You are on page 1of 6

Jones Law

William Atkinson
Jones
May-akda
ng Philippine
Autonomy Act of
1916 na lalong kilala
sa tawag na Batas
Jones.
Ang Batas Jones o ang Philippine
Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay
sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at
pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa

Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag


nagkaroon na ang bayan ng isang matatag
na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at
pinakamataas na batas ng Pilipinas simula
nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin
ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang
Philippine Autonomy Act of 1916 na
lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay
pinanukala ni Kinatawan William Atkinson
Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong
ika-29 ng Agosto, 1916.Ayon sa preamble
ng Batas Jones,babawiin ng USA ang

soberanya nito sa Pilipinas at kilalanin ang


kalayaan ng mga Pilipino makaraang
magkaroon ang Pilipinas ang isang matatag
na pamahalaan.
Isa pang mahalagang probisyon ng Batas
Jones ang pagtatag ng lehislatura na may
dalawang kapulungan,ang Senado at ang
kapulungan ng mga Kinatawan.Ang senado
ay binubuo ng 24 na kasaping inihalal at 80
naman sa Kapulungan ng Kinatawan.May
dalawang senador naman ang itinalaga ng
gobernador-heneral upang magsilbing

kinatawan ng mga Pilipinong hindi


kristiyano. Bagama't Batas Jones ang unang
batas na nagbigay ng pangakong kalayaan
sa mga Pilipino,hindi tinukoy kung kailan
ipinagkakaloob ang pangakong kalayaan.
1. Lehislatura ng Pilipinas ay binubuo ng
dalawang Kapulungan - Ang Senado (Mataas
na Kapulungan) at Kapulungan ng mga
Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang
Kapulunga'y kinakailangang ihalal ng
taumbayan, matangi sa mga kakatawan sa
mga di-binyagang lalawigan (Mountain

Province at ang mga lalawigang Moro) na


hihirangin ng gobernador-heneral
2. Ehekutibo- pagkakaroon ng Gob.Hen. na
taglay ang kapangyarihang
tagapagpaganap.
3. Hudikatura- Taglay ng KorteSuprema ang
mababang hukuman ang kapangyarihang
hudikatura. Isang Pilipino ang punong
mahistrado at pawing hinirang ng Pangulo
ng USA ang mga Amerikano at mga
Pilipinong katulong ng mga mahistrado.

You might also like