You are on page 1of 23

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang

iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa


kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at
hinamon niya ito.

“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis
lumipad?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang
hamon nito para maturuan niya ng leksyon.

“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”

Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni
Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan,


natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para
lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay
magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw
nman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit
nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya
kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.

“Aba oo, payag na payag ako.”

“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok
ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit
hindi siya nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng


malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng
husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa


din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na


bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Aral

 Huwag maging mayabang.


 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
 Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.
 Gamitin ang talino sa tamang paraan.
May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.

Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.

Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat
ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”

Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay
nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan
kaagad sinunggaban ng aso.

Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang
karne.

Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

Aral

 Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba


para maisahan ka.
Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa
pampang ng Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang
ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-


isipan niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang
dumaan sa kanyang harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang
kahilingan. Nakinig ng mabuti ang makiring pabo, at sinumulang suriin ang
anyo ng buwaya.

Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin


lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging
pinakamasayang asawa sa buong mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli
ng pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong
pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.
Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang
magagandang diyamante at ang magaspang na balat nito ay gawa sa perlas,
kaya tinanggap niya ang alok nitong pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa


gayon ay hindi daw madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe.
Sinunod naman ng mangmang na ibon ang kahilingan ng buwaya.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim


na buwaya ang kanyang bagong asawa.

Aral:

 Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay


parang lason sa katawan na nakamamatay.
 Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman
na huwad ang kalooban.
 Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong
itinanim ay siya mo ring aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba,
balang araw ay babalik rin sa iyo ang pangit na itinanim mo.
 Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong
mabuti at ng makailang ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong
pagsisihan sa bandang huli.
 Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning
maigi ang taong nais pakasalan.
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.
Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang


daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin.
Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog


mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa
iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang


pagtulog ko,” sabi ng leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,”


sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan


ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya
upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat
na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang
leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala
sa lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.

Aral

 Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng


isang tao.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay
may kakayahan pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas
inaasahan ng iba.
Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang
maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang
ating mga ninuno. Kung minsan si Barangaw ay nag-aanyong bahaghari
upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga pananim. Kung
minsan ay nag-aanyong isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng
kundiman at palakad-lakad sa loob at labas ng balangay. Isang baston o
tungkod na nilalik na kamagong ang kanyang dala-dala tanda ng
kapangyarihan. Ito ang pinaparusa niya sa mga malulupit at mga masasama,
at ito rin ang ginagamit niya sa paggawad ng gantimpala sa mabubuti.

Isang araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay inutusan nga ni Bathala si


Barangaw na mamasyal sa Malanday upang malaman ang mga daing ng mga
aliping namamahay at aliping sagigilid. Samantalang naglalakad si Barangaw,
nakaalinig siya ng abot-abot na lagapak ng hagupit na kasabay ang
malungkot na daing.

“Bakit kaya?” ang tanong ni Barangaw sa kanyang sarili. Walang kakila-kilatis


siyang nasok sa silid na pinanggagalingan ng daing ng taong hinahagupit ng
lanubo ng bayabas. Kitang-kita niyang namimilipit sa sakit ang taong
hinahagupit na sa kahit saan tamaan.

“Kaawa-awang alipin!” ang malungkot niyang nasabi.

Walang nakakita kay Barangaw sapagkat ang tagaputong niya ay maysa


tagabulag, ngunit kitang-kita niya ang lahat.
Naroon si Lakan Lumatay at nakapamewang, pinag-abot-sikong nakabalita
ang alipin at pinapalo ng walang patumangga ni Magbitag na siyang
tagapagparusa ni Lakan.

“Saan mo itinago ang iyong anak na dalaga?” Ang tanong ni Magbitag.

Sandaling tinigilan ng palo ang alipin. Ito’y hubad ang baro at ang katawan ay
halos putok-putok na sa kapapalo.

