You are on page 1of 3

PAG-AALSA NG MGA PILIPINO LABAN SA ESPANYA

FRANCISCO DAGOHOY
Si Francisco Dagohoy (Fran·sís·ko Da·gó·hoy) ang bayani ng
Bohol na namunò ng pag-aalsa laban sa mga Español mula 1744
hanggang 1829, ang pinakamatagal na himagsik sa kasaysayan ng
Filipinas. Isinilang si Dagohoy sa Inabangan, Bohol. Walang malinaw
na ulat tungkol sa kaniyang búhay noong batà pa. Naging cabeza de
barangay siyá ng kaniyang bayan paglaki. Isinilang siyáng Francisco
Sendrijas ngunit nakuha ang pangalang “Dagohoy” mula sa
pinaikling “Dagon sa huyuhoy” sa wikang Boholano. Ang isa sa
dalawang kapatid ni Dagohoy, si Sagarino, ay naging sundalo sa
hukbong Español, at namatay ito sa pakikipaglaban sa mga
rebeldeng ipinahuhúli ng kura ng Inabangan.

Nang dalhin ni Dagohoy ang bangkay ng kapatid sa simbahan upang


mabasbasan, tumanggi ang kura. Ayon daw sa batas ng simbahan, hindi binibendisyunan ang
namatay sa duwelo. Dahil dito, tinalikuran niya ang simbahan at nagtatag ng kilusan laban sa mga
Español. Nagkuta siyá sa bundok ng Inabangan Dahil sa nagtagumpay sa maraming pagsalakay sa
kampo ng mga Español ay lalong dumami ang mga mamamayang sumáma sa kaniyang kilusan.
Napaslang din ni Dagohoy ang kurang tumangging magbasbas sa kaniyang kapatid. Nagtayò siyá
ng mga pamahalaan sa mga bayang napalaya sa mga Español. Sa mga kabundukan sa labas ng
bayan, nagtayò siyá ng maliliit na pamayanan. Walang makatiyak kung paano at kailan siyá
namatay. Pero kahit wala na siyá’y nagpatuloy pa rin ang kaniyang kilusan na tumagal nang 85 taon
at 20 gobernador-heneral ang nakapanungkulan. Itinatag at ipinangalan sa kaniya ang isang bayan
sa Bohol noong 1956.
GABRIELA SILANG
Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang (Ma·rí·ya Ho·sé·fa
Gab·ri·yé·la Ka·rí·nyo Sí·lang) ang unang Filipinang namunò ng
isang paghihimagsik noong panahon ng pananakop ng mga
Español. Siyá ang asawa ni Diego Silang at nagpatuloy ng pag-
aalsa ng mga Ilokano nang mamatay ang asawa.
Ipinanganak siyá noong 19 Marso 1731 sa Santa, Ilocos Sur.
Sinasabing inampon siyá ni Padre Tomas Millan, vicar general ng
lalawigan, na pinakasalan siyá noong siyá ay 20 taóng gulang.
Maaga siyáng nabiyuda sa unang asawa at napangasawa niyá si
Diego noong 1757. Si Diego ang naging pinunò ng pag-aalsa sa
Ilocos laban sa mga Español mula1762 hanggang 1764. Nang
sakupin ng mga Ingles ang Maynila noong 1762, nakita niyá ang pagkakataón upang makapag-alsa
ang mga Ilokano laban sa mga Español. Nahati ang puwersa ng mga Español sa pakikipaglaban sa
mga Ingles sa Maynila at sa pangkat ni Silang sa Ilocos. Naagaw nina Diego ang mga bayan sa
hilagang bahagi ng Ilocos Sur at nagpahayag siyá ng paglaya ng mga mamamayan sa
pagsasamantala ng pamahalaang Español. Gayunman, isang kaibigan ni Diego, si Miguel Vicos,
ang nahimok ng mga Español na magtaksil. Sa pamamagitan ni Vicos ay napatay si Diego noong
1763.
Ipinangako ni Gabriela sa asawa bago ito mamatay na pamumunuan ang nasimulang pag-aalsa.
Nagpakita siyá ng gilas bilang pinunò at marami siyáng nakamit na tagumpay sa mga labanan sa
Santa at Vigan sa Ilocos Sur. Ngunit sa dami ng kaaway, natalo ang kaniyang pangkat sa kalaunan.
Nadakip siyá sa Abra at binitay sa Vigan noong 29 Setyembre 1763.
MAGAT SALAMAT
Mula sa angkan ng mga namumunò sa distrito ng Tondo,
pinaniniwalaang pinakabatàng anak na lalaki si Magat Salamat ni
Raha Matanda. Kasáma niyang nagplano ng himagsik ang
kaniyang mga kamag-anak na sina Agustin de Legaspi at Martin
Panga, gobernadorsilyo ng isang distrito ng Maynila. Kasáma rin
sa plano ang isang Hapones na mangangalakal na si Juan Gayo,
at sina Agustin Manuguit, Felipe Salallila at Geronimo Bassi.
Alinsunod sa plano, pupunta si Magat Salamat sa mga isla ng
Cuyo at Calamianes upang hingan ng tulong ang mga lider doon.
Matapos pumunta sa mga isla, pupunta si Magat Salamat sa
Borneo upang hingin ang tulong ng Sultanato para sa armas na
gagamitin sa malawakang digmaan. Hihimukin din niyang magpadala ng isang barko na maglalayag
