You are on page 1of 1

Laban Kontra Droga

Sa kasalukuyan ay hindi maiikaila na malaki na nga talaga ang


porsyentong ibinaba ang bilang ng mga drug users sa bansa kumpara sa
nakaraan. Ngunit sa pagbaba nito ay siya namang pagtaas ng mga mga taong
bumabatikos dahil sa hindi makatarungang pamamaraan ng pagsugpo dito ng
pangulo.

Isang buwan bago maihalal si Rodrigo Duterte bilang bagong pangulo


ay nagsisimula na siyang sugpuin ang isa sa problema ng bansa at ito ay ang
kampanya laban sa ilegal na droga. Dahil sa mataas na porsyento ng mga taong
sangkot dito ay naglipa nga ang mga krimen tulad na lamang sa mga biglaang
pagpatayat pagkawasak ng ilang buhay. Sa mga nagdaang buwan ng
administrasyong Duterte ay kaliwa’t kanan ang mga taong napapabilang rito
maging mga menor de edad at ilang kilalang personalidad ay nasasabing
sangkot. Mayroong mga ilang sumuko para magbagong buhay na kung saan ay
may mga programang naglalayong tulungan sila para magbago, ngunit sa
kabilang banda ay tila hindi pa rin matitigil ang mga karahasang nanyayari ukol
dito. Sa loob ng isang araw hindi bababa sa anim hanggang lima ang
masasabing namatay at lahat ng iyon ay sinasabing sangkot sa droga. Maging
mga menor de edad at ilang kilalang personalidad ay napapatawan nito.

Sa kabuuan sa pagtigil ng droga ay mayroong maganda pamamaraan, kung


tutuusin lamang ay hindi dapat ito problemahin dahil napaka-dali lamang ng
solusyon kung sadyang ang bawat isa lamang ay mulat ang isipan. Ginagawan
nga ng sulusyon ng ahensya ng ating gobyerno ngunit ilang buhay pa ba ang
kailangang masira? Hindi kailaangang maging marahas kung ito’y idadaan sa
maganda at patas na pamamaraan. Kailangan lamang nating maging bukas
upang maitama ang hustisya na lumalaganap sa ating bansa

Frianne Amago

You might also like