You are on page 1of 37

MGA

Pangul
ong

Republika ng
Pilipinas
EMILIO AGUINALDO
Si Emilo Aguinaldo y Famy(22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay
isang Pilipinong heneral, politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang
unang Pangulo ng Pilipinas sa Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1
Abril 1901) na makikita sa limampisong barya na isyu ng Bangko
Sentral ng Pilipinas. Isa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan
ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban
sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados
Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng
Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng
Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit
nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados
Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang
mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang
pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901.
Nadakip siya sa bandang hulí ng mga Amerikano noong Marso 1901,
makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya
ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow
tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong
1946. Tumakbo siya bílang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa
halalan ni Manuel Quezon. Sa mga hulíng panahon ng kaniyang
búhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang
pinakabatang pangulo ng Pilipinas Ipinanganak. siya sa Cavite el
Viejo, Cavite noong 22 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at
Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay
isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at
Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata,
nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-
mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite
el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya
sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa
ikatlong taon na siya para tulungan ang kaniyang nabiyudang ina na
patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay
naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang pinakaprogresibong
barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon.
Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng lokal
na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan
municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-
Cavite el Viejo na tinawag na capitan municipal.. Itinatag ang Unang
Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong 21 Enero
1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo
sa Palanan, Isabela ng mga Amerikano noong 1 Marso 1901.
MANUEL L. QUEZON
Si Manuel Luis Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang
Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”,
siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng
Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong
simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang
bansa ang naunang Republica Filipina na siyang
pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si
Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang
Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si
Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng
Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa
kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng
Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.Ang mestiso
Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak
noong ika-19 ng Agosto, 1877 (bagamat ang kanyang
opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto, 1878) sa
Baler, Tayabas (ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora),
kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na
isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng
Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa
kanilang bayan. Si Quezon ay tumakbo sa unang halalan
sa pagka-Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 1935 at
nanalo siya laban kay Emilio Aguinaldo (dating Pangulo
ng Rebolusyunaryong Republica Filipina, na dati ay
pinagsilbihan niya bilang aide-de-camp), at Gregorio
Aglipay.Sa kanyang unang termino bilang Pangulo, si
Quezon ay nakipagtulungan kay High Commissioner Paul
V. McNutt ng Estados Unidos upang mapadali ang
pagpasok sa Pilipinas ng mga Hudyong tumatakas sa
mga rehimeng pasista sa Europa. Isinulong din ni Quezon
ang isang proyekto upang makapanirahan sa Mindanao
ang mga takas na Hudyo.
JOSE P. LAUREL
Si Jose Pciano Laurel y Garcia(Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay
ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-
Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Si Jose Paciano Laurel ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 sa bayan
ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay si Sotero Laurel, Sr. na
isang opisyal ng pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at
lumagda sa Saligang Batas ng Malolosnoong 1898. Ang kanyang ina
ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose Laurel ay
kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng
kanyang kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral,
nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala.
Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas
noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A.
Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas.
Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng
Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law
School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas. Nang
sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay
tumakas sa Bataan at pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag
ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si Laurel ay may malapit na
kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-
aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap
ng isang honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si
Laurel ang isa sa mga opisyal ng Komonwelt ng Pilipinas na inutusan
ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang probisyonal na
pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel ay
nakipagtulungan sa mga Hapones at dahil sa kanyang pagiging
kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas,
si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa
pamahalaang Hapones sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943,
siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang naglalaro ng golf sa
Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong
iyon, siya ay pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon
na magsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas.
Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking
bahagi ng populasyong Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang
pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong pamahalaang
Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.
Noong Setyembre 21, 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na
nagdedeklara ng pag-iral ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at
Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon ng
epekto noong Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.
