• Pagkaraan ng unang taon sa kursong Pilosopiya at Sulat (1877-78), lumipat siya ng kursong medisina. • Nanalo siya ng maraming gantimpala sa literatura • Nagkaroon ng ibang pag-ibig • Nakipaglaban sa estudyanteng Espanyol na mapang-insulto sa kakayahan ng mga estudyanteng Pilipino. ANG OPOSISYON NG INA SA MATAAS NA PINAG-ARALAN • Nag-alala si Doña Teodora sa magiging kahihinatnan ni Jose sa Maynila dahil lagi nitong naalala ang nangyari sa Gom-Bur-Za kaya siya ay naging tutol na ipadala si Jose sa Maynila. • Maging si Jose Rizal ay nagulat sa pagtutol ng kanyang ina dahil alam niya ang pagpapahalaga nito sa edukasyon. PUMASOK SI RIZAL SA UNIBERSIDAD • Abril 1877 – nagmatrikula si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas para sa kursong Pilosopiya at Sulat. • Abril 1877-78 – unang taon ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas, nag-aral siya ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya at Kasaysayang Pilosopiya. • 1878-1879 – Nag-enrol siya sa kursong medisina TINAPOS ANG KURSO NG PAGSASARBEY SA ATENEO • 1877-78 – Habang si Rizal ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, nag-aaral din siya sa Ateneo • Kumuha siya ng kursong bokasyonal na nagbibigay sa kanya ng titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor) • Sa edad na 17, naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey ngunit hindi pa naigawad ang titulong agrimensor • Nobyembre 25, 1881 – Naigawad ang titulong agrimensor kay Rizal. MGA PAG-IBIG NI RIZAL • Binibing L – Isang dalagang taga-Calamba na maganda at may kahila-halinang mga mata • Leonor “Orang” Valenzuela – anak ni kapitan Juan at kapitana Sanday Valenzuela. Isang matangkad na babae at maganda ang tindig. • Leonor Rivera – Pinsan ni Rizal na taga- Camiling. Maganda siya “mayumi gaya ng namumukadkad na bulaklak, na may mabubuting mata.” “PARA SA KABATAANG PILIPINO” • 1879 – Nagkaroon ng paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario ng Maynila. • “A La Juventud Filipina” – Tulang isinumite ni Rizal sa paligsahan noong siya ay 18 taong gulang ANG KONSEHO NG MGA DIYOS • 1881 – panibagong paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistiko-Literario para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes • Cervantes – dakilang Espanyol na manunulat at autor ng Don Quixote. • “El Consejo de los Dioses” – dulang alegorikal na isinumite ni Rizal IBA PANG PAMPANITIKANG GAWAIN • “Junto al Pasig” (Sa Tabi ng Pasig) – sarsuwelang gawa ni Rizal na itinanghal ng mga Atenista noong Disyembre 8, 1880 • “A Filipinas” (1880) – sonatang isinulat para sa album ng samahan ng mga iskultor na nanghihikayat ng magbigay- dangal sa Pilipinas • “Abd-el-Azis y Mahoma” tula na binigkas ng isang Atenista na si Manuel Fernandez noong gabi ng Disyembre 8, 1879 • “Al M. R.P. Pablo Ramon” – tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo Ramon, ang rektor ng Ateneo PAGBISITA NI RIZAL SA PAKIL AT PAGSANJAN
• Mayo 1881 – sumama si Rizal sa
