You are on page 1of 6

ARALIN 2: ANG SALIGANG BATAS NG 1898, 1935, 1973 AT 1987

Panimula

Isa sa mga mahahalagang mandato ng saligang batas na siyang kataas-taasang batas sa kapuluan ay ang
pag-aaral nito upang magkaroon nang sapat na kaaalaman hindi lamang sa batas kung hindi sa mga
pundamental na karapatan at responsibilidad natin bilang isang Pilipino. Itinatakda ng Saligang Batas ng
Pilipinas o kilala rin sa tawag na Konstitusyon, ang mga bagay na dapat gawin ng estado at pamahalaan
para sa mga mamamayan. Sa kabilang banda, nakasaad din dito ang mga responsibilidad at mga bagay
na dapat at hindi dapat gawin ng mga mamamayan. Samakatuwid, ito ay mahalagang pag-aralan hindi
lamang ng mga taong kumukuha ng propesyon na abogasiya kundi pati na rin ang mga karaniwang tao
dahil karapatan nila na magkaroon ng kaalaman ukol dito. Kaya lubos na mahalaga ang mapag-aralan at
bigyan ng halaga ang pag-aaral nito upang mas lalo pang lumawig ang ating mga pananaw tungkol sa
mga nangyayari sa bansa o mas kilala sa tawag na civic awareness.

Nakatuon ang modyul na ito sa pagtingin at pagkilatis sa Saligang Batas ng Pilipinas partikular na ang

m
Saligang Batas ng 1898, 1935, 1973 at 1987. Ngunit kaiba sa kinagawiang pag-aaral lamang sa nilalaman

er as
ng batas, layon ng aralin na ito talakayin ang mga nabanggit sa isang historikong pananaw. Dadalumatin

co
ang kaligiran at kasaysayan ng bawat batas na naging daan tungo sa saligan na mayroon tayo sa

eH w
kasalukuyan. Lubos na mahalaga na balikan ang kaligirang pangkasaysayan ng ating mga saligang batas

o.
nang sa gayon ay magkaroon ka ng malawak na kaalaman hindi lamang sa batas na mayroon tayo ngayon
rs e
bagkus pati ang mga saligan na naging daan sa pagbubuo ng ating saligang batas sa kasalukuyan.
ou urc
Bilang pangwakas na gawain, nais ng aralin na ito na makabuo ka ng isang komparatibong pagsusuri sa
mga saligang batas na tatalakayin. Nararapat makita sa iyong gagawing analisis ang pagkakatulad at
o

pagkakaiba ng mga saligang batas at dapat mo ring mapansin ang mga mahahalaga at natatanging
katangian ng bawat saligang batas na iyong mapag-aaralan. Mahalaga ring makita sa iyong gagawing
aC s
vi y re

awtput ang mga batas na nais mong ipatupad o idagdag pa upang mas lalo pang mapaunlad at
mapatatag ang bansa.

Ang Saligang Batas


ed d

Ang Salígang-Batás ng Pilipínas ang kataas-taasang batas ng bansa at batayan ng lahat ng batas at opisyal
ar stu

na kautusang maaaring pagtibayin ng Kongreso at Pangulo. Kalipunan ito ng mga nasusulat na


patakarang dapat sundin ng buong bansa. Itinatakda ng Salígang-Batás ang mga bagay na dapat gawin ng
estado at pamahalaan para sa mamamayan; at ang mga tungkulin ng mamamayan sa estado at
is

pamahalaan. Isinasaad din nitó ang mga bagay na hindi dapat gawin ng pamahalaan.
Th

Ang “salígang-batás” ay salin ng konstitusyón (constitucion o constitution) sa Español o sa Ingles. Sa


kalakhan, ang lahat ng naging salígang-batás ng Filipinas ay naglalarawan ng mga karapatan ng
mamamayan at mga pananagutan ng pamahalaan. Itinatakda nitó ang anyo ng pamamahala sa Filipinas
at paano pipiliin ang mga pinunò ng bansa. Inilalahad din ng konstitusyon ang mga pangkalahatang
sh

patakaran ng estado at ang mga tungkulin at gawain ng mga pangunahing sangay ng gobyerno. Ang
salígangbatás din ang batayan ng pagbubuo ng mga lupong konstitusyonal. Ang Pilipinas ay nagkaroon ng
iba’t-ibang Saligang Batas; Konstitusyon ng Malolos o 1898 Konstitusyon, Konstitusyon ng 1935, 1973 at
ang Konstitusyon ng 1987.

