You are on page 1of 4

Ang Agila at Ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito."O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

ANG UWAK NA NAGPANGGAP Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan. Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito. Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan. Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"

Ang Langgam at Ang Tipaklong Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng pagkain para sa panahon ng tag-ulan. Ang mayabang na tipaklong naman ay pakanta kanta lang. Panay ang pamamasyal. Kung pagod na siya ay matutulog na siya. Nang dumating ang tag-ulan, walang naipong pagkain ang tipaklong. Humingi ng pagkain ang tipaklong sa langgam, nagdahilan siya na mayroon siyang sakit. Pinagsabihan ni langgam si tipaklong. "Iyan ang sinasabi ko sa'yo. Hindi ka nag-ipon ng makakain noong tag-araw. Tapos ngayon, hihingi ka sa akin. O sige, bibigyan kita ngayon, pero sa susunod ay hindi na". Tinanggap ni tipaklong ang pagkain kahit nahihiya siya kay langgam. Nangako siya sa sarili na magiging masinop na rin siya para mapaghandaan ang tag-ulan.

ANG LOBO AT ANG KAMBING

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang makaahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." "Papaano?" Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon. ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig. Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito. Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!" Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!" "Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito." Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka. "Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!" "Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!" Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!" Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka. Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

Ang Butiki at Ang Ipis Sa malawak na dingding na makinis, Dito unang nag-peys-to-peys Ang malikot na butiki at lagalag na ipis. At ito ang kwento na di alam ng pulis. "Saan ang tungo mo palaboy na ipis, Bakit di ka mapakali, ngayong gabi ay nakabihis?" Ako'y palakad-lakad, matanong na butiki, Upang maghanap ng pagkain, kahit na panis. Maitanong ko lang, matanong na butiki, Saan ang daan tungo sa kusinang, nangingitim sa dumi? "Yun lang ba, palaboy na ipis, Ang kusina'y nasa unahan ng buntot kong matulis." Sala-salamat, matanong na butiki, Ako'y humahanga sa mabuti mong ugali. "O siya-siya, palaboy na ipis, Baka di mo na maabutan ang gabing paalis." At ipis ay humakbang, dumaan sa harap ng butiki, Ang sumunod na pangyayari ay di kapuri-puri.

Ang naglalakad na ipis, sinagpang ng butiki! At ito ang kwento na di alam ng pulis.

Ang Lobo at Ang Butiki

Sa isang malayong bukirin ay may nakatirang pamilya ng butiki. Ang pamilya ni Butik (ang amang butiki) ay nanginginain sa bukid ng biglang dumating si Loboy (ang lobo). "Hoy! anong ginagawa mo diyan",ang sabi ni Loboy. "Patawad Loboy pinapakain ko lamang ang aking pamilya",takot na takot na sinabi ni Butik. Nagpatuloy ang pang-aaway ni Loboy kay Butik hanggang maghamon ng karera si Butik. "sa Linggo ng umaga, sa dalawang helera ng mga repelyo tayo tatakbo", matapang na paghamon ni Butik. Sa pag-uwi ni Butik ay sinabi niya ito agad sa kanyang asawa. May naisip na paraan ang asawa ni Butik kung paano nila malilinlang si Loboy. Sumang-ayon naman si Butik. Araw na ng karera at naghahanda na ang dalawang malalaro at pati na rin ang asawa ni Butik. Nagsimula na ang karera at nangunguna na si Loboy. Agad na yumuko si Butik nang hindi napapansin ni Loboy. Nagulat na lamang si Loboy nang Makita niaya ang asawa ni Butik na ang akala niya ay si Butik. Hindi natangap ng lobo ang pagkatalo kaya ipinaulit niya ang karera. Nakita niya na nangunguna na si Butik. Umulit ito ng umulit hanggang mamatay si Loboy sa sobrang kapaguran. Simula noon ay hindi na muli nanlilinlang ang mga lobo sa mga butiki.

You might also like