You are on page 1of 58

Mga Relihiyon

sa Timog Asya
Lesson: 3.4
• Sa kasaysayan ng Timog Asya,
isa ang relihiyon “Hinduismo o
Sanatana Dharma, or “ Enternal
Way, sa mga pinakatanyag.
• Sa katunayan, itinuring din ito
bilang isa sa mga
pinakamalalaking relihiyon sa
daigdig na may tinatayang 1.1
bilyong tagasunod noong
(2015).
• Hindi gaya ng relihiyong Islam,
Kristiyanismo, at Juadaismo.
HINDUISMO
• Ang Hinduismo ay maituturing na politeismo o
naniniwala sa iba’t ibang diyos
• Sa katunayan, mayroon silang konsepto ng trinidad sa
ngalan nina :
• BRAHMA
• VISHNU
• SHIVA
BRAHMA
- Si Brahma ang
tinatawag na
tagalikha o
creator ng mga
bagay sa mundo.
Halimbawa na nilikha ni brahma
Ginawa niya ang kabutihan at kasamaan,
pati na rin ang ilaw at dilim.
•Ginawa niya rin ang mga:
- Diyos
- Demonyo
- Ninuno
- Tao
Vishnu
•Si vishnu
naman ang
tinuturing na
tagapanatili
o preserver.
Shiva

• Si shiva ang tagawasak o


“destroyer” ng lahat ng
bagay sa mundo.
Ilan pa sa kanyang mga pangalan ay:
• Mahadeva
• Mahayogi
• Pashupati
• Nataraja
• Bhairava
• Vishwanath
• Bhava
• Bholenath
Bukod sa tatlong diyos na binanggit, naniniwala pa
ang mga Hindu sa ibang diyos. Ilan ito sa mga
sumusunod
• Agni : Ang diyos ng apoy

• Ganga : Ang diyos ng Ilog Ganges

• Hanuman : Ang diyos ng mga unggoy


• Indra : Ang diyos ng kulog, ulan,
at bagyo

• Krishna : Ang nagkatawang diyos


ni Vishnu

• Lakshmi : Ang diyos ng


kayamanan at kasaganahan

• Varuna : Ang diyos ng tubig at


langit
Dharma
• Ang dharma ay tumutukoy sa tungkulin o
responsibilidad ng isang tao na dapat niyang
isakatuparan sang-ayon sa kanyang kakayahan,
estado sa buhay, at kapalaran. Sa katunayan,
kapag sinunod ng tao ang kanyang dharma,
matatamo niya ang kanyang kaligtasan at
kaligayahan.
REINKARNASYON
• Tumutukoy sa siklo (cycle) ng kapanganakan at
kamatayan. Kapag namatay ang isang
indibidwal, pinaniniwalaan na ang kanyang
kaluluwa ay muling mabubuhay sa mababa o
mataas na kalagayan batay sa kanyang kilos
noong siya ay nabubuhay pa.
Dito, lumalabas na ang kasalukuyan niyang
buhay ay isang gantimpala o parusa na
tinatawag na KARMA – Kung ano ang iyong
itinanim ay siya mong aanihin. Pagkatapos nang
paulit ulit na kapanganakan at kamatayan at
kapag wagas na ang kaluluwa, ito ay makikiisa
kay Brahma at makakamit niya ang MOKSHA
(paglaya sa siklo ng kapanganakan / kamatayan)
kaya naman matatamo na niya ang NIRVANA
(tunay na kaligayahan at katahimikan)
VEDAS – Nagsisilbing banal na
kasulatan ng mga Hindu.

Ang Vedas / Shruti ang itinuturing na


isa sa mga pinakamatandang teksto na
sinusunod ng mga Hindu bilang gabay
sa kanilang paniniwala.
Ayon sa eksperto, ito ay nahahati sa apat na pangunahing
komposisyon:

1. Samhitas – Pinakamatandang bahagi ng Vedas. Ito ay


naglalaman ng mga awiting tungkol sa papuri sa Diyos. Ito ay
nahahati sa apat nabahagi: Rig-Veda, Yajur-Veda, Sama-
Veda, at Atharva-Veda

2. Brahmanas – Bahagi ng Vedas na naglalaman ng mga ritwal


at dasal upang magbayan ang isang pari sa kanyang
tungkulin.

