You are on page 1of 7

Diego Silang

Si Diego Silang y Andaya (Disyembre 16, 1730 – Mayo 28, 1763) ay isang Pilipinong
rebulosyunaryong pinuno na nakippagsabuwatan sa mga puwersang Britanyo upang
patalsikin ang pamamahalang Kastila sa hilagaing Pilipinas. Ang kanyang ama ay si
Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.Noong siya ay bata pa,
nagtrabaho si Diego bilang katulong ni ---, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging
mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang
mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa
pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay
inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay
nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging
bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.Pinakasalan niya ang
biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.

Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga
tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din
naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang
bayan.Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nagalok ng
pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga
kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya
ng Audiencia.Sa edad na 32, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay
tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban.

Gabriela Silang
Si Gabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763) ay ang unang Pilipinong babae
na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang
namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng
asawa.Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso
1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang
kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring
iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni
Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay
namatay at siya ay maagang nabiyuda.

Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na
lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762,
hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting
niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga
Kastila at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong
Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at
Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.Ang kanyang katapangan
ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.
Francisco Dagohoy
Si Francisco Dagohoy (Fran·sís·ko Da·gó·hoy) ang bayani ng Bohol na namunò ng pag-
aalsa laban sa mga Español mula 1744 hanggang 1829, ang pinakamatagal na himagsik
sa kasaysayan ng Filipinas. Isinilang si Dagohoy sa Inabangan, Bohol. Walang malinaw
na ulat tungkol sa kaniyang búhay noong batà pa. Naging cabeza de barangay siyá ng
kaniyang bayan paglaki. Isinilang siyáng Francisco Sendrijas ngunit nakuha ang
pangalang “Dagohoy” mula sa pinaikling “Dagon sa huyuhoy” sa wikang Boholano. Ang
isa sa dalawang kapatid ni Dagohoy, si Sagarino, ay naging sundalo sa hukbong Español,
at namatay ito sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng ipinahuhúli ng kura ng Inabangan.

Nang dalhin ni Dagohoy ang bangkay ng kapatid sa simbahan upang mabasbasan,


tumanggi ang kura. Ayon daw sa batas ng simbahan, hindi binibendisyunan ang
namatay sa duwelo. Dahil dito, tinalikuran niya ang simbahan at nagtatag ng kilusan
laban sa mga Español. Nagkuta siyá sa bundok ng Inabangan Dahil sa nagtagumpay sa maraming pagsalakay sa kampo ng
mga Español ay lalong dumami ang mga mamamayang sumáma sa kaniyang kilusan. Napaslang din ni Dagohoy ang kurang
tumangging magbasbas sa kaniyang kapatid. Nagtayò siyá ng mga pamahalaan sa mga bayang napalaya sa mga Español.
Sa mga kabundukan sa labas ng bayan, nagtayò siyá ng maliliit na pamayanan.

Walang makatiyak kung paano at kailan siyá namatay. Pero kahit wala na siyá’y nagpatuloy pa rin ang kaniyang kilusan na
tumagal nang 85 taon at 20 gobernador-heneral ang nakapanungkulan. Itinatag at ipinangalan sa kaniya ang isang bayan
sa Bohol noong 1956.

Apolinario Dela Cruz


Kilalá si Apolinario de la Cruz (A·po·li·nár·yo de la Krus) sa bansag na “Hermano Pule”
bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José. Pinamununan niya ang isang
pag-aaklas laban sa mga Español na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at
pagkakapantay-pantay ng mga Español at Indio sa kaparian.Isinilang siya noong 22
Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban, Tayabas (ngayon ay lala- wigan ng
Quezon) kina Pablo de la Cruz at Juana Andres, pawang mula sa pamilyang maykaya
at debotong Katoliko. Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15 ay sumubok
sumali sa orden ng mga Dominiko sa Maynila. Ngunit hindi pa noon tumatanggap ng
mga Indio ang mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang
muna siya sa Ospital ng San Juan de Dios at nagtrabaho sa Cofradia de San Juan de
Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de la Cruz ang Bibliya at iba pang banal na
kasulatan.