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-13-2021 05:08:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99493549/SALIGANG-BATASdocx/
Ang Saligang Batas ng 1898

Ang Saligang Batas ng 1898 na kilala din bilang Konstitusyon ng Malolos ay maaring maiugat mula pa sa
himagsikan ng 1896 na pinasimulan ng mga kasapi ng Katipunan. Ang Katipunan ay binubuo ng kataas-
taasang kapulungan (supreme council) na pinamumunuan ni Andres Bonifacio bilang Pangulo o Supremo
at ng popular council na mula naman sa iba’t ibang probinsya sa bansa. Layunin ng kilusan na magsarili
ang bansa at lumaya sa kamay ng mga kastila. Ngunit sa kabila ng iisang hangarin na itinataguyod ng
kilusan, hindi naiwasan ang hindi pagkakaunawaan at sigalot sa pagitan ng mga kasapi. Ang pangyayaring
ito ang nagbigay daan sa pagkakabuo ng dalawang paksyon ng Katipunan- ang Magdalo (pinamumunuan
ni Baldomero Aguinaldo) at ng Magdiwang (pinamumunuan naman ni Mariano Alvarez).

Sa pagtatangkang muling pagkaisahin ang magkasalungat na pangkat, isinagawa ang Pulong sa Tejeros
noong Marso 22, 1897.Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng mga opisyal na dumalo upang muling ibalik
ang pagiging isa ng kilusan. Sa lumabas na botohan, nanalo si Aguinaldo bilang pangulo ng kataas-
taasang kilusan. Ngunit ito ay ipinagsawalang-bisa ni Bonifacio dahil may iilang mga kasapi ang tutol sa
kinalabasan ng eleksyon. Sa kabila ng mga sigalot na kinaharap ng mga kasapi, kinilala pa rin ang Pulong

m
er as
sa Tejeros at si Aguinaldo bilang pangulo ng republika.

co
Sa pagputok ng Digmaang Espanyol-Amerikano, muling sumigla ang rebolusyon sa pamumuno ni

eH w
Aguinaldo sa kalagitnaan ng 1898. Noong Mayo 1898, unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa

o.
labanan sa Alapan bilang hudyat ng digmaan at noong Hunyo 12, 1898, pormal na ipinahayag ang
rs e
Kalayaan ng Pilipinas sa mansyon ni Aguinaldo sa Kawit kasabay ng pagtugtog ng Pambansang Awit ng
ou urc
Pilipinas. Pagkatapos ng proklamasyon ng kasarinlan, inihayag ni Aguinaldo ang paglikha ng isang
pamahalaang diktatoryal na siyang magsisiyasat sa pangangailangan ng bansa. Ngunit hindi naglaon ang
nasabing pamahalaan at pinalitan naman ng isang pamahalaang rebolusyonaryo ayon na rin sa payo ni
o

Apolinario Mabini na tumatayong punong tagapayo ni Aguinaldo.


aC s
vi y re

Ang rebolusyonaryong pamahalaan ay nagkaroon ng pagtitipon noong Setyembre 15, 1898 sa simbahan
ng Barasoain. Ang naturang kumbensyon ay dinaluhan ng 110 kinatawan mula sa iba’t ibang probinsya sa
bansa. Isang mahalagang pangyayari kung maituturing ang naganap sa Malolos dahil bumuo ang mga
kasapi ng kongreso ng isang saligang batas na ipapatupad sa buong kapuluan. Ang konstitusyon na
ed d

binalangkas sa Malolos ay binuo sa pangunguna ni Felipe Calderon na hinango pa sa konstitusyon ng


ar stu

Pransya, Belgium, Mexico, Brazil, Costa Rica, at Guatemala na kung papansinin kapareho ng kondisyon ng
bansa.

