You are on page 1of 3

BAHAGING GINAGAMPANAN NG RELIHIYON SA IBA’T IBANG ASPEKTO

NG PAMUMUHAY

Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-legare na ang ibig sabihin ay


pagbubuklod at pagbabalik –loob.Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa
mundo ay nagmula sa Asya.Sa lawak ng teritoryong sakop at sa dami ng taong
naniniwala,Malaki ang dahilan na tawagin ang Asya na sinilangan ng relihiyon sa
daigdig.
Ang relihiyon ay bahagi na ng lipunan simula pa noong unang panahon.Ito ay ang
pagkilala ng tao sa isang kapangyarihang nakapaghahari sa lahat ng bagay at ang
kanyang batas at utos ay sinusunod.
Sa India naitatag ang Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism.Sa kasalukuyan,
Hinduism ang dominanteng relihiyon sa India.

1. Hinduismo
Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India na naitatag ng mga
Aryan.Naniniwala ang mga Aryan sa diyos-diyosan at sumasamba sa kalikasan.Ito ay
napalitan sa pagsamba kay Brahma na tagapaglikha.Veda ang banal na kasulatan ng mga
Hindu.Tinuturo ng Veda kung paano magkakaroon ng mahaba at mabuting buhay ang
tao.Ginagalang ng mga Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang mga altar
at nagpupunta rin sila sa mga banal na lugar.

Mga Paniniwala ng mga Hindu


Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa
kapaligiran.Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng bagay na
may buhay.espiritu o kaluluwa.Naniniwala rin sila sa reinkarnasyon na kung saan ang
namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo.Naniniwala rin sila sa karma na
kapag kabutihan ang iyong ginawa sa kapwa ay may gantimpala at pagdurusa naman kung
hindi mabuti ang ginawa sa kapwa.Naniniwala din sila na ang tao ay dapat na magsikap sa
buhay at ito ay dapat na ialay sa Diyos anuman ang kanyang antas sa lipunan.

2. Buddhism
Ang Buddhism ay itinatag ni Sidharta Gautama, isang batang prinsipe na ninais na
maging asetiko upang danasin ang katotohanan sa buhay.Ang Buddhism ay
nangangahulugang kaliwanagan.May dalawang paghahati ang Buddhism.
● Mahayana Buddhism-Kinilala bilang diyos si Buddha na tagapagligtas mula
sa guro.Niyakap ito ng China, Korea, Japan, at Vietnam.
● Theravada Buddhism-Kinilala si Buddha bilang guro at banal na tao.Niyakap ito
ng Sri Lanka, Myanmar, Thailand, Laos, at Cambodia.

Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhism:


● Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghiwalay.
● Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
● Mawawala lamang ang pagdurusa kung alisin ang pagnanasa.
● Maaalis ang pagdurusa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay
na kaligayahan o tinatawag nilang Nirvana.

3. Jainismo
Isa sa mga relihiyon sa India na naitatag ni Rsabha,subalit ang pinaka naging
pinuno ng Jainismo ay si Mahavira o Vhardamana.Tinalikuran niya ang lahat ng
kanyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha.

Mga Doktrina ng Jainismo


Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa
pagkabuhay,pagkamatay,at muling pagkabuhay.Bawal kumain ng karne,bawal
pumatay ng insekto,bawal ang magnakaw,bawal magsinungaling,bawal ang magkaroon
ng ari-arian,at bawal makipagtalik.Kailangan mapagtimpi at disiplinado.Igalang ang
lahat ng mga bagay na may buhay.Bawal ang pananakit na tinawag na ahimsa o
kawalan ng karahasan.
4. Sikhismo
Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak.Sinikap niyang pagbuklurin ang mga
Muslim sa isang kapatiran.Ang mga mananampalataya ng Sikhismo ay matatagpuan sa
India, Pakistan, at iba pang parte sa daigdig.

Mga Paniniwala ng Sikhismo


May isang Diyos at walang hanggang katotohanan ang kaniyang pangalan.Naniniwala
sila sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.Ang
Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa kabilang buhay.

5. Judaismo
Ang Judaismo ay isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig.Ang paniniwala ng mga
Hudyo sa iisang Diyos (monotheism) ay nagpapatunay na naging batayan ito ng
Kristiyanismo at Islam.Ang Torah ay naglalaman ng limang aklat ni Moses.

