You are on page 1of 10

Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Pangalan: ___________________________ Guro: _______________________


Baitang/Pangkat: ___________________ Petsa: _______________________

Pagpapakita ng mga Kakayahan (Weeks 1-2)

Tandaan!
Lahat tayo ay may kani- kaniyang kakayahan. Ilan sa mga ito ay ang kahusayan sa pagawit, pag-arte,
pagsasayaw, pagtula, pagsulat, pagguhit, isport, at iba pa.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Sa pagtatapos ng paksa ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakatutukoy ng natatanging kakayahan
Nakapagpapakita ng mga natatanging kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili EsP3PKP-la-13

Easy Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Sagutin ang tanong sa bawat bilang.

1.Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit at nagkataon na magaling kang umawit. Ano ang gagawin mo?

A. Huwag ipakita ang kakayahan


B. Huwag sumali
C. Sumali ng buong husay

2. Si Arnel ay batang pilay subalit napakahusay niyang gumuhit. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sasali
ka ba sa paligsahan sa pagguhit?

A. Oo dahil takot ako sa guro


B. Oo dahil kailangang patunayan ko ang aking talento
C. Hindi dahil nahihiya ako

3. Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw maliban sa iyo. Nagkataong kailangang magpakita ng
talento ang inyong section. Ano ang gagawin mo?

A. Magmumukmok na lang sa isang sulok


B. Sasali kahit di marunong
C. Magsasabi ng tunay sa guro at sasabihin ko din ang taglay kong kakayahan.

4. Naghahanap ang iyong guro nang isa pang sasali sa pag awit sa darating na palatuntunan sa inyong
paaralan. Magaling kang umawit ngunit mahiyain ka kaya tumahimik ka na lang upang hindi ka
makasali. Ang kanyang ginawa ay:

A. Tama
B. Mali

5. Ang ating talento o kakayahan ay dapat ipakita sa lahat upang ito ay:

A. Malinang
B. malimutan
C. mawala
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng mga kakayahan na kaya mo nang gawin at ekis (x) kung hindi mo
pa ito kayang gawin o hindi mo pa nagagawa.

_______6. Tumula sa palatuntunan


_______7. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo
_______8. Sumali sa field demonstration
_______9. Maglaro ng tumbang preso
_______10. Sumali sa panayam o interview ______11.
Maglaro ng patintero.

Average ( 3 pts.)
Suriin mo ang iyong sarili. Isipin mo ang iyong natatanging kakayahan. Iguhit mo ang iyong kakayahan sa
loob ng kahon na may tandang pananong. Lagyan ito ng pamagat na “Ito Naman ang Aking Natatanging
Kakayahan!

Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!

Difficult: Sagutin ang tanong sa buong pangungusap.


15. Paano mo mapauunlad ang iyong kakayahan?
Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Pangalan: ___________________________ Guro: _______________________


Baitang/Pangkat: ___________________ Petsa: _______________________

Pagpapahalaga sa mga Kakayahan (Week 3)


Tandaan:
Ang mga iniatang na gawain sa iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan ay
nagpapakita ng malaking tiwala sa iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki kanino man.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Sa pagtatapos ng paksa ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Napahahalagahan mo ang kakayahan sa paggawa.
EsP3PKP-1b-15

Easy
Lagyan ng tsek (/) ang angkop na kahon kung ang mga sumusunod na gawaing iniatang sayo sa tahanan ay
iyong ginagawa.
Ginagawa mo ba ang mga ito? Palagi Bihira Hindi
1.Naghuhugas ng pinggan
2. Nagpapakain ng alagang hayop

3. Nagpupunas ng mga kasangkapan

4. Nagliligpit ng hinigaan
5. Nagtatapon ng basura

Isulat kung TAMA o MALI ang ipinahayag sa bwat bilang.

_______6. Pakanta kanta pa si Anna habang ngwawalis ng bakuran.


_______7. Nagdabog si Diego dahil ipinapalinis sa kanya ang bintana.
_______8. Dinaanan lamang ni Troy ang nakitang gusot na papel sa sahig ng silid-aralan. _______9.
Maagang gumigising si Dianne tuwing Sabado at Linggo upang magwalis ng bakuran.
_______10. Nagkusang pinunasan ni Alena ang maalikabok na bintana sa kanilang silidaralan.
_______11. Gumigising ng maaga araw-araw si Anna upang magdilig ng halaman.

