You are on page 1of 20

"But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ.

Indeed, I count everything as loss


because of the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord." Philippians 3:7-8 ESV

Menu

The Apostles’ Creed Part 6 – He Suffered under Pontius Pilate, was Crucified, Died and was Buried

Derick ParfanOctober 27, 2021Sermons, The Apostles' Creed

The necessity of confessing Christ rightly

Tinatawag natin ang sarili natin na mga Christians, believers, disciples or followers of Christ. Bihira
naman ang mga tao ngayon na outrightly ay magde-deny kay Cristo at sasabihing, “Ayoko sa kanya. I
hate him.” Marami siyang “admirers” or “fans” ngayon. At tayong mga Christians ay sinasabing nating
tayo ay “followers” of Christ. Naniniwala tayo sa kanya, nagtitiwala tayo sa kanya, sumusunod tayo sa
kanya. Madaling sabihin ‘yan. Marami naman kasing “nominal Christians” lang, Cristiano sa nguso,
Cristiano kuno. It is one thing to confess Christ, another thing to confess the right Christ. Pwede mong
sabihing naniniwala ka kay Cristo, pero sinong Cristo ang pinaniniwalaan mo? Yun ang mahalagang
tanong.

Kaya mahalaga ang “confession” ng Apostles’ Creed. ‘Pag sinabing confess, usually naiisip natin yung
pag-confess ng kasalanan natin (1 John 1:9). Ang binibigkas natin ay pagsang-ayon sa sinasabi ng Diyos
hindi lang sa kasalanan natin, kundi sa Tagapagligtas natin sa kasalanan. “Ang hindi kumikilala sa Anak ay
hindi rin kumikilala sa Ama. Ang kumikilala (confesses) sa Anak ay kumikilala rin sa Ama” (2:23). “Ito ang
palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag (confesses) nila na si Jesu-
Cristo ay dumating bilang tao. Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag (confesses) tungkol kay
Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila” (4:2-3). “Ang nagpapahayag (confesses) na si Jesus
ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama’y nananatili sa kanya” (4:15).

Kaya mahalaga ang theology. Kaya mahalaga ang Apostles’ Creed na hindi lang natin ipinapahayag kundi
inuunawang mabuti. Makikita natin dito ang suma ng “Christian theology” na ayon kay Daniel Treier ay
merong “trinitarian” at “narrative” na structure. Ito yung “drama of redemption,” o yung tinatawag
nating “The Story of God” na kinapapalooban ng “four glorious unions.” Una na nating napag-aralan
yung tungkol sa Trinity—one God in three persons. Ikalawa, yung last week, yung “the incarnation”—o
yung dalawang natures ni Cristo, pagiging Diyos at pagiging tao sa iisang Son of God. Ikatlo, yung pag-
aaralan natin ngayon, yung “the atonement”—yung reconciliation between sinners and God; at ikaapat,
“the covenant—the communion of the saints with God,” diyan patungo ang buong istoryang ito, and
also the goal of our theology (Introducing Evangelical Theology, “Introduction”).

So, sa pag-aaral natin ng Christology ng Apostles’ Creed, tingnan natin sa context nitong larger
perspective. Nauna na nating pag-aralan two weeks ago ang tungkol sa kung sino si Cristo (“Jesus Christ,
His only Son, our Lord”), at last ay yung tungkol sa kanyang incarnation o pagkakatawang-tao
(“conceived by the Holy Spirit, born of the virgin Mary”). At simula ngayon ay yung tungkol sa kanyang
ginawa para sa ating kaligtasan. Sabi ni Joel Beeke, “The person and work of Christ are the core of the
gospel (1 Cor. 2:2). Just as the person of the incarnate Lord is the foundation of our salvation, so his
work is the accomplishment and application of our salvation” (Reformed Systematic Theology,2:869).

Inadequate Approaches to the Work of Christ

So kung yung “work” ng Panginoong Jesus ay may kinalaman sa “accomplishment and application of our
salvation,” napakahalaga talaga na maintindihan natin yun. Kasi merong iba’t ibang pananaw ang mga
tao ngayon tungkol dyan. Nagbanggit si Joel Beeke ng ilang mga “inadequate approaches to the work of
Christ” (2:870-873):

Yung iba ang tingin kay Cristo ay bilang isang wise teacher. Totoo naman. Pero naparito si Jesus hindi
lang basta magturo ng magagandang aral na dapat nating pakinggan, paniwalaan at sundin. Ang
pagparito niya ay hindi lang tungkol sa mga itinuro niya, kundi sa ginawa niya.

Yung iba naman ang tingin sa kanya ay isang terrifying king. Bilang hari, hahatulan niya ang mga
nagrerebelde sa kanya, kaya nakakatakot ang pagbabalik niya sa mga unrepentant. Totoo naman, pero
he is also “gentle and lowly,” na nag-aanyaya sa mga tao na lumapit sa kanya.

Yung iba naman ang tingin sa kanya ay isang crucified sacrifice. Yung image na nangingibabaw ay yung
katawan ni Cristo na nakabayubay sa krus ng kalbaryo. Totoo namang “sacrifice” ang ginawa niya. Pero
hindi lang siya parang isang hero o martyr na nag-iinspire sa mga followers siya. Kailangang
maintindahan natin ang essence ng crucifixion ni Jesus.

Yung iba naman ang tingin sa kanya ay isang spiritual power. Hindi mahalaga yung historical event, basta
“Christ is inside you.” Siya ang nag-eempower sa ‘yo, nagpapalakas sa ‘yo. May katotohanan siyempre,
pero nagiging very subjective ang approach sa Christianity.

Yung iba naman very romantic ang approach kay Cristo, na parang isang mystical lover. Pero nagiging
emotional lang, based lang sa feelings.
Yung iba ang tingin sa kanya ay isang sympathetic sufferer. Naiintindihan niya ang mga dinaranas mong
paghihirap. Totoo. Pero his sufferings were more than that. Hindi lang para maka-identify sa afflictions
natin, but to rescue us from eternal suffering.

Yung iba naman napopolitika na ang image ni Christ, na para siyang social activitist o isang revolutionary
liberator. Para raw palayain ang bansa natin, lalo na ang mga mahihirap at naaapi, mula sa mga
injustices and oppression ng mga abusadong namumuno. Pero yun nga ba ang primary reason kung
bakit naparito ang Anak ng Diyos?

These images may communicate some truths about who Christ is and what he has done. Pero
karaniwang nagiging “one-sided.” Marami naman ang nakakaalam kung sino si Jesus, anu-ano ang
ginawa niya, anu-ano ang mga itinuro niya, kung paano siya namatay, at yung historical event ng
resurrection niya. Pero ano ang ibig sabihin nun? Ano yung na-accomplish niya sa mga ginawa niya?
Kaya mahalagang pag-aralan yung susunod na linya sa confession of our faith sa Apostles’ Creed: “He
suffered under Pontius Pilate, was crucified, died and was buried”; “Nagdusa sa ilaliim ni Poncio Pilato;
ipinako sa krus, namatay, at inilibing”; “passus sub Pontio Pilato, crucifixus, mortuus, et sepultus.” Isa-
isahin natin yung meaning and significance ng bawat termino dyan.

