lahat ng mga papuring naririnig ay totoo at sinsero. Ang iba
sa mga ito’y sinasambit lamang upang makalamang o magamit ka.
Ang Pabula ng Ang Daga at Ang Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.
Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas
Aral ng Pabula
Maging mapagpatawad at maunawain sapagkat ang mga ito’y nakapagbibigay ng
mabuting relasyon sa kapwa. Huwag ding hamakin ang kakayahan ng isang tao
dahil sa laki nito—kahit ang pinakamaliit na tao’y may malalaking kontribusyon
sa lipunan.
“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo.
Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw.
“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,” anang
kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at
ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya’y pumanaw. Nang makita
ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw
at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat
ng kanyang mga dalahin.
“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang
pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.
Aral ng pabula
Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang magkakaibigan. Sila ay si
Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa. Nagkuwentuhan sila at di-nagtagal ay nagpaalam
ang magkapatid na gansa.
“Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog”, pakiusap ni Pagong Daldal.
“E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka makakalipad?” wika ni Abuhing
Gansa.
“Oo nga ano”, wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.
“Teka, may naisip ako”, wika ni Puting Gansa. “Maisasama ka namin kung susunod ka sa aking sasabihin.”
“Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo”, wika ni Pagong Daldal.
“Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing Gansa ang magkabilang dulo at
saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan mo. Huwag na huwag kang magsasalita kung hindi ay
mahuhulog ka at lalagpak sa lupa.
O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong”, wika ni Puting Gansa
“Tandaan mo, huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag nakabitaw ka, tiyak na lalagpak ka sa
lupa.”
“Hindi ako magsasalita”, pangakong muli ni Pagong Daldal.
Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagat naman ni Puting
Gansa. At sila ay lumipad na.
Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga punongkahoy! Waring nakaakyat sa
langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.
Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong. Naghiyawan sila sa tuwa at
itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat!
“Tingnan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad!
Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Nagalit si Pagong Daldal. “Mga batang_______”
Hindi natapos ang iba pang sasabihin ni Pagong Daldal. Tuluy-tuloy siyang bumagsak sa lupa.
“Kaawa-awang Pagong!” nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa.
Aral ng Pabula
Tuparin ang ipinangako sa kapwa. Mas mainam ang taong may isang salita kaysa puro salita
ngunit mahina naman sa gawa.
Kung ikaw ay may minimithi o pangarap sa buhay, mag-pokus ka. Isa ito sa mga sangkap
upang magtagumpay ang isang tao.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga taong handang tumulong sa iyo kaya huwag
sayangin ang tulong na binigay ng kaibigan.
Si Mahistrado Kuwago
Isang araw, may krimeng pinahuhusgahan sa isang hurado ang ilang hayop. Kabilang dito ang
Ibon, ang Palaka, ang Pagong, ang Alitaptap, at ang Lamok. Upang maparusahan ang kriminal,
napagkaisahan ng lahat na magsilbing huwes ang Kuwago.
“Sapagkat ako ang napili ninyong magdesisyon kung sino ang kriminal sa kasong ito,
pakikinggan ko kayo sa inyong mga sasabihin.”
Nagsimulang tumindig ang Ibon na nagpahayag ng kaniyang problema.
“Ako po si Ibon. Hindi po ako makatulog sa gabi sapagkat kokak nang kokak ang Palaka.”
“O, bakit kokak ka nang kokak?” tanong ng Hurado sa Palaka.
“Ako po si Palaka. Kokak po ako nang kokak sa takot ko pong mahulugan ako ng bahay ni
Pagong.”
Tinawag ng Hurado si Pagong.
“Totoo ba iyon, Pagong?” takang-takang usisa ng Hurado.
“Totoo po. Bakit naman hindi ko po dadalhin ang nag-iisa kong bahay? Takot po kasi ako sa
alitaptap na laging may baong apoy sa likuran.”
“E bakit nga naman may apoy ka pang dala-dala?” pag-uusisa ng Hurado sa Alitaptap.
“Lagi po kasing may dala-dalang sibat ang Lamok. Para po hindi ako masundot, proteksiyon ko
po ang apoy.”
Tinawag ng Huradong Kuwago ang itinuturong Lamok.
“Totoo bang may dala-dala kang sibat na panundot?”
Hindi maipaliwanag ng Lamok kung bakit kailangang dala-dala niya lagi ang sibat.
Hindi nagkamali ang lahat nang ibunton sa lalaking Lamok ang parusang mabilanggo.
Nang akmang ipadadakip na ang hinatulan ay dali-dali itong lumipad. Kaagad siyang pumunta
sa Lamuklandia. Isinumbong niya sa mga kamag-anak ang malupit daw na Mahistrado.
“Dala-dala mo lang ang sibat na pananggalang, huhulihin ka na upang parusahan?” galit na
reaksiyon ng mga Babaeng Lamok.
“Dapat na ipagtanggol natin ang katribo!” sigaw ng mga Lalaking Lamok.
Inayos ng mga Babaeng Lamok ang mga businang panggalugad at mga sibat na panundot ng
kanilang mga asawa.
Humanda na sa paglusob nila ang batalyon ng mga Lamok.
Nang mapansin ng Mahistradong dumarating na ang nagliliparang mga Lamok ay ikinampay
na nito ang mga pakpak. Dali-dali itong lumipad at pumasok sa kuweba sa kagubatan.
Hindi nag-aksaya ng oras ang mga lalaking Lamok. Upang masigurong bihagin ang Mahistrado
ay pinuntahan nila ang lahat ng kuweba sa paligid. Pati na tenga ng mga tao ay sinisilip nila at
binubusinahan sa pag-aakalang kuweba rin itong mapagtataguan.
Bigo ang mga Lamok sa paghahanap nila sa Mahistrado.
Hanggang ngayon ay patuloy ang mga lamok sa pagsilip at pagbusina sa ating mga tenga.
Aral
Maging makatarungan sa pagpaparusa kanino man.
Si Alitaptap at si Paruparo
May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong nakabaligtad
at kakawag-kawag sa lupa.
Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw ni
Paruparo)
Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at
maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang kaawaawang Paruparo)
Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si Gagamba.
Lumapit siya kay Paru-paro)
Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay.
Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)
Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang kasama
kong kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si Paruparo. Napaiyak
siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin siyang papalapit na pakislap-
kislap na liwanag)
Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan? Napaano ka at kawag ka nang kawag?
Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang batang
lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko kayang
tumindig na mag-isa upang lumipad. Maaari bang tulungan mo ako?
Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan pang sandali ay
dumating ang maraming alitaptap).
Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin.
Kaybuti ng inyong kalooban…
Alitaptap : Walang anuman, kaibigang Paruparo. O sige, aalis na kami.
Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak. Salamat na muli.
Aral:
Makikilala mo kung sino ang iyong tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan.
Huwag mag-atubiling tumulong kung may kakayahan. Mas maigi ang nagbibigay
ng tulong kaysa ikaw ang tinutulungan.
Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay
abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan.
“Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa may gawing kaliwa ay
may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam.
Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa kung kaya’t hindi nila napansing ang
Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
“Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang
kendi.”
Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na
kinapatiran ng kanyang paa kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa
kanal.
Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang kanyang Bunsong anak sa
pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin hanggang sa siya’y mapadako sa
ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang
kanyang bunsong anak.
Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na, “iyan ang napapala ng
mga anak na matigas ang ulo.”
Aral
Aral
Huwag makikipag-away.
Kung may hindi pagkaka-unawaan, ayusin ito sa maayos
na paraan.
Makipag-usap ng mahinahon at huwag agad magsakitan.
PABULA