3. Aranyakas – Bahagi ng Vedas na naglalaman ng mga


pagpupuri at meditasyon.

4. Upanishads – Naglalaman ng mga moral at lohikal na turo ng


Hinduismo.
Tinatawag na PUJA ang pagbibigay-
galang at pagsamba ng mga Hindu sa
kanilang diyos.

Ito ay ginagamitan nila ng iba’t ibang


murti o imahen, mantra o dasal, at
yantra sa ilustrasyon ng kalawakan na
maaaring isagawa sa templo o bahay.
Nahahati naman sa tatlo ang ritwal ng Hinduismo:

1.Nitya – Ang ganitong ritwal ay isinasagawa araw-araw


kung saan bahagi ang pagbibigay

2. Naimittika – Itinuturing na mahalaga ang ritwal na ito


na kalimitang isinasagawa sa araw ng pasasalamat o
kung may pagtitipon minsan sa isang taon.

3.Kamya – Ito ay ang pagsasagawa ng paglalakbay o


pilgrimage minsan sa buhay ng mga Hindu.
Bahagi naman ng Hinduismo
ang sistemang caste o
sistema ng paghahati ng
mga tao sa isang komunidad
base sa katayuan sa buhay.
• Base sa paniniwalang ito, ang lipunan ay
nahahati sa iba’t ibang bahagi gaya ng
Brahmin (pari at mga iskolar); Kshatriya
(mandirigma at may mataas na ranggo o
titulo); Vaishya (magsasaka, artisan, at
mangangalakal); Sudra (manggagawa at
alipin); at Harijan (untouchable, kabilang
ang mga nagwawalis, nangongolekta ng
basura, naglilinis ng palikuran, at
nagtatrabaho ng iba pang maruruming
gawain).
BUDISMO
Ang relihiyong Budismo ay umusbong
dahil sa pagtutol ng mga Indian sa
relihiyong Hinduismo, lalo na sa sistemang
caste.

Ayon sa tala, noong ikaanim na siglo nang


magsimulang lumitaw ang relihiyong ito sa
pamamagitan ni Siddhartha Gautama
Buddha, isang mayamang pinuno mula sa
kaharian ng Kapilavastu sa Nepal, matapos
umanong matamo ang enlightenment o
kaliwanagan
Ang Apat na Dakilang Katotohanan ukol sa Buhay
(Four noble truths)
1. Dukkha - Ito ay nagsasaad na ang buhay ay may paghihirap.

2. Samudāya – Ito ay nagsasaad na ang pagnanasa ang ugat ng


paghihirap.

3. Nirodha – Ito ay nagsasaad na may paraan upang maalis ang


paghihirap.

4. Magga – Ito ay tumutukoy sa pag-aalis ng paghihirap sa


pamamagitan ng pagsunod sa “Walong Tunguhin.”
Walong Tunguhin
(EIGHTFOLD PATHS)
1. Tamang pag-unawa. Ito ay ang pagtanggap at pag-unawang ganap sa mga aral at
doktrina ng Budismo.
2. Tamang pananaw. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaya sa sarili sa maling pananaw.
3. Tamang intensyon. Ito ay tumutukoy sa pagbigay ng atensiyon sa tamang pag-uugali.
4. Tamang pagsasalita. Ito ay ang pagiging mahinahon sa pagsasalita at pag-iwas sa
paninirang-puri at tsismis.
5. Tamang pagkilos. Ito ay ang pagkilos nang tama at pag-iwas sa mga makamundong
bagay gaya ng pagpatay, paghahalay, pagnanakaw, at iba pa.
6. Tamang hanapbuhay. Ito ay ang hindi pagiging sakim sa kayamanan. Ayon dito, hindi
dapat isakripisyo ang kapakanan ng kapwa o maging ng mga hayop.
7. Tamang pag-iisip. Ito ay ang pagkakaroon ng kamalayan na kontrolin ang sarili at
nararamdaman. Dapat ding magtimpi sa anumang bagay a magdudulot ng
kapahamakan.
8. Tamang konsentrasyon. Tumutukoy ito sa pagpapaunlad ng konsentrasyon upang
matamo ang tamang kamalayan.
Sa kabilang banda, ilan sa mga
mahahalaga at sagradong araw sa
relihiyong Budismo ang sumusnod:
Dharma Day, Kathina, Losar,
Parinirvana, Sangha Day, at Wesak.