“Suffered”

Maraming nagtataka kung bakit nilaktawan ng Creed yun tungkol sa buhay at ministeryo ng Panginoong
Jesus, at diretso agad sa kamatayan niya. Marami siyempreng nakasulat sa Gospels—Matthew, Mark,
Luke and John—tungkol diyan. Tandaan natin na itong Creed ay summary, at nagsisilbing “rule of faith”
para magabayan tayo sa pagbabasa ng record tungkol sa buhay ni Jesus. So, read the Gospels para mas
makilala mo ang Panginoong Jesus. At matutulungan tayo ng Creed para makita at maalala kung ano
yung layunin bakit siya naparito. Hindi lang para magturo, magpagaling, at gumawa ng mga himala.
Naparito siya para hanapin at iligtas ang mga naliligaw (Luke 19:10). At paano mangyayari yun? Naparito
siya hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay para sa ikatutubos
ng marami (Mark 10:45). He was born to die. So, yung goal ng incarnation niya ay yung crucifixion.

Pero, hindi rin naman tama na sabihin nating nilaktawan ng Creed ang buong buhay ni Jesus. Implied
kasi yun sa “suffered under Pontius Pilate.” Hindi lang ‘yan tungkol sa suffering niya sa dulo ng buhay
niya, kundi sa suffering na naranasan niya sa buong buhay niya—mula sa kapanganakan hanggang sa
kamatayan niya. Mahalagang ipaalala dahil, ayon kay Albert Mohler, nakakalimutan nating mga
Christians na si Jesus ay hindi lang namatay para sa atin, siya rin ay nagdusa at naghirap para sa atin.

Kaya yung bungad sa sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 37 tungkol sa “suffering” ng


Panginoong Jesus, “Sa lahat ng panahong namuhay Siya sa daigdig, at mas lalo na noong bandang huli…”
Hindi lang sa dulo, kundi buong buhay niya dito sa mundo ay puno ng pagdurusa. Tandaan mo ‘yan, lalo
na sa panahong dumaranas ka ng matinding paghihirap. Your Savior was a sufferer. Nagbigay si
Zacharias Ursinus, main author ng Heidelberg Catechism, ng pitong paraan kung paanong nagdusa si
Cristo:

Iniwan niya ang mga kagalakan ng langit.

Naranasan niya ang mga kahirapang nararanasan ng mga tao tulad ng pagkagutom, pagkauhaw,
kalungkutan, pagtangis, at marami pang iba.

Naranasan niya ang kawalan at ang kahirapan, ni wala siyang sariling tirahan.

Pinagtiisan niya ang mga pang-iinsulto, pagtatraydor, paninirang-puri, paglapastangan, pagtatakwil, at


masamang pagtrato ng mga tao sa kanya.

Hinarap niya ang mga tukso ng Diyablo.

Ang kamatayang sinapit niya ay isang kahiya-hiya at napakasakit na kamatayan.

Naranasan niya ang matinding paghihirap ng kalooban niya bilang isang isinumpa at tinalikuran ng
kanyang Ama sa langit.

Basahin mo yung Gospel accounts tungkol sa buhay ni Jesus at marerealize mo na siya yung Suffering
Servant na tinutukoy ni Isaiah. “Hinamak siya at itinakwil ng mga tao. Dumanas siya ng mga sakit at
hirap. Tinalikuran natin siya, hinamak, at hindi pinahalagahan. Ang totoo, tiniis niya ang mga sakit at mga
kalungkutang dapat sanaʼy tayo ang dumanas. Ang akala natin ay pinarusahan siya ng Dios dahil sa
kanyang mga kasalanan” (Isa. 53:3-4 ASD). Ang mga paghihirap na dinanas ni Cristo ay hindi parusa ng
Diyos sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan. Tayo ang makasalanan. Ang mga paghihirap natin sa
mundong ito ay dulot ng kasalanan na pumasok sa mundo nang mahulog sina Adan at Eba sa tukso ng
Diyablo.

Ang pagparito ni Cristo at ang pagdanas niya ng mga kahirapan ay upang maging perfectly qualified siya
as our only Mediator to God. “Sa pamamagitan ng kanyang pagdurusa, siya’y ginawang ganap ng Diyos
at nang sa gayon ay makapagdala siya ng maraming anak patungo sa kaluwalhatian” (Heb. 2:10 MBB).
Siya ang perfect Savior natin dahil naranasan niya ang mga paghihirap na dinanas natin. “Nadarama rin
ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na
dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala” (Heb. 4:15 MBB). Tayo, konting pagsubok lang
nagkakasala na agad. Sina Adan at Eba nga perfect environment nila, pero nagkasala pa rin. Tapos ang
dali nating sisihin yung paligid natin, o sitwasyon natin, o hirap ng buhay ngayon, o gawa ng ibang tao,
para i-excuse ang kasalanan natin. Pero si Jesus, katakut-takot na hirap ang dinanas niya pero hindi siya
nagkasala kahit isa. Ayon kay Mohler, makapangyarihang makapagliligtas ang gospel sa ating mga
makasalanan dahil si Cristo ay walang kasalanan. Walang kapangyarihan ang gospel kahit na ialay ni
Cristo ang sarili niya na parang hayop na kakatayin kung wala naman siyang “perfect life and total
innocence.”

“Under Pontius Pilate”

Nagdusa si Jesus. Pero wala siyang kasalanan. At isa ito sa point na ini-stressed ng “suffered under
Pontius Pilate.” Sa dinami-dami ng mga taong karakter sa Bibliya, bukod kay Mary ay isa pa itong si
Pontius Pilate, governor ng Judea sa ilalim ng pamamahala ng mga Romano, ang tampok dito sa
bahaging ito ng Creed. Bakit kaya? Una, ay para patunayan na itong ginawa ni Jesus at yung dinanas niya
ay totoong nangyari sa kasaysayan. Hindi ito isang alamat lang, o isang theological concept lang.
Totoong nangyari ito. At may bisa lang ang gospel na iligtas tayo kung ito ay totoong nangyari (1 Cor.
15:3-5, 14, 19). Dahil kung ito ay kathang-isip lang, kathang-isip lang din ang kaligtasan natin. Balewala
ang lahat.