Ayon sa konstitusyong binuo sa Kongreso ng Malolos, ang pamahalaan ay mabubuo sa tatlong sangay;
is

Ehekutibo na pinamumunuan ng Pangulo at mga kalihim nito; Lehislatura sa ilalim ng isang punong
Th

ministro at binubuo ng mga kinatawan mula sa probinsya at ang Hudikatura na binubuo ng isang pangulo
ng Korte Suprema kasama na ang iba pang mga hukom. Noong Enero 23, 1899, pormal na pinasinayaan
ang Unang Republika ng Pilipinas (kaalinsabay ng pagtatalaga kay Aguinaldo bilang pangulo) na kompleto
sa mga kailangan ng estado; tatlong sangay ng pamahalaan, isang konstitusyon at teritoryong
sh

napapasailalim sa pamahalaan na may hukbong sandatahan.

Katangian ng Saligang Batas ng 1898 (Konstitusyon ng Malolos)

● Ang Konstitusyon ng Malolos ang kauna-unahan at isang mahalagang dokumento na binuo ng mga
kinatawan ng mga mamamayan

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-13-2021 05:08:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99493549/SALIGANG-BATASdocx/
● Nakabatay sa demokratikong pananaw na nag-ugat naman mula sa Estados Unidos

● Ang kapangyarihang gumawa ng batas ay hawak ng Asembleya ng mga Kinatawan na binubuo naman
ng mga inihalal na delegado na nagluklok sa Pangulo ng Republika

● Ang Konstitusyon ay buong dokumento na nagpapakita ng kakayahan ng mga Pilipino na bumuo ng


isang demokratikong pamamahala sa gitna ng madidilim na bahagi ng kasaysayan, at;

● Ito ay sumisimbolo sa ideyal na pananaw ng mga tao mula sa Panahon ng Karimlan tungo sa Panahon
ng Pagkamulat

Ang Saligang Batas ng 1935

Ang Saligang Batas 1935 ay hawig sa istraktura ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Pero marami pa rin
dito ang itinadhana para sa mga mithiin at mga saloobin ng mga Pilipino. Mayroon din mga probisyon na
angkop na nais ng Amerika dahil ang unang nagpatibay dito ang Presidente ng Amerika noong panahong
iyon.

m
er as
Isinulat ang Saligang Batas 1935 noong 1934, at ng Komonwelt ng Pilipinas (1935- 1946) at ginamit sa

co
Ikatlong Repulika ng Pilipinas (1946-1972). Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang

eH w
Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan. Sinusugan ito noong 1940 upang magkaroon ng
parehong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang

o.
rs e
Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino. Isang Pagpupulong
ou urc
ng Saligang Batas ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935.

Katangian ng Saligang Batas ng 1935


o

Ilan sa mga kapansin-pansin na katangian ng Saligang Batas ng 1935 ay ang pagkakaroon ng bicameral
aC s

legislature na kung saan ito ay binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan (hango sa
vi y re

pampulitikang Sistema ng Estados Unidos). Sa panahon ding ito, maaring ihalal ang Pangulo kasama na
ang Bise Pangulo nang hanggang apat (4) na termino na hindi kinakailangan ng eleksyon. Ang mga
kalalakihang mamamayan ng Pilipinas na may edad 21-anyos at may kakayahang magbasa at magsulat ay
nabigyan ng karapatan na bumoto at pagkatapos ng dalawang taon ng pagkakabalangkas ng
ed d

konstitusyon, nabigyan naman ng karapatan ang mga kababaihan na bumoto o right of suffrage.
ar stu