Average (3 pts.)
Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing ibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang pagganap sa
tungkulin.

Ang Aking Pangako


Ako, si ____________________________________ ay nangangakong
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
__________________________________________

Lagda
Difficult: Sagutin ang tanong sa buong pangungusap.
Paano mo maipapakita na pinahahalagahan mo ang mga gawaing binigay sa iyo?

Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Pangalan: ___________________________ Guro: _______________________


Baitang/Pangkat: ___________________ Petsa: _______________________

Pagpapamalas ng Katatagan ng Kalooban (Week 4)

Tandaan:
Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong
kalooban upang magpatuloy kang makagawa ng mga makabuluhang aksiyon.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng katatagan ng kalooban. EsP3PKP-lc-16

Easy
Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagsasaad ng katatagan ng loob at malungkot na
mukha kung hindi.

______1. Agad na sinabi ni Ericka sa kanyang ina na nabasag niya ang platong kanyang hinugasan.
______2. Dalawang araw bago sumapit ang araw ng paligsahan sa pagawit ay binawi ni Noel ang kanyang
pagsali rito.
______3. Natapos ng maayos at maganda ni Jinky ang kanyang pagguhit kahit marami ang nanonood sa
kanya.
______4. Ipinasabi ni Jose sa kanyang kaibigan na nasira niya ang aklat na kanyang hiniram sa guro.
______5. Ipinagpatuloy ni Jun ang kanyang pag-aaral kahit wala siyang baon sapagkat kapos ang kanilang
pamilya sa pang araw-araw na gastusin.

Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa mga sumusunod ang nangangailangan ng iyong
katatagan. Lagyan ng tsek ( / ) ang iyong sagot.

______6. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral


______7. Magwawalis ka ng bakuran.
______8. Magpapabakuna ka laban sa bakuna o sakit.
______9. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba.
______10. Makikipag-usap ka sa punung-guro tungkol sa paglahok sa isang kontes sa labas ng paaralan.
______11. Patuloy pa rin sa pagdarasal ang mag-anak sa kabila ng kahirapan.

Average (3 pts.)
Magbigay ng mga damdaming ipinapamalas ng isang batang may matatag na kalooban. Isulat sa loob ng
lobo ang iyong sagot.

Difficult
Panuto: Sagutin at ipaiwanag.
Paano mo mapananatili ang iyong katatagan sa buhay?
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 

Pangalan: ___________________________ Guro: _______________________


Baitang/Pangkat: ___________________ Petsa: _______________________ 

Pangangalaga sa Kalusugan at Kaligtasan (Week 5) 

Kasanayang Pagkatuto at Koda 


Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan.
EsP3PKP-Ie-18 

Easy
Panuto: Iguhit ang kung ang kilos ay nagpapakita ng pangangalaga sa laskusugan at naman
kung hindi.

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at MALI kung di-
wasto. 
______6. Kumain ng mga prutas at gulay.
______7. Magpuyat sa buong magdamag.
______8. Uminom ng walong basong tubig araw-araw.
______9. Mag-ehersisyo tuwing umaga.
______10. Maligo araw-araw.
______11. Maghugas ngkamay bago kumain.

Average
Panuto: Magtala ng mga gawaing nagpapakita ng pangangalaga sa ating kalusugan. 
12. 
13. 
14. 

Difficult
Panuto: Bakit kailangang maging malusog ang ating pangangatawan?

Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan: ___________________________ Guro: _______________________
Baitang/Pangkat: ___________________ Petsa: _______________________ 

Pagsunod sa Tuntunin o Pamantayan ng Pamilya (Week 6)

Kasanayang Pagkatuto at Koda 


Nakakasunod sa mga pamantayan/tuntunin ng mag-anak. EsP3PKP-Ii-22

Easy Panuto: Iguhit ang puso kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagsunod sa tuntunin o pamantayan
ng pamilya at bilog kung hindi. 

