Lumaki sa Negros Oriental, si Maggie ay malimit na
makipaglaro sa kaniyang mga kamag-aral. “Hindi mo ako aabutan,hindi mo ako aabutan,” sigaw ng mga bata papalayo kay Maggie. Siya ang kadalasang taya. Ipinanganak na walang kamay at paa subalit hindi siya tumigil sa paggawa ng bagay na ginagawa ng normal na tao. Nang siya’y makatapos ng hayskul,lumuwas siya sa Maynila at nag-aral ng Computer Programming. May maliit na nakausling laman sa dulo ng putol niyang kamay. Ito ang ginagamit niya sa pagtipa ng mga letra sa keyboard. Nahinto siya sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Sa ngayon, siya ay kalihim ng kanilang barangay. Kasama niya ang alagang pamangkin na hindi kayang suportahan ng mga magulang kaya siya na ang tumutulong. Nasabi niya sa nag-iinterbyu sa kaniya ang ganito: “Tanggapin natin ang ating kahinaan at kakulangan. Dapat pa nga ay magpasalamt tayo sa Diyos sa lahat ng ating kakayahan at kalakasan.” Ito ang pamana ni Maggie sa lahat ng makakabasa ng kaniyang talambuhay. Sagutin at Talakayin 1. Bakit hindi nagging sagabal kay Maggie ang kaniyang kapansanan? 2. Ano ang nagging epekto o bunga sa kaniya ng pagkakaroon ng kapasanang ito? 3. Ano-ano ang magandang katangian ni Maggie na dapat na gawing huwaran ng mga kabataan? May paborito ba kayong puno sa paaralan o sa bahay niyo?
Ano ang kalimitang ginagawa ninyo rito?
Sino sa inyo ang gustong ibahagi ang sariling karanasan tungkol sa pangangalaga ng kalikasan o kapaligiran? Ang Punong Kawayan Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan. Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy. “Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.” “Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.” “Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.” “Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,” wika ni Niyog. “Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.” Nagtawananang mga punongkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan. Nagalitsi Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta. 1. Kung kayo ang papipiliin anong punong kahoy ang dapat niyong gayahin? Bakit? 2. Ano ang katangian ng ibang punong kahoy na ayaw niyong gayahin? 3. Ano ang aral na dapat niyong tandaan sa kwento? Pangkatang Gawain!!! Mahalaga ba na ingatan natin ang ating kalikasan?
Anoang dapat nating gawin para
mapangalagaan ito? Ano ang natutuhan mo sa aralin? Pagatpat Isinulat ni Gloria V. Guzman Isang gabing namamahinga na sila, nabanggit ni Dindo ang napuna nito sa dulong hilaga ng pulo. “May mga latian pala po sa gawing hilaga ng pulo,” sabi niya kay Mang Pisyong. “At marami po akong nakitang isang uri ng punongkahoy na ngayon ko lang nakita. Malalaki po ito, at may mga sumusulpot na kung anong matutulis na bagay sa tabi nila, parang maliliit na puno, pero medyo namumuti-muti.” “Pagatpat ang tawag sa mga punongkahoy na ‘yon,” sabi ni Mang Pisyong. “Nasa putikan sila, at ang sinasabi mong matutulis na tumutubo sa paligid ay tinatawag na air roots, bahagi rin ng mga punong iyon. Nakatutulong sa paghinga ng mga puno dahil nasa putikan nga sila. At ang mga uring ugat na ‘yon ay nagagamit sa mga lambat upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa ring cork o tapon sa mga bote.” “Parang