Professional Documents
Culture Documents
Pamilya
MAGULANG
KAPATID
SATURNINA RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw
na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang tumayong
pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Napangasawa niya si Manuel
Timoteo Hidalgo ng Batangas. Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.
OLYMPIA RIZAL
Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa
niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak
ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.
MARIA RIZAL
Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa
niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose
noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.
JOSEFA RIZAL
Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala
rin bilang si Panggoy. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay
nagsulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman
sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat
sa lotto. Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring
sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa
Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.
Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.
SOLEDAD RIZAL
Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang
Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang
magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga
tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890. Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa
kanilang pamilya. Ang kanyang napangasawa ay si Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin
ngunit silay nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga magulang. Di sang-ayon si Rizal dito
kayat ginamit niya ang paksang ito at nagsulat at sinabi niya sa mensahe niya na isang kakahiyan sa
pamilya Rizal ang pagpapakasal ng kapitid kay Pantaleon. Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na
kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na hindi raw totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng
kung di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni Teodora. Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng
limang anak na sina Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang kanyang anak na si Amelia ay
napangasawa si Bernabe Malvar na anak ni Gen. Miguel Malvar.
Pagibig
Julia
Labing anim na taong gulang si Rizal nang unang makaramdam ng paghanga sa isang dalaga. Noon ay
buwan ng Abril taong 1877 at tag-init. Nagtungo si Rizal sa dalampasigan ng Ilog Dampalit sa Los Banos,
Laguna upang maligo. Sa pagkakatayo niya sa mgay dalampasigan ay napagmasdan niya ang maraming
kababaihan na nagsisipaggugo ng kanilang mga buhok. Isang magandang dalaga ang nakita ni Rizal na
lumabas sa malalagong halaman. Ang dalagitang nakita ni Rizal na nagngangalang Julia ay nagsabi sa
kaniyang lola na nais niyang manghuli ng paruparo bago umuwi ng kanilang bahay. Nang marinig ito ni
Rizal, nagpakita siya ng gilas at nanghuli ng paru-paro. Subalit sa kasamaang palad, siya ay nadulipas at
ang paru-parong kanyang hinuli ay lumipad. Ganon na lamang ang kaniyang hiya kay Julia. Upang
mapagtakpan ang kahihiyan ay sinikap niyang makahuli ng dalawang paruparo. Ibinigay nya ang mga ito
sa dalagita at silay nagkakilala. Inihatid niya ang maglola sa bahay nila sa Los Banos. Mula noon ay
larawan ni Julia ang nakakintal sa isipan ni Rizal subalit tulad ng iba pang kabataan, ang paghangang
kanyang nadama sa dalagang ito ay dagli ring nalimutan nang makilala niya si Segunda Katigbak.
Segunda Katigbak
Sinasabing unang pagibig ni Rizal si Segunda Katigbak, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. Nakilala ni
Rizal ang dalagang ito sa Troso, Maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng Disyembre, 1877,
sampung buwan matapos makilala niya si Julia, Inilarawan ni Rizal ang dalagang ito na may mahabang
buhok matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, mala-
rosas ang kutis na may nakakahalina at nakatutuksong ngiti, magandang ngipin at may kilos na mala-
nimpa. Sinabi pa ni Rizal na hindi pa siya nakakakita ng ibang babae may halina at rahuyong taglay
kagaya ni Segunda. Idinugtong pa niya na ang tinig nito ay maihahantulad sa melodiya at ang kanyang
sulyap ay napakatamis. Si Segunda Katigbak ang pinakaunang naramdaman ni Rizal ang sakit sa pagibig
nang ikinasal ang dalaga sa binatang nagngangalang Manuel Luz.
Binibinig L. (Vicenta Ybardaloza)
Ang sakit na naramdaman ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pilit niyang pinawi sa pagdalaw sa dalagang
naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang Bb.L. Sinabi ni Rizal na ang babaeng ito ay higit na
matanda sa kanya, maputi at nagtataglay ng mga matang mapanghalina at kaakit-akit. Pinaniniwalaan
na ang babaeng ito ay ang gurong si Vicenta Ybardoloza. Nakatira siya sa bahay ni Nicolas Regalado na
kaibigan ni Rizal. Madalas na dalawin ni Rizal si Bb. L. bagamat ang puso niya ay patuloy na nangungulila
kay Segunda. Nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang ama.
Leonar Valenzuela
Ang hapdi ng naunsyaming pagibig ay pilit na nilimot ni Rizal nang siya ay bumalik sa Maynila upang
ipagpatuloy ang kanyang pagaaral sa Unibersidad ng Santo-Tomas. Nang ikalawang taon na niya sa pag-
aaral sa UST ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang Leonor na kapitbahay ng may-ari ng
bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Dona Concha Leyva. Ang dalaga ay anak nina Kapitan Juan at ni
Kapitana Sanday Valenzuela. SIla ay nagpalitan ng sulat at upang hindi mabasa ang tungkol sa kanilang
ugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagususulat na ang tintang ginagamit ay asin at tubig kung kayat
hindi makikita ang nakasulat kung hindi ito idadarang sa apoy. Subalit, hindi nagtagal ang kanilang pag-
iibigan at nagkasundo na lamang islang magturingan bilang magkaibigan.
