You are on page 1of 51

Emilio Aguinaldo

Kabataan[baguhin]
Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, pulitiko, at lider ng rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo,Cavite noong Marso 22, 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at mayamayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kanyang nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangaysa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa angMaura Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite del Viejo na tinawag na capitan municipal.

Rebolusyong Pilipino[baguhin]
Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo. Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila]]. Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.

Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya. Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso 22, 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pagaalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squadnoong Mayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.

Biak-na-Bato[baguhin]
Habang tumitindi ang tensyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kanyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang

$400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan. Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon. Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo angAmerican Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kanyang posisyon at linusob ang Manila.

Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong Rebolusyonaryo[baguhin]


Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898. Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador. Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa. Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang pangulo.

Pangulo[baguhin]
Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong Enero 21, 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabela ng mga Amerikano noong Marso 1, 1901.

Piskalya[baguhin]
Nagpagpatuloy ang mga sesyon ng Kongreso ng Malolos at maraming nagawa na maganda. Pinagpatuloy muna ang sistemang piskalya ng mga Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng buwis, hindi kasama ang sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang boluntaryong donasyon ay hiningi. Inayos rin ang sistema ng adwana. Binuksan ang pambansang pautang.

Edukasyon[baguhin]
Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya. Ito ay ginawang sapilitan. Si Enrique Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili ang direktor nito ng Direktor ng Pampublikong Instruksyon. Nagbigay ng kurso na agrikultura, pagtilingin, at komersya, pati rin ang kursong A.B. ang unibersidad. Isang dekrito ang nagbigay oras para buksan ang Universidad Literaria. Ang unibersidad naman na ito ay nagbigay ng kursong medisina, siruhiya, dispensaryo, at notaryo publiko. Ang pangulo ang pipili ng propesor na siyang pipili ng rektor. Ang unang rektor ay si Joaqun Gonzales. Sinundan siya ni Len Mara Guererro.

Lokal na gobyerno[baguhin]
Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at naglabas ng dalawang dekrito, isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siya na maging diktador, gusto niya na kasama ang mga pinakanararapat na maging opisyal na sila rin ay may tiwala galing sa kanilang kababayan. Sa mga dekritong ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Konseho Popular na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis at Pagmamay-ari. Kinukumpirma ng gobyerno ang mga opisyal na ito. Ang mga opisyal na inihalal ng Presidente at nakumpirma sa parehong paraan ay: isang Gobernador at tatlong konsehal kasama ang residente ng munisipyo ng probinsiya at ang Provincial Council. Gayundin, ang mga kumander probinsiya militar ay ibinigay para sa bawat isa sa singil ng mga sundalo ng mga Manggagawa para sa pambansang hukbo.

Pagbabago sa Konstitusyon[baguhin]
Dahil na rin sa abala, dahil sa ikalimang artikulo ng Konstitusyon ng Malolos na nagtatakda ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado, si Punong Ministro Apolinario Mabini ay nagbigay ng suspensyon ng artikulo hanggang magkaroon muli ng Kumbensyong Konstitusyonal. Ang mga lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng suporta. Ito ay pinagtibay noong ika-23 ng Disyembre at naging ika-100 na artikulo na transisyunal ng Konstitusyon.

Pederasyong Bisaya[baguhin]
Para mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang presidente ng Pederasyong Bisaya si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang Republika at pagkilala kay Aguinaldo bilang pangulo.

Polisiyang Panlabas[baguhin]
Mga Nakakulong na Espanyol[baguhin]
Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Espanyol na nakakulong sa pamamagitan ng executive clemency pagkatapos itatag ang Republika. Pinayagan din niya sila na magtrabaho sa Pilipinas.

Digmaang Pilipino-Amerikano[baguhin]
Noong Pebrero 4, 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino. Ito ang dahilan kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan maglipat ng lugar ng Gobyernong Malolos. Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang hinahabol ng mga Amerikano. Noong Hunyo 2, 1899, nakatanggap ng telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa mga kaagaw ng pangulo at magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa Kumbento ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil ipinapatay siya ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang pangulo sa kumbento (Hunyo 5). Nilibing siya sa simbahan at walang imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay.

Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa buong militar. Dahil wala na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na sina Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni Heneral Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa ng mga Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del Pilar. Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga nahuling Amerikano ng mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo.

Manuel Quezon
Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (Agosto 19, 1878 Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15, 1935Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo(na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

Manuel L. Quezon

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1]Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ngDigmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.[1] Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1] Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1] Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[1] Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country,New York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi saArlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento saQuezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa' Ika-2 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Komonwelt
Panunungkulan Nobyembre 15, 1935 Agosto 1, 1944 Pangalawang Pangulo Sinundan si Emilio Aguinaldo(position restored. 1935) Sinundan ni Jose P. Laurel Sergio Osmea

Kapanganakan

Agosto 19, 1878 Baler, Aurora

Kamatayan

Agosto 1, 1944 Saranac Lake, New York,Estados Unidos

Partidong politikal

Coalicin Nacionalista(19351938);Nacionalista Party 1938-1944

Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Aurora Aragon Abogado Katoliko

Jose Laurel
Si Jos Paciano Laurel y Garca (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataastaasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok. Ika-3 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Ikalawang Republika
Panunungkulan Oktubre 14, 1943 Agosto 17, 1945 Pangulo Manuel L. Quezon (19411944) Sergio Osmea (19441946) Sinundan si Sergio Osmea

Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman ng

Pilipinas
Panunungkulan Pebrero 29, 1936 Pebrero 5, 1942 Sinundan si Sinundan ni George A. Malcolm Wala[1]

Kapanganakan

Marso 9, 1891 Tanauan, Batangas

Kamatayan

Nobyembre 6, 1959 Maynila

Partidong politikal

Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI)[2]

Asawa Hanapbuhay Relihiyon Lagda

Pacencia Hidalgo Abogado Katoliko

Sergio Osmena
Si Sergio Osmea y Suico (Setyembre 9, 1878 Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmea, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng

Pilipinas(Agosto 1, 1944 Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmea Jr.at lolo nina Senador Sergio Osmea III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmenang Cebu at Mayor Tomas Osmena. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nagaral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmea ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar. Dalawamput limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmea-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ngKomonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezonsa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944at si Osmea ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas

ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.[kailangan ng sanggunian] Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19,1961.

Ika-4 na Pangulo ng Pilipinas ikalawang Pangulo ng Komenwelt


Panunungkulan Agosto 1, 1944 Mayo 28, 1946 Sinundan si Sinundan ni Manuel L. Quezon Manuel Roxas

Manuel Roxas
Si Manuel Acua Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko saPilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Mayo 28,1946Abril 15, 1948).

Talambuhay[baguhin]
Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikanosi Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmea. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos saClark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.

Ika-5 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Komonwelt Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan Mayo 28, 1946 (bilang Pangulo ng Komonwelt); Hulyo 4, 1946, (bilang Pangulo ng Ikatlong Republika) Abril 15, 1948 Pangalawang Pangulo Sinundan si Sinundan ni Sergio Osmena Elpidio Quirino Elpidio Quirino

Kapanganakan

Enero 1, 1892 Capiz (ngayon ay Lungsod Roxas), Capiz

Kamatayan

Abril 15, 1948

Clark Air Base, Angeles,Pampanga Partidong politikal Nacionalista (19191945) Liberal Party (19451948) Asawa Hanapbuhay Relihiyon Trinidad de Leon Abogado Katoliko

Elpidio Quirino
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948Disyembre 30,1953). Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66. Siya ang unang Ilokanong pangulo.

Ika-6 na Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika


Panunungkulan Abril 18, 1948 (halal Disyembre 30, 1949) Disyembre 30, 1953 Pangulo Pangalawang Pangulo Manuel Roxas Fernando Lopez (19491953) Sinundan si Sinundan ni Manuel Roxas Ramon Magsaysay

Ika-3 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Komenwelt Unang Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan Mayo 28, 1946 Abril 17, 1948 Sinundan si Sinundan ni Sergio Osmea[1] Fernando Lopez[2]

Kalihim ng Ugnayang Labas


Panunungkulan Setyembre 16, 1946 Abril 17, 1948 Sinundan si Sinundan ni Naibalik[3] Joaquin Miguel Elizalde

Kapanganakan

Nobyembre 16, 1890 Vigan, Ilocos Sur

Kamatayan

Pebrero 29, 1956 Lungsod ng Quezon

Partidong politikal Hanapbuhay Relihiyon

Liberal Abogado Katoliko

Ramon Magsaysay
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramn "Monching" Magsaysay[1] (Agosto 31,1907 Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957).

Si Magsaysay ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.[kailangan ng sanggunian] Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. SiLuis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong Marso 17, 1957.

Ramon Magsaysay

Ika-7 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika


Panunungkulan Disyembre 30, 1953 Marso 17, 1957 Pangalawang Pangulo Sinundan si Sinundan ni Elpidio Quirino Carlos P. Garca Carlos P. Garca

Kapanganakan

Agosto 31, 1907 Iba, Zambales

Kamatayan

Marso 17, 1957 Bundok. Manunggal,Balamban, Cebu

Partidong politikal Asawa

Partidong Nasyonalista Luz Banzon

Mga anak

Teresita, Milagros, Ramon Magsaysay Jr. religion = Katoliko

Hanapbuhay

Inhinyero

Carlos Garcia
Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinongmakata at pulitiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Marso 23,1957Disyembre 30, 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete niRamon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").

