Professional Documents
Culture Documents
JOSE RIZAL
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang
magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng
Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang
negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang
pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng
diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador
Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong
Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng
Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa
siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni
Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat
ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at
napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay
nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang
karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre
Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil
lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng
kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng
asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa
pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan.
Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito
noong 1884 at 1885.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa
lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at
Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga
wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na
ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam
niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong
magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito
sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel,
Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay
lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan
ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling
umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya
sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.
Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan,
isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa
paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may
labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa
paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang
liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa
Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa
Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay
nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang
tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.
Ang galit niya sa pamahalaang Kastila at sa mga prayleng Espanyol ay nadagdagan nang mapagbintangang
kasangkot sa Cavite Mutiny ang kapatid niyang si Padre Toribio del Pilar.
Nang makabalik sa UST ay tinapos niya ang abugasya na may itinatagong galit. Upang makapaghiganti ay
matapang siyang nagbibigay ng mga kritisismo laban sa pamahalaan at simbahan sa kaniyang mga talumpati sa
mga kapistahan, binyagan at pati na sa mga sabungan.
Noong 1882 ay isa siya sa nagtatag ng Diariong Tagalog na unang pahayagang nalimbag sa dalawang wika.
Dito isinulat niya ang maraming propaganda laban sa mga kaaway.
Nang pangunahan niya ang maraming demonstrasyong humihingi ng pagpapatalsik sa mga prayleng Kastila ay
pinaghanap siya ng mga awtoridad. Ito ang naging dahilan upang lumabas siya sa Pilipinas. Bago umalis ay
itinatag niya ang Junta de Programa na nagpapalawak sa pandaigdigang propaganda.
Espanya ang pinuntahan ni Marcelo. Namalagi siya sa Madrid kung saan pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena
bilang editor ng La Solidaridad.
Upang hindi matunton ninuman, ilan sa mga tagong pangalang ginamit ni Marcelo ang mga sumusunod:
Plaridel, Siling Labuyo at Dolores Manapat.
Ilan sa mga nakapagpababa ng tingin sa pamahalaang Espanya at sa mga prayleng Espanyol ay mga akda ni
Marcelo sa Tagalog at Espanyol. Kabilang dito ang La Soberania Monacal en Filipinas, Kaiingat Kayo, Dasalan
at Toksohan, Pasiong Dapat Ipag-alab ng Puso ng Taong Babasa, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas at
Kadakilaan ng Diyos.
Piping saksi ang La Solidaridad sa matapat at dakilang pagmamahal sa bayan ni Marcelo Hilario del Pilar.
TALAMBUHAY NI EMILIO AGUINALDO
Nasa ikatlong taon lang siya ng mataas na paaralan sa Colegio de San Juan de Letran nang
mamatay ang kaniyang ama kaya huminto siya sa pag-aaral at namahala sa kanilang malawak
na pataniman.
Upang hindi manilbihan bilang katu-katulong ng mga sundalong Espanyol, nanungkulan siya
bilang Cabeza de Barangay. Gulat ang mga taong nasasakupan niya. Mahusay kasi siyang
mamuno.
Nang ipatupad ang Batas Maura, si Emilio ang unang napiling maging Capitan Municipal ng
Kawit noong Enero, 1895. Bilang pinunong katipunero ng Cavite ay namahala si Emilio upang
makuha sa mga kamay ng mga Kastila ang mga bayang Kawit, Imus at Bacoor sa lalawigang
ito. Sa sobrang galit ng mga Espanyol sa matapang na Caviteno, lagi nila itong inaabangan
upang ikulong sa piitan. Subalit laging nakaiiwas si Emilio.
Sa kumbensiyon ng mga katipunero sa Tejeros noong Marso, 1897 ay nagkalaban ang grupong
Magdalo ni Emilio Aguinaldo at ang grupong Magdiwang ni Andres Bonifacio. Bagamat wala
roon si Emilio ay nahalal itong pangulo.