may mga bunga rin po,” sabi pa ni Dindo. “Mayroon nga,” ayon ni Mang Pisyong. “At nakakain din ang mga bungang iyon, medyo lasang keso, puedeng pagkapitas sa puno ay kanin, o kaya ay iluluto. At nagagamit ding gamot, na pampaampat sa hemorrhage o labis na pagdugo.” “Hindi ko po yata alam ang punong sinasabi n’yo,” sabi ni Kiko. “Kasi, ang mga kilala mong mga puno ay yaong tumutubo sa bundok,” sabi ni Mang Pisyong. “E, ito ngang pagatpat, sa mga latian at putikan matatagpuan.” “Ano po naman ang silbi ng pagatpat?” tanong ni Inday. “Nagagamit din po ba ang kahoy noon?” “Puwede ring magawang haligi, pinto, sahig, dingding at kahit sa mga pantalan at tulay, nagagamit din,” paliwanag ni Mang Pisyong. “Kaya lamang, mahirap lagariin, at saka ang kahoy ay may taglay na asin, dahil nga tumutubo nang malapit sa dagat o kaya ay mga ilog na malapit sa dagat. Ang mga pakong kailangan sa kahoy na ito ay dapat na yari sa tanso at dahil masyadong matigas ang kahoy, kailangan pa rin ang mga turnilyo.” “Pambihira namang uri ng kahoy iyon,” buong paghangang sabi ni Kiko. “Ang mapupuna ninyo sa ating mga punongkahoy, iba-iba ang silbi sa kapaligiran,” pagpapaliwanag pa ni Mang Pisyong. “tulad nitong pagatpat, nabubuhay nga sa tabi ng mga latian at mapuputik na tabing-dagat. At sa gayong paraan, naililigtas nila ang lupa sa pagkaagnas. Nakatutulong din sa paligid ang kanilang mga ugat na sadyang ginagamit nila upang makahinga sa maputik na kinaroroonan.” “Atlaging may kaparusahan ang tao sa mga maling gawa,” malungkot na dagdag ni Kiko. Nagbuntong-hininga, “Noong araw, hindi ko naiintindihang masama pala ang pagkakaingin. Kainginero ang aking ama, at sa simula ng kanyang pagtatanim ng palay sa bundok, maganda ang ani, pero habang lumalaon, humina na nang humina. At napilitang maging mangingisda ang aking Kuya, at ako po naman, Mang Pisyong, nakita n’yo, lumikas na rin ako mula sa lupang binungkal ng aking ama pagkaraang silaban niya ang mga puno upang magkaroon ng kaingin.” “Ang sinisikap nga natin ngayon, mapaunawa sa mga nagsisipagkaingin pa rin na hindi mabuti iyon,” sabi ni Mang Pisyong. “At ang kabutihang nagagawa ng mga NGO para sa kanila, sila mismo, ang mga kainginero, ang kinakatulong sa pagtatanim sa mga gulod na panot.” “Ang kaso po,” mapait pa rin ang tinig ni Kiko, “maraming mga makapangyarihan sa ating mga kababayan, mayayaman, mga nasa kongreso at matataas ang puwesto sa pamahalaan ang siya pang nakasisira sa ating mga kagubatan. Sila ang mga illegal loggers. Mas higit po ang pinsalang nagagawa nila kaysa mga kainginerong tulad ng tatay ko.” “Totoo rin ang sinasabi mo. Kiko,” malungkot ding ayon ni Mang Pisyong, “at hanggang hindi nasasawata ang pamiminsala ng mga illegal loggers, hindi mawawala ang panganib sa ating kapaligiran.” “Kung sana po naman, mabilanggo ang mga mayayamang taong nagkasalapi dahil sa pamiminsala sa ating mga bundok,” sabi ni Inday. “Kaya nga, tayong lahat, dapat laging magsuri sa pagkatao ng mga ibinoboto natin, sa mga taong hahawak ng pamahalaan, iyon ang una sa lahat,” sabi ni Mang Pisyong. “Kapag tapat sa tungkulin ang mga pinuno ng barangay, alkalde, gobernador, kongresman, senador at pangulo ng ating bansa, matatakot gumawa ng masama ang naninira ngayon sa ating kapaligiran”