You are on page 1of 17

3

Science
Ikaapat na Markahan - Modyul 3:
Wastong Paraan ng Paghahanda
sa Pagbabago ng Panahon
Science – Grade 3
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Wastong Paraan ng Paghahanda sa Pagbabago ng
Panahon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Writer: Ginalyn A. Gabato
Naglapat sa Filipino: Emma Calimag
Tagasuri ng Paglalapat sa Filipino: Myrna Q. Adduru Arjay I. Balbin
Roderic B. Guinucay Ester T. Gramaje
Illustrator: Joan Tabanyag Escoton
Layout Artist: Joan Tabanyag-Escoton
Management Team: Evelyn R. Fetalvero Eufemia T. Gamutin
Janette G. Veloso Josie T. Bolofer
Analiza C. Almazan Arlyn B. Lim
Ma. Cielo D. Estrada Secinia C. Morales
Maria Liza I. Berandoy

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Science
Ikaapat na Markahan - Modyul 3:
Wastong Paraan ng Paghahanda
sa Pagbabago ng Panahon
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo.


Makakatulong ito upang makabisado ang wastong paraan ng
paghahanda sa pagbabago ng panahon (S3ES-IVg-h-5).
Ang sakop ng modyul na ito ay nagbibigay pahintulot
upang magamit ito sa iba’t ibang paraan ng pagkatuto. Ang
wikang ginamit ay angkop sa iba’t ibang antas ng bokabolaryo ng
mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos ayon sa karaniwang
pagkakasunud-sunod ng kurso. Ngunit maaari mong basahin ang
mga aralin ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa aklat na
ginagamit mo ngayon.
Ang modyul ay tungkol sa wastong paraan ng paghahanda
sa pagbabago ng panahon.

Pagkatapos mo sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy at naisasagawa ang wastong paraan ng
paghahanda sa pagbabago ng panahon; at

2. napapahalagahan ang katangian ng pagiging laging


handa sa pagbabago ng panahon.

1
Subukin

Gawain A.
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin
ang uri ng panahon batay sa gawain ng mga tao sa larawan.
Mahihinuha mo ba kung anong uri ng panahon ang ipinapakita?
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. ______________________ 2. ______________________

3._______________________ 4. ______________________

2
Gawain B.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat
ang Tama kung ang pahayag ay tama at Mali naman kung hindi.

________ 1. Ginagamit ang madidilim na kulay na damit kapag


malamig ang panahon.

________ 2. Ang bota at makapal na dyaket ay akmang gamitin


tuwing tag-init.

________ 3. Ang mga maninipis at mapusyaw na kulay na damit


ay nagbibigay-init sa katawan kapag taglamig.

________ 4. Natutuwa ang mga tao na kumain ng sorbetes at iba


pang pagkaing malamig tuwing tag-init.

________ 5. Gumagamit ang mga tao ng shirt na walang


manggas at sandalyas o tsinelas kapag tag-init.

3
Aralin Wastong Paraan ng
Paghahanda sa Pagbabago
1 ng Panahon

Pinoprotektahan natin ang ating sarili laban sa sakit o


anumang di-kanais nais na pangyayari kung isinasagawa natin
ang ligtas na hakbang kahit pabago-bago man ang panahon.
Ang paggamit ng kapote, payong at pagsusuot ng makakapal na
damit tuwing tag-ulan o taglamig ay nakatutulong upang
makaiwas sa sakit.

Balikan

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Anong uri ng


panahon nagagamit ang mga bagay na ito? Isulat ang iyong
sagot sa patlang

1. 2.

______________________ _____________________

3. 4.

_____________________ _____________________

4
Tuklasin

Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pangungusap


ay nagsasaad ng ligtas na pamamaraang dapat gawin bago,
habang at pagkatapos ng bagyo.

_______ 1. Mag-impok ng pagkain.


_______ 2. Pumasok sa paaralan.
_______ 3. Lumabas sa bahay at maglaro sa baha kasama ang
mga kaibigan.
_______ 4. Manatili sa loob ng bahay at manood ng balita sa TV.
_______ 5. Makinig ng balita sa radyo tungkol sa lagay ng
panahon.

Suriin

Dahil sa pabago-bagong panahon, kailangan nating


maging handa upang mapanitili ang ating kaligtasan. Kailangan
din nating malaman at tandaan ang mga ligtas na hakbang
upang maiwasan ang pagkakasakit. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga dapat nating sundin:

 Manatili sa loob ng bagay tuwing tag-ulan.

 Maglagay ng langis, cream o lotion sa ating balat tuwing


taglamig para maiwasan ang panunuyo ng balat.

5
 Ang mga taong naghahanap-buhay sa dagat o bukid ay
huwag pumalaot o magtungo sa bukid kung masama ang
panahon.

 Uminom ng maraming tubig at juice upang maiwasan ang


sipon, trangkaso at iba pang karamdaman.

 Palagiang magdala ng payong bilang proteksiyon sa init


ng araw o sa ulan.

 Gumamit ng makapal na damit tuwing taglamig at


manipis na damit tuwing tag-init.

 Laging magdala ng tuwalya o panyo. Ito ay makatutulong


para mapunasan ang pawis at patuyuin ang bahagi ng
katawan na nabasa ng ulan.

 Panatilihing malinis at ligtas ang ating paligid. Maglagay


ng powder sa katawan upang maiwasan ang pagkairita
ng balat tuwing tag-init.

 Uminom ng maraming tubig at fruit juices upang maiwasan


ang sipon, flu, at iba pang karamdaman.

6
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap na nailahad sa


ibaba at piliin ang angkop na pangungusap. Isulat ang titik
lamang sa kahon.