Nagtayo ang nga tagapagtaguyod nito ng iba’t ibang


templo, o monasteryo na nagsisilbing pook-simbahan
kung saan ang nagaganap na pagsamba ay
pinangungunahan ng mga pari at monghe. Subalit
hindi nagtagal ay nahati ang Budismo sa Budismong
Mahayana at Budismong Hinayana o Theravada.
Ang Budismong Mahayana ay ang paniniwala ng mga
tagapagtaguyod nito na si Buddha ang Diyos at
Tagapagligtas ng sansinukob. Sa ilalim ng Budismong
Mahayana ay ang iba pang uri ng Budismo na
matatagpuan sa Silangang Asya gaya ng Budismong
Son ng Korea, Budismong Zen ng Hapon, at
Budismong Chan ng Tsina.

Sa kabilang banda, sa Budismong Hinayana o


Theravada ay nanatili si Buddh bilang guro at banal
na tao. Gayon din, para sa mga tagapagtaguyod nito
ay matatamo lamang ang nirvana sa pamamagitan ng
pagsisikap ng bawat indibidwal. Ang ganitong uri ng
Budismo ay lumaganap naman sa mga bansang Sri
Lanka, Myanmar, Thailand, Laos, at Cambodia. Sa
kasalukuyan, umaabot na sa 500 milyong tao (2015)
ang mananampalataya ng relihiyong ito.
JAINISMO
Jain ang tawag sa mga mananampalataya ng
relihiyong ito na nahahati sa dalawang sekta:

• Sektang Digambara (sky clad)

• Sektang Svetambara (white


clad)
Ayon sa mga eksperto, binuhay
sa paniniwalang ahimsa o non-
violence ang relihiyong
Jainismo na itinatag ni
Vardhamana Mahavira na
nangangahulugang “Dakilang
Tao o Bayani.” Sa katunayan,
ang konseptong ito ang
nagsilbing batayang moral ng
relihiyong ito.
Ayon sa tala, matindi ang paniniwala ng mga
mananampalataya nito na dapat ihiwalay ang sarili sa
materyal na aspekto ng buhay. Itinataguyod nito ang
mapayapang pagkilos at pagbawal sa paggamit ng
anumang dahas at pananakit sa anumang may buhay.
Sa katunayan, para sa mga Jain ay sagrado ang bawat
buhay ng anumang bagay sa mundo, kahit ang buhay
ng mga hayop at insekto gaya ng bulate, ipis, daga,
kuto, at iba pa. Ayon sa kanila, taglay ng mga ito ang
buhay at kaluluwa. Kaya naman ipinagbabawal ng
relihiyong ito ang pagkain ng anumang klase ng karne
na nagbunsod upang bigyang-halaga ang pagiging
vegetarian.
Gaya rin ng mga relihiyong Budismo at Hinduismo,
naniniwala rin ang mga Jain sa konsepto ng karma,
reinkarnasyon, at nirvana, na tinatawag nilang
kevala o kaluwalhatian. Matatamo lamang ang
kevala sa pamamagitan ng tamang kilos at
pagtalikod sa masasamang pagkilos na nagmumula
sa galit, pagnanasa, at paglilinlang. Para sa mga Jain,
walang diyos o anumang espiritu na tumutulong sa
isang taob kundi ang tao mismo.
Mayroon din silang tatlong tagapamtnubay na
prinsipyo na itinatawag nilang Tatlong
Kayamanan o Three Jewels. Ito ay ang:
• Tamang paniniwala (right
belief)

• Tamang kaalaman (right


knowledge)

• Tamang asal (right conduct)


Limang mahavratas (five great vows)
1.Pag-iwas sa pagiging marahas

2.Pag-iwas sa pagkahumaling sa anumang materyal


na pag-ari

3.Pag-iwas sa pagsisinungaling

4.Hindi pagnanakaw

5.Pagkontrol sa pagnanasang seksuwal.


