You are on page 1of 4

ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

Ang Ang Pagbibining sa Savica ay isang epikong Slovenian na binuo ng tatlong bahagi:
Una ay "Ang Soneto" na iniaalay ni Prešeren sa matalik niyang kaibigang si Matija Cop, na
namatay dahil sa pagkalunod sa edad na 38. Pangalawa ay "Ang Prologo" na nasusulat nang
patula at binubuo ng dalawampu't anim na saknong na may tigatlong taludturan (tercets) at
ivong mababasa sa kabilang pahina: Pangatlo, "Ang Pagbibinyag" nasusulat sa tigwalong
taludturang tula at binubuo ng 56 na saknong o talata. Mababasa mo rin ang dalawang saknong
ng bahaging ito sa mga susunod na pahina.
Ang kabuoan ng epiko ay tumatalakay sa mga pangyayaring nagbigay-daan upang ang
mga Paganong Korinto noong ikasampung siglo ay maging binyagang Kristiyano. Sumentro ito
sa pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan: Si Črtomir, ang makisig at matapang na
mandirigmang Pagano na labis na nagmamahal sa kanyang kasintahan; at si Bogomila, isang
dalagang maganda, inosente, at mahinhin subalit may matatag na paninindigan.
Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa pagsabak ni Črtomir sa isang digmaan sa pagitan ng
mga Paganong pinamunuan niya at ng mga kristiyanong pinamunuan ni Valjhun sa Lambak ng
Bohinj noong taong 772. Naging madugo ang digmaan at dahil malakas ang nakalabang hukbo
bukod pa sa kinulang sila ng pagkain, natalo ang pangkat nina Črtomir. Sa pagtatapos ng
digmaan ay tanging si Črtomir lamang ang nakaligtas ang buhay. Lingid sa kanyang kaalaman,
ang kanya palang kasintahang si Bogomila na dating alagad ng kanilang diyosang si Čiba ay hindi
na isang pagano. Nagpabinyag ang dalaga at ngayon ay isa nang Kristiyano. Habang nasa
digmaan ang kasintahan ay nananalangin nang buong taimtim at nangako ang dalaga sa
Panginoon na kung makababalik nang buháy si Črtomir ay iaalay niya ang kanyang sarili at ang
buong búhay sa pagsisilbi sa Panginoon.
Nang muling magkita ay nanikluhod at sinuyo ni Črtomir ang kasintahan para mabago
ang desisyon nito at ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan subalit buo na ang desisyon ni
Bogomila. Sa halip, kinumbinsi niya si Črtomir na yakapin ang pananampalatayang Kristiyano at
magpabinyag din tulad niya. Sa matiyagang pangungumbinsi ni Bogomila ay napapayag din niya
si Crtomir. Naganap ang pagbibinyag sa binata sa Talon ng Savica. Hindi nagtagal, si Črtomir ay
naging isang paring Kristiyano at tulad ng kanyang dating kasintahan ay nag-alay ng kanyang
buhay at pagsisilbi para sa Panginoon.

Ang Pagbibinyag sa Savica (Prologo)


(Krst Pri Savici, Epikong Slovenian)
ni France Prešeren

Si Valihun, ang anak ni Kajtimar, ay nagpalaganap


Ng pananampalatayang Kristiyano sa mahaba't madugong pakikidigma;
Sina Avreli at Droh, sa kanya'y hindi na lumalaban.

Nangabigo sa kanilang buhay at ibang suliranin,


At ang mga lambak ng Carniola, ng Carantania
Tiyak na puno ang mga lawa ng dugong kahila-hilakbot.
Wala pang matapang na pinunong may hukbong pumapantay,
Nangalupig silang lahat, gumuguho sa pamamaalam,
Liban kay Crtomir na may pangkat pang nagbabagong-lakas.

Ang bunso'y nagtatanggol ng matandang paniniwala


Ng pananampalataya ng kanyang mga ninuno sa iba, mga bathala't espiritu,
Sa kabila ng mga ulap ang mataas nilang hurisdiksiyon.

Sa bawat isang nagtataglay ng ganitong palsong pananalig


Sa kapatagan ng Bistric ay bilang takas na gumagala,
Sa kanlungan ng Bohinj at nagtataasang munting tore.

Isang guho sa itaas ng kulay-abong bundok,


Ang huling kuta sa teritoryo ni Črtomir,
Ngayo'y Moog ng Pagano na ating sisiyasatin.

Ang ibayong laking kalaba'y may isang obsesyon,


Makubkob sila, ang kuta'y napaliligiran na,
Nahahadlangan ang pagpasok ng kanilang mga kaalyado.

Tingnan kung paanong pataas ang mga tuntungan ng mga kalaban


Upang gibain ang mga pader, magkaisang wasakin ang mga portada
Ngunit bawat lusob, matatag ang moog, nanlilito.

Sa anim na buwan ang daigdig na may dugo'y nasalanta,


Mula sa kasamaang patayan ng magkakapatid na Slovene
Kahindik-hindik na sangkatauhan ay kay panglaw-panglaw!