“Hala, magsabi ka ng totoo. Pag hindi’y mauutas ka. Dapat mong


ipagpasalamat na Lakan pa at puno natin ay may ibig sa anak mo. Ano,
magsasabi ka o hindi?”

Hindi umimik si Barangaw. Nakinig siya upang malaman ang puno’t dulo ng
paghahagupit na yaon. Hinintay na sumagot ang alipin, ngunit ito’y walang
imik.

“Matigas ang ulo! Hala lantakan mo uli!” ang makapangyarihang utos ni Lakan
Lumatay.

“Pagkamatay ay itapon na ninyo sa ilog at ng lamunin ng buwaya.”

Pagkaunat-unat ng Magbitag ang kanyang bisig upang hagupitin na naman


ang aliping halos wala ng malay-tao.

Datapwa’t ng sasayad na sa katawan ang lanubo ng tagapagparusa ay biglang


sinangga ng tungkod na kamagong ni Barangaw. Nahulog sa lupa ang lanubo
at nanginig ang buong katawan ng mabalasik na si Magbitag.

Si Barangaw ay galit na galit sa nakita niyang kalupitan ng punong dapat


sanang magpasunod sa kahabag-habag na alipin.

“Lakan Lumatay! Ikaw ba ang nag-utos na hagupitin ang aliping ito?” ang
tanong ni Barangaw.

“Hulihin ang pangahas!” ang mabangis na utos ni Lakan Lumatay sa kanyang


mga kampon. “Paluhurin sa monggo at timbain sa tubig.”
“Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko. Kung hindi lamang sa
utos ng puno ko, masasarapan ka! Mata mo lang ang walang latay!” at
inakmang hagupitin si Barangaw.

Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang wika,


“malupit kang walang kaparam wala kang awa sa kapwa. Ngayon din ay
magsisi ka ng iyong mga kasalanan.”

Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang natilos sa
kinatatayuan at nawalan ng lakas.

Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit kay Barangaw,


ngunit ito’y nawalan din ng lakas.

“Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis ngunit
wala kayong bait. Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng puso’t diwa, ang
bagay sa inyo ay ito!” at anyong hahatawin ang kanyang tungkod.

Ngunit ang alipin ay natauhan noon at napasigaw,” Poon ko po patawarin mo


po ang aking puno. Ang akin pong anak ay itinatago ko nga!

Hindi itinuloy ang paghataw ni Barangaw.

“Bakit mo itinago ang iyong anak?” ang tanong sa alipin.

“Ayaw ko ng anak ko na mahulog sa kamay ni Lakan. May tunay po siyang


iniibig, si Malaya. Ayoko po namang piliting ibigin ng anak ko ang Lakan. Ako
po ang may sala. Patawarin mo na po ang aking puno.”

“Mabuti kang kampon, aliping tapat hanggang wakas. Bakit ang kalupitan ay
sinusuklian mo ng katapatan? Dahil sa iyong hiling ay hindi ko papatayin ang
iyong puno at ang humagupit sa iyo. Subalit sila’y hindi makatao, kaya’t sila’y
dapat parusahan. Buhat ngayo’y mag-uusad silang tulad ng ibang hayop;
ngunit ng sila’y may masilungan, dadalhin nila ang kanilang bahay.

Sinaling ang tungkod niya kay Lakan at kay Magbitag at ang wika sa mga ito
ng, “mula ngayon ay dadalhin ninyo ang inyong bahay at kayo’y uusad upang
huwag ng pamarisan.
Aral

 Huwag maging malupit sa kapwa.


 Ang kasamaan ay may kaakibat na kaparusahan.
Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at
nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at
animo’y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting
magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at
nagtutulungan sa kani-kanilang mga suliranin. Subalit ang lahat ng ito ay
nasira dahil lamang sa isang pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng
kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil
naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa
pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang
tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.

Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala
siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa
bubungan ng bahay.

“Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at


pusa,” bulong ng daga sa sarili.

Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang wala na ang iniwang


buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang
buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang
aso sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa
kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha
ng daga ang buto para masolo niya ito.

BASAHIN DIN: Ang Aso at ang Uwak


Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang
daga ngunit hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya’t
ang buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling tumakbo hanggang sa
likod ng bahay.

“Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila dito. Siguro mamaya ay magkakasundo


na rin sila at masaya naming pagsasaluhan itong buto,” bulong ng asong
humihingal.

Dahil sa pagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng dalawang


kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte
ng daga at ng pusa.

Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sa galit nang ito ay dumating sa kinaroroonan
ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakain ng mag-isa. Bigla niyang inangilan
ang aso. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng
katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng
aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa
na kapwa may tanim na galit sa isa’t-isa. Iyon na ang simula ng kanilang
pagiging magkaaway.

Magmula noon, sa tuwing makikita ng aso ang pusa ay kinakahulan niya ito.
Ang pusa naman ay di padadaig. Lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso.
At sa tuwing makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa
takot ang daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang
doon kapag wala na ang pusa.

Aral

 Huwag makikipag-away.
 Kung may hindi pagkaka-unawaan, ayusin ito sa maayos na paraan.
 Makipag-usap ng mahinahon at huwag agad magsakitan.
May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga.
Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at
saka ito sasakmalin at gugutay-gutayin.

Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila


kung paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.

Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay
nauwi sa katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano
maiiwasan ang Pusa. Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang
na Daga. Tumindig ito at mayabang na nagsalita.

“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.”

Umaatikabong bulungan ang naganap.

“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang


ating kaaway kung tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling,
alam nating ang Pusa ay papalapit sa atin.”

“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa


kinatatakutan natin,” natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan.

Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.


“Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.

“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na


sasakmalin ako ng Pusa.”

“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid.
“Palapit pa lamang ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na
papatayin ako noon kapag nilapitan ko!”

Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas


na sumagot at gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na
ang mayabang na Daga ay wala ring narinig na anuman.

Aral

 Balewala ang isang magandang mungkahi kung wala namang may


gustong gumawa o tumulong sa paggawa para makamit iyon.
 Ang tao ay hindi nasusukat sa kahit ano pang ganda ng mga salitang
sinabi nya kundi sa kanyang mga gawa.
Tuwang-tuwa ang mangingisdang si Mario nang may nabingwit siyang isang
malaking isda. Nang ilalagay na niya ito sa buslo, bigla itong nagsalita,
“Huwag!” Muntik nang mahulog sa bangka si Mario sa malabis na pagkagulat.

“Ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng kayamanan,” sabi ng isda, na


nagpipilwag.

Nang mahulasan si Mario, tinanong niya ang isda, “Ano ka ba, impakto?”

“Hindi, ako ay alagad ng mga sirena na naatasang magbantay dito sa malapit


sa pampang. May kapangyarihan ako – mahika! Kaya ibalik mo lang ako sa
tubig at ipagkakaloob ko sa iyo ang hihilingin mo.”

Naalaala ni Mario ang dampang tinitirhan niya. Lagi itong inirereklamo ng


asawa dahil sa kaliitan. “Nais ko ang malaking tirahan,” sabi niya sa isda.

“Masusunod. Umuwi ka na at makikita mo ang iyong malaking tahanan,” sabi


ng isda na kaagad namang ibinalik ng lalaki sa tubig.Hindi lang malaki ngunit
tila palasyo ng hari sa gara ang nadatnan niya. “Sa palagay ko, hindi na ako
aawayin ni Ana. Malaki na ang bahay namin.”

Nguni’t hindi pa pala nasisiyahan ang asawa. “Hulihin mo uli ang isda. Sabihin
mong walang mga kasangkapan. Dapat ay iyong magagandang mesa, silya,
kama at mga dekorasyon sa bahay.”
Palibhasa’ y takot sa babae, bumalik si Mario sa dagat at namingwit. “Sana’y
huwag ko na siyang mahuli para hindi na ako makahingi. Nakakahiya naman
ang asawa ko,” bulong niya sa sarili.

