Professional Documents
Culture Documents
Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris patungong Bruselas habang naghahanda sa pagpapalimbag ng
kanyang mga anotasyon ng Sucesos De Las Islas Filipinas ni Antonio Morga. Naninirahan siya sa isang
pangupahang bahay ng magkapatid na Jacoby, sina Catherine at Suzanna na mayroong pamangking
nagngangalang Suzanna (“Thil”) na may edad 16. Ayon sa historian na si Gregorio F. Zaide, umibig si Rizal
kay Suzanne Jacoby, 45 taong gulang, ngunit naniniwala ang Belgang si Pros Slachmuylders na uminig si
Rizal sa 16 na taong gulang na pamangking si Suzanna. Nakita niya ang mga talang nagbibigay linaw sa
kanilang mga pangalan at edad.
Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo ni Rizal ang isang samahang La Liga Filipina. Isinusulong ng
samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, ngunit ito’y
binuwag ng gobernador. Sa mga panahong iyon, tinuturing na siya bilang kalaban ng estado ng
pamahalaang Kastila dahil sa kanyang mga Nobela. Nasangkot si Rizal sa mga gawaing rebelyon at noong
Hulyo 1892 ay pinatapon siya sa Dapitan sa Probinsya ng Zamboanga. Habang nasa Dapitan ay nagtayo
siya ng isang paaralan, ospital at isang Sistema ng suplay ng tubig, at nagtuturo din ng mga magsasaka
(PAGBARIL SA BAGUMBAYAN)
Isang litrato ng pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan. Isang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng
mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila, habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong
Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway. Kinunan ng manggagamot ng
Hukbong Kastila ang pulso ni Rizal at ito’y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo
noong nagsimula na walang sumigaw ng “Viva” at iba pang katagang pabor sa Kastila kasama ang
manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisnong Kastila. Ang kanyang huling salita ay
isa sa mga huling salita ni Hesukristo: “CONSUMMATUM EST” natapos na o naganap na
Ang tanyag na dalawang nobela ng ating pambansang bayani: Ang Noli at El Fili. Ang mga ito ay naging
daan upang magising ang puso’t diwa ng mga Pilipino. Ito ang pamanang lahi ni Rizal o mas kilala sa
tawag na Pepe na isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang Malaya at hindi rebolusyonaryong
naghahangad ng kasarinlan
Domingo Lam-co
- Anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna
sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de
Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya).
- Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.