Talambuhay[baguhin]
Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib saKapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932. Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro siya ng Senadomula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Pangalawang Pangulo na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, na dating bumuo at namuno sa isang pwersang gerilyang lumaban sa

pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano siDiosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hulyo 1971 sa edad na 75.Bago siya mamatay sumigaw siya ng "Panginoon!Kunin mo na ako!Handa na ako!Patayin mo ang aking kalaban!",ito ang kanayang huling mga salita.

Carlos P. Garcia

Ika-8 Pangulo ng Pilipinas

Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika


Panunungkulan Marso 23, 1957 (halal Disyembre 30,1957) Disyembre 30, 1961 Pangulo Pangalawang Pangulo Sinundan si Sinundan ni Ramon Magsaysay Diosdado Macapagal Ramon Magsaysay Diosdado Macapagal

Ika-5 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika


Panunungkulan Disyembre 30, 1953 Marso 18, 1957 Sinundan si Sinundan ni Fernando Lopez Wala[1]

Kapanganakan

Nobyembre 4, 1896 Talibon, Bohol

Kamatayan

Hunyo 14, 1971 Talibon, Bohol

Partidong politikal Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Nacionalista Party Leonila Dimataga Abogado Katoliko

Diosdado Macapagal
Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961-Disyembre 30, 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin.

Talambuhay[baguhin]
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.

Sariling buhay[baguhin]
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.

Edukasyon[baguhin]
Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya. Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas

(US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang SosyoEkonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22,1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila. Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.

Kamatayan[baguhin]
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) saLungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika


Panunungkulan Disyembre 30, 1961 Disymbre 30, 1965 Pangulo Pangalawang Pangulo Sinundan si Sinundan ni Carlos P. Garcia Emmanuel Pelaez Carlos P. Garcia Ferdinand Marcos

Ika-6 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika


Panunungkulan Disyembre 30, 1957 Disyembre 30, 1961 Sinundan si Sinundan ni Wala[1] Emmanuel Pelaez

Kapanganakan

Setyembre 28, 1910 Lubao, Pampanga

Kamatayan

Abril 21, 1997 Lungsod ng Makati

Partidong politikal Asawa

Partidong Liberal (1) Purita dela Rosa (2) Evangelina Macaraeg

Hanapbuhay Relihiyon

Manananggol Katoliko

Ferdinand Marcos
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28,1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986. Siya ay isang abugado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinasmula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at pagkabigong sugpuin ang panunuhol at korupsiyon sa pamahalaan. [1] Nagkaroon din ng isang pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa sesesyon ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng partido Liberal ay mabilis na

lumago. Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa Plaza Miranda noong Agosto 21,1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang nagbigay ng dahilan upang ipataw ni Marcos ang martial law. Noong 1972, idineklara ni Marcos ang martial law na nagpatagal ng kanyang pamumuno ng lagpas sa 2 termino limitasyon ng konstitusyon. Sa ilalim ng Martial law, ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga bumabatikos at mga aktibista kabilang si Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Sa pagsuspindi ng mga karapatang sibil at ng Kongreso ng Pilipinas gayundin sa pagkabilanggo ng kanyang mga kalaban sa pulitika, binuo ni Marcos ang isang bagong konstitusyon ng 1973 na nagpapalit sa Kongreso ng isang Pambansang Asemblea at nagpatagal ng termino ng Pangulo sa anim na taon nang walang limitasyon sa bilang ng mga termino. Si Aquino ay natagpuang nagkasala ng korteng militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pagendorso ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong Enero 17,1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at decree na inilabas noong martial law ay nanatiling may bisa. Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong Agosto 21,1983 kung saan siya pinaslang sa tarmac ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino Intenational Airport. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong siCorazon Aquino na tumakbo sa 1986 snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos at pagpapatalsik kay Marcos ng mga mamamayan bilang pangulo dahil sa iniulat na mga malawakan at talamak na korupsiyon sa kanyang pamahalaan sa Rebolusyon sa EDSA noong 1986. Ito ay humantong sa paglisan ni Ferdinand Marcos at ng kanyang pamilya sa Hawaii, Estados Unidos kung saan siya namatay noong 1989.

Talambuhay[baguhin]
Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte kina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noongMarso, 1939. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala.

Ika-10 Pangulo ng Pilipinas Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika Unang Pangulo ng Ika-apat na Republika

Panunungkulan Disyembre 30, 1965 Pebrero 25, 1986 Punong Ministro Pangalawang Pangulo Cesar Virata (1981-1986) Fernando Lopez (19651973) Arturo Tolentino (1986) Sinundan si Sinundan ni Diosdado Macapagal Corazon C. Aquino

