You are on page 1of 1

V.

FORUM NG TALAKAYAN (DISCUSSION FORUM)


1. Paano pinatunayan ni Dr. Jose Rizal na mas mabisa ang panulat kaysa
espada?
KASAGUTAN:
Hindi kailanman gumamit ng karahasan si Dr. Jose Rizal sa paglaban
sa mga Espanyol, upang maisiwalat ang karahasan ng mga Espanyol at
mag-kaisa ang bawat Pilipino. Ang mga aksyon at akda ni Dr. Jose Rizal ay
nagpakita at nagpatunay na “mas mabisa ang panulat kaysa espada”.
Ginising niya ang natutulog na nasyonalismo sa mga Pilipino na humawi ng
landas para sa Rebolusyon ng Pilipinas. Alam ni Rizal na sa bawat akda at
aksyon na tumutuligsa sa Espanyol na kaniyang ginagawa ay nanganganib
ang kanyang buhay ngunit sa kabila nito ay pinili niyang lumaban sa paraang
mag-iiwan ng kabuluhan at ideya ng kalayaan sa bawat Pilipino.
Nakapaloob sa bawat letra ng tinta na kanyang isinulat ang nagsilbing
kanyang sandata laban sa mga mananakop. Bawat salita ay may talim na
tumutumbok sa karahasan at kasakiman ng mga Espanyol. Hindi lamang
ginamit ni Rizal ang panulat upang labanan ang ating mga kolonisador
ngunit siya mismo ang naging panulat, na nagsisilbing boses ng mga Pilipino
sa kanyang panahon. Ang akdang Noli Me Tangere na bumuo ng
kontobesiya at ang El Filibusterismo na isinulat niya bilang pag-alala sa
tatlong paring martir ay nobelang pampolitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. Makikita kung
paano nagulo ng kanyang ideya ang Imperyo ng Espanyol na dahilan upang
siya’y hatulan ng kamatayan.
Namatay si Dr. Jose Rizal ng payapa at kalmado — walang bahid ng
takot sa harap ng kamatayan. Ang kaniyang mga ideya, kaisipan at
kamatayan ang naging pundasyon ng isang bansang malaya. Isang dakilang
bayani na minsang nagsabi na “hindi karahasan ang sagot para
magtagumpay tayo sa isang laban”. Nakakalungkot isipin na hindi man
lamangng nasilayan ng ilang bayani ang inaasam nilang kalayaan ng
Pilipinas laban sa mga Espanyol.

You might also like