You are on page 1of 3

SIMBAHAN G BALEREWS

The ‘Siege of Baler’


Published July 9, 2008 10:44pm

Alam nyo ba na isang simbahan sa Baler, Aurora ang ginawang kampo ng mahigit 50
sundalong Kastila na patuloy na nakipaglaban sa mga Filipino kahit idineklarang
tapos na ang digmaan noong Hunyo 1898.

Dahil nawalan ng komunikasyon sa kanilang pamahalaan, hindi batid ni Captain


Enrique de Las Morenas y Fossí na nakipagkasundo na ang Espana sa Amerika upang
ilipat ang pamamahala sa Pilipinas.

Kaya kahit tapos ang digmaan, pinalakas pa rin ni de Las Morenas ang pwersa nito at
ginawang kampo ang San Luis de Tolosa church na kilala ngayon bilang simbahan ng
Baler.

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/106034/news/ulatfilipino/the-siege-of-


baler#sthash.DWj5HVpg.dpuf

Filtered By: News


NEWS

The ‘Siege of Baler’


Published July 9, 2008 10:44pm

Alam nyo ba na isang simbahan sa Baler, Aurora ang ginawang kampo ng mahigit 50
sundalong Kastila na patuloy na nakipaglaban sa mga Filipino kahit idineklarang
tapos na ang digmaan noong Hunyo 1898.

Dahil nawalan ng komunikasyon sa kanilang pamahalaan, hindi batid ni Captain


Enrique de Las Morenas y Fossí na nakipagkasundo na ang Espana sa Amerika upang
ilipat ang pamamahala sa Pilipinas.

Kaya kahit tapos ang digmaan, pinalakas pa rin ni de Las Morenas ang pwersa nito at
ginawang kampo ang San Luis de Tolosa church na kilala ngayon bilang simbahan ng
Baler.

advertisement

Sa simbahan ay nag-ipon ng pagkain at bala ang tropa ni de Las Morenas at


matapang na nakipaglaban sa tropa ng mga Filipino, na ilang ulit nagpasuko sa kanila
at nagkumbinsing tapos na ang digmaan.

Ang pagmamatigas ng tropa ni de Las Morenas ay tumagal ng may 11 buwan o 337-


araw. Dahil sa tagal sa loob ng simbahan, marami sa kanila ang nagutom at namatay
sa sugat at sakit, kabilang na si de Las Morenas.

Sa pamamagitan ng isang pahayagan na galing pa sa Espana na inipit sa pintuan ng


simbahan, nakumbinsi ang mga sundalong Kastila na tapos na ang digmaan at
mapayapa silang sumuko. Ngunit 33 na lamang ang natira sa kanila.

Ang insidenteng ito na tinawag na “Siege of Baler" ang naging hudyat na ganap ng
natapos ang pananakop at pakikidigma ng Espana sa Pilipinas. Samantala, ang
magigiting na sundalong Kastila na nanindigan ay pinarangalan ng kanilang
pamahalaan nang umuwi sa kanilang bansa. Tinawag silang “Los últimos de Filipinas"
o "The Last Ones of the Philippines."
Simbahan ng Baler
Unang pinatayo sa nipa at kawayan ng mga paring Pransiskano sa Tibag (ngayo’y Sabang) sa
pagtatangkilik ni San Luis Obispo De Tolosa, 1611. Inilipat sa pamamahala ng mga Rekoletos, 1658;
muling ibinalik sa mga Pransiskano, 1703. Nawasak ng Daluyong. Disyembre 27, 1735; inilipat sa
kasalukuyang kinatatayuan at isang bagong simbahang yari sa bato ang naitayo dito. Si Manuel Luis
Quezon, unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas ay bininyagan, 1878. Isang may 54 kataong
garison ng mga Kastila ang kinubkub ng mga Pilipinong rebolusyonaryo, Hunyo 27, 1898 hanggang
Hunyo 2, 1899. Napasailalim ng pamamahala ng mga sekular, 1899; muling ipinagawa ng pangulo at
ginang Quezon, 1939; inilipat sa mga Karmelitas, 1947 at muling ibinalik sa mga sekular, 1983.

You might also like