Ang Saligang Batas ng 1973

Sa pagpapalaya sa Pilipinas noong 1945, muling ibinalik ang 1935 Saligang Batas. Nanatili itong hindi
is

nababago hanggang noong 1947 kung kailan nanawagan ng pagbabago rito ang Kongreso ng Pilipinas sa
pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 733. Noong Marso 11, 1947, nagkaloob ang amyendang Parity ng
Th

pantay na karapatan sa mga mamamayan ng Estados Unidos at mamamayang Filipino pagsamantalahan


at walang habas na gamitin ang mga likas na yaman ng bansa. Mula noon ay walang nabago sa Saligang
Batas hanggang sa ideklara ang batas militar noong Setyembre 23, 1972.
sh

Bago idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar, nasa proseso na ang isang Kumbensiyong
Pansaligang Batas upang may baguhin sa, o palitan ang, 1935 Saligang Batas. Tinapos nila ang kanilang
gawain at ipinása ito kay Pangulong Marcos noong Disyembre 1, 1972. Ipinasa ito ni Pangulong Marcos
para sa ratipikasyon sa bungad ng Enero ng 1973. Sapagkat nakikita na niyang mabibigo ang tuwirang
ratipikasyon ng saligang batas, naglabas si Marcos ng Atas Pampangulo Blg. 86, s. 1972, na nagtatatag ng

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-13-2021 05:08:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99493549/SALIGANG-BATASdocx/
mga Asembleya ng mga mamamayan na magtitibay sa bagong buong saligang batas sa pamamagitan ng
botong Viva Voce na kapalit ng mga lihim na balota.

Ipinahayag ni Marcos na napagtibay na ito at ipinapatupad na nang buo simula Enero 17, 1973. Bagaman
“pinagtibay” ang Saligang Batas ng 1973 sa ganitong paraan, nagpatuloy ang mga di-pagsang-ayon dito.
Inilantad ni Punong Hukom Roberto V. Concepcion sa kaniyang pananaw na salungat sa kaso ng Javellan
v. Kalihim na Tagapagpatupad ang fraud na nangyari sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas sa asemblea
ng mga mamamayan noong Enero 10-15,1973. Gayumpaman, ang naging pangwakas na pasya sa kasong
ito ay na tama at ipinatutupad na ang pagpapatibay sa Saligang Batas ng 1973.

Katangian ng Saligang Batas ng 1973

Ilan sa mga natatanging katangian ng Saligang Batas ng 1973 ay ang sumusunod:

● Binibigyang tuon ng konstitusyon ang mga gampanin at obligasyon ng mga mamamayan tulad
paglalaan ng serbisyo-militar at pagsama sa mga pwersang pangmilitar.

m
● Ang kapangyarihang lehislatibo o magpatupad ng batas ay ibinigay sa pangulo upang makagawa ng

er as
mga hakbang at batas na makapipigil sa mga paghihimagsik ng mga kasapi ng New People’s Army.

co
eH w
● Ang konstitusyon ay nagpapakita ng isang autokratikong uri ng pamumuno upang mapanatili ang
kaayusan at mapabuti ang disiplina ng mga mamamayan

o.
rs e
● Kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa ang magkaroon ng parliamentong uri ng pamahalaan na kung
ou urc
saan ang Pangulo ay sumisimbolo bilang pinuno ng estado na direktang inihahalal ng mga tao; at Punong
Ministro na pinipili naman ng mga gabinete na bumubuo sa pambansang asembleya.
o

Ang Saligang Batas ng 1987


aC s

Nang naibalik ang demokrasya noong 1986, naglabas ng Proklamasyon Blg. 3 si Pangulong Corazon C.
vi y re

Aquino na nagpapawalang-bisa sa ilang probisyon ng 1973 Saligang Batas, at pinalaganap na kahalili nito
ang isang Freedom Constitution. Makalipas ang isang buwan, naglabas si Pangulong Aquino ng
Proklamasyon Blg. 9, s. 1986, na nagbuo ng Komisyong Pansaligang Batas na inatasang umakda ng
ed d

bagong saligang batas na ipapalit sa 1973 Saligang Batas. Natapos ng komisyon ang gawain nito noong
ar stu

alas-12:28 n.u. ng Oktubre 16, 1986. Isang Plebisitong Pambansa ang ginanap noong Pebrero 2, 1987, na
siyang nagpatibay sa bagong saligang batas. Noong Pebrero 11, 1987, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 58,
ipinahayag ni Pangulong Aquino ang opisyal na pagkambas ng mga resulta at pagpapatibay sa borador ng
saligang batas. Nang araw ding iyon naipatupad nang buo ang Saligang Batas ng 1987 sa pamamagitan
is

ng panunumpa ng katapatan dito ng Pangulo, ng mga opisyal na sibilyan, at ng mga kasapi ng


Th

Sandatahang Lakas.