Bilang bagong presidente ng katipunan, nagdesisyon si Emilio na ilipat ang Punong Tanggapan
niya una sa Batangas at ikalawa sa Bulacan kung saan itinayo niya ang Pamahalaang
Rebolusyonaryo sa Biak na Bato.
Sa pagkakaroon ng giyera sa Cuba ay lito ang isipan ng mga Kastila kahit napakarami nitong
sundalo. May laban na sa Pilipinas, may laban pa sa Cuba.
Sa pakikipag-usap ni Pedro Paterno, emisaryo ng mga Espanyol, ay inihain kay Emilio ang Pact
of Biak na Bato. Sa kasunduan, bibigyan ng pangkalahatang amnestiya ang lahat ng
rebolusyonaryo; hahandugan ng P800,000 ang pamunuan at P900,000 ang mga Pilipinong
sinalanta ng digmaan. Kasama ng mga piling tauhan, naging exile si Aguinaldo sa Hongkong.
Namalagi siya roon ng 3 buwan lamang.
Sa panlalansi ng Amerika, ang digmaang pinanalunan sana ni Emilio ay nawalang parang bula.
Ang Chief Justice of the Supreme Court na si Cayetano Arellano ang nakiusap kay Emilio na
makipagtulungan sa mga Amerikano. Napahinuhod ang dakilang lider kaya nanawagan siya sa
lahat ng rebolusyonaryo na magsisuko alang-alang sa pangkalahatang kapayapaan.
Ang lubos na katuwaan ni Emilio ay naganap noong 1962 nang ipahayag ng Pangulo ng
Pilipinas na ang Hunyo 12, 1898 ay tunay na Araw ng Kalayaang dapat ipagdiwang ng mga
Pilipino sapagkat sa araw na ito nanindigan si Emilio Aguinaldo na tayo ay ganap nang malaya
bilang isang bansa.
Namatay si Emilio Aguinaldo noong Pebrero 6, 1964. Matagal din siyang biniyayaang mabuhay
upang makitang ganap ang bunga ng kaniyang ipinakipaglaban sa larangan ng digmaan.
TALAMBUHAY NI APOLINARIO MABIN
Nang matagumpay niyang natapos ang Bachelor of Arts ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng
Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaki ang gastusin ni Apolinario bilang
estudyante ng abugasya kaya namasukan siyang istenograper sa Court of First Instance at klerk
sa Intendencia General.
Ang pag-ibig sa bansa ang dahilan kaya muli niyang binuhay ang "La Liga Filipina" noong
1863. Nang halinhan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864 ay nahalal si Apolinario
bilang Sekretaryo ng organisasyon. Ang nabanggit na samahan ay naglayong magbigay ng
moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa Espanya.
Kahit hati ang sarili sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagtulong sa propaganda, nakuha pa ring
matagumpay na matapos ni Apolinario ang abugasya noong 1895.
Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay
inaresto ang "Dakilang Paralitiko." Kung hindi sa kaniyang karamdaman, maaaring
naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de Dios kung saan siya
ginagamot pinamalagi siya bilang bihag.
Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni Apolinario nang sumulat siya ng isang artikulo para sa
mga lider rebolusyonaryo. Ang nasabing manifesto ay nagpapahalaga sa pagtindig ng Pilipinas
bilang isang malayang bansa kung matatalo ng Estados Unidos ang Espanya sa digmaan nilang
dalawa. Sa husay ng mga paliwanag ay ipinasundo ni Pangulong Aguinaldo si Apolinario at
ginawa niya itong tagapayo.
Isa sa mga mahuhusay na payo ni Apolinario kay Pangulong Aguinaldo ay ang pagpapalit ng
porma ng gobyerno. Mula diktaturya, naging rebolusyonaryo ang porma ng pamahalaan ng
Pilipinas. Ipinaorganisa ni Apolinario ang mga lalawigan, munisipalidad, hukuman at pulisya.
Si Apolinario rin ang pinasulat sa maraming alituntuning dapat ipatupad sa buong bansa.