Nagkataong lumalangoy pala sa malapit ang malaking isda at nang makita si


Mario, ito’y lumukso sa kanyang bangka. “Ano, kaibigan, nagustuhan mo ba
ang bahay mo?”

“Oo nga, maraming salamat. Nguni’t nakikiusap ang asawa ko, kung maaari
raw, mabibigyan mo ba raw kami ng mga kasangkapan?” nahihiyang tanong
ng mangingisda.

“O, sige. Bumalik ka na sa inyo at naroon na ang mga hinihiling ng asawa mo.”

Natitiyak ni Mario na matutuwa na ngayon si Ana. Malaking biyaya na talaga


ang ibinigay sa kanila ng isda. Pagdating niya sa bahay, sinalubong siya ng
asawa sa pintuan.

“Balikan mo uli ang isda. Humingi ka naman ngayon ng magagarang alahas at


magagandang kasootan. Nais kong makita ng lahat dito sa bayan natin na
tayo ang pinakamayaman dito,” utos ng babae sa asawa, na alam niyang hindi
kayang sumuway sa bawa’t sabihin niya.

Hiyang-hiya si Mario na humarap uli sa isda, na madali niyang nakita sa


pampang na pinaglalagian nito. “Nakakahiya sa iyo,” halos hindi niya maibuka
ang bibig, “ngunit may hinihingi na naman ang asawa ko.”

Matagal na hindi sumagot ang isda, parang nag-iisip. Kapagkaraka ay


nagsalita, “Nakikilala ko na kung ano ang uri ng pagkatao ang asawa mo. Isa
siyang sakim at walang pakundangang babae. Hindi siya marunong mahiya, at
hindi rin siya mabait na asawa. Parurusahan ko siya. Kukunin ko uli lahat ng
naibigay ko na sa kanya.” Lumukso sa tubig ang isda at matuling lumangoy
papunta sa laot. Nang umuwi si Mario, nakita niya si Ana na nakaupong
umiiyak sa hagdang kawayan, ng dati nilang dampa.

Aral

 Matutong makuntento at huwag mapang-abuso.


Isang araw, may krimeng pinahuhusgahan sa isang hurado ang ilang hayop.
Kabilang dito ang Ibon, ang Palaka, ang Pagong, ang Alitaptap, at ang Lamok.
Upang maparusahan ang kriminal, napagkaisahan ng lahat na magsilbing
huwes ang Kuwago.

“Sapagkat ako ang napili ninyong magdesisyon kung sino ang kriminal sa
kasong ito, pakikinggan ko kayo sa inyong mga sasabihin.”

Nagsimulang tumindig ang Ibon na nagpahayag ng kaniyang problema.

“Ako po si Ibon. Hindi po ako makatulog sa gabi sapagkat kokak nang kokak
ang Palaka.”

“O, bakit kokak ka nang kokak?” tanong ng Hurado sa Palaka.

“Ako po si Palaka. Kokak po ako nang kokak sa takot ko pong mahulugan ako
ng bahay ni Pagong.”

Tinawag ng Hurado si Pagong.

“Totoo ba iyon, Pagong?” takang-takang usisa ng Hurado.

“Totoo po. Bakit naman hindi ko po dadalhin ang nag-iisa kong bahay? Takot
po kasi ako sa alitaptap na laging may baong apoy sa likuran.”
“E bakit nga naman may apoy ka pang dala-dala?” pag-uusisa ng Hurado sa
Alitaptap.

“Lagi po kasing may dala-dalang sibat ang Lamok. Para po hindi ako
masundot, proteksiyon ko po ang apoy.”

Tinawag ng Huradong Kuwago ang itinuturong Lamok.

“Totoo bang may dala-dala kang sibat na panundot?”