Samantala, hindi gaya ng relihiyong
Kristiyanismo, walang pari ang
relihiyong Jainismo bagkus mayroon
silang mga monghe at madre na
nagsisilbing espiritwal na pinuno na
taglay ang kasimplehan ng buhay.
Ang Agamas naman ang nagsilbing banal aklat ng
mga Jain, na naglalaman ng mga aral ni Mahavira.
Kabilang naman sa mahahalaga at sagradong araw
ng mga Jain ang sumusunod:
• Mahavir Jayanti (Kaarawan ni Mahavira)

• Paryushana (Panahon ng Pagninilaynilay)

• Diwali (Pagtatamo ng Ganap na


Kalagayan)

• Kartik Purnima (Paglalakbay sa mga


Sagradong Lugar)

• Mauna Agyaras (Panahon ng Pag-aayuno


at Katahimikan)
SIKHISMO
Ang sigalot sa pagitan ng mga relihiyong Islam at Hinduismo ang
nagbunsod upang itatag ni Baba Nanak, na higit na kilala sa
pangalang Guru Nanak, ang relihiyong Sikhismo noong 16 na siglo
sa distrito ng Punjab sa India.

Ayon sa kanya, mahalaga ang konsepto ng kapatiran at paggalang sa


bawat relihiyon. Lalo’t higit mahalaga ang pagkakaroon ng Ek Oknar
o iisang Diyos na nakatataas sa lahat. Tinatawag naman na Sikh ang
mga tagasunod ng relihiyong ito, na nangangahulugang “ang
naghahanap ng katotohanan” o “disipulo”
ISANG SIKH SA
GOLDEN TEMPLE NI
AMRITSAR SA
PUNJAB
Sa katunayan, pinahahalagahan nila ang limang daan para sa
mabuting pamumuhay. Ito ang sumusunod:

1.Pagpapanatili ng Diyos sa puso at isipan

2.Pamumuhay nang tapat at pagtatrabahong mabuti

3.Pagtrato sa bawat isa nang pantay-pantay

4.Pagbibigay sa mga nangangailangan; at

5.Pagsisilbi sa kapwa.
Tanyag din sa mga Sikh ang
konsepto ng Five Ks na
tumutukoy sa limang pisikal na
simbolo na kanilang isinusuot.
Ito ay nagsisilbi nilang
pagkakakilanlan at debosyon sa
kanilang buhay.

→→→
1. Kesh
(uncut hair)
Ito ay tumutukoy sa hindi
pagpapagupit ng buhok sa
paniniwalang ito ay simbolo
ng kalakasan at pagiging
banal. Ang mga babaeng
Sikh ay pinagbawalang
ipaputol o gupitin ang
anumang nuhok sa katawan
o kahit ahitin ang kanilang
kilay. Gayon din, ang lalaki
ay pinagbabawalang gupitin
ang kanilang balbas.
2. Kara (steel
bracelet)
Ito ay isinusuot sa
paniniwalang ang Diyos ay
walang simula at katapusan.
Gayon din, sinisimbolo nito
ang pagiging magalang at ang
permanenteng pagkakaugnay-
ugnay ng mga Sikh. Dagdag pa
rito, ito ay gawa sa bakal
sapagkat hindi ito isang
palamuti o ornamentasyon na
gaya ng mga pulseras na gawa
sa ginto o pilak
3. KANGA
(wooden comb)
Ito ay ginagamit
upang linisin ang
sarili na
sumisimbolo sa
malinis na isip at
katawan
4. KACCHA O KACHH
(SPECIAL/COTTON
UNDERWEAR)
Itinuturing
itong espesyal
na suot
panloob. Ito ay
sumisimbolo
sa pagiging
inosente.
5. KIRPAN
(STEEL/CEREMONIAL
SWORD)
Ito ay ginagamit
upang depensahan
ang kabutihan at
ang mahihina at
labanan ang
masasama. Ito ay
sumisimbolo rin sa
Diyos.
MGA RELIHIYON
SA SILANGANG
ASYA
Batay sa tala, ang Budismong Mahayana ay namayani sa Timog
Silangang Asya. Ito ang pangunahing relihiyong niyakap ng mga
Tsino, Koreano, at Hapones.

