You are on page 1of 4

Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang


iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa
kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon
niya ito.

“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis
lumipad?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon
nito para maturuan niya ng leksyon.

“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”

Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan,


natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala
ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”

Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga
naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa
mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.

“Aba oo, payag na payag ako.”

“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng
mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi
siya nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas


na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto.
Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan
kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at


tinalo niya ang mayabang na Agila.
Aral

 Huwag maging mayabang.


 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
 Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.
 Gamitin ang talino sa tamang paraan.

Ang Aso at ang Uwak


May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.


Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.

Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng
ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”

Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag
ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban
ng aso.

Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.

Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

Aral

 Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba para
maisahan ka.

Ang Buwaya at ang Pabo


Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog
Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop
ang magkalakas ng loob na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan


niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang sinabi,
“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa
kanyang harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan.
Nakinig ng mabuti ang makiring pabo, at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.

Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin


lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging pinakamasayang
asawa sa buong mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng
pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong pagpipitagan, gaya ng
gawi ng isang mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang


diyamante at ang magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang
alok nitong pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay


hindi daw madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng
mangmang na ibon ang kahilingan ng buwaya.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim na


buwaya ang kanyang bagong asawa.

Aral:

 Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang


lason sa katawan na nakamamatay.
 Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman na
huwad ang kalooban.
 Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim ay
siya mo ring aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw ay
babalik rin sa iyo ang pangit na itinanim mo.
 Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti
at ng makailang ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan
sa bandang huli.
 Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning maigi
ang taong nais pakasalan.

You might also like