hanggang Cavite bago samahan ang barko ng Sultanato ng Sulu na maglayag papuntang Maynila
para ilunsad ang digmaan.
Habang nagsilbing emisaryo si Magat Salamat sa malalayòng lugar, lumalawak nang lumalawak ang
kasapian ng mga kakalaban sa Espanya. Kabilang ang mga lider ng Pandakan, Tondo,
Candaba,Pampanga, Polo,Bulakan, Catangalan at Navotas sa mga unang nahikayat na sumali.
Hinikayat din ng mga lider ng pagaalsa ang pamunuan sa Cavite, Malolos, Guiguinto, Laguna at
Batangas na sumali.
Nalaman ng mga Español ang planong nang madiskubre ito ni Antonio Surabao, enkomiyendero ni
Kapitan PedroSarmiento, at ipagtapat sa kapitan ang kaniyang nadiskubre. Isa-isang hinúli ang mga
lider at pinarusahan. Pinatay si Magat Salamat kasáma sina Agustin de Legaspi at Martin Panga.
HERMANO PULE
Kilalá si Apolinario de la Cruz (A·po·li·nár·yo de la Krus) sa
bansag na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng
Cofradia de San José
Isinilang siya noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng
Lucban, Tayabas (ngayon ay lala- wigan ng Quezon) kina Pablo de
la Cruz at Juana Andres, pawang mula sa pamilyang maykaya at
debotong Katoliko. Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15
ay sumubok sumali sa orden ng mga Dominiko sa Maynila. Ngunit
hindi pa noon tumatanggap ng mga Indio ang mga ordeng Romano
Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang muna siya sa
Ospital ng San Juan de Dios at nagtrabaho sa Cofradia de San
Juan de Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de la Cruz ang
Bibliya at iba pang banal na kasulatan.
Nagbalik siya sa Lucban noong 1832 at itinatag ang Co- fradia de San José, isang kapatirang
binubuo lamang ng mga Indio. Hindi pinahihintulutang sumapi ang mga Español at mestiso nang
walang pagsang-ayon ni de la Cruz, na siya namang tinawag ng kaniyang mga tagasunod bilang
“Hermano Pule” (o “Hermano Puli”). Ninais niyang maging legal ang Cofradia dahil sa paglaki ng
kasapian ngunit binatikos ito ng mga paring Español, sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segui.
Naghinala ang pamahalaan ni Gobernador-Heneral Marcelino Oraa na isang sama- hang
mapanghimagsik ang Cofradia. Sinalakay ng mga sundalo ang kampo ng Cofradia sa Majayjay,
Laguna noong19 Oktubre 1840. Nagkataóng nasa Maynila noon si Hermano Pule kayâ nakaligtas.
Nagsimulang mamuhay na parang rebelde ang mga kasapi ng Cofradia. Sa isang malaking labanan
sa Ali-tao, isang lugar na malapit sa Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni Hermano Pule.
Nakatakas siya ngunit nasundan at nadakip. Madalian siyang nilitis at binitay sa bayan ng Tayabas
noong 4 Nobyembre 1841. Pinagputol-putol ang kaniyang katawan. Tinuhog ang kaniyang ulo at
itinanghal sa daan patungong Majay- jay upang huwag sundan ng taumbayan ang tinawag nilang
“Hari ng mga Tagalog.”
TAMBLOT
Si Tamblót ay isang babaylan na naging lider ng pag-aalsa sa
Bohol laban sa mga Español noong 1621.
Walang gaanong ulat tungkol sa búhay ni Tamblot bukod sa
pagiging babaylan ng Barrio Tupas, Antequera, Bohol. Inibig ni
Tamblot na bumalik sa dáting pananampalataya ang mga
kababayan. Napaniwala naman niyá ang maraming Boholano, lalo
sa bayan ng Malabago, na sa tulong ng mga sinaunang anito at
diwata ay magtatagumpay ang kanilang pag-aalsa. Sinasabing
umabot sa 2,000 ang sumáma sa kaniya. Nilusob nilá at sinunog
ang mga simbahan bukod sa pinatay ang nahuling mga
misyonerong Español.
Nagpadala si Don Juan Alcarazo, alkalde-mayor ng Cebu, ng mga
sundalo sa Bohol. Noong 1 Enero 1622, nilusob ng mga sundalo
ang kampo ni Tamblot sa bundok. Kasáma si Tamblot sa mga napatay at nahinto ang pagaalsa.
Sinunog at binura ng mga Español ang bayan ng Malabago mula sa mapa.
Ang dalawang bolo sa watawat panlalawigan ng Bohol ay kumakatawan sa dalawang Boholanong
nag-alsa laban sa mga dayuhan, sina Tamblot at Dagohoy

Source: https://philippineculturaleducation.com.ph/

JAKE A. ANTOLIJAO GRADE 7 EUCLID

You might also like