Nang matuloy ang giyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Apolinario sa Cuyapo, Nueva Ecija
kung saan nasundan siya ng mga Amerikano. Dalawang taon din siyang naging bihag
pandigmaan.
Matapos palayain, tumira ang Dakilang Paralitiko sa isang maliit na dampa sa Nagtahan,
Maynila. Sa sobrang pagmamahal sa Pilipinas, sumulat sa pahayagang El Liberal ang
matalinong abugado. Ang mga makabayang opinyon niya ang naging dahilan upang ipatapon si
Apolinario sa Guam.
Namatay si Apolinario Mabini noong Mayo 13, 1903 na isang dakilang Pilipinong hinahangaan
sa buong mundo.
TALAMBUHAY NI MELCHORA AQUINO
Nang nasa wastong gulang na upang mag-asawa, napakasal siya sa masigasig niyang
manliligaw na si Fulgencio Ramos. Ang pagiging ina ni Sora ay naging mabunga. Anim ang
naging anak nila. Kabilang dito sina Juan, Simon, Estefania, Saturnino, Romualdo at Juana.
Sapagkat naging tunay na inspirasyon sa tahanan, naganyak ni Sorang pasukin ng asawa ang
serbisyo publiko. Dahil dito, tinanghal na "cabesa de barangay" si Ginoong Ramos.
Bagama't masaya ang itinindig na pamilya, nabahiran ito ng lungkot nang pumanaw si
Fulgencio. Ang hirap na maging ama at ina ay binalikat ni Sora. Sapagkat may pansariling
tapang na harapin ang anumang problema, ang maliit na kabuhayang naiwan ng asawa ay
pinagsikapan niyang palakihin sa tulung-tulong na pagsisikap ng kaniyang mga anak.
May katandaan na si Melchora Aquino-Ramos nang itindig ang Katipunan upang lumaban sa
mga Kastila na matagal nang umaalipin sa mga Pilipino. Walumpu't apat na taong gulang na
siya noon at kilala ng lahat sa tawag na Tandang Sora.
Kapag napapagawi sa Banlat ang mga hinahabol na katipunero, itinatago sila ni Tandang Sora
sa malaking tindahan ng kaniyang anak na si Juan.
Kapag nauubusan na ng pagkain ang mga katipunero ay saku-sakong bigas ang ipinadadala ni
Tandang Sora kay Andres Bonifacio. Upang di gaanong mahalata ang pagtulong, ipinadala ni
Tandang Sora ang mga kalabaw niyang pansaka upang may maipang-araro ang mga kaanak ng
mga sundalong Pilipino.
Ang pagtulong ni Tandang Sora sa mga katipunero ay walang hinihintay na kabayaran. Para
kay Tandang Sora, dapat na tumulong ang bata at matanda, mayaman at mahirap man sa
ikalalaya ng lipunan.
May mga Pilipinong doble kara, isang tapat at isang impostor. Sa inggit sa tintamasang
kaginhawan sa buhay, may nagbulong sa mga Kastila ng lihim na pagtulong ni Tandang Sora.
Upang makatakas, pinayuhan ni Bonifacio na dalhin kaagad ni Tandang Sora sa Novaliches ang
lahat ng kaanak niya. Sumunod si Tandang Sora pero higit na mabibilis ang mga Kastila na
nahuli sila sa daan.
Sunud-sunod na imbestigasyon ang naganap. Dinala siya ng mga Kastila sa Pasong Putik,
hinatak sa kumbento ng Novaliches at kinaladkad sa Cuartel de Espana. Pero kahit na piliting
magsalaysay ng katotohanan ay walang narinig na anuman kay Tandang Sora. Para sa matanda,
ang lihim na pagtulong sa mga katipunerong kababayan ay sagradong sikretong dapat
pangalagaan.
Sa sobrang galit ng mga Kastila, ipinatapon si Tandang Sora sa Guam sakay ng bapor na
Compania Maritima. Ininda ni Tandang Sora ang paglayo niya sa bansang minamahal pero
naniniwala siyang dapat lang harapin ang anumang bagay na dumarating sa ating buhay.
