You are on page 1of 2

Division of City Schools

Manila
Andres Bonifacio Elementary School
Ikatlong Baitang – Ikaapat na Markahan
Pangalan: _____________________________ Baitang at pangkat: ______________
Guro:_________________________________ Petsa:_____ Marka: _________
Layunin: Naiisa-isa at naiilarawan ang mga pag-iinat para sa iba’t ibang kalagayan ng panahon.
Nilalaman: Matukoy ang mga hakbang ng pag-iingat sa pagharap sa
iba’t-ibang uri ng panahon;
A. Basahin at unawaing Mabuti ang bawat katanungan. Ilagay ang letra ng tamang sagot sa bawat patlang.
_____1. Paano mo mapapangalagaan ang sarili tuwing tag-init?
A. Maligo araw-araw.
B. Manood lagi ng telebisyon.
C. Huwag magsuot ng tsinelas o sapatos.
D. Maglaro ng basketbol sa tanghaling tapat.

_____2. Ano ang nararapat mong gawin kung masama ang panahon?
A. Pumunta sa bahay ng kaibigan at makipagkwentuhan.
B. Maglaro sa ulan kasama ang mga kalaro.
C. Maligo sa ulan maghapon.
D. Manatili sa bahay.
_____3. Paano ka maghahanda para sa parating na bagyo?
A. Lalabas ng bahay at mamasyal pagsapit ng bagyo.
B. Magdiwang dahil walang pasok sa tuwing may bagyo.
C. Babalewain ang parating na bagyo dahil lilipas din iyan.
D. Makikinig sa radio o manood ng telebisyon tungkol sa ulat panahon at
mag-imbak ng pagkain upang may kakainin sa pagsapit ng bagyo.
_____4. Giniginaw ka dahil sa malakas na ulan. Anong uri ng damit ang
isusuot mo upang hindi ka sipunin at ubuhin?
A. maninipis na damit
B. makakapal na kasuotan
C. paboritong damit panlakad
D. magsuot ng bota at kapote kahit nasa loob ng bahay
_____5. Pinasok ng baha ang bahay ninyo dahil sa bagyo. Ang mga sumusunod ay
mga hakbang sa pag-iingat maliban sa isa. Alin ito?
A. I-off ang main switch ng kuryente.
B. Kumuha ng salbabida at maligo sa baha.
C. Lumikas at pumunta sa evacuation center.
D. Ipasuri sa eksperto ang mga saksakan at mga
kagamitang de-kuryente.

B. Isulat sa loob ng kahon ang mga hakbang sa pag-iingat sa pagharap sa iba’t-ibang uri panahon:
B. Ipaliwanag ang iyong sagot (5 puntos)
Maraming tao ang nagkakasakit dahil sa pabago-bagong
, panahon na nararanasan. Bilang isang batang nasa ikatlong
baiting, ano-ano ang mga nararapat mong gawin upang
gumaling sa sakit? Paano naman ito maiiwasan?

__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________.

You might also like