Professional Documents
Culture Documents
MGA TAGALOG
NI ANDRESS BONIFACIO
KARTILYA NI BONIFACIO
(NAGBIGAY DAAN SIYA SA KARTILYA NI JACINTO)
1. Sumampalataya sa
Maykapal na
taimtim sa puso
2. Gunamgunamin sa
sarili tuina,na ang
matapat na
pagsampalataya sa
Kanya ay ang pag
ibig sa lupang
tinubuan sapagkat
ito ang tunay na pag
ibig sa kapwa.
3. Ikintal sa puso ang pag-asa sa sarili na malabis
na kapurian at kapalaran na kung ikamamatay ng
tao’y magbubuhat sa pagliligtas sa kalipunan ng
bayan.
4. Sa kalamigan ng loob, katigasan, katiisan at
pag-asa ano mang gagawin nagbubuhat ang
ikagaganap ng mabuting ninanais.
5. Paingat-ingatan gaya ng puri ang mga bilin at
balak ng KKK.
6. Sa isang nasa sa panganib sa pagtupad ng
kanyang tungkol,idadamay ng lahat,ang buhay at
yaman upang maligtas yaon.
7. Hangarin ang kalagayan ng isa’t isa,maging
huwaran ng kanyang kapwa sa mabuting .
pagpapasunod at pagtupad
ng kaniyang tungkulin .
8. Bahaginan ng makakaya
ang alin mang magdaralita.
9. Ang kasipagan sa
paghahanap buhay ay
pagmamahal din sa sarili,sa
asawa,anak at kapatid o
kababayan.
10. Lubos na
pagsampalataya sa
parusang ilinalang sa
balang soail at
magtaksil,gayon din sa pala
Nakakamtan ukol sa mabuting gawa.
Sampalatayanan din naman ang mga layong
tinutungo ng KKK ay kaloob ng
Maykapal,samakatuwid ang hangad ng bayan ay
hangad din niya.
EMILIO JACINTO (1875-1899)
Kilalang “Utak ng
Katipunan“. Kasama
niya si Pio Valenzuela sa
pamamatnugot ng
kalayaan,
pahayagan ng
Katipunan
Sumulat ng ‘Kartilya ng
Katipunan’ mga
kautusan para sa kaanib
ng ng katipunan.
Isinilang siya noong 15
Disyembre 1875 sa Tondo,
Maynila at anak nina Mariano
Jacinto at Josefa Dizon.
Namatay ang kaniyang ama
noong sanggol pa siya kayâ
ipinampon siya ng ina sa
nakaririwasang kapatid na si
Don Jose Dizon. Nag-aral siya
sa Colegio de San Juan de
Letran at lumipat sa
Unibersidad de Santo Tomas
upang kumuha ng abogasya.
Hindi niya natapos ang kurso
dahil sa tawag ng pag-ibig sa
bayan.
Ang akda niyang ‘Ang
ningning at liwanag’
ay isang katipunan ng
mga sanaysay na
busog sa makatas na
kuro kuro.
Kinapapalooban ito ng
tungkol sa
karapatan,kalayaan,pa
gpapantay
pantay,paggawa.panin
iwala,pamamahala,pa
mahalaan at pag ibig
sa bayan
Ipinaliwanag niya sa
isa niyang sanaysay
rito na “Ningning at
Liwanag” na
maraming nasisilaw sa
ningning,kaya ang
mga nakaayos-
mahirap ay tinitingnan
nang mababa at iyong
nakaayos-mayaman
kahit na nagnanakaw
ay hindi pinupuna
PIO VALENZUELA
- Sumulat din ng ng
nakakapukaw na
panitik.
- Katulong siya ni
Emilio Jacinto sa
pamamatnugot ng
Kalayaan. Isang
sanaysay na alay sa
bayan ang isinulat niya
na pinamagatang
“Catwiran”
Si Pío Valenzuela (Hulyo 11, 1869–Abril 6, 1956) ay isang doktor, at
bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng Katipunan na lumaban sa
mga Kastila noong Panahon ng Himagsikan. Ipinangalan sa kanya
ang Lungsod ng Valenzuela na matatagpuan sa hilagang Kalakhang
Maynila.Sinulat niya ang kanyang mga alaala ng Himagsikan noong
dekada 1920, ngunit may mga dalubhasa sa kasaysayan ang naging
maingat sa kanyang awtobiyograpiya dahil may ilang mga hindi
tugma sa kanyang bersiyon ng mga pangyayari, partikular sa
pagpulong niya kay José Rizal sa Dapitan noong 1896.Si Valenzuela
ang unang alkalde (rehimeng Amerikano) ng munisipalidad ng Polo
(Lungsod ng Valenzuela ngayon) mula 1899 hanggang 1900 bago
naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan mula 1921 hanggang
1925.Estudyante pa lamang si Pio Valenzuela (23 taong gulang)
noon sa UST nang umanib siya sa bagong-tatag na Katipunan ni
Andres Bonifacio noong 1892. Pagkaraan ng tatlong taon, naging
kasapi siya ng Kataas-taasang Sanggunian ng Katipunan at paglaon
ay nakasama sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto bilang ang
tatlong pinakamataas na pinuno ng KKK.
Mula sa
Liwanag at
Dilim
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?