Hindi maipaliwanag ng Lamok kung bakit kailangang dala-dala niya lagi ang
sibat.

Hindi nagkamali ang lahat nang ibunton sa lalaking Lamok ang parusang
mabilanggo.

Nang akmang ipadadakip na ang hinatulan ay dali-dali itong lumipad. Kaagad


siyang pumunta sa Lamuklandia. Isinumbong niya sa mga kamag-anak ang
malupit daw na Mahistrado.

“Dala-dala mo lang ang sibat na pananggalang, huhulihin ka na upang


parusahan?” galit na reaksiyon ng mga Babaeng Lamok.

“Dapat na ipagtanggol natin ang katribo!” sigaw ng mga Lalaking Lamok.

Inayos ng mga Babaeng Lamok ang mga businang panggalugad at mga sibat
na panundot ng kanilang mga asawa.

Humanda na sa paglusob nila ang batalyon ng mga Lamok.

Nang mapansin ng Mahistradong dumarating na ang nagliliparang mga


Lamok ay ikinampay na nito ang mga pakpak. Dali-dali itong lumipad at
pumasok sa kuweba sa kagubatan.

Hindi nag-aksaya ng oras ang mga lalaking Lamok. Upang masigurong


bihagin ang Mahistrado ay pinuntahan nila ang lahat ng kuweba sa paligid.
Pati na tenga ng mga tao ay sinisilip nila at binubusinahan sa pag-aakalang
kuweba rin itong mapagtataguan.

Bigo ang mga Lamok sa paghahanap nila sa Mahistrado.


Hanggang ngayon ay patuloy ang mga lamok sa pagsilip at pagbusina sa
ating mga tenga.

Aral

 Maging makatarungan sa pagpaparusa kanino man.


Isang Uwak ang nakaramdam ng pagkasawa sa pang-araw-araw na gawain.
Sawa na siya sa paglipad sa kalawakan. Sawa na rin siya sa pamamasyal sa
matarik na kabundukan at malawak na kagubatan.

Ano kaya ang dapat niyang gawin upang malibang? Bigo siya sapagkat di niya
makita kung anong bagay ang makapagpapaligaya sa kaniya.

Isang araw, dumapo siya sa sanga ng punong mangga. Tiningnan niya sa


ibaba ang malinaw na batis. Kitang-kita niya ang kekembot-kembot na
paglalakad ng isang pulutong na mga Gansa. Noon lamang napansin ng Uwak
ang mapuputing balahibo ng pinanonood. Humanga siya sa mahahaba nilang
leeg. Masasaya ang mga Gansa sa paglangoy nila sa batis. Maririnig mo ang
malalamyos nilang tinig.

“Masasaya na sila, magaganda pa! Pagkapuputi ng mga balahibo nila. Maitim


na maitim ako. Pagkapangit-pangit ko. Siguro nakapagpapaputi,
nakapagpapaganda at nakapagpapaligaya ang batis na pinaglalanguyan nila.”

Upang makalangoy din, nakipagkaibigan siya sa isa sa mga Gansa.

“Binibining Gansa, maaari bang sumabay sa iyong paglangoy?”

“Aba, oo. Halika. Ang batis ay kalikasang handog ng Panginoon. Halika


sumabay ka sa akin!”
Kumislap ang mga mata ng Uwak. Sa wakas ay makalalangoy na rin siya.
Subalit di tulad ng mga Gansa, ang Uwak ay hindi marunong lumangoy.
Sapagkat gustung-gustong madaling pumuti, gumanda at lumigaya, pinilit
niyang lumangoy na malayo sa Gansang kinaibigan niya. Sa kasamaang palad
ay nabasa ang mga pakpak ng Uwak at natangay siya ng rumaragasang mga
alon.

Aral

 Ang bawat isa ay nilikha ng Panginoon na espesyal at may kanya-


kanyang katangian. Iwasang mainggit sa iba dahil ang inggit ay
nagbubunga ng kapahamakan.

You might also like