SERGIO OSMEÑA
Sergio Osmeña  (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961),
higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang
ikalawang pangulong Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto
1944 – 28 Mayo 1946) na makikita sa limampung pisong
papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang ama ni
dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina
Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating
Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas
Osmena.Isinilang  siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod
ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng
primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa
Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya
sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan
nakilala niya si Manuel L. Quezon. Noong 1924, sina Quezon
at Osmeña ay nagkasundo at nagsanib sa Partido
Nacionalista Consolidado laban sa oposisyong Partido
Democrata ngunit ang Partido Nacionalista ay nagkawatak
watak noong 1934. Muling nagkasundo sina Quezon at
Osmeña at tumakbo at nanalo sa 1935 halalan ng
pagkapangulo. Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na
muling pagtakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman,
ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa
kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa
halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82
porsiyento laban kay Juan Sumulong. Si Osmeña ay muling
nahalal na pangalawang pangulo. Si Osmeña ay bumalik sa
Pilipinas kasama ni Heneral Douglas MacArthur at ng mga
puwersang Amerikano noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos
mapalaya ng mga Amerikano ang Maynila mula sa mga
Hapones, ibinigay ni Heneral MacArthur ang pamahalaan ng
Pilipinas kay Osmeña bilang Pangulo noong 27 Pebrero 1945
sa Malacañang.Pagkatapos matalo sa halalan, si Osmeña ay
bumalik sa kanyang tahanan sa Cebu. Siya ay namatay
noong 19 Oktubre 1961 sa edad na 83 sa Veteran's Memorial
Hospital sa Quezon City. Siya ay inilibing sa Sementeryong
Norte sa Maynila.
MANUEL ROXAS
 Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang
ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril
1948) na makikita sa sandaang pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng
Pilipinas Isinilang  si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan
sa kanya nang siya ay mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon ay
lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuña ang kanyang
mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
(University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa Bar
Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa
iba't-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa
sumunod na taon ay naging Speaker of the House. Pagkatapos maitatag
ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National
Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete
ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng
mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na
itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing
intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na
pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga
Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas
MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga
Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina
heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang
kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng
Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa
suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong 23
Abril 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya
ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake
bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang
talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala
na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.
Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong Abril 23,1946 na
may 54 porsiyento ng kabuuang boto laban kina Sergio Osmeña ng Partido
Nacionalista at Hilario Moncada ng Partido Modernista. Si Roxas ay
tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos
humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing pangulo
ng Komonwelt ng Pilipinas mula Mayo 28,1946 hanggang Hulyo 4,1946
nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos.
Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados
Unidos upang himukin ang pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng
Kongreso ng Estados Noong 30 Abril 1946: ang Batas Tydings–McDuffie at
ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos.
si Roxas ay nanumpa bilang unang Pangulo ng bagong Ikatlong Republika
sa Luneta, Maynila Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa
puso sa tahanan ni Major General E.L. Eubank sa Clark Field, Angeles
City, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang
Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni
Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino.
ELPIDIO QUIRINO
Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29
Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).Isinilang  si
Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890
kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng
abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1915. Pagkatapos mapalaya ng mga
Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa
Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo
si Sergio Osmeña. Noong Disyembre 1945, ang House
Insular Affairs ng Kongreso ng Estados Unidos ay
nagpasa ng isang resolusyon na nagtatakda sa halalang
hindi pagkatapos ng Abril 30. Si Manuel Roxas ay
tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag
pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Quirino
ay napiling kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina
Roxas at Quirino sa 1946 halalan ng pagkapangulo at
pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino ay
nahirang na Secretary of Foreign Affairs.Si Manuel
Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso
sa tahanan ni Major General E.L. Eubank sa Clark Field,
Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng
Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil
hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng
Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong Abril 17,
1948. Nang sumunod na taon, si Quirino ay tumakbo sa
ilalim ng partido Liberal at nahalal na Pangulo para sa
apat na taong termino.
RAMON MAGSAYSAY
 Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907
– 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng
Pilipinas(30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi
hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng
eroplanong kanyang sinasakyan. Isinilang siya
sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina
Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa
Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon
bilang Pamantasang Jose Rizal).Nanalo si Ramon Magsaysay sa
1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong
si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong
Tagalog na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito.