Punong Ministro ng Pilipinas


Panunungkulan Hunyo 12, 1978 Hunyo 30, 1981 Sinundan ni Cesar Virata

Assemblyman
Panunungkulan Hunyo 12, 1978 Hunyo 30, 1981

Kapanganakan

Setyembre 11, 1917 Sarrat, Ilocos Norte,Pilipinas

Kamatayan

Setyembre 28, 1989 (edad 72) Honolulu, Hawaii, Estados Unidos

Partidong politikal

Partido Liberal (1946-

1965) Partido Nacionalista(19651978) Kilusang Bagong Lipunan (1978-1986) Asawa Mga anak Imelda Romualdez Imee Marcos Ferdinand Marcos, Jr. Irene Marcos Hanapbuhay Relihiyon Tagapagtanggol [Philippine Independent Church

Corazon Aquino
Si Mara Corazn Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang Mara Corazn Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933Agosto 1, 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986Hunyo 30,1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating PangulongFerdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya angdemokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Kalusugan[baguhin]
Noong Marso 24, 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa colon), isang sakit sa bituka, ang dating pangulo, na namatay may edad na 75.

Corazon C. Aquino

Ika-11 Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan Pebrero 25, 1986 Hunyo 30, 1992 Punong Ministro Pangalawang Pangulo Sinundan si Sinundan ni Ferdinand E. Marcos Fidel V. Ramos Salvador H. Laurel[1] Salvador H. Laurel

Kapanganakan

Enero 25, 1933 Paniqui, Pilipinas

Kamatayan

Agosto 1, 2009 (edad 76) Makati

Partidong politikal

United Nationalists Democratic Organizations(UNIDO)/Lakas ng Bayan (LABAN)/Liberal

Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Benigno Aquino, Jr. Inang Bahay, Politiko Katoliko

Fidel V Ramos
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabingdalawangPangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ngSandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea atVietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo

ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ngIntegral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon siBenigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kayJuan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa. Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran. Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae. Ika-12 Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1998 Pangalawang Pangulo Sinundan si Corazon C. Aquino Joseph Ejercito Estrada

Sinundan ni

Joseph Ejercito Estrada

Kapanganakan

Marso 18, 1928(edad 85) Lingayen, Pangasinan,Pilipinas

Partidong politikal

Lakas-Christian Muslim Democrats

Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Amelita Martinez Militar United Methodist

Joseph Estrada
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1] ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde, senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong saimpeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusin perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.
Mga nilalaman
[itago]

1 Talambuhay 2 Bilang pulitiko


o

2.1 Bilang pangulo (1998-2001) 3.1 Pag-aresto kay Estrada 3.2 Pagsasakdal kay Estrada sa mga kasong pandarambong at perjury 3.3 Hatol kay Estrada sa kaso ng pandarambong

3 Akusasyon ng korupsiyon
o o o

4 Mga pelikula 5 Talababa

Talambuhay[baguhin]
Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong Abril 19,1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik sa kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology. Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa

Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si Estrada ay nagpakasal kay Dr Lusa "Loi" Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak: sina "Jinggoy" Ejercito, Jr, alkalde ng San Juan (19922001) at Senador (2004) , Jackie Ejercito (na ikinasal kay Beaver Lopez na anak ng Meralco chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima pang ibang mga anak sa ibang mga babae: sina JV Ejercito, Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si Estrada ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary Estrada.

Bilang pulitiko[baguhin]
Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong1977, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsikFerdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa Three Outstanding Senators of the Year. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo,Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni

Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Bilang pangulo (1998-2001)[baguhin]


Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. Ang kanyang islogan sa kanyang panganampanya ang "Erap Para sa Mahirap". Sa kanyang talumpati sa inaugurasyon noong Hunyo 30,1998, isinaad ni Estrada:

Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-sino. Kung anu-anong deal at kickbackang ipinangangako. Binabalaan ko sila: ang kanilang inilalapit ay ebidensiyang gagamitin ko sa pag-usig sa kanila, kapag itinuloy nila ang kanilang maruming balakin. Tandaan nila ito. Lalong mabuti, maghanda sila. Huwag nila akong subukan! Sa aking administrasyon, walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak.[2]

Akusasyon ng korupsiyon[baguhin]
Noong Oktubre 2000, ibinunyag ng malapit na kaibigan ni Estrada na si Chavit Singson, na kanyang personal na ibinigay kay Pangulong Estrada ang P400 milyong kabayaran para sa jueteng gayundin ang P180 milyon mula sa subsidiya ng presyo ng pamahalaan para sa kooperatibang marketing ng mga magsasaka ng tabako. Ito ay humantong sa paghahain ng impeachment laban kay Estrada noong Nobyembre 13,2000. Sina Rep. Heherson Alvarez, Teodoro Casio at Teresita Quintos Deles ay naghain ng reklamo laban kay Estrada sa mga sumusunod na kadahilanan[3]:panunuhol, pagtanggap ng jueteng payola ng P10 milyon kada buwan mula sa mga jueteng lord, pagkuha ng P130 milyon mula sa buwis ng tabako na sinasabing para sa mga gastusin ng halalang pagkapangulo noong 1998,direktang paglahok sa negosyong real estate ng kanyang pamilya na nagtayo ng mga 36 townhouse sa Vermont Park Executive Village, Antipolo City, panunumpa sa kanyang SALN na may mga negosyong interes pampamliya sa tatlo lamang mga