Buti na lang totoong lahat ito. Totoong nangyari. Kung paanong totoo sa kasaysayan si Pontius Pilate,
ganun din katotoo ang Panginoong Jesus at ang ginawa niya para sa atin. Marami pa naman ngayong uso
na historical revisionism, tulad ng binabago yung mga nangyari sa panahon ng dictatorship ni Marcos.
Ginagawa nila yun to serve their political agenda, para makontrol ang pag-iisip ng masa. Pero ang gospel
ay hindi historical revisionism o legend. Ito ay good news dahil hindi ito fake news.

So, ano ang nangyari sa paglilitis ni Pilato kay Jesus? Pinaratangan kasi siya ng mga Jewish leaders ng
paghihimagsik laban sa Roman goverment. Dahil wala silang karapatang maggawad ng parusa,
kailangang Roman government ang maghusga. Sa pag-iimbestiga ni Pilato, ito ang sabi niya sa mga
Jewish leaders, “Inimbestigahan ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong hindi totoo ang mga
paratang nʼyo laban sa kanya. Ganoon din ang napatunayan ni Herodes kaya ipinabalik niya si Jesus dito
sa akin. Wala siyang nagawang kasalanan upang parusahan ng kamatayan” (Luke 23:13-15). At sa harap
ng maraming tao na naghihintay na hatulan si Jesus, ganito ang sabi ni Pilato, hindi lang isang beses:
“Wala akong makitang kasalanan sa taong ito…Gusto kong malaman nʼyo na wala akong nakitang
kasalanan sa kanya” (John 18:38; 19:4)! Ayun naman pala, wala naman talagang kasalanan si Jesus. Pero
pinalaya ba siya? Hindi!

Itong si Pilato, natural na trapo, wala naman siyang pakialam sa katotohanan at sa hustisya. Basta
maging popular sa mga tao, lalo na at ma-please ang emperador, yun ang gagawin niya kahit baluktutin
ang hustisya (sounds like many politicians today, right?). Nagsisigaw ang mga tao, “Patayin siya! Patayin
siya! Ipako siya sa krus” (v. 14)! Ibinibigay nga ni Pilato si Jesus para ipako sa krus. Oo, may kasalanan si
Pilato at ang mga Jewish leaders, pati ang publiko, sa pagsasabwatan para mabaluktot ang hustisya, para
maparusahan ang walang-sala, at si Barabbas na isang convicted criminal ang mapalaya (18:40). Pero
ang lahat ng ito ay nangyari eksakto ayon sa plano ng Diyos. Natupad ang Psalm 2, “Naghanda para sa
digmaan ang mga hari sa lupa, at nagtipon ang mga pinuno laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang,”
at ito ang ginamit sa panalangin ng mga persecuted Christians noon. Sabi pa nila, “Nagkatipon nga sa
lungsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa inyong
banal na Lingkod na si Jesus, ang inyong Hinirang. Nagkatipon sila upang isagawa ang lahat ng bagay na
inyong itinakda noong una pa man ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban” (Acts 4:26-28 MBB). “It
was the will of the LORD to crush him; he has put him to grief” (Isa. 53:10).

Ano ang mabuting balak ng Diyos na mangyari sa pamamagitan ng masamang balak ng mga tiwaling
opisyal ng gobyerno? Sagot sa Question 38 ng Heidelberg Catechism, “Bakit Siya nagdusa sa ilalim ng
paglilitis ni Poncio Pilato bilang hukom? Bagama’t walang-sala, si Cristo ay hinatulan ng isang hukom na
tao, at sa gayong paraan ay pinalaya Niya tayo mula sa mabigat na kahatulan ng Diyos na ipapataw sana
sa atin.” Tayo dapat ang parusahan, tayo dapat ang mamatay at magdusa nang walang hanggan. Pero
inakong lahat yun ng Panginoong Jesus. “Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw. Bawat isa sa atin
ay gumawa ng nais nating gawin. Pero siya ang pinarusahan ng Panginoon ng parusang dapat sana ay
para sa ating lahat” (Isa. 53:6).

Ang tawag dito ay “penal substitution.” Yung penalty o parusa ay dapat sa atin dahil sa kasalanan natin.
Pero si Jesus ang naging substitute natin. Siya ang pinarusahan in our place. Tayo naman ang nakalaya,
nakaligtas, at nakaranas ng biyaya ng Diyos. Tinatawag din itong “the great exchange.” O, gracious
exhange. This is grace. Amazing grace.

“Crucified”

Sa maraming Christians, nagiging boring na yung grace na yun kasi alam na natin, paulit-ulit na natin
naririnig. Pero hindi na nagiging amazing. Bakit? Kasi hindi natin inuunawang mabuti kung anong klaseng
“parusa” ang inako ni Jesus para sa atin. Hindi lang siya nagdusa, hindi lang siya namatay, ipinako siya sa
krus, death by crucifixion. Ito na ang pinakamababa, pinakamasaklap, pinakanakahihiya, pinakakarumal-
dumal na kamatayan.

Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip,
kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya
bilang tao. At nang siya’y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus. (Phil. 2:6-8 MBB)
Itong crucifixion ang isa sa pinaka-barbaric na death penalty in history. Hindi tulad ng death by stoning
sa Jewish law. Sakto sa plano ng Diyos na sa puntong ito ng history ay mga Romano ang naggagawad ng
ganitong parusa para sa mga nagrerebelde. Dahan-dahang namamatay yung nakapako sa krus,
hanggang hindi na niya maiangat ang sarili niya para makahinga. Bukod sa physical torture, pinakamalala
yung kahihiyan na yung hubad mong katawan ay nakabalandra sa maraming tao. At kung napanood n’yo
yung Passion of the Christ ni Mel Gibson, talaga namang hindi ka makakatingin sa hirap na dinanas niya,
sa sugat na humiwa sa balat at laman niya, sa dugo na bumabalot sa buong katawan niya. Makabagbag
damdamin ang eksena. Maaawa ka kay Jesus. Mararamdaman mo ang laki ng pagmamahal ng Diyos sa
atin. At baka ma-inspire ka na magsakripisyo rin sa ibang tao na tulad niya. But, we don’t need that
movie to understand the cross. Sapat ang Salita ng Diyos. At para sa maraming tao, kung mapapanood
nila yun, lalo pa silang madi-distract sa real meaning of the cross.

Kasi yung ibang tao, sasabihin na nagbibigay lang daw si Jesus ng halimbawa o modelo na dapat nating
tularan, o ipinapakita niya kung gaano kasukdulan siya kung magmahal. Hindi raw yun “handog sa
kasalanan” o “pag-ako sa hatol o parusa ng Diyos,” tulad ng pinaniniwalaan nating itinuturo ng Bibliya.
Kasi kung ganun, tapos si Jeus pa yung beloved Son of God, lalabas daw na ang Diyos ay isang “cosmic
child abuser” at ang pagkapako kay Jesus sa krus ay isang form of “cosmic child abuse” (Albert Mohler).
Kailangan ba talaga ang crucifixion? Hindi ba pwedeng magpatawad na lang ang Diyos nang walang
paparusahan? Nang hindi ipapadala si ang Anak niya? Less gracious ba siya? Hindi ba siya madaling
magpatawad? Di ba, God is love? Biblical ba talaga ‘yang wrath of God o parang tulad lang ng mga diyos
ng mga pagano (Robert Letham, The Work of Christ, p. 126)?