Binuksan niya ang mga bakod ng Malacañáng sa mga
ordinaryong mamamayan.Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo
ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at pinatalsik ang mga
walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-
gerilya ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa
tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga
ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang
disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga
magsasaka. Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na
pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng Pilipinas sa
Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay
7.13 %.Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng
pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga mahihirap na
mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit
ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi
ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na
kumakatawan sa kanilang pansariling interes.Gayunpaman,
nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para
sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang
presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking
estadong lupain.Noong Marso 16, 1957, nilisan ni Magsaysay ang
Cebu kung saan siya nagsalita sa tatlong mga institusyon ng
edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw,
sumakay siya sa eroplano ng pangulo na "Mt. Pinatubo" na isang
C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang Marso 17,
ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang
katanghalian, iniulat na ang kanyang eroplano ay bumagsak sa
Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay
namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Néstor
Mata.Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay
Magsaysay noong Marso 22, 1957.
CARLOS P. GARCIA
 Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo
1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang
ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (18 Marso
1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at
miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia.
Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay.
Kilala si Garcia sa kanyang pagpapatupad ng patakarang
"Pilipino Muna" ("Filipino First"). Nahalal siya sa Senado ng
Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa
pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941.
Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang
mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones
noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang
1953. Tumungo si Garcia sa Estados Unidos upang ilobby
ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay
nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa
San Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya
at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa
pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng
Pilipinas. Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na
Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon Magsaysay bilang
Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay
naging Kalihim ng ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim nito,
nilikha niya ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at
nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si
Garcia sa Komperensiyang Geneva hinggil sa mga bagay na
Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan
ang mga patakarang Amerikano sa buong Silangan. Sa
Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang
pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty
Organization (SEATO) Conference noong 1954 na nagresulta
sa walong kasaping alyansang panghukbo upang pigilan ang
paglawak ng komunismo. Noong Marso 1957 si Garcia ay
naging presidente matapos pumanaw si Ramon
Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano.Nagwagi siya sa
halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang
makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya
si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido
Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang
pangulo. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang
makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa
kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa
puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na 74.
DIOSDADO MACAPAGAL
Si Diosdado Pangan Macapagal (28
Setyembre 1910 - 21 Abril 1997) ay ang
ika-9 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Disyembre 1961-30
Disyembre 1965) na makikita sa
dalawandaang piso na isyu ng Bangko
Sentral ng Pilipinas. Siya ay ama ni Gloria
Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa
Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa
sa dekontrol.Ibig sabihin, wala nang
limitasyon sa importasyon at palitan ng piso
sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa
kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng
Repormang Panlupa, ay ipinasa ng
Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal
noong Agosto 8, 1963 upang maging ganap
na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni
Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng
Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip
Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw ng
Pagkakaibigan ng mga Pilipino at
Amerikano ang Hulyo 4, 1946.
FERDINAND MARCOS
Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917
sa Sarrat, Ilocos Norte. Sina Don Mariano R. Marcos at
Donya Josefa Edralin ang kaniyang magulang.Mayroong
siyang tatlong kapatid, si Dr. Pacifico, Elizabeth at
Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng
Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman
ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong
gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa
Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya
kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude
noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong panahon ng
kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging
kilala siya sa campus dahil sa sinasabing kahusayan sa
debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng
palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay
kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian,
ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.
Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang
matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang
kongresista. Ang tumalo ditong si Julio Nalundasan ay
nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand
ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na
abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya
ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng
kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang
maging ganap na abogado ay hiniling niya sa Kataas-
taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang
sarili sa kasong
ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte
Suprema at napawalang sala.
