You are on page 1of 6

KRISTIYANISMO

 Ang Kristiyanismo ang pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig. Tinatayang


33% ng populasyon ng daigdig ang nagpapalagay sa sarili bilang mga Kristiyano.

 Sumusunod sa mga turo at kuwento tungkol kay Hesukristo ang mga Kristiyano. Si Hesus (Jesus)
ay isang Hudyo na nabuhay noong unang siglo A.D o P.K. (Panahon ni Kristo).

 Matatagpuan sa Bagong Tipan ang kuwento tungkol sa buhay ni Hesus at pati na rin ang
kanyang mga itinuro. Ang Bagong Tipan kasama ang Lumang Tipan ang bumubuo ng Bibliya. Ang
librong ito ang batayan ng halos lahat ng mga paniniwala at kaugaliang Kristiyano. Nagsimula
bilang isang sektang Hudyo ang Kristiyanismo. Pagkatapos mamatay ni Hesus, ipinahayag ng
kanyang mga tagasunod o mga disiplo ang kanyang mga turo.

 Noong ika apat na siglo A.D., ang Kristiyanismo ang naging opisyal na relihiyon ng Imperyong
Romano. Mula dito, nagsimula na itong kumalat sa maraming bahagi ng daigdig.

 Dito nabuo ang tatlong pangunahing grupo ng mga Kristiyano: ang Romano Katolikong
simbahan, mga simbahang Eastern Orthodox at mga Protestanteng simbahan. Bumuo ng
magkakaibang paniniwala at kaugalian ang iba’t ibang grupong ito, ngunit lahat ay naniniwala sa
mga turo ni Kristo, ayon sa nakatala sa Bagong Tipan. Ngunit ang mga ito ay mayroon iisang
paniniwala tungkol sa mga turo ni Kristo, kung paano man ito nakasulat sa Bagong Tipan.

Naniniwala ang karamihan sa mga Kristiyano na:

 Nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang unang lalaki at babae na sina Adan at Eba.
 Tinukso ni Satanas sina Adan at Eba na huwag sundin ang ipinag-uutos ng Diyos. Ang paglabag
na ito ang nagdulot ng kasalanan sa mundo. Minana ng sangkatauhan ang kasalanang ito, at
tinatawag na “unang kasalanan.”
 Si Hesus ang nag-iisang anak ng Diyos na nagkatawang tao upang iligtas tayo sa kasalanan.
Naniniwala ang ibang grupo na dahil anak siya ng Diyos, Diyos din siya. Nagsasabi naman ang iba
na isa lamang siyang magaling na guro.
 Ang mga grupong naniniwalang Diyos si Hesus ay naniniwala sa konsepto ng Tatlong Persona.
Naniniwala silang mayroon lamang isang Diyos, na kinakatawan ng tatlong persona: ang Diyos
Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
 Naniniwala ang halos lahat ng Kristiyano na may kaligtasan. Umaayon silang may buhay na
walang hanggan ang bawat isa. Matapos ang pagkamatay ng katawan, pupunta sa langit ang
kaluluwa ng isang tao upang makasama ang Diyos. Kung hindi maililigtas sa kasalanan ang isang
tao, kukunin ng demonyo ang kanyang kaluluwa at susunugin nang walang hanggan sa apoy ng
impiyerno. Naniniwala ang karamihan ng grupo na makakamit ang kaligtasan sa pamamagitan sa
pagsisisi sa kasalanan, pagtanggap kay Hesus bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas, at
pakikipagkasundo sa Diyos.
 Muling nabuhay (resurrection) si Hesus, at babalik muli pagdating ng katapusan ng daigdig.
Tinatawag itong Pangalawang Pagbabalik ni Kristo. Sa panahong iyon, muli ring mabubuhay ang
lahat ng Kristiyanong nailigtas na namatay na. Sasama sila, at ang iba pang nabubuhay na
Kristiyano kay Hesus at mabubuhay nang walang hanggan.
Humihigit sa 1, 700,000,000 o 1.7 bilyon ang bilang ng mga Kristiyano ngayon. Binubuo nila ang 33% ng
buong populasyon ng daigdig. Mayroon nang higit pa sa 22,000 hiwa-hiwalay na simbahan, sekta at
denominasyong Kristiyano sa buong daigdig. May magkakaibang paniniwala tungkol sa mga turo ni
Kristo ang marami sa mga grupong ito.