Leonor Rivera
Si Leonor Rivera ay sinasabing ang tanging babae sa kanyang buhay na tunay niyang minahal kaysa ibang
babaing kanyang inibig. Si Leonor Rivera ay ninilarawan na isang babaeng may maputing balat, alun-
along buhok na mamula-mula, maliit at mayuming bibig, may kalakihan at maiitim na mga mata at
natatabingan ng mahabang pilik mata, ilong na may katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng
dalawang biloy sa mala-rosas na mga pinsgi, kaakit-akit na pakikipag-usap, matamis na tinig na
binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Masasabi na ang pag-ibig nila sa isat isa ay hinabi ng mga
palitan ng mga sulat sapagkat lumisan si Rizal pagkaraan ng dalawang taon. Hindi sila nagkatuluyan ni
Rizal dahil ikinasal si Leonor at Henry Kipping sa Dagupan, Pangasinan.
Si Rizal ay naakit sa kagandahan ni Consuelo dahil nakita na gumawa siya ng tula ng paghanga noong
Agosto 22, 1883 para sa kanya. Ang pamagat ng tula ay A La Senorita C.O.Y.R. Dito niya isinulat ang
pagkagusto kay Consuelo at pagkasaya dahil sa pagtanggap ni Consuelo sa kanya. Subalit bago maging
seryoso ang relasyon nilang dalawa ay pinili ni Rizal na umayaw sa relasyon dahil may kasunduan sila ni
Leonora at Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa Propaganda na si Eduardo de Lete ay may gusto din
kay Consuelo.
Seiko Usui
Si Seiko Usui ay 23 taong gulang ng makilala ni Rizal. Anak siya ng isang malungkuting Samurai. Simulat
sapul ay hindi nakaranas ng pag-ibig. Si Rizal naman ay 27 taong gulang nang magkakilala sila ni Seiko.
Noong panahon na iyon ay malunugkutin si Rizal sapagkat di niya nakita si Leonor sa kanyang pagu-uwi
at hindi pa rin nakakalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.
Gertrude Beckett
Sa pananatili ni Rizal sa London, nakakilala siya ng isang dalagang nagpatibok muli sa kanyang puso. Si
Gertrude Beckett ay isang anak na babae ng kasero ni Rizal sa London at tinawag niya ito sa palayaw na
Getie. Naging malapit ang dalawa dahil tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain tulad ng
paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng clay para sa kaniyang iskultura. Tinawag
ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie. Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-iibigan, si Rizal ay lumayo
na kay Beckett sa kadahilanan na may mas mahalagang misyon pa siya sa buhay. Kaya noong Marso 19,
1889, nagpaalam na si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo ng Paris.
Susanne Jacob
Noong 1890, si Rizal ay nagpunta sa Brussels, Belgium dahil sa mataas ang cost of living sa Paris,
France. Doon sa Brussels, tumira si Rizal sa isang boarding house ng magkapatid na babaeng Jacoby. At
habang lumipas ang panahon, si Rizal at si Suzanne ay nag-ibigan. Hindi nagtagal at umalis na si Rizal sa
Brussels para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay. Umiyak si Suzanne dahil sa pag-alis ni Rizal, pero
nagpatuloy pa ring sumulat kay Rizal, kahit na hindi na sinasagot ang kanyang mga sulat. Sa mga sulat ni
Suzanne, sobrang umaasa siya na babalikan pa siya ni Rizal at nanabik sa kanyang pagbabalik.
Nelli Bousted
Si Nelli Bousted ay nakilala ni Rizal sa Biarritz, Paris habang nagbabakasyon ito. Niligawan ito ni Rizal
dahil sa udyok ng mga kaibigan nito tulad ni Marcelo Del Pilar, Antonio Luna at Tomas Arejola.
Nagkagusto rin si Nelli kay Rizal subalit hindi naging maganda na katulad ng isang Fairy tale ang huli ng
kanilang kwento. Hindi niyaya ni Rizal si Nellie sa pagpapakasal sa mga kadahilanang ayaw palipat ni
Rizal sa relihiyong protestante na gusto ni Nellie at ayaw ng Ina ng dalaga kay Rizal.
Josephine Bracken
Si Josephine bracken ay nakilala si Rizal habang ipapagamot ng dalaga ang kanyang amahin na si George
Taufer kay Rizal. Nang magkita ang dalawa ay agad naramdaman ang pag-ibig sa isat isa. Ayon kay Rizal,
inilatrawan niya si Josephine bilang isang babaeng Irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na
mata at simpleng manumit pero elegante. Sila ay nagkaroon ng anak ngunit namatay agad ito 3 oras
pagkatapos ito ipanganak.
