You are on page 1of 4

Edukasyon sa pagpapakatao

PARALLEL TEST (1)


NAME:_________________________________________ SECTION:__________
SCORE:____________
Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa bawat bilang ang letrang
A kung pangkaisipan, B kung panlipunan , C kung pandamdamin at D kung Moral..
______1. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.
______2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.
______3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid.
______4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.
______5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
______ 6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat .
______7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
______8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng
kalamidad at sakuna.
______9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
______10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.
Edukasyon sa pagpapakatao
PARALLEL TEST (2)
NAME:_________________________________________ SECTION:__________
SCORE:____________
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI
kung ang pahayag ay mali.
_______1. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan sa buhay.
_______ 2. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon sila upang gawin
ang dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.
_______3. Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang mga nagbibinata
at nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito
ng kanilang buhay.
_______4. Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung ano ang iyong
talagang gustong mangyari sa buhay mo.
_______5. Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na ito sa kung anong
kapalaran ang darating sa bawat isa.
_______6. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo ay hindi kayang
tanggapin ang sariling kahinaan.
_______7. Maaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa emosyon at maging sa
pakikitungo sa kapwa.
_______8. Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan at tungkulin.
_______9. Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila ang nakakaalam
ng tama bilang kasingedad.
_______10. Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat langkapang ng tamang pamamahala at kilos.
Edukasyon sa pagpapakatao
PARALLEL TEST (3)
NAME:_________________________________________ SECTION:__________
SCORE:____________
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA kung nagpapakita ng pagkakaroon ng
tiwala sa sarili at MALI kung hindi.
_______1. Ang pagkakaroon ng kalakasan ay mula sa pagtanggap ng mga kahinaan at pagsisikap na
mapaunlad ito.
_______2. Ang pag-iisip ng mga bagay na hindi maganda kahit hindi pa nangyayari ay tanda ng pagiging
positibo.
_______3. Walang pinipili sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaral upang magtagumpay sa
buhay.
_______4. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap.
_______5. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinapaniwalaan na bahagi ng plano ng
Diyos at may kalakip na magandang kapalaran.
_______6. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
_______7. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.
_______8. Hindi nag-iisip ng masama sa kapwa.
_______9. Mahirap ang mga pinagdadaanan sa buhay pero naniniwala na kaya niya ito sa tulong ng mga
taong nakapaligid sa kanya.
_______10. Ibahagi ang iyong talento sa iba.
Edukasyon sa pagpapakatao
PARALLEL TEST (4)
NAME:_________________________________________ SECTION:__________
SCORE:____________
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at bilugan ang letra ng may tamang
sagot.
1. Ang kakayang inteletuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng _____________.
A. Pagsasanay B. Pagsusulit C. Pagsasaulo D. Pagkukwenta
2. Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang:
A. Kakayahang mag-isip B. Kakayahang magmahal C. kakayahang magbahagi D. kakayahang gumawa
3. Ayon sa sikolohista, ang talento ay may kinalaman sa ______ .
A. mula sa paligid B. katangiang minana sa magulang C. mula sa pag-aaral D. pagsasanay ng isip at
katawan
4. Alin sa sumusunod ang HINDI makatotohanan tungkol sa talento at kakayahan?
A. Ang talento ay pambihira at likas na kakayahan. B. Ang bawat tao ay may likas na talino at kakayahan.
C. Ang talento at kakayahan ay napagyayaman ng sarili. D. Ang kakayahan ay nagpapahusay sa taglay na
talent.
5. Alin sa sumusunod ang KABILANG sa pangkat?
A. tubig, araw, lupa, talent B. maganda, kakayahan, talento, hangin C. bulaklak, dagat, bahay, aso D.
kakayahan, talento, hilig, pagpapahalaga.
Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ang letra sa patlang.
a. Visual/Spatial c. existential
b. Bodily Kinesthetic d. intrapersonal
c. musical rhythmic

________1. Ginaya mo ang ginagawa ng batang naglalaro


________2. Si Boy ay magaling sumayaw.
________3. Marami tayong kababayan ang umaawit sa ibang bansa at naging sikat.
________4. Ang maliliit na bata ay maraming tanong na “bakit” sa kanyang magulang.
________5. Bago ako matulog sa gabi, nagkakaroon ako pagsusuri kung ano ang nagawa ko sa
maghapon .

You might also like