You are on page 1of 2

Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang

ikapitong Pangulong Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang
kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.
Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro.
Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motorsnoong panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak ang
Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino
ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang
pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging
napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng
Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil
niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider
ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

You might also like