Ano ang problema sa ganitong form of thinking about the cross? Ang liit ng tingin natin sa Diyos,
ibinababa natin siya na tulad lang din nating mga tao. Ang liit ng tingin natin sa kabanalan ng Diyos. Ang
liit ng tingin natin sa kasalanan ng tao. Ang liit ng tingin natin sa katarungan ng Diyos. Pwede ba namang
isantabi lang niya ang kasalanan laban sa kanyang kataas-taasang karangalan nang hindi nayuyurakan
ang kanyang perpektong katarungan? Ang liit din ng tingin natin kay Cristo. Hindi naman siya pinilit ng
Ama na para siyang walang kamalay-malay na tupa na kakatayin sa katayan. He willingly laid down his
life for his sheep (John 10:11, 15, 18). God is perfectly holy. We are great sinners against his infinite
majesty. He is righteous and just. And he is also loving, that is why he sent Jesus to die on the cross for
us. Pag-ibig at katarungan ng Diyos ay nagtagpo sa krus ni Cristo (Rom. 3:26;5:8).

Kung nauunawaan mong mabuti kung ano ang katarungan ng Diyos, mas maaarok mo rin nang mas
malalim ang pag-ibig ng Diyos na nag-udyok sa Diyos para ipadala ang kanyang nag-iisa at
pinakamamahal na Anak para sa atin (John 3:16). Kung hindi dahil kay Cristo, nananatili ang poot ng
Diyos sa ating mga makasalanan (John 3:36). Pero dahil sa krus, “Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa
ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, ‘Isinumpa ang bawat binibitay sa
punongkahoy’ (cited from Deut. 21:23)” (Gal. 3:13). Inako ni Jesus ang sumpa ng bagsik ng galit at
parusa ng Diyos sa anim na oras na nakapako siya sa krus. Yun ang essence ng iyak niya na, “Diyos ko,
Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Tanong ng ibang tao, “E paano namang yung pagkapako sa kanya na tumagal nang anim na oras ay
sasapat para bayaran ang parusa na eternal condemnation para sa mga milyun-milyong mga tao na
sasampalataya kay Jesus?

Kung tao lang siya na tulad lang natin, hindi sapat yun. Kahit magpapako ka sa krus nang ilang milyong
beses hindi enough yun. Napakalaki ng kasalanan natin. Hindi naman ito palakihan, o paramihan, o
pagrabehan ng kasalanan. Malaki ang kasalanan natin dahil nagkasala tayo sa Diyos na kataas-taasan.
Ang kabayaran din ay kailangang of infinite value. Kaya nga tinawag yun na “the precious blood of
Christ” na higit pa sa pilak o ginto ang halaga (1 Pet. 1:18-19). Ang krus ay patotoo hindi sa “worth” o
halaga nating mga tao, kundi sa “infinite worth” o walang hanggang halaga ng Panginoong Jesu-Cristo—
tunay na Diyos at tunay na tao, perfect Mediator between God and Man (1 Tim. 2:5). We are great
sinners, we have a great Savior. Ang krus ni Cristo ang nagpapatotoo dyan.

“Dead and Buried”

“Suffered under Pontius Pilate, was crucified, died and was buried.” Ipinako siya sa krus hanggang
mamatay. Totoong namatay siya. Bago ang huling hininga niya, sinabi niya, “It is finished.” Tapos ay
iniyuko ang kanyang ulo at tuluyan nang nalagutan ng hininga (John 19:30). Nakita ng mga sundalo na
patay na nga si Jesus, kaya hindi na binali ang paa niya. Tinusok nila ang tagiliran ni Jesus at lumabas ang
dugo at tubig. Nangyaring lahat ito bilang katuparan ng Kasulatan (vv. 36-37). Sabi ni apostle John,
“Nakita ko mismo ang mga pangyayari, at isinasalaysay ko ito sa inyo. Totoong nangyari ito, kaya alam
kong totoo ang mga sinasabi ko. Isinasalaysay ko ito upang sumampalataya rin kayo” (v. 35 ASD). At
inilibing din siya sa libingan ng isang mayaman tulad ng sinasabi ng Kasulatan (vv. 38-42; see Isa. 53:9).

Ang lahat ng nangyaring ito ay totoo. Makatitiyak tayo na totoo ang basehan ng pananampalataya natin
—si Cristo at ang kanyang ginawa sa krus. “In Christ the solid rock I stand, all other ground is sinking
sand.” “Si Cristo ang sandigan ko, siya ang matibay kong bato, at kanlungan pag may bagyo.” Maaawit
natin ‘yan kahit anong panahon. Bakit? Dahil kay Cristo at sa ginawa niya sa krus “grace upon grace” ang
tinanggap natin—limpak-limpak na biyaya, patung-patong na biyaya, nag-uumapaw na biyaya,
sukdulang biyaya. Lahat ito ay napasaatin at mapapasaatin kung maniniwala tayo at magtitiwala sa
kasapatan ng ginawa niya para sa atin.
Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, napawi na ang galit ng Diyos laban sa atin (“propitiation”). “A
propitiation by his blood” (Rom. 3:25; also Heb. 2:17; 1 John 2:2). We deserved his wrath, we received
his love.

Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, inalis na ang kasalanang naghihiwalay sa atin sa Diyos (“expiation”).
“He condemned sin” nang si Cristo ay ipako sa krus” (Rom. 8:3). Dahil dun, wala nang kahatulang natitira
sa atin. Pinatawad na ang kasalanan natin. “Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya
inalis sa atin ang ating mga kasalanan” (Psa. 103:12).

Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, tinubos at pinalaya na tayo mula sa pagkakaalipin natin sa kasalanan
(“redemption”). “Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan”
(Tit. 2:14 ASD). Sa MBB, “upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan.” “In him we have redemption
through his blood, the forgiveness of our trespasses, according to the riches of his grace” (Eph. 1:7).

Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, itinuring na tayong matuwid (“justification”). “Kailanmaʼy hindi
nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy
maituring tayong matuwid ng Dios” (2 Cor. 5:21 ASD).

Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, naipagkasundo na tayo sa Diyos, napanumbalik ang relasyon natin sa
kanya (“reconciliation”). “Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga
kaibigan (‘reconciled’) sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak” (Rom. 5:10; also 2 Cor. 5:19).

Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng diyablo at ng kamatayan


(“liberation”). “Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan” ay winasak “niya ang diyablo na siyang may
kapangyarihan sa kamatayan” at “pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay nila’y inalipin ng takot
sa kamatayan” (Heb. 2:14-15). Anong katatakutan mo?

Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, nakipag-isa na tayo kay Cristo (“union with Christ”). “I have been
crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me” (Gal. 2:20).

Dahil nakipag-isa na tayo sa ginawa ni Cristo sa krus, united with Christ in his death, kailangan nating
patayin ang kasalanan at mamuhay nang may kabanalan (“sanctification”). “Ang dati nating pagkatao ay
naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo
maalipin pa ng kasalanan” (Rom. 6:6). Kailangan at kaya na natin itong patayin sa tulong ng Espiritu
(Rom. 8:13). Namatay si Cristo sa krus para sa ating mga kasalanan hindi para magpatuloy tayo sa
kasalanan, but “to purify for himself a people for his own possession who are zealous for good works”
(Tit. 2:14-15).

Dahil nakipag-isa na tayo sa ginawa ni Cristo sa krus, walang anumang paghihirap ang nararanasan natin
ngayon ang makapaghihiwalay sa atin sa Diyos. Ayon kay Ben Myers (The Apostles’ Creed, 75-76), bawat
paghihirap na nararanasan natin ay isang pagkakataon o oportunidad “to identify with Jesus,” to “suffer
with him so that we may also be glorified with him” (Rom. 8:17). Maging ang kamatayan ay nagiging isa
pang paraan para makasunod kay Jesus at makibahagi sa kanya. Lahat naman ng tao mamamatay, pero
tayong mga nakay Cristo, “we die differently,” dahil ang Anak ng Diyos ay nagkatawang-tao, naghirap na
tulad natin, namatay sa krus para sa atin, at alam nating ang buhay o ang kamatayan ay hindi
makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na nakay Cristo Jesus na ating Panginoon (Rom. 8:38-39).

Kung ito pala yung “grace upon grace” na dulot ng pagdurusa at kamatayan ni Cristo sa krus, bakit mo pa
pagdududahan ang kasapatan ng biyaya niya sa panahon ng kahirapan, kawalan, at kamatayan? Bakit ka
pa maghahanap ng iba maliban kay Cristo? Bakit ka pa mahuhumaling sa mga inaalok ng mundong ito?
Bakit hindi ka mamamangha sa sukdulang biyaya ng Diyos?

Skip to content

Treasuring Christ PH

Treasuring Christ PH on Facebook

Pastor Derick on Twitter

Pastor Derick on Instagram


Treasuring Christ PH YouTube channel

Treasuring Christ PH on Spotify Podcast

Treasuring Christ PH on iTunes Podcast

"But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ. Indeed, I count everything as loss
because of the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord." Philippians 3:7-8 ESV

Menu

“Remember Your Word” (Psa. 119:49-56)

Derick ParfanJanuary 6, 2022Sermons

Introduction

Hindi lang ako, pati rin ang iba sa inyo nagsabi na nakakapagod ang bakasyon. Lalo na ngayong
Christmas at New Year holidays. Abalang-abala ang mga tao, maingay, at ang daming distractions. Ang
hirap magkaroon ng quiet time, yung tahimik ka lang, tahimik lang sa paligid mo na magbabasa ka ng
Bible at magpepray. Yung papakinggan mo kung ano ang sinasabi ni Lord, at yung kakausapin mo rin siya
nang hindi nagmamadali. Kaya every first week of every year, from first Lord’s Day hanggang second
Lord’s Day, nagkakaroon tayo ng Prayer Focus Week. Para saan yun? To refocus, para maipaalala sa sarili
natin yung priority ng Word and prayer sa Christian life, at kung gaano kahalaga itong means of grace na
ginagamit ng Panginoon para sa ating paglago sa relasyon sa kanya lalo na.

Kaya nga sa mga gatherings natin, mahaba ang inilalaan natin sa reading and preaching of the Word of
God, pati sa mga elder-led prayers, at yung mga songs na form of prayer din. At sa Friday, we will have
prayer meeting. Kaya ibibigay rin namin sa inyo every quarter yung preaching schedule, para mabasa na
ninyo ahead of time yung mga Scripture texts na pag-aaralan natin, at para maipagpray n’yo ang mga
preachers natin. Mahalaga kasi yung commitment ng bawat isa every Lord’s Day. Yung morning service
natin ang pinakamahalang appointment mo throughout the week. Learn to say “no” to other invitations
na magiging dahilan para mag-absent ka. Wag mong idahilang minsan ka lang naman mag-aabsent. Baka
masanay ka.

I pray also na yung commitment natin to the Word and prayer sa mga gatherings natin ay magsilbing
halimbawa sa inyo, inspiration kumbaga, na maging priority rin ang Word and prayer sa personal time
mo sa bahay. Kaya yung schedule na nareceive n’yo ay meron ding Bible reading plan. Bagong cycle na
‘to ng three-year reading plan na sinimulan natin ng 2019 at katatapos lang. Nung magsimula ang
pandemic last year, maraming nagpapasalamat sa inyo kasi nagkaroon ng mas mahabang time with the
Word of God. Pero ganun pa kaya ang masasabi natin ngayon? O balik na naman sa dating gawi? O ang
prayer request mo na ngayon ay ganito, “Sana bigyan ako ni Lord ng mas maraming time.” Imposible
naman yun. Lahat naman tayo may 24 hours a day. Dapat matutunan lang natin kung paano i-prioritize
yung higit na mahalaga. Bakit, mas mahalaga ba ang pag-aaral mo, ang trabaho mo, ang social media use
mo, kesa sa time with God in prayer? At hindi mo naman kelangan ng napakahabang oras. Kung isa o
dalawang chapters a day lang, wala pang 10 minutes ‘yan, plus 10 minutes siguro na reflection o
journaling, then 10 minutes sa pagpepray sa mga members using our membership directory. Mahabang
oras ba yun?

Hindi naman talaga ka-busyhan ang problema natin. Kulang tayo sa motivations. Pinapaalala ko ito sa
inyo, at kailangan nating gawin itong mga paalala na ‘to kasi nakakalimot tayo sa Salita ng Diyos. Sinasabi
nating mahalaga ang salita ng Diyos pero yung attitude natin at yung habits natin sa Bible reading and
approach natin sa prayer ay nagpapakita na hindi naman pala ganun kahalaga sa atin ang Salita ng Diyos.

Nitong mga nakaraang celebrations ng Christmas at New Year, abalang-abala ang mga tao. Siguro
kailangan nila yun para panandaliang makalimot sa mga masalimuot na hinaharap sa buhay. May mga
sirang relasyon, may mga problema sa pera, may mga struggles sa kasalanan. Pero haharapin natin ulit
yun, hindi naman ‘yan matatakasan, tuloy-tuloy pa rin ‘yan. Oo, umaasa tayo na magkakaroon ng mga
magagandang pagbabago pagdating ng bagong taon. Pero paano kung yung mga hinihiling natin sa
prayers ay hindi pa rin dumating? Paano kung nandun pa rin yung sakit at yung hirap na dinaranas natin,
at hindi nabawasan, at baka madagdagan pa? Saan ka lalapit? Saan ka hihingi ng tulong?

