You are on page 1of 12

Emilio Aguinaldo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Para sa munisipalidad, silipin ang Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite. Para
sa alay o handog, pumunta sa aginaldo.
Emilio Aguinaldo


Unang Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Unang Republika
Diktador ng Pamahalaang Diktadorial
Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo

Punong Ministro Apolinario Mabini (1899)
Pedro Paterno (1899)
Pangalawang
Pangulo
Mariano Trias (1897)
Sinundan si Bagong Tatag
Sinundan ni
(pinawalang bisa mula 1901-1935)

Wesley Merritt (Gobernador-Heneral, 1901)
Manuel Quezon (Pangulo, 1935)

Kapanganakan Marso 22, 1869
Cavite El Viejo
(ngayong
Kawit)
, Cavite, Pilipinas
Kamatayan Pebrero 6, 1964
Lungsod Quezon,Pilipinas
Partidong politikal Paksyong Magdalo ng Katipunan
(1897-1901)

National Socialist Party
(1935)

Asawa (1) Hilaria del Rosario
(2) Maria Agoncillo
Hanapbuhay Militar, Guro,Rebolusyonaryo, Pulitiko
Relihiyon Katoliko
signature = Aguinaldo Sig.png
Si Emilio Aguinaldo y Famy
[1]
(Marso 22, 1869Pebrero 6, 1964) ay
isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang
unangPangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899Abril 1, 1901).
Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan
niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896.
Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898,
ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo
ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit
nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos
ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin
ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang
pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng
mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng
dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit
nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng
Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo
noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling
panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng
Pilipinas.
[1][2]
Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
Mga nilalaman
[itago]
1 Kabataan
2 Rebolusyong Pilipino
3 Biak-na-Bato
4 Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong Rebolusyonaryo
5 Pangulo
o 5.1 Administrasyon at Gabinete
o 5.2 Polisyang Panloob
5.2.1 Piskalya
5.2.2 Edukasyon
5.2.3 Lokal na gobyerno
5.2.4 Pagbabago sa Konstitusyon
5.2.5 Pederasyong Bisaya
o 5.3 Polisiyang Panlabas
5.3.1 Mga Nakakulong na Espanyol
5.3.2 Digmaang Pilipino-Amerikano
6 Sanggunian
7 Mga kaugnay na artikulo
8 Mga panlabas na kawing
Kabataan[baguhin]
Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, pulitiko, at lider
ng rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya
sa Cavite el Viejo, Cavite noong Marso 22, 1869 kina Carlos Aguinaldo y
Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay
isanggobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo,
nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya
ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng
elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880.
Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan
de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para
tulungan ang kanyang nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid.
Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang
pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na
ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema
ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan
municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite
del Viejo na tinawag na capitan municipal.
Rebolusyong Pilipino[baguhin]
Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong
organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong
organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang
kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de
guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng
Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero
Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.
Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod
ng San Juan, Metro Manila]]. Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay
ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng
pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio
na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't
ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.
Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang
puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa
Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista,
inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa
labanang ito. Ang probinsya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng
Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa
Espanya.
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa
Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na
mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili
nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay
gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan
na sinimulan sa Kumbensyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso
22, 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang
Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi
raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-
aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si
Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang
kumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo
at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon
ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni
Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga
kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahan
ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin
ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel,
Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol.
Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing
squad noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na
kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.
Biak-na-Bato[baguhin]
Habang tumitindi ang tensyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta
sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato.
Isusuko ni Aguinaldo ang kanyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit
ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre
14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang
Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay
dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang
gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan.
Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng
Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala
sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng
mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito,
nagsimula muli ang rebolusyon.
Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados
Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic
Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop
ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo
pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kanyang posisyon at
linusob ang Manila.
Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at
Gobyernong Rebolusyonaryo[baguhin]
Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si
Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898.
Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at
nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.
Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga
Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng
Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni Ambrosio
Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa.
Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na
pagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya
ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang
pangulo.
Pangulo[baguhin]
Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos
noong Enero 21, 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si
Aguinaldo sa Palanan, Isabela ng mgaAmerikano noong Marso 1, 1901.
Administrasyon at Gabinete[baguhin]
Nagkaroon ng dalawang gabinete si Pangulong Aguinaldo na siyang
dahilan ng kanyang pamumuno sa pamamagitan ng mga dekrito.
Tanggapan Pangalan Termino
Pangulo Emilio Aguinaldo 18971901
Pangalawang Pangulo Mariano Tras 1897
Punong Ministro Apolinario Mabini Enero 21 Mayo 7, 1899

