Professional Documents
Culture Documents
SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG
Virgilio S. Almario
"Aha! Nahuli rin kita. Bakit mo nilagyan ng tinik ang puno?" usig nito kay
Unggoy.
Hindi kumibo ang nag-iisip na si Pagong kaya lalong nagalit si Unggoy.
"Dudurugin kita nang pinung-pino," matigas na sabi ni Unggoy.
"Mabuti naman at dadami kami," mahinahong sagot ni Pagong.
Nag-isip si Unggoy. "Alam ko na! Iihawin kita sa apoy."
"Salamat naman at lalo akong gaganda dahil pupula ang buo kong katawan,"
wika ni Pagong.
Muli, nag-isip na naman ang unggoy habang mahigpit pa ring hawak-hawak
ang pagong.
"Itatapon kita sa ilog," banta ni Unggoy.
"Huwag! Para mo nang awa! Malulunod ako!" pagsusumamo ni Pagong.
Sa narinig ay dali-daling itinapon ni Unggoy si Pagong sa ilog.
"Ha-ha-ha! Nakalimutan mo na bang dito ako nakatira?" patuyang tanong ni
Pagong kay Unggoy.
Natulala si Unggoy. Bakit nga ba hindi niya naalalang sa tubig nakatira si
Pagong?
Sa nangyari ay lalong tumindi ang galit ni Unggoy. Masayang-masaya
namang lumangoy papalayo si Pagong.
Aral ng pabula: Ang tunay na magkaibigan ay nagbibigayan at
nagtutulungan at hindi naglalamangan. Ang mga taong tuso at manloloko ay
walang kinahihinatnang kabutihan sa buhay.
Natanawan ng Lobo na
lihim na
bumubungisngis ang
mga Daga, Kuneho at
Pusa sa lungga.
Nasulyapan din niyang
pinagtatawanan din
siya ng Kambing at
Matsing sa likod ng
puno ng balimbing.
Pagod na rin sa
katatawa ang Manok,
Maya at Agila na
nakatuntong sa mga
sanga ng puno ng
mangga. Paanong hindi
bubunghalit ng tawa
ang lahat gayong
parang akrobatikong
patalun-talon ang Lobo
sa gitna ng kagubatan. Pilit nitong inaabot ang hindi man lang makanting ubas
na pangarap na kainin subalit hindi kayang abutin.
"Parang sirkero ang Lobo." malakas na tawa ng Pagong.
"Hindi basta sirkero. Sirkerong gustong abutin ang araw." pang-iinis ng Gansa.
"Hindi lang araw. Pilit din niyang inaabot ang buwan at mga bituin." sigaw ng
Elepante. "Gusto mo bang sumakay sa ilong ko nang maabot mo ang mga ubas
sa baging?"
"Huwag na. Salamat. Ayoko naman talaga ng mga ubas na iyan. Berde pa at
tiyak na napakaasim pa."
Matapos pintas-pintasan ay inis na inis na iniwan ng Lobo ang ubasan.
Aral ng pabula: Umisip ng maraming paraan upang ang pangarap ay makamtan.