peregrinasyon sa bayan ng Pakil • Vicenta Ybardoloza – nabighani si Rizal sa isang magandang kolehiyala na mahusay tumugtog ng Alpa. KAMPEON NG MGA ESTUDYANTENG PILIPINO • Hindi matanggap ng mga mayayabang na Espanyol ang pagkatalo nila sa mga Pilipino • “Compañerismo” (Pagsasamahan) - Itinatag ni Rizal ang lihim na samahan ng mga samahang estudyanteng Pilipino sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1880. • “Kasama ni Jehu” – ang tawag sa mga kasapi ng lihim na samahan. DESISYONG MAKAPAG-ARAL SA IBANG BANSA • Pagkaraang matapos ang ikaapat na taon sa kursong medisina, nagpasya si Rizal na mag- aral sa Espanya. Hindi na siya humingi ng permiso at basbas mula sa kanyang mga magulang dahil alam niyang salungat sila lalo na kaniyang ina. KABANATA 6 – SA MAARAW NA ESPANYA (1882-1885) ANG LIHIM NA MISYON NI RIZAL *Masusing pag-aaral sa buhay at kultura, wika at kaugalian, industriya at komersyo, at pamahalaan at batas ng mga bansang Europeo nang sa gayon ay maihanda na niya ang sarili sa dakilang misyon ng pagpapalaya sa mga kababayang inaapi ng tiranya ng Espanya. MGA NAKAKAALAM NG LIHIM NA PAG-ALIS NI RIZAL 1. Paciano 2. Tiyo Antonio Rivera 3. Neneng 4. Lucia 5. Mag-anak na Valenzuela (Kapitan Juan at Kapitana Sanday/ Orang) 6. Pedro A. Paterno 7. Mateo Evangelista 8. Mga Paring Heswitang Ateneo 9. Chengoy (Jose M. Cecilio) • Mayo 3, 1882 – Lumulan si Rizal sa barkong Espanyol na Salvadora papuntang Singapore. • Donato Lecita – Kapitan ng barko, mula Asturias, Espanya, isang palakaibigang tao, “mas mabining kumilos kaysa mga kababayan nya.” • Mayo 8, 1882 – natanaw ni Rizal na isang magandang islang nagpaalala sa kanya sa “Isla ng Talim na may Susang Dalaga” • Hotel De La Paz – dito nag parehistro si Rizal sa Singapore at dalawang araw siyang namasyal sa kolonya ng Inglatera. MGA PINASYALAN NI RIZAL 1. Bantog na hardin Botanikal 2. Magagandang templo ng mga Buddhist 3. Abalang distrito ng pamilihan 4. Estaturam Sir Thomas Stanford Raffles (tagapagtatag ng Singapore) • Djemnah – isang barkong Pranses na nilipatan ni Rizal at umalis sa Singapore papuntang Europa noong Mayo 11. Mas malaki at malinis ito, at mas maraming pasaherong lulan. • Point Galle – Narating ni Rizal noong Mayo 17, isang baybayin bayan sa katimugan ng Gylon (ngayo’y Sri Lanka) na isinulat ni Rizal na maganda ang kabuuan ngunit malungkot at tahimik. • Colombo - kabisera ng Gylon, at ayon sa talaarawan ni Rizal ay mas maganda, elegante kaysa Singapor, Point Galle at Maynila. • Guardaful, Africa – tinawag ito ni Rizal na “hindi kaaya-ayang lupain ngunit kilalang-kila • Ferdinand De Lesseps - inhinyero at diplomatang Prances na gumkawa ng Kanal Suez na pinasinayan noong Nobyembre 17, 1869. • Port Said – Terminal ng Kanal Suez sa Mediteranyo. Hindi malimutan ni Rizal ang karanasang marinig ang mga naninirahan dito na nag sasalita ng iba’t ibang wika.
• Naples – narating ni Rizal noong Hunyo 11 at
napansin niya ang pagiging abala ng lungsod sa Komersyo, masisiglang tagaroon at magandang tanawin. MGA HINANGAAN NI RIZAL DITO 1. Bundok Vesuvius 2. Kastilyo ni San Telmo 3. Iba pang makasaysayang lugar ng lungsod • Marseilles – dumaong ang barko noong gabi ng Hunyo 12 • Chateau D’ If – dinalaw ni Rizal kung saan si Dantes, bida ng The Count of Monte Cristo ay napiit. • Barcelona – narating ni Rizal noong Hunyo 16, 1882 at ang unang impresyon ni Rizal sa pinakadakilang lungsod ng Cataluña at pangalawang pinakamalaking lungsod ng Espanya ay hindi maganda. MGA NABAGO SA PANANAW NI RIZAL SA BARCELONA 1. Dakila ang lugar 2. May atmospera ng kalayaan at liberalismo 3. Bukas ang puso ng mga