Pedro Paterno Mayo 7 Nobyembre 13, 1899
Ministro ng Pananalapi Mariano Tras Enero 21 Mayo 7, 1899

Hugo Ilagan Mayo 7 Nobyembre 13, 1899
Ministro ng Interyor Teodoro Sandico Enero 21 Mayo 7, 1899

Severino de las Alas Mayo 7 Nobyembre 13, 1899
Ministro ng Pandigmaan Baldomero Aguinaldo Enero 21 Mayo 7, 1899

Mariano Trias Mayo 7 Nobyembre 13, 1899
Ministro ng Kagalingan Gracio Gonzaga Enero 21 Mayo 7, 1899
Ministro ng Ugnayang Panlabas Apolinario Mabini Enero 21 Mayo 7, 1899

Felipe Buencamino Mayo 7 Nobyembre 13, 1899
Ministro ng Pampublikong Kautusan Aguedo Velarde 1899
Ministro ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon Mximo Paterno 1899
Ministro ng Pagsasaka, Industriya at Kalakalan Len Mara Guerrero Mayo 7 Nobyembre 13, 1899
Polisyang Panloob[baguhin]
Piskalya[baguhin]
Nagpagpatuloy ang mga sesyon ng Kongreso ng Malolos at maraming
nagawa na maganda. Pinagpatuloy muna ang sistemang piskalya ng mga
Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng buwis, hindi kasama ang
sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang
boluntaryong donasyon ay hiningi. Inayos rin ang sistema ng adwana.
Binuksan ang pambansang pautang.
Edukasyon[baguhin]
Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya. Ito ay ginawang
sapilitan. Si Enrique Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili
ang direktor nito ng Direktor ng Pampublikong Instruksyon. Nagbigay ng
kurso na agrikultura, pagtilingin, at komersya, pati rin ang kursong A.B. ang
unibersidad.
Isang dekrito ang nagbigay oras para buksan ang Universidad Literaria.
Ang unibersidad naman na ito ay nagbigay ng kursong medisina, siruhiya,
dispensaryo, at notaryo publiko. Ang pangulo ang pipili ng propesor na
siyang pipili ng rektor. Ang unang rektor ay si Joaqun Gonzales. Sinundan
siya ni Len Mara Guererro.
Lokal na gobyerno[baguhin]
Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at naglabas ng
dalawang dekrito, isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin
ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan. Nakasulat dito na
kahit napilitan siya na maging diktador, gusto niya na kasama ang mga
pinakanararapat na maging opisyal na sila rin ay may tiwala galing sa
kanilang kababayan.
Sa mga dekritong ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal
ng isang Konseho Popular na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang
Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng Katarungan, Rehistrado Sibil,
Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis at
Pagmamay-ari. Kinukumpirma ng gobyerno ang mga opisyal na ito.
Ang mga opisyal na inihalal ng Presidente at nakumpirma sa parehong
paraan ay: isang Gobernador at tatlong konsehal kasama ang residente ng
munisipyo ng probinsiya at ang Provincial Council. Gayundin, ang mga
kumander probinsiya militar ay ibinigay para sa bawat isa sa singil ng mga
sundalo ng mga Manggagawa para sa pambansang hukbo.
Pagbabago sa Konstitusyon[baguhin]
Dahil na rin sa abala, dahil sa ikalimang artikulo ng Konstitusyon ng
Malolos na nagtatakda ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado, si Punong
Ministro Apolinario Mabini ay nagbigay ng suspensyon ng artikulo
hanggang magkaroon muli ng Kumbensyong Konstitusyonal. Ang mga
lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng suporta. Ito ay pinagtibay
noong ika-23 ng Disyembre at naging ika-100 na artikulo na transisyunal
ng Konstitusyon.
Pederasyong Bisaya[baguhin]
Para mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang presidente ng
Pederasyong Bisaya si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon,
pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang Republika at pagkilala kay
Aguinaldo bilang pangulo.
Polisiyang Panlabas[baguhin]
Mga Nakakulong na Espanyol[baguhin]
Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Espanyol na nakakulong
sa pamamagitan ng executive clemency pagkatapos itatag ang Republika.
Pinayagan din niya sila na magtrabaho sa Pilipinas.
Digmaang Pilipino-Amerikano[baguhin]
Noong Pebrero 4, 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang
Pilipino. Ito ang dahilan kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano
at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga sundalong Amerikano at mga
Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga
Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan
maglipat ng lugar ng Gobyernong Malolos.
Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang
hinahabol ng mga Amerikano. Noong Hunyo 2, 1899, nakatanggap ng
telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa mga kaagaw ng pangulo at
magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa Kumbento
ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil
ipinapatay siya ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang
pangulo sa kumbento (Hunyo 5). Nilibing siya sa simbahan at walang
imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay.
Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa
buong militar. Dahil wala na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang
militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na sina Aguinaldo sa Palanan,
Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni Heneral
Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa
ng mga Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del
Pilar.
Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng
mga Amerikano sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa
pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga nahuling Amerikano ng
mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo.
Sanggunian[baguhin]
1.
Jump up to:1.0