Nagbalik siya sa Lucban noong 1832 at itinatag ang Co- fradia de San José, isang kapatirang binubuo lamang ng mga Indio.
Hindi pinahihintulutang sumapi ang mga Español at mestiso nang walang pagsang-ayon ni de la Cruz, na siya namang
tinawag ng kaniyang mga tagasunod bilang “Hermano Pule” (o “Hermano Puli”). Ninais niyang maging legal ang Cofradia
dahil sa paglaki ng kasapian ngunit binatikos ito ng mga paring Español, sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segui. Naghinala
ang pamahalaan ni Gobernador-Heneral Marcelino Oraa na isang sama- hang mapanghimagsik ang Cofradia. Sinalakay ng
mga sundalo ang kampo ng Cofradia sa Majayjay, Laguna noong19 Oktubre 1840. Nagkataóng nasa Maynila noon si
Hermano Pule kayâ nakaligtas.

Nagsimulang mamuhay na parang rebelde ang mga kasapi ng Cofradia. Sa isang malaking labanan sa Ali-tao, isang lugar
na malapit sa Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni Hermano Pule. Nakatakas siya ngunit nasundan at nadakip.
Madalian siyang nilitis at binitay sa bayan ng Tayabas noong 4 Nobyembre 1841. Pinagputol-putol ang kaniyang katawan.
Tinuhog ang kaniyang ulo at itinanghal sa daan patungong Majay- jay upang huwag sundan ng taumbayan ang tinawag
nilang “Hari ng mga Tagalog.”
Jose Rizal
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre
1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng
pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang
kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang
bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.Ipinanganak si Rizal sa isang
mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-isang anak ng mag-
asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng
diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas
sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng
pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata,
manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod
nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.Itinatag ni José Rizal ang La
Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio na isang lihim na
samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa
ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang
pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, na susuportahan lamang ang karahasan bilang huling opsyon. Naniniwala
si Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik
ng karangalan ng mga mamamayan, at winika niya "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng
hinaharap?"Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang
nagtulak upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Marcelo H. Del Pilar


Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San Nicholas, Bulacan noong Agosto 30, 1850.
Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar,
isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaytan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya
niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng
Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio
H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.Si del Pilar ay
nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa
Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan
huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong
1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana,
isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan
binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng
mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng
Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa,
La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina.nakipag tulungan si marcelo sa kaniyang mga kakampi upang
mapatalsik nila ang mga kalaban.

Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi kumakain at may panahong hindi
natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa
mga daan. Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong
pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong
Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa
pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya sa sakit na tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona,
Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46.

Graciano Lopez Jaena


Si Graciano López Jaena (18 Disyembre 1856 – 20 Enero 1896) ay isang Pilipinong
manunulat, rebolusyonaryo, at pambansang bayani mula sa lalawigan ng Iloilo, na
nakilala sa kanyang pahayagang, "La Solidaridad". Nakilala rin siya sa kaniyang akdang
Fray Butod. ‘Butod’ ang salitang Hiligaynon para sa “kabag” at katumbas din ito ng
balbal na “tabatsoy”.Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena
sa Jaro, Lungsod ng Iloilo, noong 18 Disyembre 1856. Ang ina niya, si María Jacoba
Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Plácido López, ay hamak na
tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido
samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba
ang tinubuan ni Graciano.Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang
kay Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang
maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at
ang galing niyang magsalita.Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa
nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga
magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya
nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San
Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano
nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang
ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot
niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Noong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga
frayle dahil sa sinulat niyang “Fray Botod,” prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang
banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao.”Hindi ito nalathala
kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano
nang patuloy siyang kumalampag (campaña, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang
patayin ng Espanyol na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na ipahayag na
“natural” ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle. Noon
siya tumakas sa España.Noong 15 Pebrero 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang
pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan.
Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng
mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 39 sa Barcelona,
Espanya

Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod
ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de
Castro. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng
Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o
Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol
na sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na
pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa. Siya ay kinikilalang “Ama ng
Himagsikan at Rebolusyong Pilipino“ at kilala sa tawag na Supremo. Si Bonifacio ay
hindi ipinanganak na mahirap. Ang kanyang ina ay half-Spanish at may sarili siyang
tagaturo. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang buhay nang pumanaw ang
kanyang mga magulang noong 14 na taong gulang siya dahilan upang matigil siya
sa kanyang pag-aaral. Sa kabila ng kanyang kakulangan sa pormal na edukasyon, tinuruan niya ang kanyang sarili na
magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog, na naging dahilan upang makakuha siya ng trabaho bilang clerk-
messenger sa isang kompanyang Aleman. Sinasabing interesado si Bonifacio sa klasikong kanluraning rasyonalismo at
mahilig magbasa ng mga gawa nina Victor Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Siya ay nagkaroon ng isang malalim na interes
sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng Estados Unidos dahilan upang
makakuha siya ng isang mahusay na pag-unawa sa mga socio-historical na proseso. Ang kanyang hangarin na mabago ang
kalagayan ng kanyang mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang
La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982 sa layuning pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula
ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa.

Emilio Aguinaldo
Si Emilió Aguinaldo y Famy (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong
heneral, politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang unang Pangulo ng Pilipinas sa Republika
ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril 1901) na makikita sa limampisong barya na isyu
ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Isa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng
Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896.
Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang
kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899.
Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang
tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad
ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang
isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang hulí ng mga
Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon.
Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng
Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bílang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon.
Sa mga hulíng panahon ng kaniyang búhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang
pangulo ng Pilipinas.

Gregoria de Jesus
Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa Kalookan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875.
Siya ay anak ng ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez. Siya
ay kabiyak ng dibdib (asawa) ng supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Siya
ay kilala sa bansag na "Ina ng Katipunan" , "Ina ng Himagsikan" at Lakambini ng
Katipunan.

Si Gregoria de Jesus na karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na "Inang


Oriang"ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa Katipunan. Siya ang taga-ingat ng
mga mahahalagang kasulatan dito. Pinamahalaan ni Oriang ang pagpapakain at
pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na minalas na masugatan. Nang minsang
may nagtraydor sa Katipunan ay itinuro siya na siyang naghahawak ng mahahalagang
kasulatan ng Katipunan, subalit ang mga ito ay madali niyang naitago sa malayong
lugar.

Nang madakip si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio, ay hindi na ito hiniwalayan ni Inang Oriang. Nang
patayin sina Bonifacio ay hindi ito ipinaalam sa kanya. At nang malaman niya ito ay hinanap niya ang bangkay ng kanyang
asawa ngunit ito'y hindi niya rin nakita. Napangasawa niya si Ginoong Julio Nakpil at sila ay nagkaroon ng limang na anak.
Nagkaroon siya ng isang anak kay Andres Bonifacio ngunit ito ay namatay nang sanggol pa lamang.Si Gregoria de Jesus ay
namatay noong Marso 15, 1943 sa Maynila sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Melchora Aquino
Si Melchora Aquino (kapanganakan 6 Enero 1812, kamatayan 2 Marso 1919) o
Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung
pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring
ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak.
Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang
himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio at may anim na anak.
Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong
anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling
nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa
pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio.
Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga
nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at
pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa
munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa
pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-
matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong 2 Marso
1919.Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang
Sora, Lungsod ng Quezon).

Marcela de Agoncillo
Si Marcela Mariño de Agoncillo, o mas kilalá bílang Marcela Agoncillo (Mar·sé·la
A·gon·síl·yo) ang pangunahing tagahabi ng una at opisyal na watawat ng Filipinas.
Dahil dito, binansagan siyáng “Ina ng Watawat ng Filipinas.”

