You are on page 1of 1

 What is VALUES?

 long-term standards or principles that are used to judge the worth of an idea or action.
 Provides criteria by which we decide whether something is good or bad, right or wrong.

 PAGPAPAHALAGANG LILINANGIN sa pag-aaral ng ESP.


Tiwala sa sarili
Upang mas nagkaroon na higit na kaalaman tungkol sa pag respeto at tamang gawain.

ARALIN 1: MGA PAGBABAGO SA PANAHON NG PAGBIBINATA/PAGDADALAGA:

1. MGA PAGBABAGONG PISIKAL:

SA MGA LALAKI
11-13 taong gulang:
 Mabilis na pagtangkad
 Paglaki ng maselang bahagi ng katawan at pagkakaroon ng “ pubic hair’
 Paglabas ng dulong bagang

SA MGA BABAE:
8-16 taong gulang:
 Paglaki ng dibdib
 Pagkakaroon ng “pubic hair”
 Mabilis na pagtangkad
 Paglabas ng dulong bagang
 Pagtubo ng manipis na balahibo sa katawan
 Paglago ng buhok sa kili-kili
 Pagbabago ng boses
 Paglaki ng konti ng kalamnan
 Paglapad ng balakang at pagkakaroon ng korti ng binti
 Madalas na pagpapawis
 Pagkakaroon ng tagihawat

2. MGA PAGBABAGONG EMOSYONAL O DAMDAMIN:

 Dahil sa mabilis na pagbabago ng kabataan ay napapaunlad din ang kanyang kamalayan sa sarili.
 Nagiging mulat sa mga pagbabago sa katawan .
 Nag-aalala sa mga pagbabagong nagaganap sa sarili o nakadarama ng pangamba.
 Natutong ikumpara ang sarili sa ka-edad.
 Naghahanap ng sariling pagkakakilanlan (individual identity).
 Nagiging mulat sa pagkakaiba ng babae sa lalaki .
 Nagiging “moody” at madamdamin .
 Ayaw ng napagsasabihan
 Nagiging mapanuri sa mga regulasyon
 Nabubuo ang kanilang mga ambisyon at idealismo
 Dahil sa mga pagbabago, ang kabataan ay nagiging self-centered, masyado silang nag-aalala sa kanilang self
(self-conscious).

3. MGA PAGBABAGONG SOSYAL AT PANLIPUNAN:

 Nakararamdam ng pangangailan ng pagsosolo o pagtitiwala sa sariling kakayahan at pagiging pribado sa


sarili.
 Maging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kapwa.
 Dahil sa mga kahinaan at kakayahan ng isang kabataan, lumalago ang kanyang pakikisama sa kapwa.
 Mas ninanais nila ang mapabilang sa barkada na kung saan makikilala nila ang kanilang sarili bilang kasapi
ng grupo. Ang barkada rin ang nagtatakda ng kanilang mga kilos at gawi, o paano sila makikitungo sa iba.

You might also like