tao, mapagpatuloy at matatapang. • Las Ramblas – pinaka dakilang daan sa Barcelona. • Plaza De Cataluña – dito bininyagan si Rizal ng isang salu-salo ng kanyang mga kababayang Pilipino. • Amor Patrio – isang makabayang sanaysay (Pagmamahal sa Bayan), unang artikulong isinulat niya sa Espanya. • Basilio Teodoro Moran – kaibigan ni Rizal sa Maynila, tagapaglathala ng Diaryong Tagalog na unang pahayagan sa Maynila na nasa wikang Espanyol at Tagalog. • Amor Patrio – nakasulat sa ilalim ng sagisag na pangalang Laong Laan at lumabas sa Diaryong Tagalog noong Agosto 20, 1882 at nailathala sa tekstong Espanyol at Tagalog. • M.H. del Pilar – sinalin nya sa tekstong Tagalog ang Amor Patrio • Los Viajes (Mga paglalakbay) – ikalawang artikulo ni Rizal sa Diaryong Tagalog • Revista De Madrid (paggunita sa Madrid|) – ikatlong artikulo na isinulat sa Madrid noong Nobyembre 29, 1882 ngunit isinalin kay Rizal dahil nagsara ang Diaryong Tagalog sanhi ng kakulangan sa pondo. LUMIPAT SI RIZAL SA MADRID Mga malungkot na balitang natanggap ni Rizal sa Barcelona 1. Marami ang namamatay sa Maynila at karatig lalawigan dahil sa kolera. Setyembre 15, 1882 – sumulat si Paciano upang ibalitang tuwing hapon ay nagnonobena ang mga taga Calamba kay San Roque 2. Balita ni Chengoy na nagkukwento ng pagiging malungkutin ni Leonor Rivera na lalong pumapayat dahil sa pangungulila sa kaniyang minamahal. • Mayo 26, 1882 – pinayuhan ni Pacino sa isang liham si Rizal na tapusin ang Medisina sa Madrid. • Nobyembre 3, 1882 - nag-enrol si Rizal sa dalawang kurso- Medisina at Pilosopiya at Sulat- sa Unibersidad Central de Madrid. • Don Pablo Ortiga Y Rey – naging alkade ng Maynila noong administrasyon ng liberal na gobernador-heneral na si Carlos Ma. dela Torre (1869-1871) at kinalaunan ay naitaas ang posisyon at naging pangalawang pangulo ng konseho ng Pilipinas sa Ministeryo ng mga Kolonyo (Ultramar). • Consuelo Ortiga Y Perez – anak ni Don Pablo na kung saan lumikha si Rizal ng magandang tula para sa kanya noong Agosto 22, 1883 • A La Señorita C.O. y. P. (Para kay Binibing C.O. y. P.) – tula ni Rizal kay Consuelo bilang pagpapahayag ng kaniyang paghanga sa dalaga DAHILAN KUNG BAKIT LUMAYO SI RIZAL KAY CONSUELO 1. May kasunduan sila ni Leonor Rivera 2. Ang kaniyang kaibigan at kasama sa Kilusang Propaganda si Eduardo de Lete ay umiibig kay Consuelo HINILINGAN NILA AKO NG BERSO • Circulo Hispano-Filipino – isang samahan ng mga Espanyol at Pilipino kung saan sumali si Rizal noong 1882 sa Madrid • Mi Piden Versos – sinulat at itinula ni Rizal noong pagdiriwang ng mga Pilipino ng Bisperas ng Bagong Taon sa Madrid 1882 SI RIZAL NA MAHILIG SA MGA LIBRO (MGA KOLEKSYON) 1. Bibliya 2. Hebrew Grammar 3. Lives of the Presidents of the United States from Washington Johnson 4. Complete Works of Voltaire (9 na tomo) 5. Complete Works of Horace (3 tomo) 6. Complete Works of C. Bernanrd (16 na tomo) 7. History of the French Revolution 8. The Wandering Jew (Eugene Sue) 9. Ancient Poetry 10.Works of Jhucydides 11. The Byzantine Empire 12. The Charactes in La Bruyere 13. The Renaissance 14. Uncle Tom’s Cabin in Harriet Beecher Stowe 15. Works of Alexander Dumas 16. Louis XIV and his Court 17. Iba pang libro sa Medisina, Pilosopiya, wika, kasaysayan, heograpiya, sining at agham. UNANG PAG BISITA NI RIZAL SA PARIS (1883)