kompanya bagaman ayon sa rekord ng gobyerno ay isa siyang shareholder, ang kanyang asawa, mga kerida at kanilang mga anak sa 59 ibang mga kompanya, pagtatangkang ipawalang sala si Dante Tan na kaibigan ni Estrada mula sa mga akusasyon ng insider trading at manipulasyon ng presyo ng stock ng Best World Gaming, pagtatakip sa sinasabing mga pang-aabuso ng kanyang dalawang anak na lalake na sina Jinggoy Estrada na nakipag-away sa mga doktor sa isang hospital emergency room at Jude Estrada na nagpalipad ng eroplano ng pamahalaan sa Cagayan de Oro at umalis ng hindi nagbayad sa kanyang mga hotel at restaurant bill, paghirang sa kanyang pinsang si Cecilia Ejercito de Castro bilang presidential assistant bagaman inangking hindi niya siya kilala sa kasagsagan ng 1998 textbook scandal, paghirang sa "higit sa isang daang mga kumpare bilang mga presidential adviser, mga consultants at mga assistant", mabilis na lumagong mga ari-arian sa mga negosyo ng kanyang pamilya, mismong sumali sa negosyo at kanyang pamilya at mga kaibigan, paglabas ng P100 milyon sa charity sweepstakes funds sa iasng foundation sa address ng kanyang tahanan, paglabag sa panunumpa sa opisina nang magkaloob siya ng mga ini-smuggle na luxury van sa mga kasapi ng kanyang gabinete at paglabag sa isang 1994 desisyon ng korte suprema sa pamamagitan ng pahirang kina Ramon Cardenas, Magdangal Elma, Robert Aventajado, Ric Tan Legada, Gaudencio Mendoza, at Raul de Guzman sa maraming mga posisyon sa gobyerno. Ang impeachment court ay pinangasiwaan ng punong mahistradong Hilario Davide, Jr.. si Estrada ay nagplead ng "hindi guilty" at umupa kina dating punong mahistradong Andres Narvasa at Estelito Mendoza bilang kanyang mga abugado. Sa impeachment kay Estrada noong Disyembre 22, si Clarissa Ocampo na senior vice president ng Equitable PCI Bank ay nagpatotoo na si Estrada ay may layong isang talampkan mula sa kanya nang lagdaan ni Estrada ang ang mga dokumentong "Jose Velarde" na kinasasangkutan ng P500 milyong kasunduang pamumuhunan sa kanilang bangko noong Pebrero 2000.[4] Ang unang envelope na binuksan ng tribunal ng nakaraang buwan ay naglalaman ng mga bank record ng Jose Velarde account na kinabibilangan ng isang isang trust account na pinatotohanan ni Ocampo. Sa impeachment court, ang Senado ay bumoto ng 11-10 na huwag buksan ang ikalawang envelope na naglalaman ng mga detalye ng mga account ni Jose Velarde sa EquitablePCI Bank. Noong 2001, tinukoy ni Internal Revenue Deputy Commissioner Lilian Hefti ang Jose Velarde bilang bahagi ng mga ari-arian ni Joseph Estrada(aka Jose Velarde

at Kelvin Garcia).[5] Natuklasan rin ang P1.107 bilyon sa cash at mga ari-arian sa isa pang "Jose Velarde" account sa Banco de Oro.[5] Inangkin rin ng Wellex Group Inc. (TWGI) na pag-aari ni William Gatchalian na si Estrada ang tunay na may-ari ng Jose Velarde account. [6] Mga senador na bumoto para buksan ang ikalawang envelope 1. Rodolfo Biazon 2. Renato Cayetano 3. Franklin Drilon 4. Juan Flavier 5. Teofisto Guingona, Jr. 6. Loren Legarda 7. Ramon Magsaysay, Jr. 8. Sergio Osmea III 9. Aquilino Pimentel, Jr. 10. Raul Roco Mga senador na bumoto laban sa pagbukas ng ikalawang envelope 1. Robert Jaworski, Sr. 2. Blas Ople 3. Juan Ponce-Enrile 4. Vicente "Tito" Sotto III 5. Anna Dominique "Nikki" Coseteng 6. John Henry Osmea 7. Gregorio "Gringo" Honasan 8. Teresa "Tessie" Aquino-Oreta 9. Ramon Revilla, Sr. 10. Francisco "Kit" Tatad 11. Miriam Defensor-Santiago Pagkatapos ng boto laban sa pagbukas ng ikalawang envelope, si Sen. Aquilino Pimentel, Jr. ay nagbitiw bilang pangulo ng Senado at lumayas kasama ng mga 9 na senador ng oposisyon at mga 11 prosecutor. Ang mga pangyayaring ito ay humantong sa 3 araw na pagpoprotesta ng mga tao. Sa makasaysayang EDSA Shrine na lugar ng 1986 People Power na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos, ang mga daan daang tao ay nag-rally na humihiling kay Estrada na magbitiw. Ang mga estudyente, mga propesyonal at iba't ibang mga pangkat sibiko ay sumali sa tinatawag na "EDSA II". Ang bilang ng mga nagpoprotesta ay lumago mula sa daan daan hanggang libo libo sa ilang mga araw. Ang mga rally ay idinaos rin ng sabay sa mga probinsiya sa Visayas at Mindanao. Noong Enero 19, 2001, ang Hepe ng Armed Forces of the Philippines na si Angelo Reyes ay sumali sa mga pagtitipon sa EDSA na naghahayag na ang 113,000 kasapi ng Armed Forces of the Philippines ay nag-uurong ng kanilang suporta kay Estrada. Noong Enero 20,100, ang balita ay