Ang Sampung Utos na gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay


ay ang mga sumusunod:
1. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos –diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

6. Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo
batay sa dami ng mga tagasunod at kasapi nito.Ito ang relihiyong batay sa buhay at turo
ni Kristo Hesus.Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo.Mula sa Lumang
Tipan na kinapapalooban ng mga aral ni Moises hanggang sa Bagong Tipan ng kanilang
banal na aklat o Bibliya,si Kristo ang ipinangakong Mesiyas o Manunubos.Siya ang
tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan.Ayon kay Kristo Hesus mahal ng
Diyos ang lahat ng taong tatanggap at mananampalataya ng tunay at lubos sa Kanya.
Samantala,ang Katolisismo na isa sa mga pangunahing bumubuo ng Kristiyanismo
na pinagtibay ng simbahang Katoliko,ay pinaniniwalaan ang Santisima Trinidad.Ito ay
paniniwala sa nag-iisang Diyos Ama,Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.Ito ay nakabatay
sa dalawang paniniwala:Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa
Kanyang pagkabuhay na muli.

7. Islam
Ang relihiyon ng mga Muslim ay sinasabing ikalawa sa pinakamalaking relihiyon
sa daigdig.Ito ay galing sa salitang Arabic, SALAM na ang ibig sabihin ay kapayapaan,
pagsunod, at pagsuko sa propetang si Muhammad.Ang huling propetang pinadala ni
Allah.Siya ang nagtatag ng Islam.
Sinasabing mabait at mapagkakatiwalaang (al amin) Muslim ang tawag sa mga
nilikha ni Allah na sumusunod, sumusuko, at tumalima sa Kanyang mga kautusan.

Mga Paniniwala at Aral ng Islam


Ang Koran ang banal na aklat ng mga Muslim ay tunay na salita ni Allah na galing
kay Muhammad sa pamamagitan ni Angel Gabriel.Hindi sila maaaring kumain ng baboy at
uminom ng alak.Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng apat na asawang Muslim.Nais
nilang magkaroon ng kapayapaan, pagkawala ng gulo,pluralism,at consultative system of
leadership.Sila nina Abraham,Noah,Moses,Jesus,at Muhammad ay mga propeta ni
Allah.Hindi itinuring na anak ng Diyos si Jesus.Pinadala lang daw siya ni Allah bilang
isang propeta.
Limang Haligi ng Islam
Ang Limang Haligi ng Islam ay ang pundasyon ng relihiyon.Inaasahang ang
bawat Muslim ay makasusunod dito.
Una: Iman (Pananampalataya)
● Pagpapahayag ng shahaddah.Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad
ang kaniyang propeta.
● Maglingkod at sumunod kay Allah ng buong buhay batay sa mga turo at gawa
ng propetang si Muhammad.
Pangalawa: Salah (Pagdarasal)
● Nagdadasal ng limang beses mula sa madaling araw at sa tuwing tawag ng muezzin
o pagtawag.
● Mas kanais-nais na magdasal sa mosque kasama ng ibang Muslim.
Pangatlo: Zakah (Pag-aabuloy)
● Magbigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan.
● Zakah,purification growth
● Zadaqa-h(voluntary charity)
Pang-apat: Sawm (Pag-aayuno)
● Di pagkain, di pag-inom at pagpigil sa seksuwal na relasyon ng mag-asawa.
● Pag-aayuno sa loob ng 40 araw, ito ay nagsisimula mula sa ikaanim ng
umaga hanggang sa ika-anim ng gabi sa panahon ng Ramadan.
Panglima: Hajj (Paglalakbay sa Mecca)
 kahit isang beses lamang sa kanyang buhay, ginagawa sa ika-12 na buwan
ng taong Islam para sa mga may kakayahang pisikal at pinansyal.

8. Zoroastrianismo
Noong ika-6 na siglo BCE,ipinalaganap ni Zoroaster,isang mangangaral na taga –
Persia(Iran).Sang-ayon sa relihiyong ito,ang buhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak
patungo sa kabutihan o kasamaan.Pinamunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda,ang
Kataas-taasang Diyos,samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman,ang
diyablong espiritu.Ang mga aral ng relihiyon ay nakatala sa mga aklat na tinatawag na
Zend –Avesta.Mula rito ang mga pangunahing doktrinang pananampalataya,gaya ng diyos at
diyablo,langit at impiyerno,purgatory,kaluluwa ng tao,araw ng paghuhukom,at wakas ng
mundo.

9. Shintoismo
Shintoismo ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at
iba pang diyos ng kalikasan.Ang Shinto ay nangangahulugang “daan o kaparaanan ng
diyos”.Tinatawag na “kami”ang mga diyos na may kapangyarihang likas.Binubuo ang
paniniwala nila ng mga pagdarasal, pag-aalay, at pananampalataya.Malaking bilang nila
ay makikita sa Japan.

Apat na Paninindigan ng mga Shinto


● Tradisyon at pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahing prayoridad.
● Pagmamahal sa kalikasan; Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon ng mga
diyos kaya ito’y binigyang halaga.
● Kalinisan: Binubuo ito ng pang pisikal at pang espiritwal na paglilinis.
● Matsuri: Pagpupuri sa mga diyos at sa mga sinaunang espiritu.

You might also like