Sa kabilang banda, ang Budismong Zen naman ay ang anyo ng


Buismong pumasok sa bansang Hapon. Batay sa tala,
impluwensiya ito ng Budismong pumasok sa Tsina noong
ikaanim na siglo CE, na sinasabing dala ni Bodhidharma, isang
mongheng naniniwala na ang kaliwanagan ng buhay ay
matatamo sa pamamagitan ng pagninilaynilay o meditasyon.
Ang Budismong Tibetan o Lamaismo naman ng
Tibet ay hango sa salitang lama na ibig sabihin ay
“ang superyor” Sinasabing ang mga lama ay
makikita sa pamamagitan ng kanilang paglalakbay
sa mga banal na lupain, pagpapatirapa at pag-aalay
kay Buddha, pagbabasa ng mga banal na tekstong
Budismo , pagpapaikot ng mani wheel o prayer
wheel, at pag-awit mg kanilang mga mantra o dasal.
Dahil ang mga Tibet ay isang teokrasyang
bansa, ang pamahalaan nito ay
pinamumunuan ng Dalai Lama o
espiritwal at politikal na pinuno. Ang mga
Dalai Lama ay pinaniniwalaang
representasyon ni Avalokiteshvara. Ang
Dalai Lama ay isang tagapagsusog. Sa
kulturang Tibetan, kapag namatay na ang
isang Dalai Lama, hinahanap nila kung
kanino sila muling nabuhay.
Si Tenzin Gyatso, ang ika-14 na Dalai Lama, ay pinuno ng
estado at pinunong espiritwal ng Tibet sa kasalukuyan. Siya
ay ipinanganak sa isang pamilyang nagsasaka sa isang maliit
na komunidad ng Takster, Amdo sa hilagang Tibet. Noong
siya ay dalawang taong gulang pa lamang, ang kanyang
pangalan ay Lhamo Dhondup, at nang panahong iyon siya
ay kinilala bilang reinkarnasyon ni Thubten Gyatso, ang ika-
13 na Dalai Lama. Noong 1989, siya ay nagkamit ng Nobel
Peace Prize para sa kanyang hindi marahas na pagpalaya sa
Tibet. Siya ang kauna-unahang Noble Laureate na kumikilala
sa kanyang pangkapaligirang pakikibaka. Nakapaglibot siya
ng 62 na bansa
shintoismo
Ang Shintoismo ay ang katutubong
relihiyon ng bansang Hapon, na nag-ugat
pa noong 500 BCE. Ito ay isang
politeistang relihiyon na sumasamba sa
kahit na anong natural na bagay tulad ng
mga bundok, ilog, tubig, bato, at mga
puno. Samakatwid, ito ay nakabatay sa
animismo.
Batay sa tala, ang Shinto ay nangangahulugang “kami no
michi” o “way of the gods.” Sinasamba ng mga Shinto
ang mga kami o sagradong espiritu. Sa katunayan, ang
Bundok Fuji ng Hapon ay itinuturing na kami. Bukod sa
mga natural na bagay, itinuturing ding kami ang mga
yumaong emperador, mga dakilang pinuno, mga
samurai, at mga ninuno. Samakatwid, ang Shintoismo ay
maituturing din bilang isang ancestral worship. Ayon sa
mga iskolar, ang Shintoismo ay nakasentro sa pagkilala
kay Amaterasu, isang sun goddess, na itinuturing ng
mga Hapones na ninuno ng imperial family.
Para sa kanila, ang ritwal na paglinis ay
kinakailangang gawin bago magsagawa ng mga
seremonya, kung saan ang paglilinis ay isinasagawa
