You are on page 1of 1

ESP 9 4th qtr reviewer

Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa.
NO ERASURES.
1. Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili. ___________ TAMA
2. Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagplaplano sa iyong kukuning kurso. __________ MALI
3. Mahalagang maglaan ng oras sa pagiisip bago mamili ng track o kurso. ________________ TAMA
4. Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang sarili. ________ MALI
5. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibabalik mo sa Diyos kung ano ang meron ka
bilang tao. ____________. TAMA
6. Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. ____________ TAMA
7. Ang misyon sa buhay ay dapat na makabubuti sa sarili lamang. ______________ MALI
8. Ang PPMB ay isang personal na kredo na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. TAMA
9. Walang kaugnayan ang personal na misyon sa pag-uugali at paniniwala sa buhay. MALI
10. Anuman ang iyong hahantungan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa iyong buhay. TAMA
11. Maaaring magbago ang iyong pangarap sa pagkakataong makakita ka ng mga bagay na pumupukaw ng iyong
interes.TAMA
12. Walang kaugnayan kung anong “track” ang pipiliin sa mga kursong gusto mo. MALI
13. Maraming bilang ng mga mag-aaral na nakatapos na di sapat ang kaalaman sa mga trabahong maaaring
pasukan.TAMA
14. Lahat ng in-demand na trabaho ay nakatuon sa mga kursong pangakademiko. MALI
15. Sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad. TAMA

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.

1. Ang pagsusuri kung ang mga propesyon ay tugma sa iyong minimithi at sa mga pansariling salik. Job analysis
2. Tumutukoy sa mga pag-aaral at mga paghahanda upang matamo ang ating nais na uri ng pamumuhay. Career path
3. Professor na nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa mga uri ng career path. Michael Driver
4. Ayon kay _______ layunin ng mundo na ihanda ang mga kabataan para sa mga trabahong hindi pa nalilikha. Karl Fisch

5. Ayon sa DepEd, may _____ 21st Centrury Learning Skills upang maging matagumpay sa buhay sa hinaharap apat.

You might also like