Si Hesus, ang Tagapagtatag ng Kristiyanismo

 Ang Kristiyanismo ay nagmula sa salitang Kristo na taguri kay Hesus at itinuturing bilang
tagapagtatag ng nasabing relihiyon.
 Ang buhay ni Hesus ay batay sa apat na aklat na matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya ng mga
Kristiyano.
 Ang mga aklat na ito ay tinatawag na ebanghelyo na nangangahulugang "Mabuting Balita".
 Ayon sa Bibliya, ipinanganak si Hesus sa pagitan ng 6BCE at 4 BCE sa Bethlehem sa Judea. Ang
kanyang mga magulang ay sina Jose na isang karpentero at si Maria na sinasabing naglihi
pagkaraan dalawin ng isang anghel na si Gabriel. Lumaki si Hesus sa bayan ng Nazareth
 Kaunti lamang ang naitala tungkol sa kabataan ni Hesus. Noong 30 taong gulang na, nagsimula
na siyang mangaral sa mga tao sa bayan ng Galilee at Jerusalem.
 Sinasabing nakagawa siya ng milagro tulad ng pagpapagaling sa may sakit at pagpapaalis sa
masasamang espiritu na sumasapi sa tao.

Ang mga Aral at Katuruan ni Hesus

 Ang mga turo ni Hesus ay tulad din sa Judaism tulad ng paniniwala sa iisang Diyos at ang
pagsunod sa Sampung utos ng Diyos na ibinigay kay Moses.
 Nangangako ang Diyos na makakamit ng isang tao ang kaligtasan at kapayapaan sa kalangitan
kung maniniwala ito sa Kanya at magsisisi sa kanyang mga kasalanan.
 Siya rin ang Diyos ng lahat ng tao.
 Mahalin ang kapwa at maging ang kaaway.
 Sa Kanyang paglalahad ng mensahe, pumili si Hesus ng 12 alagad na naging kasa-kasama niya sa
paglalakbay.
 Marami ang naakit sa Kanyang mga katuruan at naniwala na Siya ang Mesias o Tagapagligtas na
ipinangako ng Diyos upang hanguin ang tao sa pagkaalipin.
 Ang Pagpako sa Krus
 Ang katangyagan ni Hesus ay naging banta sa mga opisyal ng Roman. Nangamba sila na kung
patuloy na maaakit ni Hesus ang maraming tao, maaari itong mag-udyok ng isang digmaan at
ibagsak ang Imperyong Roman.
 Dahil dito, ipinadakip ni Pontius Pilate, ang Gobernador ng panahong iyon si Hesus.
 Siya ay pinahirapan at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpako sa krus.
 Ayon sa paniniwala ng mga Kristiyano, si Hesus ay muling nabuhay pagkaraan ng tatlong araw at
umakyat sa langit.
 Sa pangyayaring ito, napatunayan ng mga alagad ni Hesus na Siya ay tunay na Anak ng Diyos.
 Tinawag siyang Hesu Kristo kung saan ang salitang Kristo ay mula sa salitang Greek na Christos
na nangangahulugang "Mesiyas" o "Tagapagligtas".

Ang Paglaganap ng Kristiyanismo sa Imperyo

 Ayon sa Bibliya, binilinan ni Hesus ang kanyang alagad na maglakbay sa buong mundo at
ipahayag ang Kanyang mga aral at katuruan.
 Sinunod Siya ng kanyang mga tagasunod at pinalaganap ito sa Syria at Palestine.
 Marami ang naakit sa turo ni Hesus dahil sa buhay na walang hanggan.
 Ang simbolo nito ay Krus.
 Ang isa sa piankatanyag na misyonerong nagpalaganap ng Kristiyanismo ay si Paul na dating
kalaban ng mga Kristiyano at isa sa mga taga-usig nito. Ayon sa Bibliya, habang siya ay
naglalakbay sa Damascus sa Syria, nagpakita sa kanya si Hesus. Dahil dito, nagsimula siya sa
kanyang misyon at siya ay naging matagumpay.
 Binigyan-diin niya ang pagkamatay ni Hesus sa krus upang maligtas ang mga nagkasala at
makamit ng tao ang kaligtasan.
 Siya ay pinatay noong 64 CE kasama ng iba pang mga Kristiyano.