Psalm 119

Kung ang sagot mo sa tanong na ‘yan ay walang kinalaman sa salita ng Diyos, o hindi sa pamamagitan ng
prayer, sinasabi mong merong iba na mas kailangan mo kesa sa Diyos. Akala mo kasi nakakalimot siya sa
mga pangako niya. Pero ang totoo ikaw ang nakakalimot. So, kaya bawat simula ng bawat taon, pag-
aaralan natin ang Psalm 119. Merong 176 verses ‘yan, at bawat isang verse ay patungkol sa kahalagahan
ng Salita ng Diyos sa buhay ng isang Cristiano. Hindi lang mahalaga, ipinagdiriwang pa. Awit ‘yan,
beautifully composed poetry, personal prayer ni King David siguro although we are not sure. Pero ang
sigurado tayo, ito rin ang dapat maging damdamin at panalangin ng bawat isang anak ng Diyos
patungkol sa kanyang Salita.

Itong Psalm 119 ay may 22 sections na tig-8 verses. Acrostic poem ‘yan, ibig sabihin bawat section ay
kumakatawan sa bawat letra ng Hebrew alphabet, at bawat verse ng bawat section ay nagsisimula sa
letrang yun. Natapos na natin sa mga nakaraang taon hanggang verse 48. Ngayon naman ay verses 49-
56 (zayin), at next week yung verses 57-64 (heth). Dito sa verses 49-56, siyempre sa English or Tagalog
hindi natin makikita na pare-parehas na letra ang simula ng bawat verse. Pero sa Hebrew, yung verse 49
ang simula ay zakar (remember), sa v. 50 zoth, sa v. 51 zed, sa v. 52 zakar ulit, sa v. 55 zakar ulit. Dahil
tatlong beses inulit, that’s a key word sa section na ‘to. Yung una ay prayer of request para alalahanin ng
Diyos ang mga pangako niya, at yung huling dalawa ay prayer of commitment ng psalmist na kanyang
aalalahanin ang Diyos—kung sino siya at kung ano ang ginawa niya.

Remember Your Word (Psalm 119:49-52)

Yung unang occurence ng “remember” (Heb. zakar) ay nasa verse 49, yung prayer niya, “Remember your
word to your servant.” Bakit ganito ang prayer niya? Ano ba ang nararanasan niya? Mabigat ang mga
dinadala niya kaya ganito ang prayer niya. “My affliction” (v. 50), sabi niya. Merong hirap, merong hapdi
sa nararanasan niya. To be more specific, sabi niya sa verse 51, “The arrogant constantly ridicule me” (v.
51 CSB). May mga mayayabang na tao na kumakalaban sa kanya. Pansinin mo kung paano isinsalarawan
yung ginagawa sa kanya. Pwedeng may kinalaman sa intensity, “utterly deride me” (ESV) o “labis akong
hinanamak” (MBB), o sa duration, “constantly ridicule me” (CSB) o “palagi akong hinahamak” (ASD), o
parehas. Matindi na nga, wala pang lubay ang mga kaaway niya.

Posible na may naririnig ka ring mga masasakit na salita sa asawa mo o sa kapitbahay mo o sa may utang
sa ‘yo. O posibleng hindi ganito ang hirap na nararanasan mo, pero lahat naman tayo may “afflictions”
na dinaranas. Pwedeng financial problems, pwedeng cancer, pwedeng frustrations sa relasyon sa
pamilya. Kahit ano pa ‘yan, ano dapat ang maging prayer natin? “Remember your word to your servant”
(v. 49). Maaaring hindi ganito ang madala na prayer natin. “Lord, bigyan mo ako ng trabaho. Lord, i-
provide n’yo ang pambayad namin. Lord, patinuin mo na ang asawa at mga anak ko.” Tayo nga ang
“servant” at ang Diyos ang “Master,” bakit minsan yung iba kung magpray parang inuutusan pa ang
Diyos, “I declare, Lord, na ganito ang mangyayari!” Hindi faith yun, arrogance yun. We need to humble
ourserlves as God’s servant. Ang prayer natin ay hiling sa Diyos, hindi utos sa kanya.

Siya ang may awtoridad na mag-utos sa atin. Pero pansinin n’yo, hindi sinabi dito na yung “servant” ang
dapat alalahanin ang salita ng amo niya. Kasi tayo madalas makalimot sa salita ng Diyos, kaya dapat
paalalahanan. Pero dito, ang Diyos ang hinilingan na alalahanin ang sinabi niya. Hindi naman
nakakalimot ang Diyos! Wala naman siyang memory gap at kahit kailan ay hindi magkaka-amnesia. Yung
“word” na gamit dito ay hindi tumutuloy specifically sa mga utos ng Diyos sa kanyang “servant” kundi sa
mga pangako ng Diyos—“your promise” (v. 50). So yung prayer niya ay paghiling na kumilos ang Diyos
nang naaayon sa mga ipinangako niya at hindi ayon lang sa kung ano ang gusto natin, ayon sa plano niya
at hindi ayon lang sa sarili nating ambisyon. Ang panalanging ito ay nagpapakita ng pagtitiwala niya na
tapat ang Diyos sa kanyang pangako at tutuparin niya ang itinakdang layunin at plano niya para sa
kanyang mga lingkod. Lalo na’t hindi lang “servant” ang turing sa atin ng Diyos kundi mga anak niya dahil
sa pakikipag-isa natin kay Cristo. So, we also pray, “Our Father in heaven, alalahanin n’yo po ang inyong
mga pangako sa akin na inyong anak, at gamitin mo maging itong mga hirap na dinaranas ko para ako ay
maging katulad ni Cristo (see Rom. 8:28-29).”

Heto ang halimbawa ng praying according to God’s will, hindi according to my will! So, bakit nakakabit sa
Word of God ang prayer niya? Unang-una, dahil sa salita ng Diyos nakasalalay ang buhay niya, “Your
promise has given me life” (v. 50 CSB). Hindi ba’t ganito rin natin naranasan ang kapangyarihan ng
pangako ng Diyos na nakakabit sa gospel?

Since you have been born again, not of perishable seed but of imperishable, through the living and
abiding word of God; for “All flesh is like grass and all its glory like the flower of grass. The grass withers,
and the flower falls, but the word of the Lord remains forever.” And this word is the good news that was
preached to you (1 Pet. 1:23-25).

