You are on page 1of 2

Talambuhay ni Emilio Aguinaldo

Hindi madali ang maging Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas at mamuno sa


rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos pero 'yan ang ginawa ni Heneral Emilio
Aguinaldo.

Si Emilio ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite. Anak siya ni Don Carlos
Aguinaldo at Dona Trinidad Famy.

Nasa ikatlong taon lang siya ng mataas na paaralan sa Colegio de San Juan de Letran
nang mamatay ang kaniyang ama kaya huminto siya sa pag-aaral at namahala sa kanilang
malawak na pataniman.

Upang hindi manilbihan bilang katu-katulong ng mga sundalong Espanyol, nanungkulan


siya bilang Cabeza de Barangay. Gulat ang mga taong nasasakupan niya. Mahusay kasi
siyang mamuno.

Nang ipatupad ang Batas Maura, si Emilio ang unang napiling maging Capitan Municipal ng
Kawit noong Enero, 1895. Bilang pinunong katipunero ng Cavite ay namahala si Emilio
upang makuha sa mga kamay ng mga Kastila ang mga bayang Kawit, Imus at Bacoor sa
lalawigang ito. Sa sobrang galit ng mga Espanyol sa matapang na Caviteno, lagi nila itong
inaabangan upang ikulong sa piitan. Subalit laging nakaiiwas si Emilio.

Sa kumbensiyon ng mga katipunero sa Tejeros noong Marso, 1897 ay nagkalaban ang


grupong Magdalo ni Emilio Aguinaldo at ang grupong Magdiwang ni Andres Bonifacio.
Bagamat wala roon si Emilio ay nahalal itong pangulo.

Bilang bagong presidente ng katipunan, nagdesisyon si Emilio na ilipat ang Punong


Tanggapan niya una sa Batangas at ikalawa sa Bulacan kung saan itinayo niya ang
Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Biak na Bato.

Pinoy Edition © 2022 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/emilio-aguinaldo/

Sa pagkakaroon ng giyera sa Cuba ay lito ang isipan ng mga Kastila kahit napakarami
nitong sundalo. May laban na sa Pilipinas, may laban pa sa Cuba.

Sa pakikipag-usap ni Pedro Paterno, emisaryo ng mga Espanyol, ay inihain kay Emilio ang
Pact of Biak na Bato. Sa kasunduan, bibigyan ng pangkalahatang amnestiya ang lahat ng
rebolusyonaryo; hahandugan ng P800,000 ang pamunuan at P900,000 ang mga Pilipinong
sinalanta ng digmaan. Kasama ng mga piling tauhan, naging exile si Aguinaldo sa
Hongkong. Namalagi siya roon ng 3 buwan lamang.

Tamang-tamang nagsisimula na noon ang digmaang Kastila-Amerikano. Sa Amerika


pumanig si Emilio. Nang magbalik sa Pilipinas ay iprinoklama niya ang kalayaan sa Kawit,
Cavite. Nakuha niya ang simpatiya ng maraming rebolusyonaryo at ang mga probinsiya ay
hawak na ng mga sundalong Pilipino. Tanging ang Maynila ang sakop pa rin ng mga
Kastila. Nang mapaligiran nina Emilio ang Maynila ay napilay ang mga Kastila. Susuko na
sana ang mga Kastila nang utusan ng Espanya ang mga sundalo nito na sumuko hindi sa
mga Pilipino kung hindi sa mga Amerikano.

Sa panlalansi ng Amerika, ang digmaang pinanalunan sana ni Emilio ay nawalang parang


bula.

Nagsimula na ang labanang Pilipino-Amerikano. Sa hirap na dinanas ni Emilio, naging


matatag pa rin siya. Naitindig niya ang Revolutionary Congress at naipasulat ang
Konstitusyon sa Malolos subalit sumang-ayon ang Espanya sa Treaty of Paris na ibigay
ang Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang 20 milyong dolyar. Hindi inaasahan ng mga
Amerikano na higit na malaking halaga ang pinsalang magagawa ni Emilio sa pag-aalsa.

Humigit kumulang sa 75,000 sundalong Amerikano ang ipinadala sa Pilipinas. Maraming


namatay na Pilipino. Marami ring namatay na mga Amerikano. Tindig bayani si Emilio.
Palipatlipat siya ng lalawigan kayakap ang pamahalaang rebolusyonaryo. Nakubkob siya ng
mga Amerikano sa pamumuno ni General Funston sa Palanan, Isabela noong Septiyembre,
1900.

Ang Chief Justice of the Supreme Court na si Cayetano Arellano ang nakiusap kay Emilio
na makipagtulungan sa mga Amerikano. Napahinuhod ang dakilang lider kaya nanawagan
siya sa lahat ng rebolusyonaryo na magsisuko alang-alang sa pangkalahatang
kapayapaan.

Ang lubos na katuwaan ni Emilio ay naganap noong 1962 nang ipahayag ng Pangulo ng
Pilipinas na ang Hunyo 12, 1898 ay tunay na Araw ng Kalayaang dapat ipagdiwang ng mga
Pilipino sapagkat sa araw na ito nanindigan si Emilio Aguinaldo na tayo ay ganap nang
malaya bilang isang bansa.

Namatay si Emilio Aguinaldo noong Pebrero 6, 1964. Matagal din siyang biniyayaang
mabuhay upang makitang ganap ang bunga ng kaniyang ipinakipaglaban sa larangan ng
digmaan.

You might also like