Katangian ng Saligang Batas ng 1987


sh

● Ang konstitusyon ay bumuo ng isang demokrasyang kinakatawan ng mga tao at nahahati ang
pamahalaam sa tatlong magkakahiwalay na sangay ngunit kakikitaan ng pagiging malaya; Ehekutibo,
bicameral na lehistlatura at hudikatura.

● Pagkakabuo ng mga komisyong konstitusyunal; Commission on Audit, Civil Service Commission at


Commission on Elections.

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-13-2021 05:08:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99493549/SALIGANG-BATASdocx/
● Marahil ang pinakanatatanging katangian ng konstitusyon ay ang pagkakaroon nito ng komprehensibo
at kumpletong kalipunan ng mga batas (Bill of Rights) na nagbibigay proteksyon sa mga mamamayan
upang mapangalagaan ang kanilang karapatang pangsibil at pampulitika.

Mahalaga ang saligang batas dahil ito ang nagpapaliwanag sa uri ng pamahalaan, kapangyarihan ng mga
pinuno, karapatan ng mamamayan, at mga bagay na nauukol sa pamamahala ng bansa. Sa Saligang Batas
din matatagpuan ang mga panuntunan tungkol sa karapatan, tungkulin, at pananagutan ng bawat
mamamayan. Ang lahat ng mga batas na gagawin ay nararapat lamang na nakasalig dito. At panghuli, ang
Saligang Batas din ang dahilan kung bakit nagkakaroon na kaisahan o pagkakabuklod-buklod ang bawat
mamamayan ng bansa.

Kung ating susuriin, kinakitaan ng maraming pagbabago ang mga naging Saligang Batas ng bansa simula
pa noong mabalangkas ang kauna-unahang Konstitusyon sa bansa (Konstitusyon ng Malolos) hanggang
sa kasalukuyang konstitusyon na mayroon tayo ngayon (Konstitusyon ng 1987). Bawat nababalangkas na
konstitusyon ay nagtataglay ng mga natatanging katangian na naging dahilan upang ito ay baguhin,
rebisahin at pag-aralan muli upang mas lalo pang maging epektibong kasangkapan ng bansa sa mga

m
er as
usaping pampamahalaan at pulitikal.

co
Sa loob ng mahabang panahon, pamahalaang unitary ang namamayani sa bansa at sentralisado ang uri

eH w
ng pamamahala sa bansa (Teehankee, 2017). Ngunit sa kabila nito kakikitaan pa rin ang bansa ng

o.
mabagal na pag-usad at maaaring sabihin na malaki ang bahagi ng namamayaning konstitusyon sa
rs e
bansa. Sinabi ng isang opisyal na ang Konstitusyon natin ngayon ay siyang “perpektong” Konstitusyon.
ou urc
Kung totoo ang sinasabi niya, dapat sana maunlad ang ating bansa. Dapat sana kasing-unlad tayo ng
Singapore, Malaysia, Australia, Canada, at Britanya. Kung susuriin ang mga bansang nabanggit,
nabibilang ito sa mga mauunlad na bansa at ang itinuturong salik ng kanilang pag-unlad ay ang uri ng
o

pamamahala na mayroon ang kanilang bansa.