Pagmamalupit at Pagtanggap sa mga Kristiyano

 Hindi naging mahirap ang paglaganap ng Kristiyanismo dahil umiral ang karapatan na mamili ng
kanilang paniniwalaan, pero dahil sa pag-iral nito marami ang nangamba sa mga opisyal ng
Roman dahil sa hindi pagtanggap sa kanilang relihiyon.
 Ang paniniwala ng mga Kristiyano sa iisang diyos at pagwalang-bahala sa mga diyos at diyosa ng
mga Roman ay isang pagsuway sa pamamahala ng emperador.
 Bukod dito hindi kinilala ng mga Kristiyano ang emperador bilang diyos dahil ito ay labag sa
unang utos ni Hesus.
 Naisip din nila na dahil dito hindi magiging tapat ang mga ito sa emperador.
 Dito nagsimulang ipagbawal ang paglaganap ng Kristiyanismo.
 Maraming Kristiyano at misyonero ang dinakip at ipinatapon sa ibang lugar.
 Libo-libong Kristiyano ang pinahirapan at pinatay sa pamamagitan ng pagsunog ng buhay at
pagpapakain sa mga mababangis na hayop.
 Nang maganap nang isang malaking sunog sa Rome noong 64 CE, ibinintang ni Nero ang
pangyayari sa mga Kristiyano na nagbunga ng maramihang pagpatay sa mga ito.
 Dahil sa patuloy na pagmamalupit ng mga opisyal sa mga Kristiyano, naging palihim ang
pagsagawa nila ng mga pagsamba sa mga catcomb.
 Ang catacomb ay isang lugar na nasa ilalim ng lupa at nagsisilbing libingan ng mga yumao.
 Tumagal ang pagmamalupit sa loob ng 250 taon.
 Ang mga Kristiyano na naging biktima ng pagpapahirap ng mga Roman ay tinaguriang mga
amartir o mga taong nagbuwis ng buhay para sa kanilang pananampalataya.
 300 CE, nagkaroon ng pagbabago sa buhay ng mga Kristiyano dahil sa pagbabago ng pakikitungo
ng ilang emperador sa kanila.
 Isa sa mga natatanging pinuno nito ay si Constantine na tinanggap ang Kristiyanismo sa
imperyong Roman.
 Ayon kay Constantine, nakakita siya ng pangitain sa langit habang sila ay naglalakbay ng kanyang
hukbo. May nakita siyang nagliliwanag na krus at nabasa niya ang pahayag na "in hoc signo
vinces" na nangangahulugang "Sa pamamagitan ng simolong ito, ikaw ay magtatagumpay."
 313 CE, idineklara niya ang pagwawakas ng paghihirap at pagpatay sa mga Kristiyano.
 Nagpalabas siya ng kautusan na tinawag na Edict of Milan na nagsasaad ng pagtanggap sa
relihiyong Kristiyanismo sa buong imperyo.
 Nagpabinyag si Constantine bilang Kristiyano bago siya bawian ng buhay noong 337 CE.
 Ng maging emperador si Theodosius noong 379 CE, ginawa niyang opisyal at nag-iisang relihiyon
ang Kristiyanismo sa buong imperyo at ipinagbawal ang pagtangkilik sa iba pang paniniwala.
 Dahil dito, tuluyan ng lumaganap ang Kristiyanismo sa buong imperyo.

Ang Simbahang Kristiyano

 Mayroong mga Kristiyano na nagnais na habambuhay na maglingkod sa simbahan at ihiwalay


ang kanilang sarili sa ibang tao.
 Monghe ang taguri sa mga Kristiyanong ito. Tinatawag na monasteryo ang lugar kung saan sila
nanirahan.
 Isa sa tanyag na monghe ay si Benedict na nagtatag ng orden o pangkat na mga kaparian na
tinawag na Benedictine.
 325 CE, nagpatawag si Constantine ng pulong na dinaluhan ng mga pinuno ng simbahan.
 Ginanap ito sa Nicaea, malapit sa Constaninople sa Anatolia. Dito naisulat ang Nicene Creed na
tumatalakay sa pangkalahatang paniniwala ng simbahan.
 Ilan sa binigyang-diin ng kredo ay ang pagpapanatili ng mga paniniwala na si Hesus ay anak ng
Diyos at kapantay ng Kanyang kalikasan at ang mga aral at katuruan ng Judaism ay nakapaloob
sa Lumang Tipan samantalang ang buhay ni Hesus ay sa Bagong Tipan ng Bibliya.
 Naging tanyag din ang ilang mga Kristiyanong manunulat at iskolar na tinawag na "Mga Ama ng
Simbahan". Ang ilan sa mga ito ay sina Augustine na obispo ng Hippo sa Hilagang Africa na
siyang sumulat ng "City of God" at si Jerome na siyang may-akda ng Vulgate, ang Bibliya na
nakasalin na wikang latin.

