Professional Documents
Culture Documents
“Pagatpat ang tawag sa mga punongkahoy na ‘yon,” sabi ni Mang Pisyong. “Nasa
putikan sila, at ang sinasabi mong matutulis na tumutubo sa paligid ay tinatawag na
air roots, bahagi rin ng mga punong iyon. Nakatutulong sa paghinga ng mga puno
dahil nasa putikan nga sila. At ang mga uring ugat na ‘yon ay nagagamit sa mga
lambat upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa ring cork o tapon sa mga bote.”
“Mayroon nga,” ayon ni Mang Pisyong. “At nakakain din ang mga bungang iyon,
medyo lasang keso, puedeng pagkapitas sa puno ay kanin, o kaya ay iluluto. At
nagagamit ding gamot, na pampaampat sa hemorrhage o labis na pagdugo.”
“Kasi, ang mga kilala mong mga puno ay yaong tumutubo sa bundok,” sabi ni Mang
Pisyong. “E, ito ngang pagatpat, sa mga latian at putikan matatagpuan.”
“Ano po naman ang silbi ng pagatpat?” tanong ni Inday. “Nagagamit din po ba ang
kahoy noon?”
“Puwede ring magawang haligi, pinto, sahig, dingding at kahit sa mga pantalan at
tulay, nagagamit din,” paliwanag ni Mang Pisyong. “Kaya lamang, mahirap lagariin, at
saka ang kahoy ay may taglay na asin, dahil nga tumutubo nang malapit sa dagat o
kaya ay mga ilog na malapit sa dagat. Ang mga pakong kailangan sa kahoy na ito ay
dapat na yari sa tanso at dahil masyadong matigas ang kahoy, kailangan pa rin ang
mga turnilyo.”
“Ang mapupuna ninyo sa ating mga punongkahoy, iba-iba ang silbi sa kapaligiran,”
pagpapaliwanag pa ni Mang Pisyong. “tulad nitong pagatpat, nabubuhay nga sa tabi
ng mga latian at mapuputik na tabing-dagat. At sa gayong paraan, naililigtas nila ang
lupa sa pagkaagnas. Nakatutulong din sa paligid ang kanilang mga ugat na sadyang
ginagamit nila upang makahinga sa maputik na kinaroroonan.”
“Kung susuriin po,” sabi ni Inday, “talagang mapupuna natin ang Kamay ng Diyos sa
iba-ibang tanim, puno, ibon, hayop at maging mga tao. Iba-iba ang silbi natin… At
kung iisipin lamang ng mga tao ang kabutihan ng Diyos sa pagbibigay ng buhay sa
atin at sa ibang mga bagay sa ating kapaligiran, makikiayon tayo sa kalikasan.”
“At laging may kaparusahan ang tao sa mga maling gawa,” malungkot na dagdag ni
Kiko. Nagbuntong-hininga, “Noong araw, hindi ko naiintindihang masama pala ang
pagkakaingin. Kainginero ang aking ama, at sa simula ng kanyang pagtatanim ng
palay sa bundok, maganda ang ani, pero habang lumalaon, humina na nang humina.
At napilitang maging mangingisda ang aking Kuya, at ako po naman, Mang Pisyong,
nakita n’yo, lumikas na rin ako mula sa lupang binungkal ng aking ama pagkaraang
silaban niya ang mga puno upang magkaroon ng kaingin.”
“Ang kaso po,” mapait pa rin ang tinig ni Kiko, “maraming mga makapangyarihan sa
ating mga kababayan, mayayaman, mga nasa kongreso at matataas ang puwesto sa
pamahalaan ang siya pang nakasisira sa ating mga kagubatan. Sila ang mga illegal
loggers. Mas higit po ang pinsalang nagagawa nila kaysa mga kainginerong tulad ng
tatay ko.”
“Totoo rin ang sinasabi mo. Kiko,” malungkot ding ayon ni Mang Pisyong, “at
hanggang hindi nasasawata ang pamiminsala ng mga illegal loggers, hindi
mawawala ang panganib sa ating kapaligiran.”
“Kung sana po naman, mabilanggo ang mga mayayamang taong nagkasalapi dahil
sa pamiminsala sa ating mga bundok,” sabi ni Inday.
“Kaya nga, tayong lahat, dapat laging magsuri sa pagkatao ng mga ibinoboto natin,
sa mga taong hahawak ng pamahalaan, iyon ang una sa lahat,” sabi ni Mang
Pisyong. “Kapag tapat sa tungkulin ang mga pinuno ng barangay, alkalde,
gobernador, kongresman, senador at pangulo ng ating bansa, matatakot gumawa ng
masama ang naninira ngayon sa ating kapaligiran”
Aral: