Professional Documents
Culture Documents
Emilio Aguinaldo
Emilio Aguinaldo
Relihiyon Katoliko
signature = Aguinaldo Sig.png
Si Emilió Aguinaldo y Famy (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at
pinúnò ng kalayaan, at ang unang Pangulo ng Pilipinas sa Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril
1901). Isa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong
pag-
aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898,
ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo
1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng
Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados
Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901.
Nadakip siya sa bandang hulí ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob
ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow
tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bílang pangulo
noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga hulíng panahon ng kaniyang búhay,
nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
KABATAAN
Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong 22 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at
Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino,
Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng
edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya
ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de
Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kaniyang nabiyudang ina
na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa Binakayan,
ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893,
ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na
gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el
Viejo na tinawag na capitan municipal..
REBOLUSYONG PILIPINO
Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni
Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit
ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para
kay Maria Magdalena. Ang kaniyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si
Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.
Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila). Ngunit sa
simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng
pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para
makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng
panandalian.
Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni
Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto
Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang
probinsiya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at
Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na
magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kaniya na ang Katipunan ay gobyernong
ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa
Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang
Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay
Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kaniyang baril at
binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensiyon.
Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang
kaniyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na
taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kaniyang mga kapatid at
sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-
aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel,
Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na
Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis na malapit
ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.
BIAK-NA-BATO
Habang tumitindi ang tensiyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito
pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kaniyang gobyerno at itigil
ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15,
1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang
$400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang
gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan.
Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng
Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at
nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas.
Bumalik bigla si Aguinaldo sa kaniyang posisyon at linusob ang Manila.
Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang pinúnò ng buong militar at nagtatag ng gobyernong
diktaturyal na siya bilang diktador.
Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at
binása ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay-Kastila ni Ambrosio
Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumása.
Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kaniyang
diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na
diktadurya, siya pa rin bílang pangulo.
PANGULO
Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong 21 Enero 1899 sa Malolos,
Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabela ng mga Amerikano noong 1 Marso
1901.
Emilio
Pangulo 1897–1901
Aguinaldo
Pangalawang Pangulo Mariano Trías 1897
Apolinario Enero 21 – 7
Punong Ministro
Mabini Mayo 1899
Mayo 7 – 13
Pedro Paterno Nobyembre
1899
Ministro ng Enero 21 – 7
Mariano Trías
Pananalapi Mayo 1899
Mayo 7 – 13
Hugo Ilagan Nobyembre
1899
Teodoro Enero 21 – 7
Ministro ng Interyor
Sandico Mayo 1899
Mayo 7 – 13
Severino de
Nobyembre
las Alas
1899
Mayo 7 – 13
Mariano Trias Nobyembre
1899
Mayo 7 – 13
Felipe
Nobyembre
Buencamino
1899
Ministro ng
Aguedo
Pampublikong 1899
Velarde
Kautusan
Ministro ng
Máximo
Pagawaing Bayan at 1899
Paterno
Komunikasyon
Ministro ng Mayo 7 – 13
León María
Pagsasaka, Industriya Nobyembre
Guebrrero
at Kalakalan 899
Polisyang Panloob
Piskalya
Edukasyon
Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya. Ito ay ginawang sapilitan. Si Enrique
Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili ang direktor nito ng Direktor ng
Pampublikong Instruksiyon. Nagbigay ng kurso na agrikultura, pagtilingin, at komersiya, pati rin
ang kursong A.B. ang unibersidad.
Isang dekrito ang nagbigay oras para buksan ang Universidad Literaria. Ang unibersidad naman
na ito ay nagbigay ng kursong medisina, siruhiya, dispensaryo, at notaryo publiko. Ang pangulo
ang pipili ng propesor na siyang pipili ng rektor. Ang unang rektor ay si Joaquín Gonzales.
Sinundan siya ni León María Guererro.
Lokal na gobyerno
Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at naglabas ng dalawang dekrito, isa noong
Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsiya at
bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siya na maging diktador, gusto niya na kasama ang mga
pinakanararapat na maging opisyal na sila rin ay may tiwala galing sa kanilang kababayan.
Sa mga dekritong ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Konseho
Popular na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng
Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis
at Pagmamay-ari. Kinukumpirma ng gobyerno ang mga opisyal na ito.
Ang mga opisyal na inihalal ng Presidente at nakumpirma sa parehong paraan ay: isang
Gobernador at tatlong konsehal kasama ang residente ng munisipyo ng probinsiya at ang
Provincial Council. Gayundin, ang mga kumander probinsiya militar ay ibinigay para sa bawat isa
sa singil ng mga sundalo ng mga Manggagawa para sa pambansang hukbo.
Pagbabago sa Konstitusyon
Dahil na rin sa abala, dahil sa ikalimang artikulo ng Konstitusyon ng Malolos na nagtatakda ng
paghihiwalay ng Simbahan at Estado, si Punong Ministro Apolinario Mabini ay nagbigay ng
suspensiyon ng artikulo hanggang magkaroon muli ng Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang mga
lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng suporta. Ito ay pinagtibay noong ika-23 ng
Disyembre at naging ika-100 na artikulo na transisyunal ng Konstitusyon.
Pederasyong Bisaya
Para mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang presidente ng Pederasyong Bisaya si
Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang
Republika at pagkilala kay Aguinaldo bilang pangulo.
Polisiyang Panlabas Baguhin
Mga Nakakulong na Espanyol Baguhin
Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Espanyol na nakakulong sa pamamagitan ng
executive clemency pagkatapos itatag ang Republika. Pinayagan din niya sila na magtrabaho sa
Pilipinas.
Panunungkulan
15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Manuel L. Quezon
Si Manuel Luis Quezon y Molina(19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang
pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng
ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang
internasyunal).
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong
Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak
siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral
mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-
aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa
panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong
siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng
lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng
Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang
1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas.
Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng
Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil
dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong
1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng
bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli
siyang nahalal noong 1941.
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang
bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York
noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National
Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery
at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
3.Jose P. Laurel
Jose Paciano Laurel
Ika-3 Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Ikalawang Republika
Panunungkulan
Oktubre 14, 1943 – Agosto 17, 1945
Panunungkulan
Pebrero 29, 1936 – Pebrero 5, 1942
Sinundan ni Wala[1]
Kapanganakan Marso 9, 1891
Tanauan, Batangas
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Lagda
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng
Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943
hanggang 1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba
Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.
Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate
Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang
sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni
Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan
ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni
Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake
sa puso at istrok.
Talambuhay
Maagang buhay
Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 sa bayan ng Tanauan,
Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng pamahalaang
rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng Malolos noong 1898. Ang
kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose Laurel ay kinasuhan ng
pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang kasintahan gamit ang isang
kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala.
Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya
nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng
Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng
Batas.
Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.
Serbisyong publiko
Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry
bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa
kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob at
pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong, palagi
nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa Pilipinas.
Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng pamahalaan ni
Wood.
Senado
Si Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng isang
termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya ay
bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa
opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang
inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng
pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas,
si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong Pebrero 29,
1936.
Bilang Pangulo
Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa Bataan at
pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si Laurel
ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-aral sa
Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng isang honoraryong doktorado
mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si Laurel ang isa sa mga opisyal ng Komonwelt ng Pilipinas na
inutusan ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang probisyonal na pamahalaan
nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel ay nakipagtulungan sa mga Hapones at dahil sa
kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas, si Laurel
ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang Hapones sa Pilipinas noong
1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang naglalaro ng golf sa
Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong iyon, siya ay pinili ng
Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na magsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas.
Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong
Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong
pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.
Noong Setyembre 21, 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng
digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon
ng epekto noong Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.
Pagbuwag ng Rehime ni Laurel
Noong Hulyo 26, 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum sa Hapon
upang sumuko o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng Hapon ang alok.
Noong Agosto 6,1945, ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng Estados Unidos sa Hiroshima
kung saan napahamak ang mga mamamayan nito. Pagkatapos ng 2 araw, ang Unyong Sobyet ay
nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon. Nang sumunod na araw, ang ikalawang bombang
atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang Hapon ay walang kondisyong sumuko sa Kapangyarihang
Alyado noong Agosto 15,1946. Mula Abril 1945, si Pangulong Laurel kasama ng kanyang
pamilya at kasapi ng Gabineteng si Camilo Osías, Speaker Benigno Aquino, Sr., Gen. Tomas
Capinpin, at embahador Jorge B. Vargas ay lumikas sa Hapon. Noong Agosto 17,1944 mula sa
kanyang tirahan sa Nara, Hapon ay inilabas ni Laurel ang isang Ehekutibong Proklamasyong na
nagdedeklara ng pagkabuwag ng kanyang rehime.
Pagkatapos ng Pagkapangulo
Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen. Douglas
MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si
Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi
kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si
Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino ngunit natalo.Si
Laurel ay namatay noong Nobyembre 6, 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake sa
puso at stroke. Siya ay inilibing sa Tanuan.
4.Sergio Osmeña
Si Sergio Osmeña (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon
bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto
1944 – 28 Mayo 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina
Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at
Mayor Tomas Osmena.
Sergio Osmeña
Panunungkulan
Agosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946
Panunungkulan
Nobyembre 15, 1935 – Agosto 1, 1944
Sinundan ni Wala[2]
Hanapbuhay Manananggol
Lagda
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga
nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos
sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si
Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya
ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong
1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay
muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay
pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit
tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen
sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at
pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng
lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina
noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang
ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador
siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-
1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala
sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang
pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon na
tumungo sa Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas kung siya
nagsilbing pangalawang pangulo ni Quezon. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong
Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya si Heneral Douglas
MacArthur at mga puwersang Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na si Basilio J. Valdes
at si heneral Carlos P. Romulo na dumating sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Pagkatapos
mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa mga Hapones, nagsilbi siya bilang pangulo ng
bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Kumandidato siya bilang
pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena
ay namatay noong 19 Oktubre 1961.
Talambuhay
Maagang buhay
Si Sergio Osmeña ay ipinanganak sa Cebu. Ang kanyang ama ay isang mayamang negosyante na
si Don Pedro Lee Gotiaoco at ang kanyang ina ay si Juana Osmeña y Suico na iniulat na 14 taong
gulang lamang ng ipanganak si Sergio Osmeña. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Colegio de
San Carlos noong 1892. Siya ay nag-aral sa Maynila sa San Juan de Letran College kung saan niya
unang nakilala sina Manuel L. Quezon na kanyang kaklase at sina Juan Sumulong at Emilio
Jacinto. Kumuha siya ng kursong batasa sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging ikalawa sa
eksaminasyon ng batas noong 1903. Siya ay naglingkod na katulong sa digmaan ni Heneral
Emilio Aguinaldo bilang courier at mamamahayag. Noong 1900 ay itinatag niya ang pahayagan
El Nuevo Día sa Cebu na tumagal ng 3 taon. Noong 1904, ang pamahalaang kolonyal ng Estados
Unidos ay humirang sa kanya bilang gobernador ng Cebu. Pinakasalan niya si Estefania Chiong
Veloso noong 10 Abril 1901 at nagkaroon sila ng 10 anak.
Kongreso
Kinatawan
Habang nagsisilbing gobernador, tumakbo siya sa halalan ng unang Asembleang Pilipino noong
1907 at nahalal na speaker nito. Siya ay naglingkod sa mababang kapulungan hanggang 1922.
Itinatag niya kasama ni Manuel L. Quezon ang Partidong Nacionalista upang hadlangan ang
Partido Federalista ng mga politikong taga Maynila.
Senado
Noong 1922 ay nahalal si Osmeña sa Senado. Siya ay tumungo sa Estados Unidos bilang bahagi
ng Misyong OsRox noong 1933 upang makuha ang pagpasa ng panukalang batas ng kalayaang
Hare–Hawes–Cutting na pinalitan ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934.
Misyong OsRox
Si Osmeña kasama ni Manuel Roxas ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong
OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa
sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng
Hare–Hawes–Cutting Act na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng
10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si
Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng
Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.
Pangalawang Pangulo
Noong 1924, sina Quezon at Osmeña ay nagkasundo at nagsanib sa Partido Nacionalista
Consolidado laban sa oposisyong Partido Democrata ngunit ang Partido Nacionalista ay
nagkawatak watak noong 1934. Muling nagkasundo sina Quezon at Osmeña at tumakbo at
nanalo sa 1935 halalan ng pagkapangulo. Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling
pagtakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay
na pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng
pagkapangulo noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong. Si Osmeña ay
muling nahalal na pangalawang pangulo.
Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon sa
Estados Unidos
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina
Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si
Quezon ay pinayuhan ni MacArthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang
inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay
pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong
nasakop ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor.
Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng
Estados Unidos ay lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados
Unidos ay itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may
mga headquarter sa Washington, D.C.. Si Osmeña ay nanatiling pangalawang pangulo sa
pagkakatapon ng Komonwelt ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Pagbuwag ng Komonwelt at Pagtatag ng Ikatlong Republika
Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Pamahalaang Komonwelt ni Quezon at itinatag ang
Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si Jose B.
Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8
Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng
mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng
Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga
Hapones mula sa Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing
republika ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tojo noong 6
Mayo 1943 ay nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-
Asyanismo nito o Asya para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng
paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong
konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay
pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943
at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20
Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at
siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54
gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang
sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas at Benigno S. Aquino Sr. bilang unang speaker nito ngunit walang kinikilalang
pangalawang pangulo.
Bilang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos Baguhin
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay
magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo ang automatikong halili
sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi
matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang
sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at hiniling ang
opinyon ni U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay Osmeña. Gayunpaman, ito
ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados
Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong
ito ay lutasin ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng
pagpupulong, hiniling ni Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang
pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang
pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng
kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan
ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.
Si Osmeña ang naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos pagkatapos
mamatay ni Quezon noong 1 Agosto 1944.
Pagbalik sa Pilipinas
Sina Lieutenant General George Kenney, Lieutenant General Richard K. Sutherland, Pangulong
Sergio Osmeña at Heneral Douglas MacArthur sa Leyte.
Si Osmeña ay bumalik sa Pilipinas kasama ni Heneral Douglas MacArthur at ng mga puwersang
Amerikano noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Maynila mula
sa mga Hapones, ibinigay ni Heneral MacArthur ang pamahalaan ng Pilipinas kay Osmeña bilang
Pangulo noong 27 Pebrero 1945 sa Malacañang.
1946 halalan ng pagka-Pangulo
Pagkatapos ibalik ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas noong 1945, tumawag ang mga
senador na sina Manuel Roxas, Elpidio Quirino at mga kaalyado nila para sa isang halalan ng
pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas. Pinagtibay ng
Kongreso ng Estados Unidos ang halalan para sa 23 Abril 1946.
Ang tatlong pangkat ay lumahok sa halalan: Ang pangkat konserbatibo nina Osmeña at Eulogio
Rodriguez ng partido Nacionalista, ang partido Liberal nina Roxas at Quirino na galing sa
partidong Nacionalista at ang Partido Modernista ni Hilario Moncado.
Natalo si Osmeña kay Manuel Roxas sa halalan ng pagkapangulo.
Kamatayan
Libingan ni Osmeña sa Sementeryong Norte sa Maynila.
Pagkatapos matalo sa halalan, si Osmeña ay bumalik sa kanyang tahanan sa Cebu. Siya ay
namatay noong 19 Oktubre 1961 sa edad na 83 sa Veteran's Memorial Hospital sa Quezon City.
Siya ay inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila.
5.Manuel Roxas
Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang
ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948).
Manuel Roxas
Panunungkulan
28 Mayo 1946 (bilang Pangulo ng Komonwelt); 4 Hulyo 1946, (bilang Pangulo ng Ikatlong
Republika) – 15 Abril 1948
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya
ay mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas
at Rosario Acuña ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher
sa Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa iba't-
ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921,
naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging Speaker of
the House. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si
Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa
gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop
na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa
ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya
ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na
pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon.
Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama
kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing
sa Sandatahang Lakas ng Pilipinasna sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P.
Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan
ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni
MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban
kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa
mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay,
habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados
Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni
Pangulong Elpidio Quirino.
TalambuhayBaguhin
Maagang buhayBaguhin
Si Roxas ay iniluwal noong 7 Enero 1891 sa Capiz kina Gerardo Roxas, Sr. at Rosario Acuña.
Ang kanyang ama ay pinatay ng mga Kastilang guardia civil bago pa ipanganak si Manuel. Siya
ay nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Maynila (ngayong Mataas na Paaralan ng Araullo) noong
1909. Siya ay nag-aral ng batas sa isang pribadong paaralang itinatag ni George A. Malcolm na
unang dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa ikalawang taon ay
pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya nagtapos na balediktoryan at nakakuha
ng pinakamataas na markang 92% sa bar examination noong 1913.
Gobernador ng CapizBaguhin
Sinimulan ni Roxas ang kanyang karerang pampulitika noong 1917 bilang kasapi ng konsehong
pangmunisipyo ng Capiz (ngayong Lungsod ng Roxas). Siya ay nahalal na Gobernador ng Capiz
mula 1919 hanggang 1921.
KinatawanBaguhin
Si Roxas ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1922 at nanungkulan
bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa 12 taon. Siya ay naging kasapi ng Philippine
Council of State. Noong 1923, si Roxas at pangulo ng senado na si Manuel L. Quezon ay
nagbitiw sa Council of State nang simulang i-veto ni Gobernador-Heneral Leonard Wood ang
mga panukalang batas na ipinasa ng lehislatura ng Pilipinas.
Misyong OsRoxBaguhin
Si Roxas kasama ni Sergio Osmeña ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong
OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa
sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos
ng Hare–Hawes–Cutting Actna nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas
ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon.
Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng
Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffiena pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.
SenadoBaguhin
Siya ay nahalal sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit ang Kongreso ng Pilipino ay hindi
natipon hanggang pagkatapos lamang na mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones noong 1945. Nang matipon ang Kongreso noong 1945, si hinalal ng Kongreso na
nahalal noong 1941 bilang pangulo ng Senado.
Inaugurasyon ni Roxas bilang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa Independence
Grandstand (ngayong Quirino Grandstand) sa Maynila.
KamatayanBaguhin
Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L.
Eubank sa Clark Field, Angeles City, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng
Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas,
siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino.
Elpidio Quirino
6.
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero 1956) ay ang ika-6
na Pangulong Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Elpidio Quirino
Panunungkulan
18 Abril 1948 (halal 30 Disyembre 1949) – 30 Disyembre 1953
Panunungkulan
28 Mayo 1946 – 17 Abril 1948
Panunungkulan
16 Setyembre 1946 – 17 Abril 1948
Sinundan si Naibalik[3]
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino
at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of
the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy
noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo
siya ni Manuel Roxasnoong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si
Roxas noong 17 Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang
banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga
Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang
pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya
sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 65.
TalambuhayBaguhin
Maagang buhayBaguhin
Si Elpidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don Mariano Quirino ng
Caoayan, Ilocos Sur at Doña Gregoria Mendoza Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nag-
aral sa Caoayan sa elemantarya, sa Vigan High School sa sekundarya at pagkatapos ay
tumungo sa Maynila bilang junior computer technician sa Bureau of Lands at property clerk
sa departamentong kapulisan ng Maynila. Nagtapos siya sa Manila High School noong
1911 at nakapasa sa pagsusulit ng serbisyong sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos ng
abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa bar.
KongresoBaguhin
KinatawanBaguhin
Si Quirino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1919 hanggang 1925.
SenadoBaguhin
Siya ay nahalal na Senador mula 1925 hanggang 1931 bilang kinatawan ng Unang
Distritong Senatoryal. Siya ay naglingkod bilang kalihim ng pananalapi at ng Interyor
ng Komonwelt ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Quirino ay muling
nahalal sa Senado ngunit hindi nakapaglingkod hanggang 1945. Pagkatapos ng Ikalawang
digmaang pandaigdig, si Quirino ay inilagay na Senate President pro tempore.
Misyong pang-Kalayaan ng PilipinasBaguhin
Noong 1934, si Quirino ay kasapi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Washington,
D.C., na pinamunuan ni Manuel L. Quezon. Nakamit nito ang pagpasa ng Kongreso ng
Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie.
Ikalawang Digmaang PandaigdigBaguhin
Noong pananakop ng Hapones sa Pilipinas, siya ay naging pinuno ng isang paghihimagsik
laban sa mga Hapones ngunit siya ay nabihag at ipinabilanggo. Ang kanyang asawang si
Alicia Syquia at tatlo sa kanilang anak ay pinatay ng mga Hapones.
Pangalawang PanguloBaguhin
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung
saan Pangulo si Sergio Osmeña. Noong Disyembre 1945, ang House Insular Affairs ng
Kongreso ng Estados Unidos ay nagpasa ng isang resolusyon na nagtatakda sa halalang
hindi pagkatapos ng Abril 30. Si Manuel Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberalna
kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Quirino ay napiling
kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina Roxas at Quirino sa 1946 halalan ng pagkapangulo
at pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino ay nahirang na Secretary of
Foreign Affairs.
PanguloBaguhin
Inaugurasyon ni Elpidio Quirino bilang Pangulo ng Pilipinas noong Abril 17, 1948 sa Council of State Room,
Executive Building, Malacañang.
Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major
General E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng
Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni
Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong Abril 17,
1948. Nang sumunod na taon, si Quirino ay tumakbo sa ilalim ng partido Liberal at nahalal
na Pangulo para sa apat na taong termino.
EkonomiyaBaguhin
Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng
ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng
ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa
ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng
pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa
pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang
piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo
ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang
problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at
pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino
ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social
Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga
mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa
kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at
pagpapaginhawa ng estado.
Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa
mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa
paghihimagsik ng Hukbalahap.
Mga pakikipag-ugnayanBaguhin
Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal ng
Pagtatanggol sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. Sa ilalim
ni Quirino, ang pamahalaan ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na orihinal na
hukbong gerilyang laban sa Hapon. Ang pakikipagkasundo ni Qurino sa pinuno nitong
si Luis Taruc ay nasira noong 1948. Hinirang ni Quirino ang kalihim ng pagtatanggol na
si Ramon Magsaysay na sugpuin ang paghihimagsik na naisagawa sa pamamagitan ng labis
na karahasan at pangako ng reporma sa lupain.
Akusasyon ng korupsiyon at tangkang impeachmentBaguhin
Ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng malawakang korupsiyon. Ang halalan ng
pagkapangulo noong 1949 na kanyang napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa
kasaysayan ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na
tinangkang iimpeach at inakusahan ng paggamit ng mga pondong pampamahalaan upang
ipaayos at bumili ng mga kasangkapan para sa Malacañang, nepotismo at pagpuslit ng
diamante. Ang impeachment ay itinakwil ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng
paktuwal at legal na basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak kay Ramon Magsaysay na
kumalas sa partido Liberal at tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng pagkapangulo
sa ilalim ng partido Nacionalista.
KamatayanBaguhin
Pagkaraang matalo kay Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo, si Quirino ay
nagretiro mula sa politika noong 1953. Siya ay namatay noong Pebrero 29, 1956 sa atake sa
puso. Siya ay inilibing sa Manila South Cemetery sa Makati.
7 Ramon Magsaysay
Ika-pitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1](31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang
ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas(30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na
nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan.
Ramon Magsaysay
Ika-7 Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1953 – 17 Marso 1957
Panunungkulan
28 Mayo 1946 – 1 Setyembre 1950
Hanapbuhay Inhinyero
Relihiyon Katoliko
Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel
Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal
College (kilala ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago
magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa
Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26
Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang
pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang
Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya
si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang
pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang
pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis
Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa
kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng
Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan
niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17
Marso 1957.
KabataanBaguhin
EkonomiyaBaguhin
Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at
panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas
ay 7.13 %.
KamatayanBaguhin
Noong Marso 16, 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya nagsalita sa
tatlong mga institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling
araw, sumakay siya sa eroplano ng pangulo na "Mt. Pinatubo" na isang C-47 pabalik sa
Maynila. Nang kinaumagahan nang Marso 17, ang kanyang eroplano ay iniulat na
nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang eroplano ay bumagsak sa
Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay namatay. Ang
tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Néstor Mata.
Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay Magsaysay noong Marso
22, 1957.
8 Carlos P. Garcia
Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) ay
isang Pilipinong makata at politiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (23
Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete
ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay.
Kilala si Garcia sa kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").
Carlos P. Garcia
Ika-8 Pangulo ng Pilipinas
Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
23 Marso 1957 (halal 30 Disyembre 1957) – 30 Disyembre 1961
Panunungkulan
30 Disyembre 1953 – 18 Marso 1957
Sinundan si Fernando Lopez
Sinundan ni Wala[1]
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Maagang buhayBaguhin
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya
sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng
abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.
SenadoBaguhin
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa
pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang
paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga
Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si
Garcia Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng
Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San
Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga
impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang
pandayuhan ng Pilipinas.
Panahong HaponesBaguhin
Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia
ay pinahanap ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang
pagtangging sumali sa pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang
gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Pangalawang PanguloBaguhin
Inaugurasyon nina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia bilang Pangulo at Ikalawang Pangulo noong Disyembre 30,
1953, Independence Grandstand (ngayong Quirino Grandstand)
Marso 17,
Carlos P. 1957 –
Pangulo
Garcia Disyembre 30,
1961
Disyembre 30,
Pangalawang Diosdado 1957 –
Pangulo Macapagal Disyembre 30,
1961
Marso 3, 1960
César Fortich – December
30, 1961
Marso 29,
Kalihim ng Martin Aguilar, 1957 –
Edukasyon Jr. Setyembre 2,
1957
Setyembre 3,
1957 –
Manuel Lim
Nobyembre
17, 1957
Nobyembre
18, 1957 –
Daniel Salcedo
Disyembre 28,
1959
Marso 18,
Kalihim ng Jaime
1957 – Enero
Pananalapi Hernández
24, 1960
Enero 24, 1960
Dominador
– Disyembre
Aytona
29, 1961
Carlos P.
Marso 18,
Kalihim ng García
1957 – Agosto
Ugnayang Panlabas (kasabay
22, 1957
bilang Pangulo)
Agosto 22,
Felixberto 1957 –
Serrano Disyembre 30,
1961
Marso 18,
Kalihim ng Paulino J.
1957 – Hulyo
Kalusugan García
15, 1958
Marso 18,
Kalihim ng
Pedro Tuazon 1957 – Marso
Katarungan
1958
Abril 1958 –
Jesús Barrera
Hunyo 1959
Marso 18,
Kalihim ng 1957 –
Ángel Castano
Paggaawa Disyembre 30,
1961
Agosto 28,
Jesús Vargas 1957 – Mayo
18, 1959
Mayo 18, 1959
Alejo Santos – Disyembre
30, 1961
Kalihim ng
Marso 18,
Pagawaing Bayan at
Florencio 1957 –
Lansangan
Moreno Disyembre 30,
Transportasyon at
1961
Komunikasyon
Tagapamahala ng
Kagalingang Amparo
1960 – 1961
Panlipunan at Villamor
Pagpapaunlad
Marso 18,
Kalihim Fortunato de 1957 –
Tagapagpaganap León Disyembre 30,
1957
KamatayanBaguhin
9Diosdado Macapagal
Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21 Abril 1997) ay ang ika-9
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965). Siya ay
ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa Pilipinas. Inilunsad niya agad
ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin, wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng
piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng
Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal noong Agosto
8, 1963 upang maging ganap na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat
ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4, tinawag na lamang
na Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang Hulyo 4, 1946.
Diosdado Macapagal
Panunungkulan
Disyembre 30, 1957 – Disyembre 30, 1961
Sinundan si Wala[1]
Hanapbuhay Manananggol
Relihiyon Katoliko
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng
isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28
Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at
pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa
mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw
siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.
Sariling buhayBaguhin
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging
pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang
sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at
Diosdado Macapagal, Jr.
EdukasyonBaguhin
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa
Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural
(Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage
Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados
Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang
Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong
Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang
katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-
Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon
ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang
Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng
Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging
Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong 22 Hunyo 1962), at sa
pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging
pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit
nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at
ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni
Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong
Konstitusyonal noong 1971.
KamatayanBaguhin
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng
Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86.
Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
Mga kawing na panlabasBaguhin
Malacañang Museum: Diosdado Macapagal (sa wikang Ingles), ang kaniyang museo
Mga sanggunianBaguhin
1. ↑ Hindi nagtalaga ang Kongreso ng Pangalawang Pangulo nang naupo si Garcia sa pagkapangulo, mula
kay Magsaysay, alinsunod sa Konstitusyon ng 1935
Pangalawang
Inunahan ni: Sinundan ni:
Pangulo ng
Carlos Fernando
Pilipinas
Garcia Lopez
1957–1961
Sinundan ni:
Inunahan ni: Pangulo ng Ferdinand
Carlos Pilipinas Marcos
Garcia 1961–1965
Panunungkulan
30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986
Panunungkulan
12 Hunyo 1978 – 30 Hunyo 1981
Assemblyman
Panunungkulan
12 Hunyo 1978 – 30 Hunyo 1981
Hanapbuhay Tagapagtanggol
SenadoBaguhin
Noong 1959, si Marcos ay tumakbo sa Senado at nagkamit ng pinakamataas na bilang ng
mga boto. Siya ay isang kasapi ng Senado mula 1959 hanggang 1965 na nagsilbing pangulo
ng Senado mula 1959 hanggang 1965. Siya ang minority floor leader, 1960; ehekutibong
bise-presidente, LP 1954–1961 at presidente ng partidong Liberal 1961–1964.
PersonalBaguhin
30 Disyembre 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
Noong 30 Disyembre 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo
ng Republika ng Pilipinas.
North Luzon Expressway, isa sa mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.
Noong 1969, si Marcos ay muling naihalal bilang Pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat
na taong termino laban sa 11 mga kandidato. Ang halalang ito ay nabahiran ng malaking
karahasan, pagbili ng boto at pandaraya sa panig ni Marcos[21][22] at ginamit ni Marcos ang
50 milyong dolyar ng kabang yaman ng Pilipinas upang pondohan ang kanyang
kampanya.[23] Ang ikalawang termino ni Marcos ay minarkhan ng kaguluhan sa ekonomiya
na dulot ng mga parehong panloob at panlabas na mga paktor. Noong 1969, ang Pilipinas ay
nakaranas ng isang mas mataas na rate ng implasyon at debaluwasyon ng piso. Sa
karagdagan, ang pagbabawas ng mga bansang Arabo ng produksiyon ng langis bilang tugon
sa tulong sa Israel ng mga hukbong Kanluranin sa alitang Arabo-Israel ay nagresulta sa
mataas na mga presyo ng langis sa buong mundo. Sa panahong ito nang ang mga
imprastruktura ng Pilipinas gayundin ang mga pananim at mga sakahang hayop ay nasalanta
ng mga kadalasang natural na kalamidad at sinamahan ng mga panloob at panlabas na
pwersang ekonomiko na humantong sa walang kontrol na pagtaas ng mga presyo sa mga
pangunahing komoditad.
Noong 1969, ang New People's Army ay nagsagawa ng mga pananalakay, bumaling sa mga
pagdukot at lumahok sa iba't ibang mga insidenteng marahas na pumaslang sa 404 katao.
Ang karahasan sa pamayanan sa Mindanao ay humantong sa 100,000 refugee, pagsunog ng
mga bahay at kamatayan sa mga daan daang Kristiyano at Muslim sa Cotabato at Lanao.
Ang karahasan ay nakapagbigay pansin sa atensiyong internasyonal at simpatiya mula sa
Organization of Islamic Conference (OIC) gayundin ang ibang mga bansang Mulsim tulad
ng Libya na nagbigay ng pagsasanay militar at lohistika sa mga rebeldeng Moro.
Ang sesesyonismong Muslim ang isa sa mga dahilan sa pagdedeklara ni Marcos ng martial
law. Noong 3 Marso 1970 nag-aklas ang mga nagmamaneho ng pampublikong jeep ng
Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang tuligsain ang pangingikil ng mga pulis
at upang hilinging pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan ang pagtataas ng 5 sentimo
sa pamasahe ng jeep. Noong Marso 23–24, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay
nagdaos ng isang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep at bus.
Ang mga estudyante ay nagkaroon ng sunod sunod na demonstrasyon na sa simula ay
bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan ngunit hindi
naglaon ay humihiling ng mga reporma sa pamahalaan. Noong 26 Enero 1970, sa araw ng
pagbubukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-
aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas
ng Kongreso upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng
isang Kumbensiyong Konstitusyonal ng taong 1971 na humantong sa mga kaguluhan sa
pagitan ng kapulisan at mga estudyante. Noong 30 Enero 1971 sa tinaguriang "Labanan sa
Mendiola" o "First Quarter Storm" o Sigaw ng Unang Sikapat ay nagdaos ng panibagong
demonstrasyon ang mga aktibistang estudyante kung saan nasawi ang apat na demonstrador
at maraming nasugatan. Ang mga estudyante ay nagtungo sa Malacanang pagkatapos
magtungo sa Kongreso at pinagpilitang makapasok sa loob ng Malacanang. Naghagis sila
ng mga pillbox at mga sariling-gawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. Ito ay
humantong sa isang labanan sa pagitan ng mga aktibistang estudyante at bantay ng
seguridad ng Malacanag na tumagal hanggang makalipas ng hatinggabi. Nang sumunod na
araw, ipinahayag ni Marcos sa radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa Mendiola ay
isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang kanyang pamahalaan.
Ang pagbomba sa Liwasang MirandaBaguhin
Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng pangangampanya sa Plaza Miranda
sa Quiapo, Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng 4,000 katao upang ipakilala ang
mga kandidato ng Partido Liberal para sa Senado at mga kandidato para sa Maynila mula
Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng gabi, ang dalawang
granada ay inihagis sa entablado at magkasunod na sumabog. Malubhang nasugatan
sina Jovito Salonga, Sergio Osmeña, Jr., John Henry Osmeña, Senador Gerardo Roxas,
Kinatawan Ramon Mitra, Ramon Bagatsing, Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie
Ilarde, Martin Isidro at iba pa. Siyam na katao ang nasawi kabilang ang potograpo ng
pahayagang Manila Times na si Ben Roxas at 95 na katao ang nasugatan. Sa simula, ang
Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana nito ngunit makalipas ang ilang taon
ay idiniin ni Major General Victor Corpus si Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang
kilusan na Partido Komunista ng Pilipinas bilang may utak nito ngunit ito ay itinatanggi ni
Sison. Sinisi rin ni Marcos ang mga komunista sa balak na pagpapahina ng kanyang
pamahalaan at ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ay ipinalabas ng Pangulong Marcos
ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus.
Noong 7 Enero 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa
pribelehiyo ng writ of habeas corpus.Maling banggit (Naawawala ang
pansarang </ref> na para sa tatak na <ref> ); $2Inamin rin ng isang kasapi ng
Klaseng '40 ng PMA na ang kanyang malapit na kamag-anak na isa sa mga diputado ni
Heneral Fabian Versa Presidential Security Unit ay nag-organisa sa ilang mga pambobomba
sa bansa upang hikayatin ang mga tao na may krisis ng kaguluhan at ang demokrasya ay
hindi gumagana.[24] Ang opiser na ito ay itinaas ni Marcos bilang Heneral mga ilang araw
bago ang pagdedeklara ng Batas Militar.[24]
Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Marcos ang pagdakip at pagpapabilanggo sa mga
sumusunod na politiko at mamamahayag na bumabatikos kay Marcos: ito ay kinabibilangan
nina kinatawan Roque Ablan, Jr. at Rafael Aquino, mga Senador na sina Benigno Aquino,
Jr., Jose W. Diokno at Ramon Mitra, Jr., mga Gobernador na sina Rolando Puzon at Lino
Bocalan, dating Senador Francisco Rodrigo, mga delagado sa Kumbensiyon Konstitusyonal
na sina Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao,
Alejandro Lichauco, Jose Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez, mga
mamamahayag na sina Joaquin "Chino" Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr.,
Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis Mauricio. Pinatalsik rin ni Marcos ang
ilang mga kawani ng tanggapan ng pamahalaan sa bisa ng Presidential Decree No. 1 o ang
"Integrated Reorganization Plan". Tanging ang pahayagang Daily Express at mga estasyon
ng pamahalaan ang pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyong pamamahayag.
Kalauna'y pinahintulutan ding magbukas ang pahayagang Manila Bulletin Today (na pag-
aari ng Hans Menzi na malapit kay Marcos), mga estasyon ng Radio Philippine Network at
Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng crony ni Marcos na si Roberto
Benedicto, at ang estasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag na GMA
Networks, na ang isa sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa Pangulong
Marcos. Binuwag rin ni Marcos ang Kongreso ng Pilipinas at naalisan ng tungkulin ang
mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon si Marcos bilang Pangulo
ng bansa ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas. Gumawa siya ng mga
Kautusang Pampanguluhan (Presidential Decree), Kautusang Pangkalahatan (General
Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa
Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay
may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso. Bukod tangi ang
pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na nagpapairal ng
Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong
sibilyan rin.
Ang Saligang Batas ng 1973Baguhin
Pangunahing lathalain: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973
Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang binuo
ito habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng
impluwensiyang Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng
mga suliranin at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng
Kongreso noong 24 Agosto 1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na nanawagan para sa
isang Kumbensiyong Konstitusyonal sa taong 1971 at ginanap noong 10 Nobyembre 1970
ang halalan ng 320 delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang Kumbensiyong
Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo 1971 ngunit bago matapos
ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 1972 at
ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos. Noong 19 Mayo 1972,
binunyag ng delegadong si Eduardo Quintero (na dating embahador ng Pilipinas sa United
Nations mula sa Leyte) ang panunuhol ng ₱11,150 ng isang pangkat upang
impluwensiyahan ang kanyang pagboto sa panukala sa Kumbensiyon ng nagbabawal sa
muling pagtakbo sa halalan ng Pangulo at nagbabawal sa asawa ng pangulo na tumakbo
bilang pangulo. Tinukoy ni Quintero na ang pangkat na nanuhol ay kinabibilangan ng 12
delegado mula sa Samar-Leyte kasama nina Imelda Marcos at Paz Mate na asawa ni Rep.
Artemio Mate ng Leyte.
Ang balangkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 29 Nobyembre
1972. Kabilang sa mga tadhana ng binuong Saligang Batas ang pagpapalit ng sistema ng
pamahalaan mula sa pampanguluhan (presidential) patungo sa parlamentaryan kung saan
ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado, ang Punong Ministro ng
Pilipinas na inihalal ng Pambansang Asembleya ang gaganap ng kapangyarihang
pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete, at ang isang Pambansang Asembleya na
binubuo ng isang kapulungan (unicameral) ang may kapangyarihan sa paggawa ng batas.
Nagpalabas si Marcos ng Kautusuan pamapanguluhan 73 noong 30 Nobyembre 1972 na
nagtatakda ng plebisito na idadaos sa 15 Enero 1973 upang pagbotohan ang iminungkahing
Saligang Batas. Nagpalabas si Marcos ng isang kautusang pampanguluhan 86 na lumilikha
sa bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng mga
Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng
paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko. Noong Enero 10–15,
1973, pinagtibay ng mga Asembleya ang Saligang Batas. Nagkabisa ang bagong saligang
Batas noong 17 Enero 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ni Marcos na
may botong pabor na 14,976,561 at botong pagtutol na 743,869. Ang balidad ng
pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas ay tinutulan sa ilang mga kasong isinampa sa Kataas-
taasang Hukuman ng Pilipinas. Kabilang sa mga puntong itinaas laban sa balidad ng
pagpapatibay nito ang: ang pagboto ay sa pamamagitan ng bibig samantalang ang artikulo
15 ng Saligang Batas ay nag-aatas ng pagboto, ang mga bilang ng pagboto na binanggit sa
proklamasyon 1102 ay nilikha nina Benjamin Romualdez samantalang ang mga komisyoner
ng COMELEC na tumangging lumahok sa proseso ng pandaraya ay pinaalis, at walang
malayang ekspresyon ang mga tao dahil sa klima ng takot na nalikha ng Batas Militar. Ang
petisyong kumukwestiyon sa balidad nito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa
botong 6-4.[25]
Ayon sa mga probisyong paglipat ng Saligang Batas, dapat tipunin agad ni Marcos ang
Interim Pambansang Asemblea sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas at ang Asembleang
ito ay dapat namang humirang ng interim Pangulo at interim Punong Ministro.
Gayunpaman, ito ay hindi ginawa ni Marcos at sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng
1973 Saligang Batas sa kadahilanang may panahon ng emerhensiya at kinailangan niyang
ipagpatuloy ang Batas Militar.[25] Sa halip, si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa
isang reperendumnoong 16 Oktubre 1976 na pinagtibay noong 1976 na kinabibilangan ng
mga tadhanang: paghalili ng Interim Batasang Pambansa sa Interim Pambansang Asemblea,
na ang kasalukuyang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa
ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo
ng Pilipinas at Punong Ministro ng Pilipinas ng 1973 Saligang Batas, at ang Pangulo ay
magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat
ang Batas Militar.
Punong MinistroBaguhin
Noong 7 Abril 1978, idinaos ang unang halalan para sa Batasang Pambansa kung saan
nakuha ng partido ni Marcos ang 152 ng 165 upuan nito na gumawa kay Ferdinand Marcos
na Punong Ministro ng Pilipinas mula 1978 hanggang 1981. Inakusahan ng oposisyon si
Marcos ng pandaraya sa pagbilang ng mga balota.[26]
Bagong LipunanBaguhin
Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang sakit ng bayan
sa pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang bagay na ito'y kanyang
ibinibintang sa mga pangkating makapangyarihan na kanyang tinaguriang oligarkiya
(kapangyarihan sa pamahalaang nasa kamay ng iilang tao) at mga maka-Maoistang
Komunistang naghahangad ba ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at
paggamit ng karahasan. Upang mabago ang di umano'y mga di kanais-nais na naging
dahilan ng mga paghihirap, paghihikaos at kriminalidad sa bansa, isinulong ni Marcos ang
pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga
taumbayan kundi sa bansa at sa buong mundo. Ito ang simula ng Bagong Lipunan - isang
lipunan na binubuo ng mga bagong Pilipino. Sa pagpapatupad ng Bagong Lipunan,
kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang Tsino at Espanyol" ngunit ang
mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga malapit na kaibigan na
gumamit ritong mga pronta upang pagtataguan ng mga nakuha nila sa korupsiyon. Itinatag
ni Marcos ang "kapitalismong crony" kung saan malaking nakinabang ang kanyang
mga crony ni Marcos na naging bagong oligarkiya.[27][28] Sa ilalim ng Martial
Law, ginawang pambansa o pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong
malalaking korporasyon gaya ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune
Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa na naging mga pag-aari ng mga pamilyang
Marcos at Romualdez.[29]Sinasabing ang PAL o Philippine Airlines ay ginawang pribadong
sasakyan para kay Imelda Marcos at mga kaibigan niya para sa kanilang mga
pagshoshopping sa New York at Europa.[30] Ang mga monopolyo sa mga mahahalagang
industriya ay itinatag ni Marcos gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal
at iba pa. Ang mga magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang
mga produkto sa mga monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa
presyong pandaigdigan. Sa pagitan ng 1972 at 1976, pinalaki ni Marcos ang sukat ng militar
mula 65,000 hanggang 270,000 katao. Ang mga opiser ng militar ay inilagay niya sa lupon
ng mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong
utilidad at media.[2]Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang
"PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land
Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa
Kabuhayan);D development of moral values Government Reforms (Mga Pagbabago sa
Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social
Services (Serbisyong Panlipunan). Noong Oktubre, 1972, isang buwan makaraan ipahayag
ang Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27 (Presidential Decree
No. 27) si Marcos kung saan ang mga magsasaka, sa halip na kasamá lamang sila ng may-
ari ng bukid, ay magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping
ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines na magbabayad ng kaukulang
halaga sa may-ari ng lupa at sa bangko naman magbabayad ang mga magsasaka. Ang isa
pang paraan upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupain ang
pagpapadala sa kanila sa mga pook gaya ng Nueva Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur,
Davao del Sur, at Sultan Kudarat na kanilang sasakahin at ang bawat magsasaka ay
bibigyan doon ng anim na ektaryang lupa. Pahihiramin sila ng salapi para sa kanilang
sinasakang bukid na babayaran sa loob ng tatlong taon. Nang mapatalsik si Marcos noong
Pebrero 1986, ang 50,000 hanggang 70,000 hektarya lamang ng lupain ang naipamahagi sa
mga maliliit na magsasaka mula sa 10.3 milyong hektarya ng pribadong lupain at mula sa
17 milyong hektarya ng lupaing pampubliko.[31]
Kabilang sa mga palatuntunang ipinatupad ng administrasyon ni Marcos ang Masagana
99na naglalayong maging masagana ang ani ng mga magsasaka ng kanin at makaani ng 99
na kabang palay o higit pa sa bawat ektaryang taniman. Upang matamo ito, pinatupad ang
paggamit ng mga uri ng bigas o kanin na may mataas na ani na nilikha ng International Rice
Research Institute. Ang mga magsasaka ay tutulungan na umutang ng salapi sa bangko na
pambili ng mga binhi gayundin ng mga kailangang pataba at pesticide upang mapataas ang
ani nito. Ang Masagana 99 ay gumawa sa Pilipinas na sapat sa kanin sa mga simulang taon
ng pagpapatupad nito ngunit nabigong palakihin ang real na sahod ng pagsasaka dahil ang
pagtaas ng kabuuang suplay ay nagpasidhi sa pagpiga ng gastos-presyo na nag-alis ng mga
nilayong tubo sa pagsasaka ng kanin.[32]; ang Masaganang Maisan na nauukol sa
pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43 lalawigan; ang Gulayan
sa Kalusugan na naglalayong paramihin ang mga tanim na gulay; Biyayang Dagat o Blue
Revolution na naglalayong ang mga mangingisda ay makauutang ng pera at upang mapabuti
ang kanilang hanapbuhay at upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang inutang,
ang pamahalaan ni Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na malaganap ang
mapagdadalhan ng mga nahuli ng mga mangingisdang ito. Kasama rin sa programa ng
Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad
ng palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak
ng pamilihan. Kabilang rin sa mga palatuntunan ng pamahalaan ang pagdaragdag ng
produksiyon ng mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa loob ng bansa. Pinarami rin
ang produksiyon ng mga sumusunod na pang-komersiyong produktong ramie, goma, abaka
at bulak. Isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa bansa
ang pagmimina ng tanso, ginto, nickel, carbon at iba pa at unti-unti ring umunlad ang
industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas. Ang mga bagay na yari sa kamay ay siyang
bumubuo ng malaking bahagi ng mga produkto ng Cottage Industries na kinabibilangan ng
mga produktong mga bag at maletang balat, patis, ceramics, burdadong mga damit,
sumbrerong buntal, muwebles na nara, mga kaldero, mga lamparang yari sa tela at kapis,
gitara, banig, telang hablon, at mga produktong yari sa tanso na galing-Marawi. Noong mga
maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang
protina ng populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga
taniman ng kanin.[33]
Ikatlong termino (1981–1986)Baguhin
Noong 16 Hunyo 1981 anim na buwan pagkatapos na alisin ang martial law, ang unang
halalan sa pagkapangulo ay idinaos para sa isang anim na taong termino. Gaya ng
inaasahan, si Marcos ay tumakbo at nanalo sa isang malaking pagkapanalo laban sa iba
pang mga kandiato. Ang mga pangunahing partidong oposisyon na United Nationalists
Democratic Organizations (UNIDO) na isang koalisyon ng mga partido at LABAN ay
bumoykot sa halalang ito bilang tanda ng pagpoprotesta sa mga halalan noong 1978 para sa
isang interim na Batasang Pambansa na kanilang kinondena bilang pandaraya. Sa ikatlong
termino ni Marcos, ang kanyang kalusugan ay mabilis na bumagsak sanhi ng mga
karamdaman sa bato na kadalasang inilalarawan bilang lupus erythematosus. Ang rehimeng
Marcos ay sensitibo sa publisidad ng kanyang kondisyon. Ang isang doktor
ng Malacanang na si Potenciano Baccay na nagsaad na sa mga panahong ito ay sumailalim
si Marcos sa isang transplant ng bato ay kalaunang dinukot at natagpuang
pinatay.[34] Maraming mga tao ang nagtatanong kung may kakayahan pa siyang mamuno
dahil sa kanyang malalang sakit at papalaking kaguluhan sa politika.[35]
Mga akusasyon ng korupsiyon at pagtatangkang impeachment kay MarcosBaguhin
Si Ferdinand Marcos at ang kanyang asawang si Imelda Marcos at mga crony ay inakusahan
ng korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar mula sa kabang yaman ng
Pilipinas.[36] Kabilang sa inilalarawang maluhong pamumuhay ni Imelda ay kinabibilangan
ng limang milyong dolyar na mga pagshoshopping sa New York, Rome at Copenhagen
noong 1983 at pagpapadala ng isang eroplano upang pulutin ang mga puting buhangin ng
Australia para sa isang bagong beach resort. Bumili siya ng ilang mga ari-arian
sa Manhattan noong mga 1980 kabilang ang $51-million Crown Building, ang Woolworth
Building (40 Wall Street) at ang $60-milyong Herald Centre.[37][38] Ang kanyang New York
real estate ay kalaunang binawi ng pamahalaan at ipinagbili kasama ng karamihan ng
kanyang mga alahas at karamihan ng kanyang 175 pirasong koleksiyon ng sining na
kinabibilangan ng mga sining nina Michelangelo, Botticelli, at Canaletto. Kanyang sinagot
ang mga pagbatikos ng kanyang maluhong pamumuhay sa pag-aangking kanyang
"katungkulan" na maging "isang uri ng liwanag, isang bituwin na magbigay [sa mahihirap]
ng mga gabay."[6][39][40][41][42][43]
Noong 13 Agosto 1985, ang 56 Assemblymen ay lumagda ng isang resolusyon na
tumatawag sa impeachment ni Marcos para sa inaakusang paglilihis nito ng tulong na pang-
salapi ng Estados Unidos sa Pilipinas para sa pansariling gamit.[44] Kanilang binanggit ang
paglalantad noong Hulyo 1985 ng San Jose Mercury News ng multimilyong dolyar na mga
pamumuhunan at pag-aari ng pamilya Marcos sa Estados Unidos. Kabilang sa mga ari-
ariang sinasabing nalikom ng pamilyang Marcos ang Crown Building, Lindenmere Estate,
at isang bilang mga matitirhang mga aparment sa New Jersey at New York, isang shopping
center sa New York, mga mansion sa London, Rome at Honolulu, ang Helen Knudsen
Estate sa Hawaii at tatlong mga condominium sa San Francisco, California.[45]
Kabilang sa mga kaso ng korupsiyon na inakusa kay Ferdinand Marcos ang: pagnanakaw o
paglihis nito ng 800,000 troy ounces ng ginto mula sa mga reserba ng Bangko Sentral ng
Pilipinas para sa sariling paggamit,[46] pagtanggap ng mga kickback ng higit 53 milyong US
dolyar sa mga kontrata mula sa mga 7 kompanyang Hapones,[46]pagkomberte ng 27
milyong dolyar mula sa PNB para sa sariling paggamit, at pagbili ng higit sa 52 milyong
pisong halaga ng mga bagay sa mga Duty Free Shop sa Pilipinas upang makaiwas sa
pagbabayad ng buwis.[46]Ninakawan rin ni Marcos ang mga pondong tulong pananalapi ng
Estados Unidos at mga kabayarang reparasyon para sa digmaan ng mga Hapones.[46]
Si Marcos ay inakusahan ng pagtanggap ng mga kickback mula sa kontrata ng Bataan
nuclear power plant.[2] Ang crony ni Marcos na si Herminio Disini ay kinasuhan
ng Sandiganbayan noong 2004 dahil sa umano'y pagkuha ng mga suhol na 18 milyong
dolyar kapalit ng paggamit ng kanyang impluwensiya upang ibigay ang kontrata ng
pagtatayo ng Bataan nuclear power plant para sa mga kompanyang Amerikano na Burns
and Roe at Westinghouse Electrical Corp.[2][47]
Sina Marcos, Danding Cojuangco, Juan Ponce Enrile at Lobregat ay nagsabwatan upang
buwisan ang mga magsasaka ng buko sa tinatawag na Coco Levy Fund Scam. Ang nalikom
na buwis na nagkakahalagang P9.7 bilyong piso ay ginamit para sa pansariling
kapakinabangan.
Pagpapatalsik sa kapangyarihanBaguhin
Pagpaslang kay Ninoy AquinoBaguhin
Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na
humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay
Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983
pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay
pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan (commercial) na paglipad
sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino
International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[48]Ang kanyang asasinasyon
ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala
sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang
humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi
pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong sibil na
hindi pagsunod.[49] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa
panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy
Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang
pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng
1983, ang bansa ay naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng
21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8% noong 1984 at muling
umurong ng 3.8% noong 1985. [50]
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief
Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay
kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit
tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na
si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Ang
pamahalaan ni Marcos ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang
bersiyon ng pangyayari na ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay
nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay
binaril naman ng mga sundalo si Galman.
Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si
Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang
mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at
maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na
ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang
mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng
nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian
Ver at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay
nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay
humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng
mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng
tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at
nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta
at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga
nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy. [50] Noong
1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga
sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo.
Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa
kanyang pagdating sa bansa.[51]. Batay sa mga testigong sina Rebecca Quijano,
Jessie Barcelona at iba pa, nakita nilang ang sundalong si C1C Rogelio Moreno na
nasa likod ni Ninoy habang bumaba sa hagdan ng eroplano si Ninoy ang bumaril
sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay Ninoy na ang bala ay pumasok
mula itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa mababang panga na nagpapakitang
ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni Ninoy.
Snap ElectionBaguhin
Simula 1983 pagkatapos ng pagpaslang kay Ninoy, ang mga opisyal ng
pamahalaan ng Estados Unidos ay hindi na sumuporta sa rehime ni Marcos [52] at
naghanap sila ng mga paraan upang mapatalsik na si Marcos sa
kapangyarihan.[52] Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga
mamamayang Pilipino, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3
Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang
snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7
Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na kasamang tatakbo sa ilalim ng
partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang balo ni Ninoy na
si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3
Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition
(UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos.[53][54]Sa snap election na
idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga
boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga election
return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay nagpapakita na si
Marcos ang nangunguna samantalang ang National Citizen's Movement for the
Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna
sa isang komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser na COMELEC
si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos
ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman,
sa final tally ng National Movement for Free Elections(NAMFREL), si Aquino ay
nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.[55] Ang mga 29
mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa
pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos.[50] Ang
oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa
harap ng kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga
boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na
pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the
Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan
bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang
resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si
Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya
na "nakakabagabag".[56] Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na si
Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay
sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto
laban kay Marcos.[57]
Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa
bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi
ng Parliamento ay lumayas sa pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming
Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo.
Ang parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay
nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay
tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa
mga negosyo at media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga
bangko, korporasyon at mga media ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan
at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay bumagsak.
Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang
seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si
Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang
Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy
Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-
promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga
taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta.
Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga
taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni
Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-
7.[61]Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa
kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga
3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!".[70] Pagkatapos
ng panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol
ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga
estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi
kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo.
Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag
maging marahas.[61]
Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa HawaiiBaguhin
Ang Pangulong Ronald Reagan ay naglabas ng isang pagsusumamo kay Marcos na magbitiw
na: Ang mga pagtatangka na patagalin ang buhay ng kasalukuyang rehime sa pamamagitan ng
dahas ay walang kabuluhan. Ang lunas sa krisis na ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng
isang mapayapang paglipat sa isang bagong pamahalaan.".[52] Binasa ni Marcos ang mensahe
ni Reagan noong alas 3 ng madaling araw (oras ng Maynila) at agad na tinawagan ni Marcos ang
Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula kay
Reagan.[70] Iminungkahi ni Marcos kay Laxalt ang pagsasalo ng kapangyarihan kay Aquino o
manunungkulan bilang nakakatandang tagapayo ni Aquino.[52] Tumawag si Laxalt kay Marcos
ng alas singko. Tinanong ni Marcos kay Laxalt na Senador, ano sa tingin mo? Dapat na ba
akong magbitiw?".[52] Sumagot si Laxalt na "I think you should cut and cut cleanly. I think the
time has come. (Sa tingin ko dapat mo nang putulin at putulin ng malinis. Sa tingin ko dumating
na ang panahon)" na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si
Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na
kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E
Rescue helicopter ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong hilaga
ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong US Air Force DC-9 Medivac at C-141B patungo
sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman sa Hickam Air Force Base
sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986.[61]
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo
ng Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang
dekada. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar
kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na
isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos
democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin
na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong
mundo.")
Ang pampublikong sektor ay gumampan ng mas malaking papel sa ekonomiya noong mga 1970
dahil sa paggastos ng pamahalaan sa GNP ng mga 40 porsiyento.[93] Upang suportahan ang
ekonomiya, si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan.[11] Nang maging Pangulo si Marcos
noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang
mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng
28 bilyong dolyar. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes
sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos
hanggang sa 2025.[3] Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8
bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[4]
Sa kabila ng agresibong mga patakarang pangungutang at paggasta ng pamahalaan ni Marcos,
ang Pilipinas ay nahuhuli sa mga iba pang bansa sa Timog Silangang Asya sa rate ng paglago ng
GDP kada capita. Ang karamihan ng utang na ito ay ginugol ni Marcos sa pagtatayo at
pagpapabuti ng imprastruktura at pagtataguyod ng turismo. Ang turismo ay tumaas na nag-
ambag sa paglago ng ekonomiya. Ang karamihan ng mga turistang ito ay mga balikbayang
Pilipino na bumalik sa ilalim ng Balikbayan Program na inilunsad noong 1973. Ang isa pang
pangunahing pinagkunan ng paglago ng ekonomiya ang mga remittance ng mga manggagawang
Pilipino sa ibang bansa (OFW) na naghanap at nakatagpo ng trabaho sa Gitnang Silangan,
Singapore at Hong Kong dahil hindi makahanap ng mga trabaho sa sariling bansa ay.[98] Ang
pagluluwas ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay isang patakaran ni Marcos noong
1974.[99]
Inutos ni Marcos ang isang pagbawas sa mga paggasta ng pamahalaan at gumamit ng isang
bahagi ng mga naipon upang pondohan ang Sariling Sikap na isang programang
pangkabuhayang kanyang itinatag noong 1984. Gayunpaman, ang ekonomiya ng Pilipinas ay
nakaranas ng isang negatibong paglago mula 1984 at patuloy na bumagsak sa kabila ng mga
pagsisikap ng administrasyon. Ang kabiguang ito ay sanhi ng kaguluhang sibil, ang talamak na
korupsiyon sa loob ng pamahalaan ni Marcos at kawalan ng kredibilidad ni Marcos. Mismong
nilihis ni Marcos ang malalaking bahagi ng salapi ng pamahalaan para sa mga pondong
pangangampanya ng kanyang partido.
Mula 1972 hanggang 1980, ang produksiyon sa agrikultura ay bumagsak ng mga 30%.[100]
Kapitalismong crony at pagtatag ng mga monopolyoBaguhin
Sa pagpapatupad ng Bagong Lipunan, kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang
Tsino at Espanyol" ngunit ang mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at
mga malapit na kaibigan na gumamit ritong mga pronta upang pagtataguan ng mga nakuha nila
sa korupsiyon.[2] Itinatag ni Marcos ang "kapitalismong crony" kung saan malaking nakinabang
ang kanyang mga crony ni Marcos na naging bagong oligarkiya.[27][28] Sa ilalim ng Martial
Law, ginawang pambansa o pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong malalaking
korporasyon gaya ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel
Corporation at iba pa na naging mga pag-aari ng pamilyang Marcos.[8][29][30] Ang
mga monopolyo sa ilang mga mahahalagang industriya ay nilikha ni Marcos at inilagay sa
kontrol ng kanyang mga crony gaya ng industriyang buko sa ilalim nina Eduardo Cojuangco,
Jr. at Juan Ponce Enrile, industriya ng tobacco sa ilalim ni Lucio Tan,[101] industriya ng saging sa
ilalim ni Antonio Floirendo, industriya ng asukal sa ilalim ni Roberto Benedicto at
pagmamanupaktura sa ilalim nina Herminio Disini at Ricardo Silverio.[102] Ang pagtatag ni
Marcos ng mga monopolyo ang malalang nagpalumpo sa ekonomiya ng Pilipinas.[93]Ang mga
magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang mga produkto sa mga
monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong pandaigdigan. Ang
mga opiser ng militar ay inilagay ni Marcos sa lupon ng mga korporasyon at inutos niyang
kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.[2]
Pagkatapos ideklara ni Marcos ang Martial law noong 1972, siya ay nangakong magpapatupad
mga repormang agrarian. Gayunpaman, ang mga reporma ng lupain na ito ay malaking nagsilbi
upang pahinain ang mga kalaban sa lupain ni Marcos at hindi paliitin ang kawalang pantay sa
mga lugar rural.[103][104]
Kahirapan at hindi pantay na sahodBaguhin
Ang kawalang trabaho sa bansa ay lumobo mula 6.30% noong 1972 hanggang 12.55% noong
1985. Ang kawalang pantay sa sahod noong Martial law ay lumago dahil ang pinakamahirap na
60 porsiyento ng bansa ay kumukuha lamang ng 22.5 porsiyento ng sahod ng bansa noong 1980
na mababa mula sa 25 porsiyento noong 1970 samantalang ang pinakamayamang 10 porsiyento
ng populasyon ay kumukuha ng mas malaking bahagi ng sahod ng bansa na 41.7 porsiyento
noong 1980 na tumaas mula 37.1 porsiyento noong 1970. Ang mga trend na ito ay kasabay ng
mga akusasyon ng cronyismo sa administrasyong Marcos dahil ang administrasyon ay nahaharap
sa mga tanong ng pagpapabor sa ilang mga kompanya na malapit kay Marcos.[105] Ayon sa
Family Income and Expenditure Survey na isinagawa 1965 hanggang 1985, ang insidensiya ng
kahirapan sa Pilipinas ay tumaas mula 41 porsiyento noong 1965 hanggang 58.9 porsiyento
noong 1985.[106] Ito ay maituturo sa mas mas mababang real na mga sahod pang-agrikultura at
mas mababang mga sahod para sa wala at may kasanayang mga manggagawa. Ang real na mga
sahod pang-agrikultura ay bumagsak ng mga 25 porsiyento mula sa kanilang 1961 lebel
samantalang ang mga real na sahod para sa mga wala at may kasanayang trabahador ay
nabawasan ng mga 1/3 ng kanilang 1962 lebel.
Mga paglilitis laban sa pamilya Marcos
Noong 1995, ang mga 10,000 Pilipino ay nanalo sa isang U.S. class-action lawsuit na inihain
laban sa estado ni Marcos. Sila ay ginawaran ng kabayaran sa pinsala na $1.96 bilyong dolyar ng
Federal District Court of Honolulu, Hawaii para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong
Martial Law.[107]Ang mga kaso ay inihain ng mga biktima o mga nabubuhay nilang mga kamag-
anak sa pagpapahirap, pagpatay at mga paglaho ng mga ito.[108][109] Kabilang sa mga nanalo ang
mga pamilya ng mga biktimang sina Liliosa Hilao na ginahasa at pinahirapan at pinatay ng
militar dahil sa pagbatikos sa administrasyong Marcos at ng estudyanteng si Archimedes
Trajano na pinahirapan at pinatay ng militar sa ilalim ni Fabian Ver dahil lang sa pagtatanong
kay Imee Marcos sa isang bukas na forum noong 1977.[110][111]
Sa pag-apela ni Imelda Marcos sa hatol ng hukuman, pinagtibay ng United States Court of
Appeals for the Ninth Circuit ang hatol laban kay Marcos at pabor sa mga biktima ni Marcos.
Dahil wala pang nakukuhang pondo upang ipagkaloob sa mga biktima ang hatol, ito ay
ipinagkaloob ng hukuman mula sa mga pondo ng pamilya Marcos sa mga Swiss bank accounts
sa pamamagitan ng mga sangay sa California ng mga Swiss bank. Kalaunang pumasok ang mga
biktima ni Marcos sa isang kasunduang kompromiso sa pamilya Marcos para sa 150 milyong
dolyar na settlement. Noong 1995, sina PCGG chairman Gunigundo at abogado
ng SELDA (Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensiyon at Aresto) na si Robert Swift
ay lumagda sa isang memorandum of agreement para sa isang kompromiso sa
administrasyong Fidel Ramosna tatanggap ng 100 milyong dolyar kapalit ng pagbawi ng class
action na posibleng nagkakaloob sa pamilya Marcos ng imunidad mula sa mga hinaharap na
demanda laban sa kanila. Ang kasunduang ito ay kinundena ng SELDA bilang ilegal at imoral na
nagtulak kay Ramos na huwag nang lagdaan ang kasunduan. Noong Marso 1997, pinagtibay
ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos ang desisyon ng Court of Appeals laban kay
Marcos at pabor sa mga biktima ni Marcos.
Inilalagay ng mga grupong Human rights ang bilang ng mga biktima ng ekstrahudisyal na
pagpatay sa ilalim ng martial law ni Marcos sa 1500 katao. Ayon as Karapatan, ang mga rekord
ay nagpapakitang ang 759 katao ay hindi boluntaryong naglaho (ang kanilang mga katawan ay
hindi kailanman natagpuan). Ayon sa historyan ng militar na si Alfred McCoy may 3,257
ekstrahudisyal na pagpatay, 35,000 biktima ng mga pagpapahirap at 70,000 mga nabilanggo
noong mga panahon ng pamumuno ni Marcos.
Mga nabawing kayamanan ng pamilya Marcos
Noong 2003, idineklara ng Korte Suprema ng Pilipinas na ang anumang kayamanan ni Ferdinand
Marcos na labis sa kanyang kabuuang legal na kinita na $304,000 bilang Pangulo ng Pilipinas
mula 1965 hanggang 1986 ay ipagpapalagay na kayamanang nakuha mula sa masama.
Nagawang mabawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na itinatag noong
1986 ang 164 bilyong piso ($US 4 bilyong dolyar) na kinuha ni Marcos kabilang ang mga alahas
gaya ng isang 150-carat ruby at isang diamanteng tiara, mga daang milyong mga dolyar na
itinago sa mga Swiss bank account at mga prime real estate.
Noong 2003, ibinalik ng pamahalaan ng Switzerland sa pamahalaan ng Pilipinas ang US$684
milyon (o 8 bilyong piso) ng kayamanan ni Marcos na nakatago sa mga Swiss account. Ang
salaping ito ay ibabayad sa mga biktima ni Marcos noong martial law.
Noong 1968, ginamit ni Ferdinand at Imelda ang mga alias na William Saunders at Jane Ryan
upang buksan ang kanilang unang Swiss bank account sa Zurich, Switzerland, na may balanseng
$950,000 noong Marso 1968 nang ang sahod ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas ay $5,600
lamang.[120]
Noong Pebrero 2014, nabawi ng pamahalaan ng Pilipinas ang higit 29 milyong dolyar o mga
₱1.3 bilyon mula sa mga natitirang salapi ni Ferdinand Marcos na nakatago sa mga mga Swiss
account sa Singapore.[114]
Hinahanap pa ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga 150 painting ng mga tanyag na maestro at
pintor na nalikom ng pamilya Marcos na naglaho pagkatapos mapatalsik ang pamilya Marcos sa
Pilipinas noong Pebrero 1986.
Noong Enero 2014, ang dating sekretarya ni Imelda Marcos na si Vilma Bautista ay hinatulan ng
dalawa hanggang anim na taong pagkakabilanggo sa New York dahil sa pakikipagsabwatan sa
pagbebenta ng painting ni Claude Monet na Le Bassin aux Nymphéas sa London gallery sa
halagang $28 milyon.[121] Ang painting ay naglaho mula sa konsulado ng Pilipinas sa Manhattan,
New York City pagkatapos mapatalsik ang mga Marcos noong 1986.[122]
Mga inaangking pinagmulan ng kayamanan ni MarcosBaguhin
Noong 1992, inangkin ni Imelda Marcos na ang kayamanan ni Ferdinand Marcos ay mula
sa Ginto ni Yamashita[123] ngunit ito ay hindi pinaniniwalaan ng mga imbestigador. Ayon sa
imbestigador na si Minoru Fukumitsu na naglingkod sa staff ni Heneral Douglas MacArthur,
nagsagawa siya ng lubusang imbestigasyon sa ginto ni Yamashita ngunit walang siyang nahanap
na ebidensiyang ito ay umiral.[124][125] Inembistagahan ni Fukumitsu ang mga 200 Hapones na
opiser at mga lalakeng naglingkod sa ilalim ni Tomoyuki Yamashita.[124] Pinaniniwalaan ng ilan
na inimbento lang ni Marcos ang kuwento na nakamit nito ang ginto ni Yamashita upang itago
ang pagnanakaw nito sa mga reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa
pamahalaan ng Pilipinas, ang 800,000 troy ounce ng reserbang ginto ng Bangko Sentral ng
Pilipinas ay ninakaw o nilihis ni Marcos para sa pansariling paggamit.[46] Noong 2006, inangkin
naman ni Imelda na ang kayamanan ng kanyang asawa ay mula sa pagiging gold trader nito at
inangking nagkamit ito ng 7,500 tonelada ng ginto noong mga 1950.[126]Gayunpaman, walang
record ang BIR na ang pamilya Marcos ay nagdeklara o nagbayad ng buwis sa mga inangking
ari-ariang ito. Ayon naman kay Imelda noong 1998, nalikom ni Ferdinand Marcos bilang gold
trader ang 1,000 toneladang ginto habang isang "gerilya" noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at nakalikom ng 4,000 toneladang ginto noong mga 1970. Inangkin ni Imelda na
bumili si Ferdinand ng ginto sa halagang 17 dolyar kada ounce at ipinagbili ito ng 31 dolyar kada
ounce.[127] Ang pag-aangking ito ni Imelda ay kinutya ng mga eksperto ng ginto sa Pilipinas at
ibang bansa. Ayon sa mga eksperto ng ginto, ang 4,000 tonelada ng ginto ay kumakatawan sa
output ng ginto ng Timog Aprika sa loob ng 10 taon at sa Pilipinas sa loob ng 100 taon. Ayon sa
Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Gabriel C. Singson hinggil sa pag-aangkin ni
Imelda, "Magiging katatawanan lamang tayo ng buong mundo".[127]
Mga panlabas na kawingBaguhin
BELIEVE IT OR NOT: THE FACTS, THE BACKGROUND AND PROCESS OF THE GREATEST
LOOT IN HISTORY Marcos Chronology Report
Ferdinand Marcos’ Daughter Tied to Offshore Trust in Caribbean, 3 Abril 2013
Philippine Government to Probe Marcos Daughter’s Offshore Trust, 4 Abril 2013
Hanapin
Baguhin
Bantayin ang pahinang ito
Panunungkulan
25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992
Relihiyon Katoliko
TalambuhayBaguhin
Si María Corazón "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933
sa Paniqui, Tarlac at ikaapat na anak nina José Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang
kanyang mga kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang
kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio
Cojuangco na kasapi ng Kongreso ng Malolos. Ang kanyang ina ay mula sa
maimpluwensiya sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang
angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban kay Manuel L. Quezon noong 1941. Si
Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Manila sa kanyang elemetaryang
edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent sa
New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang Pranses. Siya ay
nagboluntero para sa pangangampanya ni United States Republican presidential candidate
Thomas Dewey laban sa Pangulo ng Estados Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang
Pagkapangulo. Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag-aral ng Batas
sa Far Eastern University na pag-aari ng mga in-law ng kanyang kapatid na si Josephine
Reyes. Siya ay nag-aral ng isang taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng
dating Ispiker na si Benigno S. Aquino, Jr.. Sila ay nagkaroon ng limang anak: María Elena
(ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora Corazón (ipinanganak noong 27 Disyembre
1957), Benigno Simeon III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa
(ipinanganak noong 27 Oktubre 1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong 14
Pebrero 1971).
Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging
pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng
Pilipinas noong 1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika
ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand
Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng
pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong
termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972
at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa
pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo
ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978
halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy
Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos
kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan.
Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na
bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.
Pagpaslang sa kanyang asawang si Ninoy sa paliparanBaguhin
Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na
humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos
ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng
isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang
bumababa sa isang pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International
Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang
pagpaparangal kay Ninoy.[3] Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa
maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang
pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na
nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang
buong sibil na hindi pagsunod.[4] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na
sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy
Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan
ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay
naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng
Pilipinas ay umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. [5]
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief
Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy.
Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng
kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at
ang komisyong ito ay gumuho. Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at
retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping
komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang
malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na
ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga
parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot
dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan
lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot
kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga
pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985
ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng
komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may
papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985,
ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay
Ninoy.[5] Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15
pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo.
Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang
pagdating sa bansa.[6].
Snap electionBaguhin
Noong mga 1984, ang malapit na personal na kaalyado ni Marcos na si Pangulong Ronald
Reagan ng Estados Unidos ay nagsimulang maglayo ng kanyang sarili sa rehimeng Marcos
na kanyang malakas na sinuportahan gayundin ng mga nakaraang pangulo ng Estados
Unidos kahit pa pagkatapos ideklara ni Marcos ang martial law. Ang tulong na mga
milyong milyong dolyar ng Estados Unidos ang sumuporta sa pamumuno ni Marcos sa
paglipas ng mga taon.[7] Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga
mamamayang Pilipino at dahil sa pagpipilit ng kaalyadong Estados Unidos, pinatawag ni
Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa
isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at
pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na kasamang
tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang biyuda ni
Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3
Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition
(UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos.[8][9] Sa snap election na idinaos noong 7
Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at
karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga election return. Ang Commission on
Elections (COMELEC) tally board ay nagpapakita na si Marcos ang nangunguna
samantalang ang National Citizen's Movement for the Free Elections (NAMFREL) ay
nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang komportableng margin.
Idenaklara ng opisyal na canvasser na COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa
halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa
9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free
Elections(NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni
Marcos.[10] Ang mga 29 mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na
nagpoprotesta sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos. Ang
oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa harap ng
kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga
pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na pinuno ng Kilusang Bagong
Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ay naglabas ng
isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados
Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng
Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na tumatawag sa mga ulat ng
pandaraya na "nakakabagabag".[11] Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na
si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng
NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.[12]
Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang
nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento
ay lumayas sa pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng
halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong "mga nanalo" sa
pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang
magkaibang mga lugar. Si Aquino ay tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga
mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at media na pag-aari ng mga crony ni Marcos.
Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media ng mga crony ni Marcos ay
matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay bumagsak.
Himagsikang People powerBaguhin
Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay
naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'etat laban kay Marcos. Ang simulang plano ay
salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay
kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan
ng radyo at telebisyon, ang GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga highway junctions
upang limitahan ang mga kontra-opensibo ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt.
Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa Malacanang Palace.
Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak na ito, kanyang inutos ang
pagdakip sa mga pinuno nito[13] at itinanghal sa lokal at internasyonal na press ang ilan sa
mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito
Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[14][15]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga
kapwa nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt.
Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National
Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga
nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at
Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press sa Kampo Aguinaldo kung saan nila
inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni Marcos at pag-
urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos ay kalaunang
nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na sumuko
na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito".[16] Sa isang mensaheng
isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang
mga Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa
seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Kampo Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang
emosyonal, mga pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang
tumungo sa EDSA.[16][17]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang
pananambang sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng
martial law.[18]
Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating
upang patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa
pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby
transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid.[17] Ang himpilan ay
pinuntirya ni Marcos dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan
para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa
mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga mensahe para sa pagkain, gamot at
mga suplay.[16]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang
libong hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na
marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa
mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng
mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang
mga lugar sa kahabaan ng EDSA. Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa
kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit ng Bayan Ko[19]na mula pa 1980
ay naging makabayang antema ng oposisyon. Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang
tandang LABAN[20] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng
tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga
posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa
gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[16] Sa gitnang katanghalian, ang Radio Veritas ay
naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at
mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga
Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni Brigadier
General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa
mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[21] Ang mga madreng humahawak ng
mga rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak
upang harangin ang mga hukbo.[22] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit
hindi gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang
pagpapaputok ng baril na nangyari.[16] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay
nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa
pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa
ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986,
ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga
marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay naghagis ng mga tear gas sa mga
demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay pumasok naman at
humawak sa silangang panig ng Kampo Aguinaldo.[16] Kalauna, ang mga helicopter ng ika-
15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay
inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Kampo Crame.[23] Sa lihim, ang
squadron ay dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may
mga naghahiyawang mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang
helicopter na Bell 214 na piniloto ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at
mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air
Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang
presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na
humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan.[16] Sa katanghalian, si
Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at
mga tao ay naghihintay.[23]
Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang
Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay
nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga
tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa
telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4,[24] na nagdedeklarang hindi siya
magbibitiw sa pagkapangulo. Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong
pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga depeksiyon.[16] Sa
pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang naglaho sa himpapawid. Binihag
isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano Santiago ang himpilian. Ang
Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly Punzalan na ang
"Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa mga
panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon.[16] Ang
pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang
unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14
taong pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga
helicopter ng rebelde ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang
panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na
nagpatama ng isang rocket at nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng
mga opiser na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa
pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa
kabilang panig.[16]
Dalawang inaugurasyon ng panguloBaguhin
Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng sagupaan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga
rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng
Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang
mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay
ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13
at GMA-7.[16]Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa
seremonyang ito sa kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa
balkonahe sa harap ng mga 3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin
ang mga Ahas!".[25] Pagkatapos ng panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa
labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga
rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola,
hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga
sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na
nakiusap na huwag maging marahas.[16]
Paglisan ng pamilya Marcos sa PilipinasBaguhin
Noong alas-tres ng hapon ng Lunes (EST), kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados
Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula sa White House.[25] Pinayuhan siya ni
Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap
ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga
malalapit na kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E
Rescue helicopter ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong
hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong US Air Force DC-9 Medivac at C-
141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman sa Hickam Air
Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986.[16]
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang
Palasyo ng Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa
nakaraang dekada. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob
ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS
na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the
Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga
Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi
tinuturuan nila ang buong mundo.")
Bilang PanguloBaguhin
EkonomiyaBaguhin
Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang
pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand
Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas.
Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng
Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na
nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino
mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento.[26] Noong
1989, ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa
kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga
pribadong industriyang ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos. Ang ekonomiya ay
lumago ng 3.4 porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup
noong 1989 ay nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may
aberaheng paglago na 3.4 porsiyento sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino. Ang
mga 50 porsiyento ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na sinasabing
pagbuti mula 1985 nang ang halos 60 porsiyento ay nasa ilalim ng kahirapan.[27]Hindi rin
nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng mamamayan. Sa huling taon ni Aquino,
ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang trabaho ay 10 porsiyento. Sinikap ni
Aquino na kalasin ang mga cartel, mga monopolyo at mga oligopolyo ng mga industriya na
itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal.[27]Noong
1986, nangako si Aquino ng isang reporma sa lupain. Bago ng pagluklok ni Aquino, ang
halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng lupain.[27] Noong
1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa
ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari
ng mga lupain.[27] Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang
magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag
rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain.
Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong
pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta
ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa sa
loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain
at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang Hacienda Luisita na isang
4,435-hektaryang lupain na pagmamayari ng pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi
ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock sa mga manggawa
nito. Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga
hindi kanais nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga. Inangkin ng
mga administrador ni Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain
mula 1988 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at
kaunti ng 2 porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit
ng pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang
Asya.[27] Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito
samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay. Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan
ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas
gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa
pamumuhunang pandayuhan.[27] Sa ilalim ni Aquino, ang mga sistema ng korupsiyon ng
nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at
ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.[28]
KamatayanBaguhin
Noong 24 Marso 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa colon), isang
sakit sa bituka, ang dating pangulo. Siya ay namatay noong 1 Agosto 2009 sa Makati
Medical Center sa Makati dahil sa sakit na ito sa edad na 76.[29][30]
Tingnan dinBaguhin
Ang Pagpanaw at Parangal kay Corazon Aquino
Mga sanggunianBaguhin
1. ↑ Ang tungkuling ito ay pinawalang-bisa sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 3 noong 25
Marso 1986.
2. ↑ Ager, Maila (2009-08-01). "Cory Aquino dies".
Inquirer.NET. http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090801-218235/Cory-
Aquino-dies. Hinango noong 2009-08-01.
3. ↑ Javate-De Dios, Aurora et al., ed. (1988), Dictatorship and Revolution: Roots of People's Power,
Conspectus Foundation Incorporated,
p. 132, ISBN [[Special:BookSources/9919108018|9919108018]].
4. ↑ Schock, Kurt (2005), "People Power Unleashed: South Africa and the Philippines", Unarmed
Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies, University of Minnesota Press,
pp. 56, ISBN 0-8166-4192-7
5. ↑ 5.0 5.1 "Lakas Ng Bayan: The People's Power/EDSA Revolution 1986". University of
Alberta, Canada. http://www.ualberta.ca/~vmitchel/fw9.html. Hinango noong 2007-12-10.
6. ↑http://www.nytimes.com/1990/09/29/world/16-sentenced-to-life-for-killing-aquino.html
7. ↑ Pace, Eric (29 Setyembre 1989). "Autocrat With a Regal Manner, Marcos Ruled for 2
Decades". The New York
Times. http://select.nytimes.com/gst/abstract.html?res=FA0715FE3A5E0C7A8EDDA00894D1484
D81. Hinango noong 24 Enero 2011.
8. ↑ Pollard, Vincent Kelly (2004). Globalization, democratization and Asian leadership: power
sharing, foreign policy and society in the Philippines and Japan. Ashgate Publishing.
p. 50. ISBN 978-0-7546-1539-2. http://books.google.com/books?id=L37RZlzA530C&pg=PA50.
9. ↑ Parnell, Philip C. (2003). "Criminalizing Colonialism: Democracy Meets Law in Manila". In
Parnell, Philip C. & Kane, Stephanie C.. Crime's power: anthropologists and the ethnography of
crime. Palgrave-Macmillan. p. 214. ISBN 978-1-4039-6179-
2. http://books.google.com/books?id=j2hpz4_fob4C&pg=PA214.
10. ↑ Peter Ackerman; Jack DuVall (2001), A force more powerful: a century of nonviolent conflict,
Macmillan, p. 384, ISBN 978-0-312-24050-9, http://books.google.com/?id=OVtKS9DCN0kC;
^ Isabelo T. Crisostomo (1987), Cory--profile of a president, Branden Books, p. 193, ISBN 978-0-
8283-1913-3, http://books.google.com/?id=iW_ddLowBYkC (showing a reproduction of
NAMFREL's announcement of the results).
11. ↑ "PRESIDENT'S STATEMENT, FEB. 11, 1986". US Department of State Bulletin, April, 1986.
1986. http://findarticles.com/p/articles/mi_m1079/is_v86/ai_4188363. Hinango noong 2007-12-03.
12. ↑ Schock, Kurt (2005), Unarmed Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies, U of
Minnesota Press, p. 77, ISBN 978-0-8166-4193-
2, http://books.google.com/?id=RRVk5qJpOH8C&pg=PA77&dq=Cory+Aquino+1986+inauguratio
n, hinango noong 2007-12-03.
13. ↑ West, Lois A. (1997), Militant Labor in the Philippines, Temple University Press, pp. 19–
20, ISBN 1-56639-491-
0, http://books.google.com/?id=KcaOhzm8gAQC&pg=PA20&dq=Philippine+People+power+revol
ution, hinango noong 2007-12-03.
14. ↑ An Account of February Revolution
15. ↑ Day One (EDSA: The Original People Power Revolution)
16. ↑ 16.00 16.01 16.02 16.03 16.04 16.05 16.06 16.0716.08 16.09 16.10 16.11 16.12 Paul Sagmayao, Mercado;
Francisco S. Tatad (1986), People Power: The Philippine Revolution of 1986: An Eyewitness
History, Manila, Philippines: The James B. Reuter, S.J.,
Foundation, ISBN [[Special:BookSources/0-9639420-7-8|0-9639420-7-8]]
17. ↑ 17.0 17.1 McCargo, Duncan (2003), Media and Politics in Pacific Asia, Routledge, p. 20, ISBN 0-
415-23375-
5, http://books.google.com/?id=CuGJ575iLLAC&pg=PA20&dq=Radio+Veritas+1986+Philippine+
revolution, hinango noong 2007-12-03.
18. ↑ Impossible Dream, Sandra Burton
19. ↑ Taylor, Robert H. (2002), The Idea of Freedom in Asia and Africa, Stanford University Press,
p. 210, ISBN 0-8047-4514-
5, http://books.google.com/?id=RfbSlkGP8TEC&pg=PA210&dq=Bayan+Ko+in+1986+Philippine+
revolution, hinango noong 2007-12-03.
20. ↑ Crisostomo, Isabelo T. (1987), Cory, Profile of a President: The Historic Rise to Power of
Corazon., Branden Books, p. 217, ISBN 0-8283-1913-
8, http://books.google.com/?id=iW_ddLowBYkC&pg=PA217&dq=LABAN+signs+during+EDSA+
I, hinango noong 2007-12-03.
21. ↑ Lizano, Lolita (1988), Flower in a Gun Barrel: The Untold Story of the Edsa Revolution, L.R.
Lizano, http://books.google.com/?id=Bm0yAAAAIAAJ&dq=EDSA+Revolution&q=EDSA+Revol
ution, hinango noong 2007-12-02.
22. ↑ Merkl, Peter H. (2005), The Rift Between America And Old Europe: the distracted eagle,
Routledge, p. 144, ISBN 0-415-35985-
6, http://books.google.com/?id=WavpuvE2HA4C&pg=PA144&dq=EDSA+Revolution, hinango
noong 2007-12-02.
23. ↑ 23.0 23.1 Crisostomo, Isabelo T. (1987-04-01), Cory, Profile of a President: The Historic Rise to
Power of Corazon., Branden Books (published 1987), p. 226, ISBN 978-0-8283-1913-
3, http://books.google.com/?id=iW_ddLowBYkC&pg=PA226&dq=Col.+Antonio+Sotelo+to+camp
+crame, hinango noong 2007-12-03.
24. ↑ Maramba, Asuncion David (1987), On the Scene: The Philippine Press Coverage of the 1986
Revolution, Solar publishing Corp., p. 27, ISBN 978-971-17-0628-
9, http://books.google.com/?id=2QAeAAAAMAAJ&dq=Channel+9+tower+in+1986+revolution&q
=Channel+4, hinango noong 2007-12-03.
25. ↑ 25.0 25.1 Ellison, Katherine (2005), Imelda: Steel Butterfly of the Philippines, iUniverse,
p. 244, ISBN 0-595-34922-6, http://books.google.com/?id=Dfl53AtDM0oC&pg=RA1-
PA244&dq=Dahil+Sa+sang+by+Imelda+Marcos, hinango noong 2007-12-03.
26. ↑http://www.gmanetwork.com/news/story/211655/economy/ing-phl-economy-may-average-5-3-
from-2010-2016
27. ↑ 27.0 27.1 27.2 27.3 27.4 27.5http://news.google.com/newspapers?nid=2209&dat=19920705&id=kZhK
AAAAIBAJ&sjid=PJQMAAAAIBAJ&pg=5042,855367
28. ↑ Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may
pangalang Aquino ); $2
29. ↑ Philippines Icon Corazon Aquino Has Cancer, Former President And Ouster Of Marcos
Dictatorship, 75, Reportedly Has Colon Cancer, Manila, Philippines, 23 Marso 2008, The
Associated Pressm, CBS.news.com, nakuha noong 25 Marso 2008
30. ↑ Samonte, Angelo S., Anthony A. Vargas, Sammy Martin and AFP. Cory Aquino battling colon
cancer –Kris, Bishops, political leaders extend prayers, support, Top Stories, ManilaTimes.net, 27
Marso 2008, nakuha noong 25 Marso 2008
Sinundan ni:
Inunahan ni: Pangulo ng
Gloria
Fidel V. Pilipinas
Macapagal-
Ramos 1998–2001
Arroyo
13.Joseph Estrada
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph
Ejercito Estrada, o Erap ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.
Siya ay nahalal na Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.
Joseph Ejercito Estrada
Alkalde ng Maynila
Kasalukuyan
Panunungkulan
30 Hunyo 2013
Panunungkulan
30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998
Hanapbuhay Aktor
Relihiyon Katoliko
Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at
pangalawang pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay
napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na
humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II".
Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion
perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.
Talambuhay
Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio
Ejercito, Sr., na isang Inhinyeriya|inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik sa
kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at kalaunang
pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology. Huminto sa pag-
aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad
na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga
ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel
ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan
sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.