Sa gulang na 30, ikinasal siyá kay Felipe Agoncillo, ang abogadong kakatawan sa
Filipinas sa Kasunduang Paris noong 1898. Nang nadestiyero si Felipe sa Hong Kong
pagsiklab ng Himagsikang Filipino, sumáma sa kaniya si Marcela at kanilang mga anak.
Hábang naroon, pinakiusapan ni Heneral Emilio Aguinaldo si Marcela na humabi ng
watawat na sasagisag sa bansang Filipinas at ayon sa disenyo ni Aguinaldo. Gamit ang
sedang binili niya sa Hong Kong, hinabi ni Marcela, ng anak na si Lorenzana, at
kaibigang si Delfina Herbosa de Natividad (na pamangkin ni Jose Rizal sa kapatid
niyang si Lucia) ang watawat sa loob ng limang araw. Noong Mayo 1898, inihatid ni
Agoncillo ang watawat kay Aguinaldo, na siyá namang nagdalá nitó pabalik ng
Maynila. Ito ang bandilang iwinagayway mula sa kaniyang bahay sa Kawit, Cavite sa pagpapahayag ng kasarinlan ng
Filipinas noong 12 Hunyo 1898 sa saliw ng Pambansang Awit. Hindi nga lamang ito nasaksihan ni Agoncillo, na nanatili sa
Hong Kong kasáma ang kabiyak.

Isinilang siyá noong 24 Hunyo 1860 sa Taal, Batangas kina Francisco Mariño at Eugenia Coronel. Nag-aral siyá sa Colegio
de Sta. Catalina, isang ekslusibong paaralan para sa mga babae, sa Intramuros, Maynila. Nagkaroon siyá ng anim na anak,
pawang mga babae, kay Felipe Agoncillo. Pumanaw siyá noong 30 Mayo 1946 at inilagak kasáma ang mga labi ng kaniyang
asawa sa Sementeryong La Loma sa Maynila. Sang-ayon sa kaniyang hulíng hiling, ginawang museo ang kanilang bahay sa
Taal, na ngayon ay nakapangalan sa kaniya.
Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang
ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teyoresta na
nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1902, at
naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1900 na makikita sa
sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini
at Dionisia Maranan.

Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang


ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio
de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en
Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya
nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas,
sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng
paralisis ng bata na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag
ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan
niya si Mabini bilang kalihim panglabas at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na
akdang "Tunay na Dekalogo".

Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang
Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa
siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit
ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.Ayon sa paglalarawan sa kanya ni Arthur
MacArthur, Jr., "Si Mabini ay isang lubos na edukadong binata na, sa kasamaang-palad, ay paralisado. Siya ay may isang
klasikal na edukasyon, isang napaka-kakayahang umangkop, mayroong malikhaing isip, at ng mga tanawin ng Mabini ay
komprehensibo kaysa sa alinman sa mga Pilipino na ako ang nakakamit. Ang kanyang ideya ay isang panaginip ng isang
Maphilindo. Hindi ang Luzon o ang kapuluan ng Pilipinas, ngunit ang ibig kong sabihin ay dugo ng Lahing Malay. Siya ay
may pangarap, ngunit isang napaka-tatag ng pagkatao at siya aty napakabuti. Tulad ng nasabi, sa kasamaang-palad, siya
ay paralisado. Siya ay isang binata, at gusto niya na walang pag-aalinlangan na maging mahusay na paggamit sa hinaharap
ng mga isla na parang ito ay hindi para sa kanyang pagdadalamhati."

Gregorio del Pilar


Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulacan, Bulakan noong
Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.

Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng
mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880
at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan.
Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong
Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit
sumiklab ang apoy.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa
ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay
nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang
pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa
kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang
lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni
Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan
siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo

You might also like