You are on page 1of 4

PIPOL POWER

Ang larawan ng panahong ito ay waring langgas na gumamot sa


napakaraming sugat ng kapalaluan ng lumipas na pamahalaan. Pagkatapos barilin
at mamatay si Senador Benigno Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1983 umabot sa
kasukdulan ang malaon nang nagpupuyos na galit ng masang Pilipino sa iba’t
ibang rehiyon ng bansa. Ang patunay nito ay ang matagumpay na “civil
disobedience” na ginawang instrumento ng biyudang Gng. Corazon Aquino
upang paralisahin ang mga tiyak na korporasyong tahasang “crony” ng rehimeng
Marcos. Sa utos ni Cardinal Jaime Sin ng Maynila, lumabas sa kahabaan ng daan
ng EDSA ang milyung-milyong Pilipino, bata, matanda, edukado man o leyborer
upang makiisa at pigilan ang napipintong paglusob ng mga sundalo sa dalawang
malalaking Kampo Krame at Aguinaldo para dakpin ang mga nagkudetang
General Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos. Sumunod na rito ang makasaysayang
pagbibihis ng pamahalaan na nagtampok kay Gng. Corazon C. Aquino bilang
bagong Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sumilang ang mga bagong himig ng
ligaya sa tula, await, telenobela, pelikula at lahat ng larangan ng sining at
panitikan. Mga bagong salita ang natutunan ng dilang Pinoy tulad ng “Cory’s
madyik” at pipol power na kinilalang “mapayapang digmaan sa buong mundo”
sapagkat walang dumanak na dugo sa anumang panig ng lipunan.
Ang mga nabanggit na datos sa itaas ay pawang inspirasyon ng mga
kadang pampanitikan, nagbigay ng bagong pag-asa sa lahing Pinoy.
SANAYSAY
Gawad Collantes ng Komisyon ng Wikang Filipino

ANG MGA PASAKIT NG BUHAY


Fr. Ben A. Carreon, O.M.I

Hindi natin maiaalis, hindi natin maipagwawalang-bahala ang lahat ng pasakit at


pagdurusa sa buhay na ito. Kahit ano pa ang gawin, maging hari o emperador ka
man., ang agos ng buhay ay may mga kasamang naaanod na layak at siit. Hindi
maaaring gawing germ free at antiseptic ang buhay na ito.

Sang-ayon sa isang kwento, may isang nag-utos na huwag mamatay kahit


sino – ngunit kinabukasa’y nakita siyang bangkay.

Mayroong namang isang emperador Romano na nag-utos na alisin ang


lahat ng krus sa kanyang imperyo – sa mga simbahan, sa mga lansangan at sa
mga bahay-bahay. Ang kanyang idinahilan ay nagpapaalala raw lamang iyon ng
pagdurusa’t kalungkutan.

Sinunod naman ng mga sundalo ang kautusang ito. Ang buong hukbo ay
kumilos – pinagsasamsam ang lahat ng krus at dinurog o sinunog ang mga ito sa
plasa. Nagpapalakpakan ang madla. Tuwnag-tuwa naman ang emperador. Wala
nang krus, ang nasabi niya.

Ngunit ang mga tao’y biglang nahinto ng pagpapalakpak sapagkat may


nakita silang di—mabilang na mga anino ng krus na likha ng mga ibong lumilipad
sa itaas at dumaraan noon sa tapat ng plasa.

Parang inuuyam ng mga ibon ang utos ng emperador Romano. Ngunit


wala siyang nagawa!

At hindi lamang iyan, napatanaw ang emperador sa mga punungkahoy


sa plasa at namasdan niyang nakadipa ang mga sanga niyon, sa anyong krus!
Napatingin din siya sa bubong ng palasyo at ang mga tahilan ay nagdipang krus
sa harap ng kanyang mga mata.
Kahit saan niya ibaling ang paningin ay krus ang nakikita niya. Hindi
nagtagal, nabaliw ang kaawaawang emperador.

Ang pagdanas ng hirap at dusa ay sangkap ng buhay. Tunay nating


masasabi na ang kilatis at ganda ng ating pagkatao’y nakikilala sa ating pagdadala
ng mga kahirapang ito.

Ang ginto’y pinararaan sa apoy upang makilala ang tunay na pagkaginto


– ang tao’y gayon din.

Nang mga sandaling nalalapit na sa buhay ng Kristo ang huling yugto


ng kanyang mahal na pasyon, nabanggit niya ito sa mga apostoles, ngunit ang
mga iyon ay ayaw maniwala. Gaya ng karaniwang hudyo, ang ano mang sakit
at dusa’y ipinalalagay na isang parusa ng tadhana – kaya’t hindi nila
mapaniwalaan na si Jesus ay masusuong sa isang nakahihindik na pagpapakasakit
na gaya ng nangyari sa kanya.

Ngunit ang mga iyo’y isipang-tao at hindi isipang-Diyos. Mahirap


tanggapin sa isip na ang isang dakilang buhay na gaya ng kay Kristo ay daanan
pa ng di masayod na dusa at hirap. Ngunit alam nating ito ang inihula ng mga
propeta at ito ang naganap sa buhay ng ating Panginoon.
Ang sabi ng magnanakaw na nakapako sa kanyang kaliwa: “kung tunay na
ikaw ay anak ng Diyos, manaog ka sa krus na iyan nang walang galos – at pati
kami’y isama mo.”

Parang ginagawang sukatan ng tunay na kapangyarihan ang pag-iwas


sa hirap tila kinasusuklaman ng maraming tao ang ano mang uri ng pasakit.

Ngunit ang katumbalikan nito ay totoo. Iyong mga paganong walang


kinikilalang Diyos kundi ang salapi at lahat ng nabibili ng salapi ang naghahawak
sa ganitong pilosopiya. Hindi alagad ng ebanghelyo, hindi ang tunay na
Kristiyano.

Ang sabi nga ni Bonhoeffer: “ang tinawag ni Kristo’y tinawag upang


mamatay. Nabuhay tayo sa mundong ito, upang mamatay sa sarili, upang
magpasan ng krus, upang umakyat sa kalbaryo.
..ang buhay ay hindi ibinigay upang itago at impukin kundi upang
gugulin para sa kabutihan ng kapwa. Ang tao’y nilalang upang makibaka at
makidigma, upang makipagtagisan sa mga alagad ng dilim, upang magpakilala
ng lakas – at sa lahat ng ito’y handang tumanggap ng dagok at sampal ng
kapalaran.

Lalong tumitibay at lumalaki ang ugat ng kahoy na dinaraanan na


daluyong. Dito natin dapat sukatin ang tunay na pananampalataya ng tao – sa
tibay ng ugat ng kanyang buhay.

Huwag nating masamain ang mga pasakit na dumaraan sa ating buhay.


Manapa’y tanggapin nating pagsubok sa ating pagkatao at kailangang sangkap sa
buhay – Kristiyano.

Ang mahal na Pasyon ni Kristo ang gawin nating modelo. Ang


mataimtim niyang pagsasabalikat nito ang ating tularan.

You might also like