• Paris- tinagurian itong masayang kabisera ng
France at tumigil siya rito mula Hunyo 17 hanggang Agosto 20, 1883
MGA TINULUYAN NI RIZAL SA PARIS
1. Hotel de Paris sa 37 Rue de Manbange 2. 124 Rue de Rennes sa bahaging Latino *Ayon kay Rizal ang Paris ang pinakamahal na kabisera sa Europa. SI RIZAL BILANG MASON Mga kilalang Espanyol na Liberal at Republika 1. Miguel Morayta – estadista, propesor, mananalaysay at manunulat 2. Francisco Pi y Margal – mamamahayag, estadista at dating pangulo ng Unang Republikang Espanyol 3. Manuel Beserra - Ministro ng Ultramar (mga kolonya) 4. Emilio Junoy – mamamahayag at kasapi ng Cortes ng Espanya 5. Juan Ruiz Zorilla – miyembro at Parlamento at pinuno ng Partidong Progresibong Republika ng Madrid • Marso 1883 – sumapi si Rizal sa lohiya ng Masonerya, ang Acacia • Lohiya Solidaridad – dito lumipat bilang mason si Rizal kung saan siya naging isang Punong Mason noon Nobyembre 15, 1890 • Pebrero 15, 1892 – ginawaran si Rizal ng Diploma bilang Punong Mason ng Le Grand Orient de France sa Paris MGA AKTIBONG MASON 1. M. H. del Pilar 2. G. Lopez Jaena 3. Mariano Ponce
• Science, Virtue, and Labor - tanging isinulat ni
Rizal bilang Mason na binigkas niya noong 1889 sa Lohiya Solidaridad, Madrid PAGSALUDO NI RIZAL KINA LUNA AT HIDALGO • Hunyo 25, 1884 - nag handong ng isang bangkete ang kuminidad ang mga Pilipino para ipagdiwang ang kambal na tagumpay ng mga Pilipinong Pintor sa pambansang exposisyon ng Sining sa Madrid. • Spoliarium – obra ni Juan Luna na nanalo ng unang gantimpala • Virgenes Cristianas Expuestas Al Populacio – obra ni Felix Resurreccion Hidalgo na nagwagi ng pangalawang gantimpala NAKILAHOK SI RIZAL SA MGA DEMONTRASYON NG MGA ESTUDYANTE • Nobyembre 20, 21 at 22, 1884 – ang tahimik na lungsod ng Madrid ay nayanig ng mga madugong demonstrasyong pinasimunuan ng mga mag-aaral ng Universidad Central. • Dr. Miguel Morayta – profesor ng kasaysayan kung saan ang liberal na pananaw ay kinandena ng mga katolikong obispo ng Espanya, na mabilis na nagpahayag ng excomunicacion ni Morayta. *”kalayaan ng agham at guro”- ito ang salitang binitawan ni Morayta na ikinagalit ng mga obispo • Dr. Creus – rektor na pumalit kay Morayta na kinaiinisan ng lahat. NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL SA ESPANYA
• Lisensyado sa Medisina – Degree na ibinigay
kay Rizal ng Unibersidad Central de Madrid noong Hunyo 21, 1884 subalit hindi iginawad ang diploma ng Doktor ng Medisina dahil hindi siya nakapagpakita ng kaniyang tesis na kailangan ng isang nagtatapos at hindi pa rin niya nababayaran ang kaniyang pagkakautang. • Lisensyado sa Pilosopiya at Sulat – iginawad noong Hunyo 19, 1885 (sa kaniyang ika-24 kaarawan na may antas na “PINAKAMAHUSAY” )(Sobresaliente) KABANATA 7: PARIS PATUNGONG BERLIN (1885-1887) Sa masayang Paris (1885-1886) *Si Rizal na noo’y 24 taong gulang at isang manggamot, ay nagtungo sa Paris para magpakadalubhasa sa optalmolohiya • Maximo Viola – isang mag-aaral ng medisina at kabilang sa mayamang pamilya sa San Miguel, Bulucan na binisita ni Rizal sa Barcelona bago tumungo ng Paris. • Señor Eusebio Corominas – patnugot ng pahayagang La Publicidad at gumihit ng larawan ni Dr. Morayta • Dr. Miguel Morayta – may-ari ng La Publicidad at isang estadista • Nobyembre 1885 – nanirahan si