KRISTIYANISMO SA PILIPINAS:
Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.Sa pananakop nila sa Pilipinas, may
ginamit silang dalawang pangunahing estratehiya. Ito ay ang ebanghelisasyon at ang kolonisasyon. Ang
ebanghelisasyon ay isang mapayapang paraan na estratehiya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng
kristiyanismo sa Pilipinas at nagsisimbolo ito ng krus. Ang kolonisasyon naman ay ang kabaliktaran ng
ebanghelisasyon. Ito ay nagsisimbolo ng espada at hinding mapayapang paraan dahil ginagamitan ito ng
lakas-militar. Sa estratehiyang ebanghelisasyon, ang mga paring Espanyol o prayle. Ang mga lakas-militar
o guardia civil ang namamahala sa kolonisasyon.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino na mga pagano o infieles dahil wala silang
pinaniniwalaang diyos. Tinatawag rin sila na di-sibilisado dahil ang kanilang pamumuhay ay kakaiba sa
Europa lalo na sa Espanya.

Ang mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng doctrina. Ito ay ang
paghahanda sa pagtatayo ng isang parokya. Ang mga paring misyonero rin ang nangangasiwa ng
pagbibinyag sa mga simbahang Katoliko. Sa patakarang ito, ang mga Pilipino ay hindi na tinatawag na
pagano ng mga Espanyol dahil nagkaroon na silang pinaniniwalaang diyos.

Impluwensya ng Kristiyanismo sa Kulturang Filipino


Malaki ang impluwensya ng Kristiyanismo lalung-lalo na ang simbahang Katoliko Romano sa
kasulukuyang kultura ng Pilipinas. Makikita ito sa ating mga pang araw-araw na kilos at gawi. Maging
ang ating mga paniniwala ay lubos na naapektuhan ng simbahan.

Ang pagdaraos ng mga kapistahan, ay isang tradisyon na may malalim na impluwensyang


kristiyano. Nang dumating ang mga kastila dala ang relihiyong kristiyano, malugod natin itong tinanggap.
Kaalinsabay ng paglaganap ng kristiyanismo ay ang pagtatalaga ng isang santong patron para sa isang
bayan o pamayanan. Para sa mga patron ay nagtalaga tayo ng isang araw ng pasasalamat at ito ay kilala
bilang araw ng pista.

Isa sa pinaka kilalang kapistahan ay ang kapistahan ng San. Isidro Labrador ang Patron ng mga
magsasaka. Ang kapistahan ay karaniwang nagaganap sa mga araw ng mayo sa ibat-ibang bayan sa mga
lalawigan ng Pilipinas.

Maiibibilang sa mga tanyag na kapistahan ang Aranya`t Baluarte Festival sa Gumaca Quezon,
dinarayo ito ng mga turista mula sa ibat-ibang panig ng Pilipinas at ibang bansa. Ang pinaka tampok sa
pagdiriwang na ito ay ang mga magaganda at makukulay na baluarteng may ibat-ibang disenyo ng
pagkaka-palamuti. Sa mga baluarteng ito isinasabit ang mga gulay, prutas, mga kakanin at maging mga
alagang hayop at isda. Ang bawat laman ng mga baluarte o arko ay ibinabagsak matapos dumaan sa
ilalim nito ang dibuho ng banal na Patron San Diego. Ang kapistahan ay may diwa ng pasasalamat para
sa masaganang ani.

Ipinagdidiwang din natin ang ilang mga kapistahang may kaugnayan sa mga panggyayari sa
Bibiliya. Isang halimbawa nito ay ang Moriones festival ng Marinduque kung saan, inaalala ang paghagad
sa kristo. Isinasagawa ito ng mga Morion na may mga makukulay na mascara at kasuotan.

Kung meron mang mas mahalagang pagdidriwang na mai-uugnay sa Kristiyanismo, ito ay ang
pagadaraos ng Mahal na Araw o Semana Santa. Isang panahon partikular sa mga araw ng Marso o Abril.
Sa mga araw na yaon inaalala ang naging paghihirap ng Banal na Kristo sa Krus. Sa makatuwid ito ay ang
pagbabalik tanaw sa ginawang pagtubos ni Kristo Hesus sa kasalanan ng sanlibutan.

Ang isa sa pinakamatagal at malaking pagdiriwang sa Kristyanismo ay ang kapanganakan ni Jesus


tuwing Disyembre.

Lubos na kasiya siya ang mga araw ng pagdiriwang ng kapistahan. Maging ito man ay
pasasalamat o pag-alala ng kabayanihan ng isang Patron. Ito ay nagpapakita kung paano natin lubos na
tinanggap at niyakap sa ating mga sarili ang relihiyong dinala ng mga mananakop na Kastila, ang
Kristiyanismo.

You might also like