Ni espada o palakol o kahit hataw ng pala


Ang magsusulong sa tagumpay, manapa'y matinding gutom
Ang nagbabantang magpahina sa proteksiyon ng moog.

Hindi na maikubli ni Črtomir ang kanilang kagipitan;


Sa gayo'y tinipon niya't kinausap ang kanyang mga kawal:
"Matatagalan natin ang espada, ngunit tadhana'y mas malakas.

Napakakonting pagkain ang natinggal ko, naikanlong,


"Ang tagal ding nabuhay tayong walang tumutulong.
Di ko sisisihin ang sinumang piliin ang pagsuko.

Siyang sa ngayo'y tatanggap ng búhay-alipin,


Dadanas ng mga araw tulad ng mga gabing wala nang umaga
Ngunit maghihintay hanggang umaraw -hindi ako tumututol.
At kayong iba pa, na nahihiya sa maamong pagtalima,
Halikayong lahat, mga hindi masunurin;
Malalim na'ng gabi, maulap, makulog, bumabagyo.

Ang ating kalaba'y magiging lubhang kampante sa kanlungan;


Tatahakin naman nati'y mga espasyo sa kadiliman tungo sa kahuyan,
Dedepensahan ng gabi ang ating buong-suway na balikwas.

Karamihan sa mundong ito'y pag-aari ng mga lahing Slav;


Mahahanap natin ang landas sa bawat relasyon sa dugo
Malayang nilalagay ang tiwala sa pananalig at katarungan.

Ngunit kung itadhana ng mga diyos ang ating pagkalupig,


Hindi tayo mangangamba sa mahabang gabing kawalan ng buhay
Kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa pagkaalipin!"

Hindi siya iiwan ng sinuman sa sandaling ito ng pagsubok,


Bawat isa'y nakahawak sa espada, patibay ng pangako;
Walang sinumang magkakanulo para sa kaligtasan.

Ngunit nang mabuksan nang maluwang ang mga tarangkahan,


Nagsimula'ng kakila-kilabot na labanan, di mabilang na pagpatay.
Pangkat nila'y sinalakay ni Valjhun at ng kanyang buong puwersa.

Pagkat siya naman, hinihinuha ang kanilang pag-idlip,


Malapusang umakyat sa pakay na mga pader
At sa gayo'y gulantangin sila't lamangan sa dami.

Bangis ay pinawalan ng nakapundong bagyo,


Tanod ay nagpasaklolo sa gitna ng labanan;
Di mabilang na buhay ang nabuwis sa paghahamok.

At wari'y ragasa ng malakas na buhos-ulan, bumulwak


Pababang lumagunlong sa gilid ng bundok tulad ng kulog,
Nilamon ang lahat habang ito'y dumadaluhong,

At hindi saglit ma'y huhupa, nilulunod ang lahat sa ilalim


Ng mga alon, maliban sa ilang malalaking hadlang
Gayon nga si Valjhun, nilansag ang mga kawal na pagano.

Habang may isa pang humihinga'y walang tigil sa pagdurog,


Hanggang sa huli bawat isa sa kanila'y nililigalig;
Sa kanila, pananalig nila ang kataas-taasang turo.
Nang umaga'y naarawan ang mga bangkay na di nalilibing
Nakatihaya sa pinaglabanan, nakabunton
Tulad ng tungkos na sariwa, pinagtabi-tabing trigo.

Sa mga bangkay, nabilang ay kalahating Kristiyano,


Ang iba pa'y naaagnas nang katawan ng mga pagano.
Ngunit sa paghahanap na ito'y nagulumihanan si Valjhun
Dahil siya'ng nagpapasan ng sála sa lahat ng gayong pagpatay.

Bahagi ng Epikong "Ang Pagbibinyag sa Savica"

Ang naglalabanang mga ulap ay naglaho sa kalangitan,


Ang digmaan ng mga tao'y nagwakas sa gabi.
Kinulayang-ginto ng araw sa umaga ang ituktok ng mga punong
Nagtutumayog sa puting taluktok ng mga niyebe sa Carniola.
Ang lawa ng Bohinj ay payapang nakatihaya, walang-galaw,
Walang sinyal ng tunggaliang sa labas ay tanaw
Ngunit hindi naiidlip sa lawa ang mabangis na sibat
Ni ang ibang malulupit na balawis ng kalaliman.
Hindi ba ang lawang ito na sa pampangi'y tinatayuan mo,
Magiting na Črtomir, ang larawan ng iyong kaluluwa?
Ang pingkian ng mga sandata'y tumigil na sa buong lupain,
Ngunit sa dibdib mo'y nagngangalit pa ang bagyo ng digmaan.
Kung may anumang mahilakbot na karamdaman ng buhay, pagkaunawa ko
Higit na pinipinsala ng walang hanggang uod,
Nagpapasasa sa dugong-buhay sa ilalim ng kanyang lungga
At muling gumigising sa mga halimaw ng kawalang-pag-asa.

- Malayang salin ni Rogelio G. Mangahas


mula sa saling Ingles ni Alasdair Mackinnon

You might also like