Rizal sa Paris nang apat na buwan at nagtrabaho bilang katulong ni Dr. Louis de Weckert (1852-1906) • Dr. Louis de Weckert (1852-1906) – nangungunang optalmolohistang Pranses mula 1885 hanggang Pebrero 1886 • Pamilya Pardo de Tavera (Trinidad, Felix at Paz), Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo – mga kaibiagan na pinapasyalan ni Rizal • Paz Pardo de Tavera – isang magandang binibini, ay kasintahan ni Juan Luna kung saan sa album ng dalaga ay gumuhit si Rizal ng mga larawan tungkol sa kwentong “Ang Matsing ay ang Pagong” MGA GINAWA NI RIZAL SA ESTUDYO NI LUNA
• Kamatayan ni Cleopatra – kanbas ni Luna kung
saan gumanap si Rizal na modelo bilang ehipto. • Sanduguan – nag modelo si Rizal bilang Sikatuna, si Trinidad Pardo de Tavera naman ang gumanap na Legazpi. SI RIZAL BILANG MUSIKERO Walang likas na hilig si Rizal sa musika ngunit nag- aral parin siya ng musika. • Enrique Lete – pinadalhan ni Rizal ng liham noong Nobymebre 27, 1878 na nag sabing natuto siya solfeggio, piano at pag kanta, subalit ang boses nya ay tulad ng pag-unga ng mga asno. • Plauta – natutunan niyang tugtugin dahil sa determinasyon at pagsasanay at tinutugtog sa mga pagtitipon ng mga Pilipino sa Paris. MGA AWITING NILIKHA NI RIZAL • Alin Mang Lahi – makabayang awitin nagpapahayag ng mithiin kalayaan ng alin mang lahi at isang malungkot na bansa. • La Deportation – nilikha ni Rizal sa Dapitan noong siya’y ipinatapon dito SA MAKASAYSAYAN HEIDELBERG • Pebrero 1, 1886 – malungkot na nilisan ni Rizal ang Paris • Strasbourg (Kabisera ng Alsace-Lorraine) – dinalaw ni Rizal kasama ang ibang bayan sa hangganan ng Alemanya • Pebrero 3,1886 – dumating si Rizal sa Heidelberg- makasaysayang lungsod sa Alemanya na kilala sa matanda nitong unbersidad at romantikong kapaligiran. • Samahan ng mga Manlalaro ng Ahedres – ginawang miyembro dito si Rizal dahil nalaman ng mga estudyanteng Aleman na magaling maglaro nito si Rizal. • Dr. Otto Becker – kilalang optalmolohiyang Aleman na kung saan nagtrabaho si Rizal sa ospital ng mga Mafi ng Unbersidad ng Heidelberg • “Para sa Bulaklak ng Heidelberg” (A Las Flores de Heidelberg) – isinulat niya noong Abril 22, 1886 dahil nangulila sa kanilang marikit na hardin sa Calamba • Wilhelmsfeld – dito nagbakasyon si Rizal ng tatlong buwan, isang bulubunduking bayang malapit sa Heidelberg • Dr. Karl Ullmer – butihing protestanteng pastor na naging mabuting kaibigan at taga hanga ni Rizal kung saan siya tumira, kasama ang may bahay at dalawang anak nito na sina Etta at Fritz • Mayo 29, 1887 - sumulat si Rizal kay Friedrich ng pasasalamat • Hulyo 31, 1886 – isinulat ni Rizal ang una niyang liham sa wikang Aleman kay Propesor Ferdinand Blumentritt • Ferdinand blumentritt – direktor ng Ateneo ng Leimeritz, Austria, isang austrianong etnolohista na interisad sa mga wika ng Pilipinas • Aritmetica – aklat na binanggit ni Rizal at inilathala sa dalawang wika – Espanyol at Tagalog ng limbagan ng Unibersidad ng Santo Tomas noong 1868 • Rufino Baltazar Hernandez – awtor ng aritmetica, katutubo ng Sta. Cruz, Laguna IKALIMANG DANTAON NG UNBERSIDAD NG HEIDELBERG • AGOSTO 6, 1886 - ipinagdiriwang ang ikalimang dantaong ng pagdiriwang ng Pamosang Unibersidad ng Heidelberg SA LEIPZIG AT DRESDEN • Agosto 9, 1886 - tatlong araw makaraan ang selebrasyon ng