______1. Pagbibigay ng paggalang para sa lahat ng myembro ng pamilya. 

______2. Pakikipag-ugnayan sa lahat ng myembro ng pamilya, higit sa lahat sa ilaw ng tahanan. 

______3. Paghingi ng pahintuloy sa paggamit ng mga bagay na hindi mo pag-aari. 

______4. Huwag humingi ng pahintulot sa pag-uwi ng huli sa takdang oras. 

______5. Pagbibigay ng opinion o saloobin sa mga usaping may kaugnayan sa pamilya. 

______6. Hindi pangugunsiti sa maling gawi. 

______7. Pagbibigay ng sapat na oras para sa bonding at outing ng pamilya. 

______8. Huwag bigyang laya ang mga kasapi ng pamily na makapag-desisyon para sa kanilang sarili. 

______9. Pagdarasal ng sama-sama. 

______10. Pagbibigay ng mga tagubilin sa isang myembro lang ng pamilya. 

______11. Pagsunod sa mga pinag-uutos ng mga magulang. 

Average (12-14) Panuto: Magtala ng alituntunin patakaran o tagubilin sa


inyong tahanan na iyong sinusunod. 
Difficult Panuto: Pagmasdan ang larawan alin sa dalawang larawan ang nais ng iyong pamilya at
bakit. 

Edukasyon sa
Pagpapakatao 3
Pangalan: ___________________________ Guro: _______________________
Baitang/Pangkat: ___________________ Petsa: _______________________ 
Pagsunod sa Tuntunin o Pamantayan ng Pamilya (Week 7)
Kasanayang Pagkatuto at Koda 
Nakakasunod sa mga pamantayan/tuntunin ng mag-anak. EsP3PKP-Ii-22
Easy
Ang tahanan ay isang lugar kung saan makikita ang pagmamahalan, pagkakaisa
at pagtutulungan ng isang pamilya. Ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay, ate, kuya at bunso. May
mga munting tuntuning pinaiiral sa loob ng tahanan at inaasahan ang bawat kasapi nito na sumunod.
Magmasid sa bawat bahagi ng inyong tahanan at alamin ang mga tuntunin sa bawat bahagi nito.
Isulat ang iyong sagot sa patlang. 

Average (12-14) Natatandaan mo pa ba ang mga tuntunin sa bawat bahagi ng inyong tahanan?


Isulat mo sa loob ng bawat paruparo ang mga tuntunin na iyong madalas na sinusunod.
Difficult Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at isulat ang iyong gagawin.
15. Isa sa tagubilin ng iyong ama na huwag sasali sa usapan ng mga nakatatanda. Isang araw, narinig mong
nag-uusap ang iyong ama at ang kanyang kaibigan tungkol sa pangyayaring naganap sa palaruan. Nagkataon
na ang pangyayaring iyon ay iyong nasaksihan. Narinig mong may maling impormasyon silang nabanggit.
Ano ang dapat mong gawin?
Edukasyon sa Pagpapakatao
Pangalan: ___________________________ Guro: _______________________
Baitang/Pangkat: ___________________ Petsa: _______________________ 
Pagsunod sa Tuntunin o Pamantayan ng Pamilya (Week 8)
Kasanayang Pagkatuto at Koda 
Nakakasunod sa mga pamantayan/tuntunin ng mag-anak. EsP3PKP-Ii-22

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin ng
tahanan. Isulat ang Tama kung nagpapakita ng pagsunod at Mali kung hindi. 
________1. Si Ate Melissa ay tumutulong kay Inay sa pagwawalis ng bakuran. 
________2. Si Kuya Uno ay naglalaro sa kanyang cellphone habang si Kuya Delfin ay  nagdidilig
ng mga halaman. 
_______3. Sinusubukan ni bunso na tumulong kay ate sa pag aayos ng mga laruang nakakalat sa
loob ng tahanan. 
_______4. Iniwang hindi naka ayos ang mga pinggan sa hapag kainan pagkatapos kumain. 
_______5. Sinabi ni nanay kay kuya na tuwing umaga siya ang mag-iigib ng tubig ngunit inuna ni
kuya ang makipaglaro sa kanyang kaibigan. 
_______6. Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda sa tahanan. 
_______7. Ang tuntunin ay itinakda upang sundin ng bawat kasapi ng pamilya.
_______8. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, ang iyong mga ginagawa ay hindi dapat na ikinasisiya ng
iyonng mga magulang. 
_______9. Ang pamilya ang nagpapasigla ng pamayanan. 
_______10. Tinatapos muna ni Hannah ang kaniyang takdang aralin bago manood ng telebisyon. 
_______ 11. Umuuwi ng maaga mula paaralan ang magkapatid na Jody at Micah.
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at sagutan ang mga katanungan.

15. Bakit kailangan ang pagsunod sa tuntunin o pamantayan ng pamilya?


Inihanda ni: Cecilia SM. Ambrocio 

You might also like