Magandang Panahon Masamang Panahon

A. Manatili sa bahay

B. Maglaro sa labas ng bahay na may pahintulot at paggabay


ng magulang.

C. Magdala ng kapote at payong.

D. Maghandang lumikas kung kinakailangan.

E. Mainam maglaba ng damit at magpatuyo ng palay o mais.

F. Gumamit ng payong kapag naglalakad sa ilalim ng init ng


araw.

G. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon tungkol sa lagay ng


panahon.

H. Gumamit ng kapote at payong kung umuulan.

I. Gumamit ng sweater o makapal na damit tuwing taglamig.

J. Manatili sa loob ng bahay kung masama ang panahon.

7
Isaisip

Paano mo pinoprotektahan ang iyong sarili mula sa pabago-


bagong panahon?

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita. Hanapin


ang sagot sa kahon.

bahay lagay ng panahon kuryente

payong sunblock lotion at shades

1. Manatili sa loob ng ____________________________ tuwing


tag-ulan at kung kinakailangan.

2. Makinig o manood ng _________________________ upang


laging maging handa.

3. Gumamit ng __________________________ kung lalabas ng


bahay at kung mainit ang sikat ng araw.

4. Patayin ang ________________________________ kung may


malakas na hangin at ulan dulot ng bagyo at lalo na
kung babaha.

5. Gumamit ng __________________________________ tuwing


lalabas sa bahay o pupunta sa beach resort upang
maiwasan ang sunburn at nakakasilaw na sikat ng araw.

8
Isagawa

Paano mo napapanatili ang iyong kaligtasan at kahandaan


sa pagbabago ng panahon?

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin


ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Ano ang dapat gawin ng isang mangingisda o magsasaka


kung may bagyo?
a. Lalabas ng bahay at magtatrabaho.
b. Maglaro ng basketball.
c. Manatili lamang sa loob ng bahay.

2. Anong bagay ang dapat na dala-dala mo tuwing tag-init o


tag-ulan?
a. payong b. salamin c. bota

3. Ano ang angkop na isuot tuwing taglamig?


a. Damit na manipis at magaan.
b. Makakapal na damit.
c. Damit na makapal at may madilim na kulay.

4. Anong uri ng inumin ang nakakatulong upang maiwasan ang


pagkakaroon ng sipon, trangkaso o iba pang uri ng
karamdaman?
a. serbesa at alak
b. tubig at juice mula sa sariwang prutas
c. champagne at gamot

5. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang


pagkakaroon ng sipon, lagnat o trangkaso sa panahon ng
tag-ulan?
a. lumabas at magshopping
b. lumabas sa bahay at maglaro
c. manatili lang sa loob ng bahay

9
Tayahin

Panuto: Gumuhit ng masayang mukha (☺) sa patlang kung


ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang gawi sa wastong
paraan ng paghahanda sa pagbabago ng panahon.

_________1. Paglangoy sa baha.

_________2. Pagbababad nang matagal sa gitna ng init ng araw


habang nag-eehersisyo.

_________3. Pag-inom ng tubig na hindi aabot sa 8 hanggang 10


baso araw-araw.

_________4. Pagpapaliban sa mga gawaing panlabas gaya ng


outing kung may bagyo.

_________5. Pakikinig o panonood ng lagay ng panahon.

_________6. Hindi nag-aatubiling lumikas kung kinakailangan at


lumipat sa mga mataas na lugar kung may banta ng
pagbaha.

_________7. Pananatili sa loob ng bahay kung kinakailangan upang


masigurong ligtas mula sa panganib na maaaring dulot
ng malakas na hangin.

_________8. Pagdadala nang payong kung lalabas ng bahay


upang maging handa sa maaaring pag-ulan o sa init
ng araw.

_________9. Pag-inom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig at juice


mula sa sariwang prutas upang hindi madaling dapuan
ng sipon, lagnat o trangkaso.

_________10. Pag-iwas sa pagbabad sa init ng araw. Laging


gumamit ng sunblock lotion at pulbos para maibsan
ang balat mula sa init ng araw.

10
Karagdagang Gawain

Ano-anong mga panahon ang nararanasan sa inyong


pamayanan o komunidad? Magtala ng (2) dalawang halimbawa.
Isulat ang wastong paraan ng paghahanda na inyong ginagawa
sa mga panahong nabanggit o itinala.

1. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

11
12
Karagdagang Isagawa Tayahin Isaisip
Gawain 1. bahay
1.c 1. 6. ☺
Answers may vary 2. lagay ng panahon
2.a 2. 7. ☺
3. 8. ☺ 3. payong
3.b
4. ☺ 9. ☺ 4. kuryente
4.b
5. ☺ 10. ☺
5. sunblock lotion at shades
5.c
Pagyamanin Pagyamanin
Magandang Panahon Masamang Panahon
 B  A
 E  C
 F  D
 H
 G
 I
 J
Tuklasin Balikan Subukin
A. 1.tag-init B. 1. Tama
1. 1.tag-ulan
2.
2.mahangin 2. Mali
2.tag-init o tag-ulan
3. 3.tag-ulan 3. Mali
3.tag-init
4. 4.bumabagyo 4. Tama
4.tag-ulan o taglamig
5. Tama
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

 K to 12 Science Curriculum Guide August 2016,


Grade 3 p. 41
 -SCIENCE_TG_Q4_GRADE3, Author: Anne Marie Antoinette
R. Almayda, Ed. D. Master Teacher I Albay Central School,
Legazpi City Division Region V
 Let’s Explore Science for Daily Use Grade 3
 Cyber Science rev. Worktext in Science and Technology 3
 Science 3 Curriculum Guide Planner, Q4-Unit 2
 Science Links 2 Work Text in Science and Health for Grade 3,
pages 331-335
 LRMDS pictures
 http//www.saching.com

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like