unibersidad, nilisan ni Rizal ang lungsod • Agosto 14, 1886 – narating ni Rizal ang Leipzig at dumalo sa panayam tungkol sa kasaysayan at sikolohiya. • Propesor Friedrich Raizel – bantog na mananalaysay na Aleman • Dr. Hans Meyer – Alemang antropolohista na naging kaibigan ni Rizal • William Tell ni Schiller – isinalin ni Rizal sa Tagalog mula sa wikang Aleman sa gayon malalaman ng mga Pilipino ang kwento tungkolo sa kampyon ng kasarindan ng mga swisa • Fairytales ni Hans Christian Andersen- isinalin ni Rizal sa Tagalog para sa mga pamangkin dito sya naninirahan ng dalawa’t kalahating buwan at dito nya iniwasto ang ilang kabanata ng kanyang pangalawang nobela. • Proofreader – naging trabaho ni Rizal sa isang limbagan dahil sa kanyang kaalaman sa Aleman, Espanyol at ibang wikang Europeo • Oktubre 29- umalis sya ng Lepzig papuntang Dresden • Dr. Adolf B. Meyer- nakilala ni Rizal sa Dresden- Direktor ng Museo Antropolohikal at Etnolohikal. • Nobyembre 1- nilisan ni Rizal ang Dresden at narating ang Berlin nang gabing iyon. TINANGGAP SI RIZAL NG SIRKULO SIYENTIPIKO NG BERLIN Nahalina sa lugar na ito si Rizal dahil dito’y maunlad ang larangan ng siyensa at walanag panlalait sa lahi • Dr. Feodor Jagor- bantog ng mga manlalakbay at mga siyenpikong Aleman at awtor ng Travels in the Philippines • Binisita nya ang Pilipinas noong 1859-1860. MGA HULA NI JAGOR SA KANIYANG AKLAT
1. Pagbagsk ng kolonyalismong Espanya
sa Pilipinas. 2. Pagdating ng mga Amerikano sa baybaying Pilipinas • Dr. Rudolf Virchozo- bantog ng Alemang antropolohista na ipinakilala ni Dr. Jagor. • Dr. Hans Virchozo- anak ni Rudolf, propesor ng panlarawang anatomiya. • Dr. W. Jofst- kilalang Alemang heograpo. • Dr. Karl Ernest Schweigger (1830-1905)- nagtrabaho si Rizal sa klinika nito, bantog na optalmolohista. • Samahang Antropolohikal at Samahang Heograprikal- naging dito si Rizal sa tulong ng rekomendasyon nina Dr. Jagor at Meyer. Siya ang unang Asyanong nabigyan ng ganitong karangalan. • Tagalische Verkunst (Sining Metrikal ng Tagalog)- tugon ni Rizal sa paanyaya ni Dr. Verkunst na magbigay sya ng panayam sa Samahang Etnograpiko ng Berlin. BUHAY NI RIZAL • Nanirahan si Rizal sa Almenya dahil gusto nyang 1. Mapalawak ang kanyang kaalaman sa optalmolohiya. 2. Mapaunlad ang kanyang pag-aaral sa mga agham at wika 3. Obserbahan ang kalagayang politikal at ekononomiko ng bansang Alamanya 4. Makipagkilala sa mga bantog na Alemang siyentipiko at iskolar 5. Mailathala ang kanyang nobela, Noli Me Tangere • Madame Lucie Cerdole- kumuha si Rizal ng pribadong pagtuturo sa wikang pranses. • Unter Den Linden- tuwang tuwa dito sa pamamasyal si Rizal na madalas na puntahan ng kabataan para makipag-inuman ng beer at makipagkwentuhan PANANAW NI RIZAL SA KABABAIHNAG ALEMAN • MARSO 11, 1886- ipinahayag ni Rizal sa kanyang liham kay Tinidad ang mataas na pagpapahalaga at paghanga nya sa mga kababaihang Aleman MGA KATANGIAN NG BABAENG ALEMAN
• Seryoso • Hindi tsismosa • Masipag • Hindi magarbo • Edukado • Hindi palaaway • Palakaibigan • Hindi partikular sa magandang damit at mamahaling alahas MGA KAUGALIAN NG MGA ALEMAN
• Pumuputol ng puno tuwing bisperas ng pasko
at pinapalamutian at pagsapit ng gabi dito ipinagdiriwang ng pamilya ang okasyon. • Pagpapakilala sa sarili sa mga estranghero sa isang pagtitipon PINAKAMALUNGKOT NA TAGLAMIG NI RIZAL