Matapos ang digmaan nakabalik si Tandang Sora sa kaniyang bansa sakay ng barkong S.S.
Uranus.
Namatay si Melchora Aquino-Ramos noong Marso 12, 1919. Inilibing siya sa Musoleo ng mga
Beterano ng Rebolusyong Pilipino sa Cementerio del Norte.
TALAMBUHAY NI JUAN LUNA
Upang lalong maitaas ang kalidad ng kaniyang sining, nagpasama siya sa kaniyang guro
upang mag-obserba ng mga dakilang sining ng mga sikat na pintor ng iba't ibang museo
sa Europa.
Para kay Juan, ang kadakilaang ipinakikita ng mga rebolusyonaryo sa nilayuang bayan ay
maaari niyang tumbasan ng kadakilaang pakikipaglaban sa larangan naman ng
pandaigdigang pagpipinta ng isang libo at isang karanasan. Sa paninindigang ito, inilaban
ng pintor ang kaniyang "Death of Cleopatra" na tinanghal na Pangalawang Gantimpalang
Pandaigdig. Ipinagbunyi ng mga Pilipino sa Europa ang kahusayan ni Juan. Ipinagmalaki
nila ang pagiging Pilipino ng sikat na pintor.
Nang punahin ng ilang Europeo ang pagiging Indio ni Juan ay ipinagtanggol siya ni Jose
Rizal na pinagpantingan ng tenga. Binigyang diin ng Dakilang Nobelista na ang pagiging
henyo ay walang kinaaanibang bansa at sinumang may dakilang kahusayan ay
maihahalintulad daw sa liwanag na nababanaagan at hanging nalalanghap sa kawalan.
Alam ni Juang nagmamasid ang buong daigdig sa maiaambag niya sa pagpipinta. Upang
lalong mahandugan ng kadakilaan ang Pilipinas, pinangatawanan ni Juang
makipagtunggali sa pinakamahuhusay na pintor ng daigdig. Noong 1884 ay ipinagkaloob
ang Unang Gantimpala sa kanyang Spoliarium. Taong 1885 naman nang pagbotohan ng
mga hurado upang magkamit ng Medalyong Ginto ang kaniyang El Pacto de Sangre. Ang
parangal na Pinakamahusay ay iginawad din sa kaniyang Battie of Lepanto noong 1888.
Sa pagbibigay pahalaga ni Juan Luna sa Pilipinas bilang natatanging bansa ng mga henyo
ay nabigyan niya ng inspirasyon ang mga kababayan upang ipaglaban ang karapatan ng
mga Pilipinong patas na tumindig kaninuman, lalung-lalo na sa mga mapang-aping
dayuhan.
TALAMBUHAY NI EMILIO JACINTO
May angking talino si Emilio kaya kahit sapat lamang ang naiipong
pera ng mga magulang ay sinikap siyang pag-aralin. Sa pribadong
eskwelahan ni Maestro Pascual Ferrer unang nag-aral si Emilio.
Tinapos niya sa Letran ang kaniyang kursong batsilyer. Ang
abugasya ay kinuha naman niya sa UST.
Nang sumapi si Emilio sa Katipunan noong 1894 ay tinanggap niya ang bansag na pangalang
"Pingkian."
Kahit isa sa pinakabatang miyembro ng KKK, ang katalinuhan ni Emilio ang pasaporte niya upang
igalang ng lahat. Humawak siya sa KKK ng iba't ibang posisyon: bilang kalihim, piskal at editor.
Tinitingala si Emilio bilang Editor ng pahayagan ng Katipunan na kilala sa tawag na "Kalayaan."
Bilang manunulat-pulitikal, siya ang awtor ng pamasong Liwanag at Dilim at ng tulang A La Patria.
Si Emilio ang utak sa unang paglusob ng mga katipunero sa garisong Espanyol sa San Juan del Monte
noong Agosto 30, 1896.
Tampok sa mga gawain ni Emilio bilang rebolusyonaryo ang pangangalap ng baril, bala, papel at tinta.