dumating sa mga nagtipong mga tao sa EDSA na si Estrada ay nagbitiw na. Pagkatapos ng pagdedeklara ng Korte Suprema na bakante na ang upuan ng pangulo, pinanumpa ni Chief Justice Hilario Davide ang kahalili ni Estrada ayon sa konstitusyon na si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo ng Pilipinas. Pagkatapos nito, inangkin ni Estrada na siya ay kumuha ng isang leave of absence mula sa pagkapangulo noong Enero 20,2001 at nilisan ng temporaryo ang Malacaang. Noong Pebrero 2001, ang ikalawang envelope ay binuksan ng Senado na nagpapakita ng kaunting higit sa P1 bilyong deposito ni Estrada sa Equitable PCI Bank sa ilalim ng pangalang "Jose Velarde" at isang liham mula sa kanyang crony si Jaime DiChaves na nag-angking siya si Velarde.[7] Ang mga dokumento sa ikalawang envelope ay nagpapakita na ang 27 tseke na nagkakahalaga ng P175 million ay winithdraw mula sa Allied Bank head office branch account ng isang "Kelvin Garcia" na isa pang pekeng pangalang ginamit ni Estrada at diniposito sa "Jose Velarde" account.[8] Ang 9 sa mga tseke para kay "Kelvin Garcia" ay may kabuuang P10 milyon, lima para sa P5 milyon at tatlo para sa P20 milyon. Noong 2002, nagpatotoo si Manuel Curato, head of legal services sa Equitable PCIBank na nilagdaam ni Estrada ang pangalang "Jose Velarde" ng mga 15 beses sa mga anim na iba't ibang dokumento ng bangko sa Malacaang Guest House "hindi bilang isang guarantor ngunit ang prinsipal na tagpagpautang".[9] Inamin ni Estrada na kanyang nilagdaan ang "Jose Velarde" account sa Equitable-PCI Bank na nagkakahalagang 3.2 bilyong piso ngunit itinangging pag-aari niya ito.[10] Kinumpirma rin ni Estrada ang patotoo ni Ocampo na siya ay "may layong isang talampakan" mula kay Ocampo nang kanyang lagdaan ang mga dokumento ng bangko bilang "Jose Velarde" noong Pebrero 4,2000 at ito ay nangyari sa Malacanang Guest House at nasaksihan nina Manuel Curato, chief of staff, Aprodicio Laquian at abugadong si Fernando Chua.[10] Inangkin ni Estrada na kanyang nilagdaan ang mga dokumento ng bangko bilang guarantor para sa isang 500 milyong utang na kinukuha ni William Gatchalian mula kay Jaime DiChaves.[8] Nagpatotoo sina Ocampo at Curato na naglagda si Estrada bilang Jose Velarde sa ilalim ng mga nakaprintang salitang "the principal(s) by" sa Investment Management Agreement (IMA) ng bangko.[8] Hindi sinalungat ni Jaime diChaves ang desisyon ng korte na si Estrada ang may-ari ng Jose Velarde account.[11]

Pag-aresto kay Estrada[baguhin]

Si Estrada ay dinakip noong Abril 25,2001 sa kanyang bahay sa San Juan sa kaso ng pandarambong na inihain sa kanya ngSandiganbayan. Sa pagkaalaam ng mga tagasuporta ni Estrada ng pagdakip na ito, sila ay tumungo sa EDSA na humihiling sa kanyang pagpapalaya at pagbabalik sa pagkapangulo. Noong Mayo 1,2001, ang mga nagpoprotestang pro-Estrada ay pumunta sa Malacanang na sumisigaw ng "EDSA III". Ang karahasan ay sumiklab sa pagitan ng kapulisan at mga nagpoprotestang pro-Estrada na nagtulak sa pamahalaan na magdeklara ng isang State of Rebellion. Nagawang sugpuin ng militar ang paghihimagsik. Ang marami sa mga tagasuporta ni Estrada ay dinakip kabilang ang mga politikong sinasabing humikayat ng kaguluhan. Si Estrada ay gumugol ng 6 na tao sa pagkakabilanggo, una sa Veterans Memorial Medical Center, pagkatapos ay sa Camp Capinpin sa Tanay at sa huli ay sa kanyang Tanay rest house.