• 1886 – Ito ang pinakamalungkot na taglamig ni Rizal
dahil wala siyang perang natatanggap mula sa Calamba. Naisangla na niya ang singsing na diyamante na bigay ni Saturnina Hindi siya nakapagbayad sa inuupahang bahay Isang beses sa isang araw nalang siya kumakain Siya na mismo ang naglalaba ng kaniyang damit Inuubo siya at natatakot na baka dapuan na siya ng Tuberkulosis KABANATA 8: Nailathala ang Noli Me Tangere (1887) MGA DAHILAN BAKIT HINDI MALIMUTAN NI RIZAL ANG TAGLAMIG NG 1886 1. Ito ay isang masakit na bahagi ng kaniyang buhay dahil siya’y gutom, may sakit at naghihirap sa malayong lungsod. 2. Nagdulot ng kasiyahan dahil lumabas na sa limbagan ang kaniyang Noli Me Tangere noong Marso 1887. IDEYA NG PAGSULAT NG ISANG NOBELA TUNGKOL SA PILIPINAS • Uncle Tom’s Cabin – (Harriet Beecher Stowe) – Naglalarawan sa kaawa-awang kalagayan ng mga pinagmamalupitang alilang negro, na nagbunsod kay Rizal upang gumawa ng isang nobelang naghahayag ng mga paghihirap ng mga kababayan. • Enero 2, 1884 – Ipinanukala ni Rizal sa isang grupo ng mga Pilipino ang pagsusulat ng isang nobela ngunit kalaunan ay nagpasya siyang siya nalang ang magsulat dahil ang nais ng mga kababayan ay halos tungkol sa babae ang nais isulat. ANG PAGSULAT NG NOLI • 1884 – Sa pagtatapos ng taong ito sinimulan ni Rizal at natapos ang kalahati ng Noli Me Tangere • 1885 – ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng nobela at natapos niya ang kalahati ng pangalawang hati • Alemanya – dito niya natapos ang huling sangkapat ng nobela • Wilhelmsfeld – dito niya isinulat ang huling kabanata ng Noli Me Tangere noong Abril-Hunyo 1886 • Pebrero 1886 – ginawa ni Rizal ang huling rebisyon ng manuskrito ng Noli • Dr. Maximo Viola – kaibigan ni Rizal na nagmula sa mayamang pamilya ng San Miguel, Bulacan na pumayag na tustusan ang pagpapalimbag ng Noli at pinahiram si Rizal ng panggastos sa araw-araw. • Elias at Salome – inalis ni Rizal ang buong kabanata nito upang makatipid (Sa Kakahuyan Kabanata XXIV) • Pebrero 21, 1887 – natapos ang Noli at handa ng ilathala • Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft – imprentang may pinakamababang singil 300 piso para sa 2000 sipi ng nobela PINAGBINTANGAN ESPIYANG PRANSES SI RIZAL Habang nasa limbagan ang Noli, binisita siya ng hepe ng pulis ng Berlin sa bahay at hininging makita ang kaniyang pasaporte. Dahil wala siyang naipakita, sinabihan siyang kumuha sa loob ng apat na araw. Pinaghinalaan siyang espiya ng pranses. Alsace-Lorraine – Ang di pagkakaunawaan sa teritoryong ito ang dahilan ng hindi magandang relasyon ng Pransiya at Alemanya. NATAPOS ANG PAGPAPALIMBAG NG NOLI • Marso 21, 1887 – Lumabas na sa imprenta ang Noli Me Tangere
MGA PINADALHAN NG UNANG SIPI
• Blumentritt • Dr. Antonio Ma. • Graciano Lopez-Jaena • Mariano Ponce • Felix R. Hidalgo
• Marso 29, 1887 – binigay ni Rizal ang Galley Proof ng Noli,
panulat na ginamit at komplementaryong sipi kay Viola at bilang tanda ng pasasalamat ANG PAMAGAT NG NOBELA Ang Pamagat ng Noli Me Tangere ay isang pariralang Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag mo kong salangin” • Marso 5, 1887 – Sinabi ni Rizal sa sulat niya kay Felix R. Hidalgo na nagmula ito sa magandang balita ni San Lucas na nagsasabing huwag mo akong salangin • San Juan – dito totoong nagmula ang magandang balita kung saan nagkamali si Rizal * Inihandog ni Rizal ang Noli sa bayang Pilipinas – sa aking amang bayan BUOD NG NOLI • 63 Kabanata at epilogo – Bumubuo sa Noli