Siya rin ang namamahala sa pangingilak ng salaping ginagastos sa pakikidigma.
Minsang nakipagbarilan si Emilio sa mga manunudlang Kastila sa Laguna ay tinamaan siya sa hita at
dinala sa Simbahan ng Sta. Cruz. Matapos gamutin at imbestigahan ng mga Kastila ay ipinakita niya
ang isang pasaporte ng isang espiyang puti na nagngangalang Florentino Reyes. Ang nasabing
pasaporte ay pag-aari ng espiyang nadakip ni Emilio sa sagupaan sa Pasig.
Nang pamunuan ni Emilio ang mga rebolusyonaryo sa Majayjay, Laguna ay dinapuan siya ng malaria.
Ito ang naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Sa maraming sundalong pinamunuan ni Emilio,
kinilala ang kaniyang talino, tapang at dangal.
Isang tunay na bayani si Emilio Jacinto na lalong kilala sa tawag na "Pingkian ng Katipunan" at
"Dimas-ilaw ng Literaturang Pandigmaan."
TALAMBUHAY NI JOSE ABAD SANTOS
Ang magandang pagkakataon ay dumating kay Jose nang mapili siyang isa sa anim na
tagapayong teknikal ng unang Parliamentary Independence Mission sa Estados Unidos.
Sa nasabing misyon, kinakitaan ng husay at talino sa liderato si Jose. Ito ang dahilan kaya
sa pagbabalik sa Pilipinas ay pinili siyang maging Undersecretary of Justice ni
Gobernador Heneral Leonard Wood noong 1922. Sa sistematikong pamamaraan sa
paghawak ng hustisya, tatlong ulit siyang nahirang na Secretary of Justice.
Ang oras ng pagtaas niya sa pusisyong Justice of the Supreme Court ay ipinagbunyi ng
lahat nang manumpa siya sa tungkulin noong Disyembre 24, 1941.
Bukod sa pagiging Chief Justice, ibinigay din sa kanya ang mga katungkulang Secretary
of Justice at Acting Secretary of Finance, Agriculture and Commerce sa Pamahalaang
Quezon.
Sa kasamaang palad ay hinuli si Jose ng mga Hapon nang magtungo siya sa Cebu.
Pinipilit siyang patalikurin sa Estados Unidos at makipag-usap kay Heneral Manuel
Roxas.
Hindi nagustuhan ng mga Hapon ang naging paniniwala ni Jose kaya nagplano silang
patayin siya sa Lanao del Sur.
"Huwag kang umiyak, Pepito. Ipakita mo sa mga taong nakapaligid sa atin na matapang
ka at marangal. Magandang pagkakataong iaalay ko ang buhay ko sa bayan. Hindi lahat
ay nabibigyan ng dakilang pagkakataong ito."
Makalipas ang ilang sandali ay narinig ni Pepito ang ilang malalakas na putok ng baril.
Alam niyang isang dakilang bayani ang binawian ng buhay. Mariing napakagat ng labi
ang bata pero nang itaas niya ang mukha ay wala ritong mababakas na luha. Mariing
kinagat ni Pepito ang mga labi at tumindig bilang isang marangal na Pilipino.
Alas dos ng hapon noong Mayo 2, 1942 nang mamatay si Jose Abad Santos. Pumanaw
siyang sinasaluduhan ng lahat sa nag-uumapaw na pagmamahal sa bayan.
Talambuhay ni Lapu-lapu
Nang maglakbay si Magellan papunta sa isang pinuno ng isla dala ang tatlong
barkong puno ng mga Kastila at dalawampung barko ng mga Cebuano, sinalubong
sila ni Lapu-Lapu at ng kanyang mga tauhan na armado ng mga katutubong
elemento ng pakikipaglaban gaya ng kahoy na kalasag, mga pana at mga sibat. Ang
mga mananakop na mga Espanyol at ang mga Cebuanong kasama nila ay napabalik
sa kanilang mga bangka, subalit ang kanilang pinuno na si Magellan ay nakatagpo
ng kamatayan sa kamay ni Lapu-Lapu.