Professional Documents
Culture Documents
Ipinanganak si Josefa Llanes Escoda noong Setyembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos
Norte|Dingras, Ilocos Norte. Siya ang pinakamatanda sa pitong mga anak nila Mercedes
Madamba at Gabriel Llanes. Isa siyang balediktoryana sa mababang paaralan at
salutatoryana sa Mataas na Paaralan ng Ilocos Norte. Nag-aral siya sa Philippine Normal
University|Paaralang Normal ng Pilipinas sa Maynila upang makamtan ang kanyang degri
sa pagtuturo, at nagtapos ng may mga parangal noong 1919. Habang naghahanapbuhay
bilang isang guro, nagkamit siya ng katibayan sa pagkaguro sa mataas na paaralan mula sa
Pamantasan ng Pilipinas noong 1922.
Pagkaraan makatanggap ng katibayan sa pagkaguro, naging isa
siyang manggagawang panlipunan para sa Kabanatang Pampilipinas ng Amerikanong
Pulang Krus (isang kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas noong panahong iyon).
Binigyan siya ng Pulang Krus ng isang iskolarsip sa Estados Unidos, kung saan
nakapagkamit siya ng degring masteral sa Sosyolohiya.
Sa unang paglalakbay niya sa Estados Unidos, habang nasa Pandaigdigang Liga para
sa Kapayapaan ng mga Kababaihan (Women's International League for Peace) noong 1925,
nakatagpo niya si Antonio Escoda, isang reportero mula sa Tanggapan ng Pagpapahayag ng
Pilipinas (Philippine Press Bureau) na pinakasalan niya sa paglaon. Nagkaroon sila ng
dalawang mga anak, sina Maria Theresa at Antonio. Noong 1925 din, nakatanggap siya ng
Degring Pang-master sa Gawaing Panlipunan mula sa Pamantasan ng Columbia.
MANUEL L. QUEZON
Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944). Siya
ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang
administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala
bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na
ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M.
Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos
siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. Bilang isang binata,
nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga
Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni
Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa
siya ng katapatan sa Estados Unidos.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang
gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa
Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula
1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang
komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act),
nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na
antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli
siyang magbalik sa Pilipinas.
MIGUEL MALVAR
Ipinanganak si Malvar noong Setyembre 27, 1865, sa San Miguel, isang baryo
sa Santo Tomas, Batangas, nina Máximo Malvar (higit na kilala bilang Kapitan Imoy) at
Tiburcia Carpio (higit na kilala bilang Capitana Tibo). Hindi lamang tanyag ang mag-anak
na Malvar sa kanilang bayan dahil sa kanilang yaman subalit pati sa kanilang
pagkamapagkaloob at kasipagan.[1] Unang nag-aral si Malvar sa paaralang bayan ng Santo
Tomas. Kinalaunan, pumasok siya sa isang pribadong paaralan na pinatatakbo ni Pari
Valerio Malabanan sa Tanauan, Batangas, isang tanyag na institusyon pang-edukasyon sa
Batangas noong mga panahong iyon, at kung saan naging kamag-aral niya ang kapwa
rebolusyonaryo na si Apolinario Mabini
ANTONIO LUNA
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang
ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teoretista na nagsulat
ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1902, at naglingkod bilang
ang kauna-unahang punong ministro noong 1900. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at
Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang
ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San
Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging
propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng
pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga
Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya.
Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag
ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang
Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas at pangulo ng
mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na
Dekalogo".
ANDRES BONIFACIO