PINURI NG MGA KAIBIGAN NI RIZAL ANG NOLI
1. Blumentritt 2. Dr. Antonio Ma. Regidor – makabayang Pilipino at abogadong ipinatapon dahil sa pagkakasangkot sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872. KABANATA 9: PAGLALAKABAY NI RIZAL SA EUROPA KASAMA SI VIOLA (1887) • Mayo 11, 1887 – Nilisan ni Rizal at Viola- dalawang kulay- kayumangging doktor na manlalakbay ang Berlin, lulan ng tren. • Dresden – isa ito sa pinakamagandang lungsod sa Alemanya na pinuntahan ni Rizal at Viola. • Promethens Bound – Larawang nakikita ni Rizal sa Museo ng Sining na hinangaan niya ng husto at naalala niya ang representayon ng ganoong ideya sa galerya ng sining sa Paris. UNANG PAGKIKITA NI RIZAL AT BLUMENTRITT
• Mayo 13, 1887 – narating ng tren ang
estasyon ng Leitmeritz, Bohemia at nasa estasyon si Propesor Blumentritt upang salubungin sina Rizal at Viola. • Leitmeritz – tumigil dito si Rizal at Viola mula Mayo 13 hanggang Mayo 16, 1887. MAGANDANG ALAALA NG LEITMERITZ
• Rosa – asawa ni Blumentritt na mahusay
magluto at naghanda ng masarap ng lutuing Austriyano • Dolores, Conrad, Fritz – mga anak ni Blumentritt • Burgomaster – Alkalde ng bayan na humanga kay Rizal sa galing nito sa wikang Aleman na natutunan lamang nito ng 11 na buwan. • Mayo 24, 1887 – sumulat si Rizal kay Blumentritt na ipinahayag ang kaniyang pag-aalala sa pagkakasakit ni Dora • Mayo 19, 1887 – Tatlong araw matapos lisanin ang Leitmeritz, sumulat si Rizal ukol sa magandang pakikitungo sa kaniya na ang sentimyento ay parang Pilipino sa liham ding ito sinabi ni Rizal na malilimutan niya ang kaniyang diyamanteng alpiler sa kaniyang kwarto sa Otel Krebs. • Prague – makasaysayang lugar na sunod na pinuntahan ni Rizal at Viola • Dr. Willko – propesor ng likas na kasaysayan sa Unibersidad ng Prague na tinaggap at pinasyal sina Rizal sa mga makasaysayang lugar. MGA PINASYALAN NI RIZAL • Libingan ni Copernicus – kilalang astronomer • Museo ng Likas na Kasaysayan • Mga laboratoryong bakteriolohikal • Bantog na kuwebang pinagpulungan kay San Juan Nepomuceno • Vienna – narating nina Rizal at Viola noong Mayo 20, ang kabisera ng Austria-Hungary tinagurian itong “Reyna ng Danube”. Dito natanggap ni Rizal ang kaniyang alpiler. • Norfenfals – isa sa pinakamahusay na nobelista sa Europa nang panahon na iyon na nakipagkita kina Rizal. • Otel Metropole – dito tumuloy sila Rizal MGA LUGAR NA PINASYALAN 1. Simbahan 2. Museo 3. Galerya ng Sining 4. Teatro 5. Liwasang Pampubliko PAGLALAKBAY SA DANUBE PAPUNTANG LINTZ • Mayo 24 – Nilisan nina Rizal at Viola ang Vienna lulan ng bangka upang makita ang magandang tanawin. Napunan ni Rizal na ang pasahero ay gumagamit ng papel na napkin kapag kumakain. MULA SA LINTZ PATUNGONG RHEINFALL
Matapos ang paglalakbay sa ilong Lintz, nagbiyahe sila
patungong Salzberg at dumeretso sa Munich. • Munich Beer – ipinagmamalaking pinakamasarap sa buong Almanya. • Nuremberg – isa sa pinakamatandang lungsod sa Almanya *Nakikita nila ang kakila-kilabot na makinang pananakit na ginamit ng inkisisyon. *Namangha sila sa paggawa ng mga manyika na isa sa pinakamalaking industriya.