sa pamamagitan ng paghugas ng bibig at kamay
gamit ang tubig. Ito ay itinatawag na panlabas na
paglinis. Mayroon ding konsepto ng panloob na
paglinis ang relihiyong ito, na isinasagawa ng mga
mananampalataya nito sa pamamagitan ng
pagsamba sa kami.
Ang pagsamba sa mga kami ay
kalimitang isinasagawa sa
isang banal na lugar o shrine.
Ang mga shrine na ito ay
laging mayroong tarangkahan
na kung tawagin ay torii na
sinasabing dapat daanan ng
mga mananampalataya sa
paniniwalang ito ang
hanggang naghihiwalay sa
banal na lugar at sa mundo.
SHAMANISMO
Ang Shamanismo ay relihiyon ng mga katutubong Mongol sa panahon ng paghahari ng imperyo
ni Genghis Khan. Ito ay nagmula sa salitang shaman na ang ibig sabihin ay “dalubhasa na
namamagitan sa mga tao at sa mga diyos.” Ang mga shaman ay pinaniniwalaang
nakapagpapagaling sa mga maysakit at mahuhusay sa pagtataboy ng masasamang espiritu.
Pinaniniwalaan din ng mga shaman na ang Diyos ay nagpapakita sa kanila sa panaginip kung
saan sila ay kinakausap Niya.
Sa kabilang bana, si Tengri ang itinuturing
na diyos ng Shamanismo. Siya ay
sumisimbolo sa asul na kalangitan at
dinadakila. Subalit, bukod sa kanya,
sumasamba rin ang mga shamanista sa
mga espiritung nananahan sa mga
bundok, ilog, at lawa.
MGA RELIHIYON SA
TIMOG SILANGANG
ASYA
Batay sa tala, naniniwala ang mga taga-Timog
Silangang Asya sa mga espiritung nananahan sa
mga bato, bundok, mga ilog, at iba pang bagay
na bahagi ng kalikasan. Ito ay tintawag na
animismo. Ito ay nagmula sa salitang anima na
ang ibig sabihin ay “soul spirit‘’
Sa kabilang banda, naniniwala rin
ang mga Asyanong ito sa
mabubuti at masasamang
espiritu. Sa katunayan, ito ay
tinatawag na anito o diwata sa
Pilipinas. Nat naman ang tawag
dto sa Myanmar, at phi sa Laos.
Matibay rin ang paniniwala ng mga taga-
Timog Silangang Asya na kapag nagagalit
ang mga espiritu, ito ay ipinararamdam sa
mga tao sa pamamagitan ng natural na
kalamidad tulad ng bagyo, lindol,
pagbaha, at pagputok ng bulkan.
Itinuturing nilang pinakamahalaga ang
diyos ng kalupaan sapagkat sinisiguro nito
ang masaganang ani na magpapakain sa
malaking populasyon. Nagsasagawa rin
sila ng pag-aalay sa mga naturang espiritu
upang magkaroon ng matiwasay na
panganganak, pagpapakasal, pagkamatay,
pagtungo sa isang labanan, at
paglalakbay.
Sa katunayan, sa Pilipinas, itinuturing na banal
na bundok ang Bundok Banahaw, Bundok
Makiling, at Bundok Arayat. Ang Bundok Ba
Phom naman ay banal para sa mga taga-
Cambodia. Karamihan din sa mga tao ay
naniniwala sa anting-anting na maaaring
magbigay ng proteksiyon laban sa
kapahamakan. Sa Pilipinas, ang tagapamagitan
ay tinatawag na babaylan ng mga Bisaya at
katalonan ng mga Tagalog.

You might also like