Si Estrada ay nagpakasal kay Dra.Loi Estrada|Luísa "Loi" Pimentel Estrada at
nagkaroon ng 3 anak: sina Jinggoy Estrada, alkalde ng San Juan (1992–2001) at
Senador (2004–), Jackie Ejercito (na ikinasal kay Beaver Lopez na anak ng Meralco
chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima pang ibang mga
anak sa ibang mga babae: sina JV Ejercito]], Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy
Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si
Estrada ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary
Estrada.
Alkalde ng San Juan
Noong 1968, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-alkalde ng San
Juan, Kalakhang Maynila. Siya ay natalo kay Dr. Braulio Sto. Domingo. Gayunpaman,
si Estrada ay pinroklamang nagwagi matapos niyang magsampa ng protestang
elektoral. Si Estrada ay nagsilbing alkalde ng 16 na taon.
Noong 1977, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist"
ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most
Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll.
TalababaBaguhin
1. ↑ Binaliktad ng salitang pare
2. ↑http://www.newsflash.org/erap/inaugural.htm
3. ↑http://www.gmanetwork.com/news/story/211655/economy/ing-phl-economy-may-average-5-
3-from-2010-2016
4. ↑http://www.lawphil.net/current/impeachment/articles.html
5. ↑ 5.0 5.1http://www.philstar.com/headlines/38150/sandiganbayan-finds-p1-b-jose-velarde-
account
6. ↑ http://www.accessmylibrary.com/article-1G1-187056292/gatchalian-lawyers-tag-erap.htmle
7. ↑http://www.lawphil.net/bulletin/n_021501.html
8. ↑ 8.0 8.1 8.2http://www.newsflash.org/2001/01/hl/hl012960.htm
9. ↑http://www.newsflash.org/2002/04/hl/hl015539.htm
10. ↑ 10.0 10.1http://www.gmanetwork.com/news/story/6813/news/nation/estrada-admits-signing-
bank-documents-as-jose-velarde
11. ↑http://www.philstar.com/headlines/720289/dichaves-asks-sandigan-junk-his-plunder-case
Sinundan ni:
Inunahan ni: Pangulo ng Pilipinas
Gloria Macapagal-
Fidel V. Ramos 1998–2001
Arroyo
Kasalukuyan
Panunungkulan
Hulyo 23, 2018
Panunungkulan
20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010
Pangalawang Pangulo Teofisto Guingona(2001–2004)
Noli de Castro (2004–2010)
Panunungkulan
30 Hunyo 1998 – 20 Enero 2001
Kasalukuyan
Panunungkulan
30 Hunyo 2010
Relihiyon Katoliko
Lagda
Resulta
Gloria
Macapagal- Lakas(K-4) 12,905,808 39.99%
Arroyo
Fernando
KNP 11,782,232 36.51%
Poe, Jr.
Panfilo LDP(Aquino
3,510,080 10.88%
Lacson wing)
Eddie
Bangon 1,988,218 6.16%
Villanueva
100.00%
Mga rehistradong botante 43.895,324
EkonomiyaBaguhin
Dahil sa pagkakaroon ng Master degree at doktoral sa ekonomiks, itinuon ni
Arroyo ang kanyang pagkapangulo sa Ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng
pamumuno ni Arroyo mula 2001 hanggang 2010, ang pangkaraniwang paglago
ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%.Ito ay higit na mataas kung ihahambing sa
pamumuno ng kanyang mga kahalinhinan, Corazon Aquino (3.8%), Fidel
Ramos (3.7%), at kay Joseph Estrada(3.7%). Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas
sa pinakamabilis nitong antas sa loob ng nakaraang tatlong dekada noong 2007,
na may pagtaas ng real GDP na 7%.Isa ang ekonomiya ng Pilipinas ang nakaiwas
sa epekto ng pandaigdigang krisis pinansiyal ng 2008, na higit na mabuti kaysa sa
mga karatig bansa nito dahil sa sa mababang pagtuon sa mga kalakal na
iniluluwas at mataas na padala ng mga OFW na mula sa apat hanggang limang
milyon, at ang papaunlad na industriya ng BPO. Ang paghawak ni Arroyo sa
ekonomiya ng Pilipinas ay umani ng papuri mula kay dating Pangulo ng Estados
Unidos Bill Clinton, na sinabing ang mga "mahihirap na desisyon" ang
nagpabalik sigla sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa kabila ng paglago, nanatili ang
kahirapan dahil sa mataas na antas ng paglaki ng populasyon at hindi pantay-
pantay na pagbabahagi ng kita sa mamamayan.Noong 2004, ang ekonomiya ng
Pilipinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong
2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon
ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay
nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya
ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang
nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado
ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada
isang Dolyar ang Piso. Pagkatapos ng pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008
at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago ng GDP ay umahon sa 7.6%
noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang
mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na
bumubuo ng mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng
4.6% sa loob ng nakaraang dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas
na pinanatiling landas ng paglago sa ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada
sa karamihan ng mga pagtatantiya upang makasulong sa pagpapagaan ng
kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng Pilipinas na isa sa may
pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na mahirap ay
tumaas mula 24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng
karagdagang 3.3 milyong mga mahihirap na Pilipino.
Mga kontrobersiyang kinasangkutan
Jose Pidal scandal
Inakusahan ni Senador Panfilo Lacson noong 2003 ang asawa ni Arroyo na
si Mike Arroyong money laundering ng mga 260 milyong piso gamit ang mga
bank account sa ilalim ng pangalang Jose Pidal na sinasabing mula sa mga
kontribusyon sa pangangampanya ni Gloria .
Hello Garci scandal
Pangunahing lathalain: Hello Garci scandal
NBN-ZTE scandal
Pangunahing lathalain: NBN-ZTE Scandal
Pangalawang
Inunahan ni: Sinundan ni:
Pangulo ng
Joseph Teofisto
Pilipinas
Estrada Guingona
1998 – 2001
Inunahan ni:
Kalihim ng Sinundan ni:
Teofisto
Ugnayang Blas Ople
Guingona
Panlabas
2002
Kalihim ng
Sinundan ni:
Inunahan ni: Tanggulang
Eduardo
Angelo Reyes Pambansa
Ermita
2003
Kalihim ng
Inunahan ni:
Ugnayang Sinundan ni:
Franklin
Panlabas Delia Albert
Ebdalin
2003
Kalihim ng
Sinundan ni:
Inunahan ni: Tanggulang
Hermogenes
Avelino Cruz Pambansa
Ebdane
2006 – 2007
National
Inunahan ni:
Chairman ng
Jose de Kasalukuyan
Lakas-CMD
Venecia
2004 – kasalukuyan
Chairman
Inunahan ni:
Emeritus ng
Luis Kasalukuyan
KAMPI
Villafuerte
2004 – kasalukuyan
Panunungkulan
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2016
Senador ng Pilipinas
Panunungkulan
Hunyo 30, 2007 – Hunyo 30, 2010
Panunungkulan
Hunyo 30, 2010 – Hulyo 9, 2010
Kabansaan Pilipino
Websayt www.noynoy.ph/
Talambuhay
Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kaniyang Batsilyer sa Sining na
Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1981, at
sumáma sa kaniyang pamilya nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito
sa Estados Unidos. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang pagpaslang
sa kaniyang ama at humawak ng ilang mga posisyon sa pribadong sektor. Noong 1998,
nahalal siya bílang Kinatawan ng ika-2 Distrito ng lalawigan ng Tarlac.
Siya ang ikaapat na henerasyon ng mga politiko sa kanilang pamilya: ang kaniyang
lolo sa tuhod, si Servillano "Mianong" Aquino, ay naglingkod bílang delegado
sa Kapulungan ng Malolos; ang kaniyang lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod
bílang Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula
noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga magulang na sina dating
Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.Kasapi si Aquino
ng Partido Liberal ng Pilipinas.
Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak.
Dáting kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod
ng Valenzuela at pamangkin ni dating senador Francisco Tatad. Noong Nobyembre
2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad. Dati niya ring sinuyo
si Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, at Liz Uy.
Kongreso
Kinatawan
Si Aquino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1998
bílang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tarlac. Siya ay muling nahalal noong 2001
at 2004 at nagsilbing kinatawan hanggang 2007. Dahil sa limitasyon ng termino, hindi
na siya makakatakbong muli sa halalan ng kinatawan.
Senador
Si Aquino ay tumakbo at nahalal sa Senado noong 2007. Siya ang ikaanim na
pinakamataas na nakuhang boto sa mga 37 kandidato para sa 12 bakanteng upuan ng
senado.
16.Rodrigo Duterte
Pilipinong pulitiko at ang ikalabing-anim na Pangulo ng Pilipinas
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte (ipinanganak noong Marso 28, 1945), kilalá rin sa
kanyang bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at politiko na kasalakuyang
naninilbihan bílang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang unang naging pangulo na
mula sa Mindanao.
Pangulo
Rodrigo Roa Duterte
Kasalukuyan
Panunungkulan
Hunyo 30, 2016
Panunungkulan
Hunyo 30, 2013 – Hunyo 30, 2016
Panunungkulan
Hunyo 30, 2001 – Hunyo 30, 2010
Panunungkulan
Pebrero 2, 1988 – Marso 19, 1998
Panunungkulan
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2013
Panunungkulan
Mayo 2, 1986 – Nobyembre 27, 1987
Officer in Charge
Panunungkulan
Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2001
Relihiyon Deismo[1][2][3][4]
Romano Katolisismo(hindi sinasanay)[5]
Si Duterte ay isinilang noong Marso 28, 1945, sa Maasin (na ngayon ay kabesera ng
Timog Leyte ngunit dati ay bahagi ng insular na lalawigan ng Leyte sa Komonwelt ng
Pilipinas). Ang ama niya na si Vicente G. Duterte ay isang abogadong Sebwano at ang
kaniyang ina na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan, ay isang guro
at civic leader na Maranaw. Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging
gobernador ng lalawigan ng (na dáting hindi magkakahiwalay) na lalawigan ng Davao,
ay naging akting meyor ng Danao, Cebu.
Pagkapangulo
Noong Mayo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Rodrigo Duterte
bílang president-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo sa opisyal na bilangán ng
mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong Mayo 27, 2016, na may 16,601,997 boto,
mas mataas nang 6.6 milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar
Roxas.
Mga sanggunian
1. ↑ Punzalan, Jamaine (Mayo 22, 2016). "Duterte calls Catholic Church 'most hypocritical
institution'". ABS-CBN (Quezon City). http://news.abs-cbn.com/nation/05/22/16/duterte-calls-
catholic-church-most-hypocritical-institution. Hinango noong Mayo 22, 2016.
2. ↑ Sidocon, Gino (Mayo 20, 2016). "Netizens react to Duterte’s statement on God,
religion". Manila Bulletin (Intramuros, Manila). http://www.mb.com.ph/netizens-react-to-
dutertes-statement-on-god-religion. Hinango noong Mayo 22, 2016.
3. ↑ Romero, Alexis (Mayo 20, 2016). "Duterte says he believes in God but not in religion". The
Philippine Star (Port Area,
Manila). http://www.philstar.com/headlines/2016/05/20/1585212/duterte-says-he-believes-
god-not-religion. Hinango noong Mayo 22, 2016.
4. ↑ "Duterte: I believe in God, but not in religion". GMA (Quezon City). Mayo 19,
2016. http://www.gmanetwork.com/news/story/566934/news/nation/duterte-i-believe-in-god-
but-not-in-religion. Hinango noong Mayo 22, 2016.
5. ↑ Ho, Alex (Enero 23, 2016). "Duterte leaves religion for mayoral duties; sees Roxas as
'useless'". CNN
Philippines(Mandaluyong). http://cnnphilippines.com/news/2016/01/19/Duterte-leaves-
religion-for-mayoral-duties-sees-Roxas-useless.html. Hinango noong Mayo 22, 2016.
6. ↑ Personal Data from i-site.ph. URL huling pinasok noong Oktubre 14, 2006.
7. ↑ "Duterte seals presidency in Congress official tally". Inquirer.net. Mayo 27,
2016. http://newsinfo.inquirer.net/787870/duterte-seals-presidency-in-congress-official-tally.
Hinango noong Mayo 27, 2016.
8. ↑ "Duterte, Robredo win in final, official tally". Philippine Star. Mayo 27,
2016. http://www.philstar.com/headlines/2016/05/27/1587569/duterte-robredo-win-final-
official-tally. Hinango noong Mayo 27, 2016.
9. ↑ "Official count: Duterte is new president, Robredo is vice president". CNN Philippines.
Mayo 27, 2016. http://cnnphilippines.com/news/2016/05/27/official-count-duterte-president-
robredo-vp.html. Hinango noong Mayo 27, 2016.
10. ↑ Gavilan, Jodesz (Mayo 13, 2016). "The many firsts of president-elect
Duterte". Rappler. http://www.rappler.com/newsbreak/iq/132862-rodrigo-duterte-president-
firsts. Hinango noong Mayo 28, 2016.