Organization
La Liga Filipina
Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892 sa isang
tahanan sa Ilaya Street, Tondo, Maynila. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang pang-aapi
ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ang pangunahing layunin nito ay maging malaya ang Pilipinas sa Espaa
sa mapayapang paraan. Ang unang pangulo nito ay si Ambrosio Salvador. Ito ay nagtagal lamang ng
tatlong araw. Ipinakulong si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipinatapon siya sa Dapitan noong Hulyo 7,
1892.
La Solidaridad
Ang La Solidaridad ay ang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya. Layon nitong magkaroon ng
kinatawan ang Pilipinas sa Spanish Cortes. Ito ay itinatag noong ika-13 ng Disyembre, 1888. Ang
pangalan ng samahan ay siya ring tawag sa pahayagang kanilang inilathala. Si Galicano Apacible, pinsan
ni RIzal, ang pangulo ng La Solidaridad. Sina Graciano Lopez Jaena at Mariano Ponce naman ang
pangalawang pangulo at ingat-yaman ng samahan. Bilang pagkilala kay Rizal na nasa London ng
panahong yaon, iginawad sa kanya ang pagiging Honorary President nito. Sa kasamaang palad, hindi
kinaya ni Apacible na pagbuklurin ang mga repormistang kasapi. Datapwat ang La Solidaridad ay
nangangahulugang pagkakaisa, ang samahan ay naranas ng pagkawatak-watak at anarkiya. Kinailangan
pa ang popularidad ni Rizal at katalinuhang pampulitikal ni Del Pilar para pag-isahin ang mga Pilipino sa
Espanya.
Masoneria
ilala natin si Jose Rizal bilang bihasa sa maraming bagay, ngunit hindi madalas napag-uusapan ang
kanyang pagiging isang Mason. Lingid sa kaalaman ng nakararami, naging kasapi si Rizal ng isang
sikretong kapatiran na kinabibilangan ng mga pinakamakapangyarihan at kilalang tao sa lipunan. Lihim
man ang kapatirang kinabilangan ni Rizal, hindi naman naging sikreto ang kanyang mga kontribusyon sa
kapatiran. Sa aking pagkakaalam, namulat si Rizal sa mundong ito sa kanyang paglalakbay sa Madrid
kung saan siya ay sinasabing naimpluwensyahan sumali sa pamamagitan ni Miguel Morayta, isang
propesor ng Kasaysayan sa Universidad de Madrid. Sumali si Rizal sa Acacia Lodge No. 9 na bahagi ng isa
sa pinakamalaking grupo ng Masonerya sa Espanya. Ayon sa mga Pilipinong Mason, umabot ng 18th
Degree Mason si Rizal at naging isang Master Mason sa Madrid noong Nobyembre 1890.
Circulo HispanoFilipino
Ang Circulo Hispano-Filipino ay inorginasa ng mga estudyanteng Pilipino sa Madrid, kasama ang ilang
mga Espanyol na dating nanirahan sa Pilipinas, karamihan mga Liberal, gaya ni Pedro Ortiga y Rey,
alkalde ng Maynila, at Consejero de Ultramar para sa Pilipinas. HIindi nagtagal ang Circulo pati na ang
magazin nito. Sa mga estudyante, kahirap mangalap ng pondo. Nagdusa din ang Circulo dahil sa
sumusulpot na problemag indibidwalismong wala sa lugar, bawat kasapi ng organisasyon lihim na
nagmamaktol kung hindi siya ang inihalal na pangulo. Ang partikular na katangiang ito sa hanay ng
kababayan, ang kahirapang pagsanibin ang mga puwersa para sa isang pagkilos, bunga ng labis na
indibidwalismo, ay problemang dadagan-dagan kay Rizal sa takbo ng kanyang buhay politikal. Palagian
nya itong alalahanin, at hindi rin nya mawari kung paano pakikitunguhan.
Sanggunian
http://en.wikipilipinas.org/index.php/Teodora_Alonso
http://kahimyang.info/kauswagan/articles/1335/today-in-philippine-history-november-9-1827-teodora-
alonso-mother-of-dr-jose-rizal-was-born-in-meisik-tondo-manila
http://en.wikipilipinas.org/index.php/Francisco_Mercado
http://en.wikipedia.org/wiki/Paciano_Rizal
http://www.filipinaslibrary.org.ph/filipiniana-library/filipiniana/70-features/189-paciano-a-rizal-1851-
1930
http://en.wikipilipinas.org/index.php/Maria_Rizal
http://ourhappyschool.com/history/maria-rizal-heros-confidant
http://ourhappyschool.com/history/saturnina-rizal-heros-second-mother
http://ourhappyschool.com/history/josefa-rizal-katipunera
http://www.filipinaslibrary.org.ph/filipiniana-library/filipiniana/70-features/130-rizals-sisters
http://ourhappyschool.com/history/soledad-rizal-heros-controversial-sister
At mga panulat ni Jensen D.G. Maebog noong 2013
http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026479799/gertrude-beckett
https://www.scribd.com/doc/3904708/Paglalakbay-Ni-Dr-Jose-Rizal