aC s
vi y re

Upang matugunan at masolusyunan ang mga hamon ng kasalukuyang pamahalaan sa kabila ng pagiging
ideyal ng Konstitusyon ng 1987, binalangkas ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapalit ng uri ng
pamahalaan na mayroon ang bansa upang matugunan ang problema sa korupsyon, dinastiya sa
pamahalaan, lumalalang kahirapan, dumaraming kaso ng kriminalidad, kawalang tatag ng sistemang
ed d

pulitikal at iba pang mga hamon na kinakaharap ng bansa. Dagdag pa ni Teehankee (2017), “nagkakaroon
ar stu

ng sobrang konsentrasyon ng kapangyarihang pulitikal at administratibo sa Maynila at hindi na


natutugunan nang maayos ang mga pangangailangan ng mga malalayong lugar at rehiyon”. Ang
pamahalaang unitaryo ay nagdulot ng mabagal na pag-unlad sa mga rehiyon sa bansa.
is

Kung susuriin hindi na bagong bagay ang ideyang palitan ang konstitusyon ng Pilipinas dahil may mga
Th

batas na nabalangkas upang isulong ang Pederalismo sa bansa tulad na lang ng 1959 Act Amending the
Laws Governing Local Governments by Increasing their Autonomy and Reorganizing Provincial
Governments (Republic Act 2264), ang Barrio Charter Act of 1960 (R.A 2370), Decentralization Act of
1967 (R.A 5185), Local Government Code of 1983 (Batas Pambansa Bilang 337), 1987 Constitution at ang
sh

Local Government Code of 1991 (Brillantes and Moscare, 2002).

Ang Pederalismo ay isang hakbang na pamahalaan upang mas lalo pang mapalakas ang pamumuno sa
bansa, itinataguyod ang inklusibong pagsulong at pambansang kaunlaran. Ito ay sinasabing solusyon sa
mga lumalalang problema at hamon ng bansa. Sinasabi rin na ito ay magdadala sa bansa tungo sa
panlipunang kapayapaan at pag-unlad ng ekonomiya. Sa lahat ng mga reporma na binalangkas ng

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-13-2021 05:08:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99493549/SALIGANG-BATASdocx/
pamahalaan, ang Pederalismo ay umaani ng solidong suporta mula sa mga mamamayan partikular na
ang mga mamamayan mula sa Visayas at Mindanao maging sa bahagi ng Bicol at mga kalapit nito.

Sa isang ulat mula sa website ng Department of Interior and Local Government, binanggit ang mga
dahilan kung bakit kinakailangan magpalit ng uri ng pamamahala mula sa unitaryong pamahalaan tungo
sa Pederalismo;

● Mga umiiral na problema ng bansa na hindi pa nabibigyan ng kaukulang solusyon

● Lumalalang kriminalidad sa bansa

● Laganap na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot na sumisira sa hinaharap ng mga kabataan

● Lumalalang labanan ng mga leftist at rightist group

● Katiwalian na nakapanghihimagsik ng kalooban

● Laganap na pandarambong at pandaraya sa pamahalaan

m
er as
● Pagpapakandili at palaging pag-asa sa Imperial Manila na hanggang sa ngayon ay sentro ng

co
pamamahala at komersyo

eH w
● Laganap na katiwalian sa sistema ng pagbubuwis (tax evasion at tax avoidance).

o.
rs e
Ang mga kadahilanang ito ang nagbigay ng rason sa kasalukuyang administrasyon na mas lalo pang
ou urc
isulong ang Pederalismo sa bansa. Sinasabi na ito ay magdudulot ng pag-unlad dahil kung susuriin ang
mga bansang may ganitong uri ng pamahalaan (Austria, Germany, Canada, United States at Australia) ay
may mauunlad at matatag na lipunan at ekonomiya kung ikukumpara naman sa mga bansang
o

magpahanggang sa ngayon ay unitaryo pa din ang uri ng pamamahala (Lebanon, Bangladesh, Pilipinas,
aC s

Afghanistan, Kazakhstan). Pero ano nga ba ang maidudulot nito sakaling ito ay maisabatas? Ito ba ay
vi y re

magdudulot ng agarang kaunlaran o mas lalo pang lalala at titindi ang kalagayan ng bansa? Ikaw, bilang
isang mamamayan ng Pilipinas, ano sa tingin mo ang magiging dulot nito?
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000790342640 from CourseHero.com on 11-13-2021 05:08:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99493549/SALIGANG-BATASdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like