Nagkaroon tayo ng bagong buhay (born again) sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Kailangan lang ba
natin ang salita ng Diyos sa simula? No. Kaya inihalintulad ni Pedro yung word of God sa gatas, at tayo
naman sa isang sanggol,“Like newborn infants, long for the pure spiritual milk, that by it you may grow
up into salvation” (1 Pet 2:2). Kailangan natin ng gatas ng Salita ng Diyos araw-araw. Lalo na sa mga oras
na pinanghihinaan tayo ng loob dahil sa mga hirap na nararanasan natin. Kaya nga sabi ng psalmist
tungkol sa life-giving promise ng Word of God, “This is my comfort in my affliction” (v. 50). Ah, yung life-
giving promise daw ng Diyos ang nagbibigay ng comfort sa kanya. Kaya dapat nating alalahanin kung
paano tayo iniligtas ng Diyos in the past, and that same power and grace ay available sa atin sa ngayon.
We need to look back to God’s past grace to give us comfort for present sufferings. And we also need to
look forward. “You have given me hope through it” (v. 49). Ano raw ang nagbibigay ng pag-asa sa kanya?
“Your word” (v. 49), “your promise” (v. 50).

So, kung gusto nating magkaroon ng pag-asa at kaaliwan na kagaya nito, ano ang kailangan nating
gawin? Siyempre, we read God’s Word. Siyempre, we pray. Pero hindi lang yun. Wag nating
paghihiwalayin yung Word and prayer. We pray God’s Word. We pray God’s promises—para sa sarili
natin, para sa pamilya natin, para sa mga members ng church, at para sa mga unbelievers. Don’t just
read the Word; pray the Word.

Yung comfort na kailangan natin sa salita ng Diyos nanggagaling. Pero hindi ito mangyayari nang
aksidente lang. Dapat may commitment. Ano ang dapat na maging commitment natin sa Salita ng Diyos?
Ano ang commitment ng psalmist sa v. 51? Hindi tulad ng mga kaaway niya, hindi tulad ng mga
unbelievers. Hindi rin tulad ng mga tao sa paligid natin na mag-New Year’s resolutions daw, pero wala
namang commitment. Kasi wala namang kinalaman sa Word of God. Pero siya? Kahit anu-ano pang
salita ang naririnig niya sa ibang tao, iba siya, “but I do not turn away from your law (Heb. torah)” (v. 51).
Ito rin yung commitment na nais ng Diyos para kay Joshua na siyang pumalit kay Moses, kung gusto
niyang magtagumpay sa pagtupad ng layunin ng Diyos sa kanya:

This Book of the Law shall not depart from your mouth, but you shall meditate on it day and night, so
that you may be careful to do according to all that is written in it. For then you will make your way
prosperous, and then you will have good success. (Joshua 1:8 ESV)

Walang prosperous new year, walang success for 2022 kung lilihis ka sa salita ng Diyos. At anumang
prosperity and success na ‘to must be defined by the Word of God, hindi ng salita o gusto ng tao. Yung
comfort na kailangan natin sa salita ng Diyos nanggagaling. Kaya kailangan din ng commitment natin sa
Salita ng Diyos. Makikita rin ‘yan sa mahabang sagot sa Question 1 ng Heidelberg Catechism, “What is
your only comfort in life and death?” Kung ano ang nakasulat sa salita ng Diyos, kung ano ang ginawa ng
Diyos, kung panao tayo niligtas ni Cristo, kung paano tayo nakikipag-isa kay Cristo, kung paano kumikilos
ang Diyos para sa ikabubuti ng kanyang mga anak, at kung paano tayo binibigyan ng assurance ng Holy
Spirit, at sa pamamagitan niya, he “makes me sincerely willing and ready, henceforth, to live unto him.”

I Remember Your Judgments (Psalm 119:52-54)

May connection ang comfort from the word of God and commitment to the word of God. Ano yung
connection na yun? Heto yung pangalawang “remember” (Heb. zakar) sa passage na ‘to, nasa verse 52,
“I remember (ESV, think) your judgments from long ago and find comfort” (v. 52 CSB). You can’t find the
comfort you need if you will forget the Word of God. Mahalagang alalahanin, mahalagang basahin,
mahalagang kabisaduhin.
Paano ito nagbibigay ng comfort? “I remember your judgments from long ago.” Hindi lang ito yung mga
utos ng Diyos sa Five Books of Moses o Pentateuch (Genesis to Deuteronomy). Ito ay tungkol sa mga
gawa ng Diyos, sa desisyon ng Diyos, sa pagsasakatuparan ng plano ng Diyos, sa pagpaparusa ng Diyos sa
mga kaaway nila, sa pagliligtas ng Diyos sa kanyang bayan mula sa pagkaalipin at tiyak na kapahamakan.
Remember the Story of God. Kaya laging kailangan nating balik-balikan yung gospel. Sa Bible reading, sa
preaching, sa baptism, at sa Lord’s Supper. Yun kasi ang problema sa mga resolutions natin. We make
life all about us, at kung ano ang gagawin natin, o magagawa natin. Pero ito unang-una ay tungkol sa
Diyos at sa ginawa niya para sa atin.

Kung yun ang primary, wala tayong maipagmamalaki. Magpapasalamat tayo. Ano ang dapat nating
ipagpasalamat ngayon? Prayer ‘to, “…O Lord” (v. 52). Hindi ito yung, “Lord, alalahanin mo ang ginawa
ko. Eto dapat ang reward ko.” No. Ang sabi niya, “Eto ang ginawa ko, eto ang natagpuan ko, yung
comfort na kailangan ko. Salamat sa biyaya mo.” Anumang resolved and determination natin na
sumunod sa salita ng Diyos ay hindi kailanman masasayang. Kailangang alalahanin natin ‘yan, lalo na sa
panahon ngayon na maraming bumabalewala sa salita ng Diyos.

Kung ganito ang commitment niya sa word of God, ano ang nararamdaman niya sa mga bumabalewala
sa salita ng Diyos? “Hot indignation seizes me because of the wicked, who forsake your law” (v. 53 ESV).
Hindi lang naiinis na para bang yung videoke kagabi sa kapitbahay, masakit sa tenga. Eto “hot
indignation” o “fury” (CSB). Hindi ito galit na directed sa mga tao na yun. Kasi kung alam mo kung ano
ang kahihinatnan nila kung mananatili silang unrepentant, nakakaawa ‘yan. Pero eto yung galit dahil sa
dishonor to God’s Word. Dahil sa laki ng pagpapahalaga niya sa salita ng Diyos, nakakagalit na yung
ibang tao ay ginagawang parang basura ang salita ng Diyos.

What do you feel when you hear news of violence and corruption? Normal na lang, manhid na? O kung
nanonood ng movies na may sexual immoralities o violence? Di naman totoo ‘yan, yes, but a depiction
of evil, and at times celebration of evil. Kung sino pa ang magnanakaw at mamamatay-tao siya ang hero
ng story. Entertainment? We need comfort, not entertainment. We cannot find comfort in celebration
of evil. Parents, you are allowing your children to play games, yung nakikipagpatayan sila. Is that good
for their soul? Good for you ba yun kung di ka naiistorbo pag busy sila, pero nakakasama naman sa
kanila?