Pagsasakdal kay Estrada sa mga kasong pandarambong at perjury[baguhin]


Ang paglilitis ni Estrada ay naantala edahil ang kanyang mga abugado ay naghain ng petisyon na kanselahin ang paglilitis. Noong Hulyo 10,2001, mga ilang oras bago ang panibagong skedyul ng kanyang pagsasakdal sa Sandiganbayan, ang kanyang mga abugado ay nagharin ng mosyon sa Korte Suprema upang ideklara na ang paglilitis sa Sandiganbayan ay hindi konstitusyonal. Dahil hindi nakapagpasa ang Korte Supre ng hatol sa mosyon sa panahon ng pagdinig sa Sandiganbayan, si Arroyo ay sinakdal sa mga kaso ng pandarambong sa kabila ng kanyang pagtanggi na pumasok s isang plea dahil hindi niya kinilala ang autoridad ng korte. Ang kanyang kapwa-inakusahang sina Jinggoy Estrada at abugadong si Eduardo Serapio ay tumanggi ring pumasok sa isang plea at kaya ang Korte ay nagpasok ng isang plea na "hindi guilty" sa lahat ng akusado. Noong Nobyembre 19,2001, ang Korte Suprema en banc ay nagpasa ng hatol na ang R.A. 7080 o Plunder Law na inamiyendahan ng R.A. 7659 ay konstitusyonal at kaya ay nagbabasura sa kawalan ng merito ng petisyon ni Estrada na ang batas ay hindi konstitusyonal.

Hatol kay Estrada sa kaso ng pandarambong[baguhin]


Noong Setyembre 7, 2007, ang korteng anti-korupsiyon ng Sandiganbayan na pinangunahan ni Teresita De Castro ay naghayag na ang korte ay magpopromulga ng isan ghatol sa Setyembre September 12, 2007 para sa 6 na taong paglilitis sa mga kasong pandarambongkay Estrada. Ang mga hatol ay ibababa rin sa kanyang

dalawang kapwa akusado. Noong Setyembre 12 2007, pinawalang kaso ng Sandiganbayan si Estrada sa mga kaso ng perjury para sa hindi niya pagdedeklara ng kanyang katayuang pinansiyal sa kanyangSALN. Gayunpaman, siya ay hinatulang "nagkasala ng lagpas sa makatwirang pagdududa" para sa kaso ng pandarambong na gumagawa sa kanyang unang pangulo ng Pilipinas na nahatulan ng gayong krimen. Si Estrada ay hinatulan ng reclusion perpetua at walang katapusang diskwalipikasyon sa pagtakbo sa halalan ng opisinang pampubliko. Isinaalang-alang ng korte ang 6 na taong pagkabilanggo ni Estrada bilang panahong pinagsilbihan ngunit hindi maliwanag kung siya ay karapat dapat sa parole. Nagpasya rin ang korteng anti-graft ang pagsuko ng kanyang mga bank account sa gobyerno na nagkakahalagang 542 milyon piso kabilang ang mga interes, ang kanyang mga Jose Velarde account na nagkakahalagang 189 milyong pisa kabilang ang mga interest, ang Boracay mansion sa New Manila, Quezon City. Si Estrada ay napawalang sala sa kaso ng perjury para sa hindi totoong pagdedeklara ng kanyang SALN habang siya ay pangulo. Sina Jinggoy at Serapio ay napawalang sala. Ang isa pang akusadong si Charlie "Atong" Ang ay nahatulan ng hanggang 6 na taon sa bilanggo at nasa probasyon mula Marso 2007, Ang ibang mga kapwa akusadong sina Yolanda Ricaforte, Jaime Dichaves, Alma Alfaro, Eleuterio Tan, at Delia Rajas ay nakakalaya pa rin at hindi nasakdal. Ika-13 Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan Hunyo 30, 1998 Enero 20, 2001 Pangalawang Pangulo Sinundan si Sinundan ni Gloria Macapagal-Arroyo Fidel V. Ramos Gloria Macapagal-Arroyo

Ika-11 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas


Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan

Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1998 Sinundan si Sinundan ni Salvador H. Laurel Gloria Macapagal-Arroyo

Kapanganakan

Abril 19, 1937 (edad 76) Tondo, Manila Partido ng Masang Pilipino (PMP) Luisa Pimentel Aktor Katoliko

Partidong politikal Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Gloria Arroyo
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng

Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ngEDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ngSimbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.
Mga nilalaman
[itago]

1 Pagkabata 2 Pagkapangulo 3 Personal na impormasyon


o o

3.1 Pamilya 3.2 Edukasyon

4 Mga panlabas na kawing

Pagkabata[baguhin]
Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang pulitikong siDiosdado Macapagal at sa asawa nitong si Evangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr at Cielo Macapagal-Salgado. Una siyang nanirahan sa Lubao, Pampanga kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.[2] Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang nanay sa Lungsod ng

Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang.[3] Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano. Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacaang. Isang bayan ang isinunod sa kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nagaral siya saDalubhasaang Asuncion para sa kanyang mababa at mataas na pagaaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-aral siya pagkatapos noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington D.C. kung saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton.[4]Natamo niya ang kanyang antas sa Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968. Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo ngBinalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya noong siya ay dalagita pa.[2]Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Juan Miguel (ipinanganak 1969), Evangelina Lourdes (ipinanganak 1971) at Diosdado Ignacio Jose Mara (ipinanganak 1974). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakuha ang Master sa Antas ng Ekonomiks sa Pamantasang Ateneo de Manila (1978) at Antas Doktoral sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985.[5] Mula 1977 hanggang 1987, nagturo siya sa ilang mga paaralan, kabilang na ang Unibersidad ng Pilipinas at sa Pamantasang Ateneo de Manila. Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks ng Dalubhasaang Asuncion.

Pagkapangulo[baguhin]
Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis si Estrrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Puggong HukomHillario Davide , Jr.[6]

Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal hinggil sa pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.[7]. Noong Marso 2, 2001, ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.[6]

Glory Macapagal-Arroyo

Ika-14 na Pangulo ng Pilipinas Ika-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika


Panunungkulan Enero 20, 2001 Hunyo 30, 2010 Pangulo Pangalawang Pangulo Joseph Ejercito Estrada Teofisto Guingona(2001 2004) Noli de Castro (2004 2010)

Sinundan si Sinundan ni

Joseph Ejercito Estrada Noynoy Aquino

Ika-12 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika


Panunungkulan Hunyo 30, 1998 Enero 20, 2001 Sinundan si Sinundan ni Joseph Ejercito Estrada Teofisto Guingona

Kinatawan ng Ikalawang Distrito ngPampanga


Kasalukuyan Panunungkulan Hunyo 30, 2010 Sinundan si Mikey Arroyo

Kapanganakan

Abril 5, 1947 (edad 66) San Juan, Rizal

Partidong politikal Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Lakas-KAMPI-CMD Jose Miguel Arroyo Ekonomista Katoliko

Lagda

Benigno Aquino III


Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz, Aurora Corazon Pinky AquinoAbellada, Victoria Eliza Viel Aquino-Dee at Kristina Bernadette Kris Aquino. Siya rin ay dating Kongresista atSenador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".

Pagiging Pangulo ng Pilipinas (2010)[baguhin]

Si Noynoy Aquino habang inihahalal bilangPangulong-halal ng Pilipinas ni Senador Juan Ponce Enrile at Kongresista Prospero Nograles saBatasang Pambansa, Lungsod Quezon noong Hunyo 9, 2010.

Nagwagi siya sa Pagka-pangulo at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong Hunyo 9, 2010, naiproklama na si Noynoy bilang Pangulo ng Pilipinaskasama si Jejomar

Binay bilangPangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.[1] Ika-15 Pangulo ng Pilipinas Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Kasalukuyan Panunungkulan Hunyo 30, 2010 Pangalawang Pangulo Sinundan si Gloria Macapagal-Arroyo Jejomar Binay

Senador ng Pilipinas
Panunungkulan Hunyo 30, 2007 Hunyo 30, 2010

Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Tarlac


Panunungkulan Hunyo 30, 1998 Hunyo 30, 2007 Sinundan si Sinundan ni Jose Yap Jose Yap

Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal


Panunungkulan Hunyo 30, 2010 Hulyo 9, 2010

Sinundan si Sinundan ni

Ronaldo Puno Jesse Robredo

Kapanganakan

Pebrero 8, 1960(edad 53) Maynila, Pilipinas

Kabansaan Partidong politikal

Pilipino Partido Liberal (1998 hanggang kasalukuyan)

Kamag-anak

Benigno Aquino, Jr.(Ama) Corazon Aquino (Ina) Maria Elena "Ballsy" Cruz (Ate) Aurora Corazon "Pinky" Abellada (Ate) Victoria Eliza "Viel" Dee (Nakabatang Kapatid) Kristina Bernadette "Kris" Yap (Bunsong Kapatid)

Alma mater

Pamantasang Ateneo de Manila

Hanapbuhay Propesyon Relihiyon Websayt

Ekonomista, Politiko Ekonomista, Serbisyo sibil Katoliko Romano www.noynoy.ph/

You might also like