1.1
"Emilio Aguinaldo". The New Book of Knowledge (Ang
Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
2. Jump up "Emilio Aguinaldo". Karnow, Stanley., "In Our Image,
America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York,
ISBN 0394594759. (1989).
Mga kaugnay na artikulo[baguhin]
Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas
Himagsikang Pilipino
Katipunan
Digmaang Espanyol-Amerikano
Digmaang Pilipino-Amerikano
Pangulo ng Pilipinas
Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
Mga panlabas na kawing[baguhin]
Emilio Aguinaldo y Famy 1869 - 1964
Sinundan:
Walang
Pangulo ng Pilipinas
18991901
Susunod:
Manuel Quezon
[ipakita]
T

U

B
Mga Pangulo ng Pilipinas

[ipakita]
T

U

B
Himagsikang Pilipino
Mga kategorya:
Mga pangulo ng Pilipinas
Mga Pilipinong liping-Intsik
Mga Tagalog
Pamilya Aguinaldo
Katipunan
Rebolusyon sa Pilipinas
Mga Kristiyano
Menu ng paglilibot
Gumawa ng bagong akawnt
Lumagda
Burador ko
Artikulo
Usapan
Basahin
Baguhin
Kasaysayan

Unang Pahina
Mga nilalaman
Napiling nilalaman
Mga kaganapan
Alinmang artikulo
Pakikihalubilo
Patungkol
Pamayanan
Kapihan
Mga huling binago
Magkaloob
Makipag-ugnayan
Tulong
Mga kagamitan
Sa ibang wika
Afrikaans

Bikol Central
Catal
Chavacano de Zamboanga
Cebuano
esky
Dansk
Deutsch
English
Esperanto
Espaol
Eesti
Euskara
Franais

Galego
Interlingua
Bahasa Indonesia
Ilokano
Ido
Italiano



Latina


Bahasa Melayu
Nederlands
Norsk bokml
Kapampangan
Polski
Portugus

Simple English
Svenska

Trke

Winaray
Yorb

Bn-lm-g
Baguhin ang mga kawing
Huling pagbabago: 06:00, 6 Nobyembre 2013.
Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons
Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang karagdagang termino. Tingnan an

You might also like