So ano ang kailangan nating i-celebrate? Not evil, but the will of God. “Your statutes are the theme of
my song during my earthly life” (v. 54 CSB). You sing what is important to you. Songs give us comfort in
that way. Totoong comfort siyempre kung ito ay sang-ayon sa Salita ng Diyos. That is why we make sure
we pray God’s word, we sing God’s word, we preach God’s word. Hindi yung sentimental lang. Hindi
yung sweet and precious promises lang. Comforting yun. Pero dito ano raw yung inaawit niya? “Your
statutes” o mga utos ng Diyos. Hindi pala kabigatan ang utos ng Diyos, hindi pala pahirap sa atin, hindi
pala kill-joy ang mga utos ng Diyos. Inaawit pala, kung yun ay nakikita mong mabuti at mahalaga sa
buhay mo.

Ano ang laman ng puso mo ngayon? Ano ang lumalabas sa bibig mo ngayon? Yung ba ay mga naisin din
ng Diyos? O mga sariling hangarin mo lang? Kung ano ang laging pumapasok sa isip mo, kung ano ang
lumalabas sa bibig mo, yun ang itinuturing na kayamanan ng puso mo. Sinabi rin ‘yan ni Jesus (Luke
6:45).

I Remember Your Name (Psalm 119:55-56)

Anu-anong bahagi ng salita ng Diyos ang nagbibigay ng comfort sa atin? Lahat! Mga pangako niya (v. 50),
mga gawa niya (v. 52), mga utos niya (v. 54). That is why we commit to read thru the whole Bible. Lahat
ng bahagi ng Bibliya kailangan natin, dahil lahat ‘yan ay Salita ng Diyos para sa atin. Dahil lahat ‘yan ay
expression o kapahayagan kung sino ang Diyos. We need all of God’s Word because we need all of God.

Kaya paano natin dapat basahin ang salita ng Diyos? Sa v. 52, “I remember your judgments.” Dito sa v.
55, yung pangatlong “remember” (Heb. zakar): “I remember your name.” Ang pangalan ng Diyos ay
tumutukoy sa lahat-lahat tungkol sa Diyos. Ang Bibliya ay tungkol sa Diyos. Kung babalewalain natin ang
Bibliya, binabalewala rin natin ang Diyos. Kung kinakalimutan nating magbasa, kinakalimutan rin natin
ang Diyos dahil ito ay sulat niya para sa atin.

Kailan natin kailangan ang Diyos? Hindi lang kapag bagong taon. Kundi sa buong buhay natin. Kaya
buong salita ng Diyos ang kailangan natin sa buong buhay natin. “…during my earthly life” (v. 54) sabi ng
psalmist na tema ng awit niya ang salita ng Diyos. Alam niyang kailangan niya. Lalo na in times of
“affliction” (v. 50), lalo na kung may tumutuligsa sa kanya (v. 51), lalo na sa panahong parang masasama
ang naghahari sa bansa (v. 53). Kaya ito yung prayer of commitment niya, “Lord, I remember your name
in the night” (v. 55). Hindi lang araw, araw at gabi (Josh. 1:8). Gabi kapag natutulog na ang marami, siya
gising pa at ang laman ng isip niya ay ang Diyos. Gabing madilim, ang iba ay nagpapalipas oras na lang,
siya Diyos pa rin ang pagbubulayan niya. Gabing madilim, ang ginagawa ng iba ay kasamaan, siya ay buo
ang loob sa pagsunod sa Diyos, “…and I obey your instruction. This is my practice: I obey your precepts”
(vv. 55-56). Buo ang loob kahit anong panahon, kahit anong mangyari.
Sa kanyang commentary sa passage na ‘to, heto ang tanong ng preacher na si Charles Spurgeon sa atin,
“Ang mga iniisip mo ba sa gabi ay puno ng liwanag, dahil puno ng Diyos? Ang pangalan ba niya ang
natural na laman ng mga pagbubulay mo ‘pag gabi? Kung ganun, ito rin ang makakaapekto sa umaga at
hapon mo. O baka naman punong-puno ang isip mo ng mga panandaliang alalahanin at mga kasiyahan
sa mundong ito? Kung ganun, hindi nakapagtataka na hindi ka namumuhay gaya ng nararapat. Walang
sinumang tao ang nagiging banal sa tyamba lang.”

Paano nga naman tayo makapamumuhay nang tulad ng nais ng Diyos, banal na gaya niya, tulad ni Cristo,
kung malayo ang Diyos sa isip natin? Paano nga naman mapupuno ng tungkol sa Diyos ang isip natin
kung kinakaligtaan naman natin ang mga katangian at gawa ng Diyos? Paano natin matatanggap yung
kaaliwan na kailangan natin sa panahon ng kahirapan kung hindi natin pagbubulayan ang mga pangako
ng Diyos? At paano natin mapagbubulayan ang mga pangako ng Diyos, at paano natin maaalala ang mga
gawa ng Diyos kung hindi natin babasahin ang salita ng Diyos? Paano mo ‘yan babasahin kung hindi mo
nakikitang mahalaga ‘yan, at kung wala ka namang commitment na basahin mula Genesis hanggang
Revelation?

We all need this resolution, siyempre sa tulong ng Diyos: “Resolved to read all of God’s Word, to pray all
of God’s Word, to find comfort in all of God’s Word, and to obey all of God’s Word.” Bakit? Because you
need all of God for all of life.

Bible reading, New Year, Taglish sermon, Word of God

Email

Print and PDF

Loading...

Related

Sex and the Story of God

June 28, 2012

In "Sermons"
The King is Born

October 11, 2012

In "Sermons"

The Wisdom of Worship

June 12, 2012

In "Sermons"

Post navigation

Previous Next

Published by Derick Parfan

Husband to Jodi, father to Daniel, Stephen and Kyrie. Leading pastor of Baliwag Bible Christian Church.
Founder and lead teacher of Treasuring Christ PH. Adjunct professor at International Graduate School of
Leadership. District chairman of Bulacan District of Alliance of Bible Christian Communities of the
Philippines. View all posts by Derick Parfan

Share your thoughts about this post...

Logged in as aizamiranda. Edit your profile. Log out? Required fields are marked *

Comment *

Notify me of new comments via email.

Notify me of new posts via email.


Notify me of new posts on web and Jetpack App via notifications.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Pastor Derick's Five Solas, One Gospel (Taglish) print paperback is now available. Visit our online
bookstore to order.

Balik Tayo sa Church Audiobook

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Email Address:

Email Address

Subscribe

Join 2,516 other subscribers

Search for:

Search …

Follow Us on Facebook

A WordPress.com Website.

You might also like