CORAZON AQUINO
Si María Corazón "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak
noong 25 Enero 1933 sa Paniqui, Tarlac at ikaapat na anak nina José
Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang kanyang mga kapatid ay
sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang kanyang
ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod
ni Melecio Cojuangco na kasapi ng Kongreso ng Malolos. Ang
kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya sa politikang pamilyang
Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan
Sumulong ay tumakbo laban kay Manuel L. Quezon noong 1941. Si
Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Manila sa
kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent
sa unang taon ng mataas na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang
kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent sa
New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang
Pranses. Siya ay nagboluntero para sa pangangampanya ni United
States Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa
Pangulo ng Estados Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang
Pagkapangulo. Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang
mag-aral ng Batas sa Far Eastern University na pag-aari ng mga in-
law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes. Siya ay nag-aral ng
isang taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng dating
Ispiker na si Benigno S. Aquino, Jr.. Sila ay nagkaroon ng limang
anak: María Elena (ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora
Corazón (ipinanganak noong 27 Disyembre 1957), Benigno Simeon
III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa (ipinanganak
noong 27 Oktubre 1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong 14
Pebrero 1971).
Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at
naging pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang
pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967. Si
Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng
kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni
Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na
kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973.
Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong
termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos
noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na
nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial
Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos
at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si
Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa
pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos,
pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung
saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso
habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston.
Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas
nang hindi kasama ang kanyang pamilya.
FIDEL V. RAMOS
Isinilang siya noong 18 Marso 1928
sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa
tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela
Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military
Academy sa West Point noong 1950. Kumuha
rin siya ng masteral ng civil
engineering sa University of Illinois, Masters in
Business Administration sa Pamantasang
Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa
Infantry training at kursong Special Forces/Pay
Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at
naging heavy weapon platoon leader
ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala
rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam.
Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang
pulutong ng mga sundalong tumalo sa
pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan
sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at
parangal na natanggap niya bilang sundalo
ang Philippine Legion of Honor, ang Gold
Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang
United States Legion of Merit, ang
French Legion of Honor at ang U.S. Military
Academy Distinguished Award.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita
Martinez at mayroon silang limang anak na
babae.
JOSEPH EJERCITO ESTRADA
Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong 19 Abril
1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio Ejercito, Sr., na
isang Inhinyeriya|inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay
pinatalsik sa kanyang mga pag-aaral na pang-
primarya sa Ateneo de Manila University at
kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa
Mapua Institute of Technology. Huminto sa pag-
aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa
larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21.
Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120
pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-
comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan
ang mga papel ng mga taong mahirap o mga
mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang
ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa
Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si Estrada
ay nagpakasal kay Dra.Loi Estrada|Luísa "Loi"
Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak: sina
Jinggoy Estrada, alkalde ng San Juan (1992–2001)
at Senador (2004–), Jackie Ejercito (na ikinasal kay
Beaver Lopez na anak ng Meralco chairman Manuel
Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima
pang ibang mga anak sa ibang mga babae: sina JV
Ejercito]], Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy
Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating
aktres na si Laarni Enriquez. Si Estrada ay kapatid
ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor
na si Gary Estrada.
GLORIA MACAPAGAL ARROYO
Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa
amang politikong si Diosdado Macapagal at sa asawa nitong
si Evangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr.
Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr at Cielo Macapagal-Salgado.
Una siyang nanirahan sa Lubao, Pampanga kasama ang
kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa
ng kanyang ama.[2] Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa
lola niya sa kanyang nanay sa Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya
doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon
sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang.
[3]
 Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang
wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.
Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama
niya bilang pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya
sa Palasyo ng Malacañang. Isang bayan ang isinunod sa
kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya
sa Dalubhasaang Asuncion para sa kanyang mababa at mataas
na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-
aral siya pagkatapos noon sa Walsh School of Foreign
Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington D.C. kung
saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados
Unidos na si Bill Clinton.[4] Natamo niya ang kanyang antas sa
Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang
Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968.
Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng
si Jose Miguel Arroyo ng Binalbagan, Negros Occidental, na
nakilala niya noong siya ay dalagita pa.[2] Nagkaroon sila ng
tatlong anak, sina Juan Miguel (ipinanganak 1969), Evangelina
Lourdes (ipinanganak 1971) at Diosdado Ignacio Jose
María (ipinanganak 1974). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at
nakuha ang Master sa Antas ng Ekonomiks sa Pamantasang
Ateneo de Manila (1978) at Antas Doktoral sa Ekonomiks mula
sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985.[5] Mula 1977
hanggang 1987, nagturo siya sa ilang mga paaralan, kabilang na
ang Unibersidad ng Pilipinas at sa Pamantasang Ateneo de
Manila. Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks
ng Dalubhasaang Asuncion.
Noong 1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na
sumali sa pamahalaan bilang Assistant Secretary ng Kagawaran
ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang kanyang posisyon
bilang Undersecretary dalawang taon makalipas. Bilang kasabay
na Tagapamahala ng Garments and Textile Export Board,
napalawig ni Arroyo ang industriya ng pananamit noong huling
bahagi ng dekada 80.
BENIGNO S. AQUINO III
Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang
sa Ekonomiksmula sa Pamantasang Ateneo de
Manila noong 1981, at sumáma sa kaniyang pamilya
nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito
sa Estados Unidos. Bumalik siya sa kaniyang
Batsilyer sa Sining na Dalubhasa Pilipinas noong
1983 pagkatapos ang pagpaslang sa kaniyang ama
at humawak ng ilang mga posisyon sa pribadong
sektor. Noong 1998, nahalal siya bílang Kinatawan
ng ika-2 Distrito ng lalawigan ng Tarlac.
Siya ang ikaapat na henerasyon ng mga politiko sa
kanilang pamilya: ang kaniyang lolo sa tuhod,
si Servillano "Mianong" Aquino, ay naglingkod bílang
delegado sa Kapulungan ng Malolos; ang kaniyang
lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod bílang
Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Pilipinas mula noong 1943 hanggang
1944; at ang kanyang mga magulang na sina dating
Pangulong Corazon Aquinoat Senador Benigno
"Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si Aquino ng Partido
Liberal ng Pilipinas.[1]
Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas
na binata at wala pang anak. Dáting kasintahan ni
Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa
lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating
senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre
2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni
Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez,[2]
[6]
 Bernadette Sembrano,[2] at Liz Uy.[5][7]
RODRIGO ROA DUTERTE
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng
Marso taong 1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at
ang ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Kilala rin
siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo mula sa
Mindanao at ang pinakamatandang naging presidente sa
kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord na hawak
ni Sergio Osmeña sa edad na 65).Nag-aral si Duterte ng Political
Science sa Lyceum of the Philippines University at nagtapos
noong taong 1968. Tinapos naman niya ang kanyang abogasiya
noong taong 1972 sa San Beda College of Law. Pagkatapos nito
ay nagtrabaho siya bilang abogado at taga-usig ng Davao City,
isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas. Si Duterte ay naging
bise mayor ng Davao City bago naging alkalde ng lungsod noong
1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas na may
pinakamahabang nagugol sa serbisyo, umabot ito ng pitong
termino at higit na 22 na taon.
Noong May 9, 2016, nanalo si Duterte sa halalan bilang
pagkapangulo. Nakakuha siya ng 39.01% ng mga boto laban sa
katunggali na si Mar Roxas mula sa Liberal party. Sa kanyang
kampanya, ipinangako niyang mababawasan ang krimen sa
pamamagitan ng pagpatay sa libu-libong mga kriminal. Ang
kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban sa iligal na
droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang
nagbebenta at gumagamit ng droga. Noong Abril 2017,
tinatayang higit 7,000 katao ang namatay mula sa mga
lehitimong operasyon ng pulisya at vigilante-style killings. Si
Duterte na binansagang "The Punisher" ng Time magazine, ay
iniuugnay rin ng Amnesty International at Human Rights Watch
sa ekstrahudisyal na pamamaslang sa higit 1,400 na
pinaghihinalaang kriminal gamit ang vigilante death squads sa
panahong ito ay alkalde pa ng Davao.

You might also like